Sunday, November 30, 2008

UP December Events

Para sa mga free this December, punta lang kayong UP (biased ako sa College of Engineering activities syempre):

December 2 (6 PM) - Pag iilaw 2008

December 5 (9 AM) - Writers Day, UP Institute of Creative Writing

December 9 (6 PM) - Karol Fest 2008, UP Theatre

December 11 (6 PM) - JamEng'g, UP Film Institute

December 12 (6 PM) - Dulaang Engineering, UP College of Engineering Theatre

December 13 (7 PM)- UP Para sa Bayan, UNiversity Avenue, Organized by the UP Alumni

December 15 (6 PM) - Indakan, UP Film Institute

December 16 (6 PM) - MASKIPAPS, UP College of Engineering (Melchor Hall) Steps

December 17 (4 PM) - Lantern Parade, Acad Oval

December 17 (6 PM) - Ms. Engineering, UP Theatre



Kitakits! Mabuhay ang mga Isko at Iska!

UP Lantern Parade 2008

December 17, 2008 - 4 PM, Acad Oval, Wednesday!

Ms. Engineering (yey!) @ 6 PM, UP Theatre

Kitakits tayo UPeeps!

Thursday, November 27, 2008

Happy Thanksgiving Day!


Here's to the Americans and American-wannabes! Enjoy the turkey!


Happy Birthday sa aking nanay-nanayan sa Intel Makati dati - Ate Mayeth

Wednesday, November 26, 2008

Babies Galore!


Never ending ang list ng mga kakilala ko na buntis at kapapanganak lang. At never ending din ang list ng mga aanakin ko kasi lagi akong kinukuhang ninong. Always a ninong.


Ka ym ko ngayun yung isang UP-IE kada ko at 2 months pregnant cya. Di pa ko nagsasalita, inunahan na ko, ninong ako.

Yung isang friend ko from Dubai (churchmates ang moms namin) manganganak na cya end of December at tumpak, ninong na naman ako.

Another good friend na naging officemate ko sa Intel is expecting her first baby come February next year. Hindi pa cya nagbubuntis kinontrata na nya ako bilang ninong.

My LSGH Tropa, Amiel Noli aka Utak announced to our barkada that he has gotten his babe (that’s how he calls his wife) pregnant and lahat kaming tropa, ninong.

My sister in law (Kuya Dario’s betterhalf) just gave birth a week ago to their 3rd child (my 19th pamangkin) at oo, ninong pa rin ako.

Another UP-IE kada and constant companion pauwi (during our UP days)just gave birth about a month ago. Ninong ulit ako.

Dalawa sa mga childhood friends and kapitbahay still ko ang kapapanganak rin lang (ng mga misis nila) this November. Feeling ko any moment kakatok na sila sa pinto naming para sabihing ninong ako ng mga anak nila.


As of this writing, 36 na silang mga inaanak ko and counting still. It’ll never end for sure. I’m always the favorite ninong.

Nineteen ang mga pamangkin ko (care of my beloved Kuyas and Ates) and more to come, I’m expecting about 10 from Leroy.Whew!

My lifelong friends (Annie and Kerwin) malamang magkakaron na rin soon.

More babies and inaanaks to come. Dami ko pang ine expect na magkaka anak soon.

Ako? Matagal pa siguro magkakaron ng kapatid si Cairo, mga 3 months from now pa.Hehehe !


Btw, Catlas, my cat, is pregnant too. Hindi ako ang ama.Mamatay na!Hahahaha!

Monday, November 24, 2008

Bakit single ka pa?

