Palabok ala pobre
Ingredients:
1 pack bihon noodles
1 pack Mama Sita's Palabok Mix
1/4 kg. minced pork
1/2 cup of chicharon
2 boiled eggs
1/2 cube of knorr shrimp flavor
1/2 cup of minced garlic
1 onion minced
Water
Oil
Fish sauce
Salt
Pepper
Procedure:
1. Lutuin ang bihon. Magpakulo ng tubig, pag kumulo na, ilagay ang bihon at pakuluan for 3 minutes. I-drain at i-set aside. Huwag i-over cook.
2. I-brown ang garlic sa 1/4 cup ng oil. Set aside.
3. I-prepare ang palabok mix according to package direction. Set aside.
4. Igisa ang onion sa oil. Isunod ang giniling. Lutuin for 3 minutes.
5. Lagyan ng 1 to 2 cups of water at pakuluan for 10 to 15 minutes or hanggang mag evaporate lahat ng liquid at lumabas ang konting oil ng pork.
6. Ilagay ang palabok mix at shrimp cubes. Timplahan using fish sauce/salt (kung hindi pa masyadong maalat) at pepper.
7. Hanguin kapag nag thicken na yung sauce.
8. I-arrange ang bihon sa serving plate. I-top ng palabok sauce sa ibabaw at ilagay ang sliced eggs, garlic at chicharon sa ibabaw.
Happy eating!!!