Ingredients:
Squid
Ground pork
Carrots, minced
Celery, minced
Onion, minced
Black pepper
Garlic powder
Oyster Sauce
Salt
Soy sauce
Vinegar
Ginger
Egg
Cornstarch
Procedure:
1. Lutuin yung squid na parang adobo. Yung malalaking squid ang bilhin, binili ko mga kasing haba ng ruler, nung naluto kasing haba na lang cellphone ko. Soysauce, vinegar, garlic powder, ginger, onion, pepper mixture. Wag masyadong malambot. Tama lang na maluto at mawala ang lansa.
2. I-drain at i-set aside.
3. Igisa ang onion, tas ilagay ang ground pork, palambutin maige.
4. Pag malambot na, ilagay ang carrots at celery.
5. Timplahin using salt, oyster sauce and pepper.
6. Palamigin. Pag malamig na. lagyan ng isang egg at 1 tbsp of cornstarch para mag bind yung ground pork mixture.
7. Palamanan yung squid using the ground pork mixture. Isiksik maige sa loob ng squid.
8. I-seal using a toothpick.
9. Mag-bate ng isang egg sa isang lalagyan, sa isa pa mag lagay ng cornstarch, pepper, salt mixture.
10. Ibabad sa egg yung squid at i-roll sa cornstarch mixture bago i-deep fry.
11. Drain sa paper towel pag luto na at i-serve with banana ketchup or sweet and sour sauce.
Happy Eating!
5 comments:
di ko na niluluto ang pusit kasi lumiliit nga; try din mag-add ng giniling o tinadtad na hipon pampalaman. yung binder, da best ang cassava starch, better sa cornstarch. :))
seafood nanaman!!! =D
naku, di papala ako nakakaluto ng isa mong recipe, as I want to do. one of these weekends mag luluto na ako. thanks for the recipes dom! :)
@ Chingoy, noted po. cge try ko minsan cassava starch
@ Engel, allergic ka sa mga seafoods?
@ Zai, dapat yung mahirap hirap ang lulutin mo.
sige, pramis :)
Post a Comment