Highschool classmate: What’s up with you?
Me: Oi, Bert! Tagal ka na nga naming hinahanap. Buti natunton mo kami? I’m doing great eto tatay wannabe. Ikaw ba?
Highschool classmate: Really? Tatay ka na din? How’s married life? Who’s the wife?
Me: I’m not married, nagka love child lang? The mother is married to somebody else not me.
Highschool classmate: Bakit ganun? What happened?
Me: It’s a long and sad story. I tell you, it’ll beat up Maalaala mo Kaya stories.What about you?
Highschool classmate: I won’t ask further. I’m married with two kids, both boys. How’s your kid?
Me: He’s doing great, schooling.
Highschool classmate: Lasalista din?
Me: No. Rival school.
Highschool classmate: Wala ka pa balak mag asawa?
Me: Wala pa.I mean, wala naman aasawahin.
Highschool classmate: Maghanap ka na. We’re not getting any younger. Para may katulong ka din sa pagpapalaki ng anak mo at may inspiration ka sa buhay other than your kid.
Me: Easier said than done. I’m still waiting for the right girl.
Highschool classmate: Ok ka lang? Parang gusto mo pa ata ikaw ligawan ng mga babae. Pihikan ka naman
Me: Nope. Don’t take it literally. Ibig ko sabihin, hindi ako nagmamadali sa pag aasawa. Afterall, wala naman expiration ang pagaasawa. I can marry at age 75 if I want to.
Highschool classmate: Ang hirap nun pre. Parang di ko kaya yun.
Me :My son’s already 9 years old, tingin mo di ko nakaya?
Highschool classmate: Pare suggestion lang. If I were you, maghahanap na ako ng misis.Maganda din lumaking may mother figure na kilala yung bata at may katulong ka pag aalaga.Di ka ba nalulungkot? Hirap ata mag isa pre.
Me: May mommy naman anak ko yun nga lang we’re no together. My son knows everything he needs to know and he’s Ok with that. I’ve explained everything to him with all honesty.And thanks for your suggestion. Come what may.
Highschool classmate: Ok pare suko na ko di kita mapipilit. Pero go and find one. I hope I did not offend you.
Me: Nag ka migraine sa sakit ng ulo ! Bwiset!


My two cents : I just can’t understand kung bakit kailangang i-pressure ako ng ibang tao (those people who don’t know me well). Being single still at the age of 29 (I’m going 30 next month) doesn’t make me less of a person.I’m still enjoying singlehood and I think I’m a cool single dad.Hehe!

I don’t want to preach here but all I can say is that I want to make sure that I’m better prepared (financially, physically, emotionally, and psychologically) before walking down the aisle. And if that doens’t happen, I will not regret it, I hope. My son is all that matters to me right now. He is my life.

Tuesday, November 18, 2008

Just for a good laugh

Classic Melanie Marquez lines na cya lang ang pwedeng mag deliver…

*****

“Hindi. Nakalampas na ako sa Immigration. Hindi nila ako nakilala,” ani Melanie.

“Imposible. Imposibleng hindi ka nila nakilala,” ang nag-aalala pa rin na sabi ko.

Humihingal pa rin si Melanie nang sumagot ito, Jo, huwag kang mag-alala. Hindi nila ako nakilala. Nag-disguise ako!”

Bahagya kaming natigilan sa sinabi ni Melanie. Para hindi siya makilala ng mga immigration official, siguradong perfect ang kanyang disguise.

“Talaga? Anong disguise mo,: ang balik-tanong ko kay Melanie. Ang kanyang sagot? “Nag-disguise ako na model!”

*****

Pagkatapos naming kumain, inimbitahan ako ni Melanie na manood ng sine.

“Ano ang panonoorin natin?”

“May nagsabi sa akin na maganda raw ang pelikula ni Sandra Bullock. Panoorin naman natin,” ang excited na sabi ni Melanie.

Anong title? “Miss Congenital“ ang walang kakurap-kurap ang mata na sagot ni Melanie.

*****

(While she's in Morning Girls With Kris & Korina promoting her movie with Aleck Bovick) Please watch HIRAM starring Aleck Baldwin (referring to Aleck Bovick) and myself. It's DIRECTOR by Romy Suzara.

*****

(After giving birth, and an interview on The Buzz) My answers have been prayered!

Sunday, November 16, 2008

Thought for the day

Ang paaralan ng isang tunay na mag-aaral ay ang lipunang kanyang ginagalawan. Ang kanyang guro ay ang mamamayan. At ang kanyang pagsusulit ay ang pagsasagawa ng mapagpalayang pagkilos.

Tuesday, November 11, 2008

Alarming


The bank robbery at UP Diliman in broad daylight. Criminals fear nothing and no one. Possible risk din ito sa mga estudyanteng nag aaral sa UP or sa kahit sinong sibilyan for that matter. Sana ibalik na ang death penalty! Sorry PRO Life people but we have to put an end in it.


Delaying tactics of Joke-joke Bolante. POM – Pathetic Old Man and A More Pathetic Justice System and Government Officials!


The left and right corruption in PNP as told by GMA 7’s Reporter’s Notebook. I bet every single agency in the government has the same story to tell. I'm certain about this.


Ang pahirap ng pahirap na kalagayan ng mga mababang uri ng mamamayan at ang payaman ng payaman na mga opisyales ng gobyerno.


The most alarming of them all, Binay announced bid for presidential election and Jinggoy considered running for VP. Go figure!



PS: Congrats kay BF for winning the Celebrity Duets. He is my bet also, but not for presidential election. I still believe in Gordon.

Tuesday, November 4, 2008

Mixed Nuts

History made as US elected the first black American President – Barrack Obama. Congratulations!

SWS survey revealed that approximately 73% of the Pinoy people didn’t care about the US Presidential elections. Totoo malamang, hindi naman kasi nito masusulusyunan ang kasalukuyang kahirapan sa Pilipinas and if I may say, uunahin pa ba nila ang pakikialam sa ibang tao kaysa sa kumakalam na sikmura?


*****


Galit na galit ako dun sa teacher na namalo ng estudyante sa school kahit ano pang mabigat na dahilan ang nagawa ng bata. GRMC pa ang tinuturo ng gago aka Julio Importante. Kung ako ang masusunod, dapat an eye for an eye ang parusa. Hindi lang kasi physical na pananakit ang dinulot nito sa bata. Nagkaron ng fear yung bata na pumasok sa school, she stopped schooling. A mere (insincere)sorry would do no good, damage has been done and things will never be the same, especially sa part nung bata na posibleng masira ang kinabukasan ng dahil sa taong (animal?) na dapat sana ay gumagabay dito.


*****


After the MB Princess of the Star tragedy, isa naming trahedya. As of this writing, 39 people were reported dead. How many more to come? Tiyak another sisihan ang mangyayari yet hindi pa rin ma reresolba ang kung ano mang problema mayroon. Kelan kaya tayo matuto? Hindi pa ba sapat ang mga leksiyon na natutunan natin from the past tragedies? May they rest in peace!


*****


November 1, 2008 marked the dreadful NLEX road mishap.Sinasadya man o hindi, may nagkasala at may guilty. May kapabayaan na nangyari at may dapat managot.may there be lessons learned.


*****


Nakawan sa mga kilalang personalidad. Alfie Lorenzo and Willie Revillame. Andami kasi nilang kayamanan e, dami tuloy gusto maki share ng blessings!


*****


Panglima ang Pinas sa isinagawang survey ng Gallup International tungkol sa pagkagutom. Marami talagang nagugutom sa Pinas but we shouldn’t alone blame the government for that. Halos lahat kasi ng negative things na nangyayari sa Pilipinas sinisisi sa gobyerno without thinking twice kung ano ba talaga ang ugat ng mga pangyayari. Anak kasi ng anak kahit wala naman mapapakain tapos sa gobyerno iaasa ang buhay at sisisihin pa kung bakit ganun ang buhay nila. Wala sa kahit kanino ang kinabukasan ng isang tao kundi sa sarili nila.

Sunday, November 2, 2008

Busy as a bee

Grabe, sobrang busy ko lately (oo nagiging busy din kaya ako!) eto pa matindi dyan, busy ako dahil sa work, yung totoong work. Grabe kasi pressure ng boss ko. Ang hirap kasi nya i-please, sobrang perfectionist e mali-mali ako.

Nag gawa ako ng PowerPoint presentation para sa board meeting this coming Friday. Deadline ko ngayun at tapos na cya kaya eto naka blog na ko ulit. In less than two weeks natapos ko yung 55-slide presentation (salamat sa mga nag contribute ng mga data na kailangan ko). Mag rereview na lang ako later until presentation kasi ako rin mag pe present ng gawa ko. Sana maging maayos ang lahat kundi lagot ako sa boss ko.

Belated Happy Halloween nga pala! Syempre umattend ako ng Halloween party at hindi ako masyadong nag abala sa costume. Nag spiderman outfit lang ako.Hehehe.

I also found time to go to the church (my ummm, 6th time this year, sana maka sampu ako bago mag 2009) para mag dasal para sa mga namayapang mahal sa buhay including my two lolos, two titos, one tita and my bestfriend. I also prayed for others’ as well for eternal peace para pag patay na ko may mag pray din sakin.naks!

Sa susunod na lang yung ibang trip down the memory lane posts pag hindi na ako masyadong busy.Ciao!