Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts
Sunday, June 17, 2012
Daddy Yo!
Happy father's day Domjullian!
Happy father's day to my dad, my brothers Raf, Dario, Andre and Leroy, Brothers-in-law, Uncles, Daddy friends, daddy bloggers - Kuri, Chinggoy, Aajao.
As Lou Albano puts it, all fathers have a certain peculiarity, which is endearing but really embarrassing. It can really damage you mentally and occasionally drive you nuts, but there’s nothing you can do about it. After all, dad wouldn’t be dad without these little personal details. It irks you to death but you learn to love it anyway. It’s what makes your family a family.
Sunday, May 13, 2012
Lahat ng nanay astig!
Happy, happy mother's day sa lahat ng mga ina!
To my mom, I will forever be in debt, grateful and proud to be your son!
To my sisters, you both rock!
No language can express the power, and beauty, and heroism, and majesty of a mother's love. It shrinks not where man cowers, and grows stronger where man faints, and over wastes of worldly fortunes sends the radiance of its quenchless fidelity like a star. ~Edwin Hubbell Chapin
Sunday, June 19, 2011
Recipe: Domjullian's Honey Chicken
Pinagluto ko ang daddy ko ng honey chicken
Nasarapan ang daddy ko sa honey chicken sa isang chinese resto na kinainan namin last month. Dahil fathers day ngayun, ginaya ko yung luto at eto ang isa sa mga inihanda ko para sa daddy ko.
Ingredients:
1 kg chicken breast fillet
250 grams honey
3/4 cup grape vinegar (originally rice wine vinegar ito, pero dahil wala kaming rice wine vinegar, ito ang substitute, pwede din ang apple cider vinegar)
Salt
Pepper
Cornstarch
Minced ginger
Minced garlic
Garlic powder
Onion
Eggs
Butter
Cold Water
Oil
Sesame seeds
Procedure:
1. I-marinate ang chicken breast fillet na hiniwa into bite sizes sa salt, pepper and garlic powder for atleast an hour or overnight para malasa ang chicken.
2. I-prepare ang batter. Mag mix ng 2 cups ng cornstarch, 1/2 cup ng cold water, 2 eggs, salt and pepper. Haluin maige hanggang matunaw ang cornstarch. Use less water kung gusto nyo ng mas thick na batter
3. Ilagay ang marinated chicken at hayaan for atleast 30 minutes para ma absorb ang batter.
4. Iprito ang chicken until golden brown at i-drain sa paper towel. Set aside.
5. Sa sauce, mag tunaw ng butter sa sauce pan. Igisa ang 3 tbsp. garlic, 1 medium size chopped onion and 2 tbsp. ginger.
6. Ilagay ang honey at grape vinegar. Hayaan mag simmer for atleast 3 minutes. Wag haluin.
7. Mag tunaw ng 1 to 2 tbsp ng cornstarch sa malamig na tubig at ihalo sa sauce para mag thicken. Mas maraming cornstrach mas thick.
8. I-adjust ang lasa using salt and pepper.
9. Ilagay ang chicken at haluin para ma coat ang chicken ng sauce. Budburan ng sesame seeds sa ibabaw at ihain.
Happy eating!!!
Happy fathers day sa lahat ng mga tatays! Sa daddy ko, sa mga kuyas ko, titos, pinsans, dead lolos, friends, kay kuya Jon Magat, Chinggoy at Kuri!!!
Tuesday, May 31, 2011
You will be missed
Hindi ko alam na may friendster pa pala ako, akala ko na delete ko na ito long time ago dahil hindi naman talaga ako fan ng mga ganyan. Anyway, inexport ko lahat ng mga natira sa friendster ko pati ilan sa mga comments/testimonials ng mga kaibigan. Natawa ako kasi halos lahat sila dalawa ang impression saken, either mapanlait o suplado:
- from a college friend: pati kami nagagaya sa mga MAPANLAIT nyang tingin ....lolz...(OA lang cya readers, very naive kaya ang tingin ko)
- from a super yaman college tropa: Lets do the sunken garden and lagoon adventures pag balik ko ng Manila. Miss the old times and the good times...(ibig sabihin ng adventures: mamboso sa mga nag la loving loving)
- from an old gimik friend: On the serious note, this guy is one of my closest buddies. A person who listen and make his way to be there when you needed him. Most of our gimiks proved that beyond the laughter and the talking, strong bond of unpretentious friendship established. I'm happy to found someone like him in this lifetime. A good friend...(yan ang testi!lol!)
- from a college blockmate: This dude is a great mimicker! Cool ito, Ok ang sense of humor and very intelligent - Math 53 virtuoso. Way back in college i could still remember isa ito sa mga maiingay na stude...shempre including me =) hehehe! (nahawa lang ako ng kaingayan sayo!)
- from the eldest brother: bunsoyyyyyy
- from a college tropa: kaladkarin, lalaking pok-pok at hitad. (only the kaladkarin part was true. :P)
- from an orgmate na mukhang panda: Ito yung tawag ng tawag skin ng PANDA BEAR nung college days namin s UP ewan ko b kung bakit? Ciya, c roger at ib pang taga org ang mga kbuddy-buddy ko.(mis ko n nga kyo eh). This man is a true leader in his own rights because he can devote his life into serving other people...ky nga kaibigan ko.gnun?Pare ingat k. I wish u all the best !!!
- from a college tropa: Sobrang Ok, maging friend 'tong c sid! Aside from being nice (and matalino), super enjoy pang kasama, walang dull moments pag kasama nyo sya..Ok kakulitan at kasama ko rin yan sa pang lalait ng mga taong ayaw namin. Kisses for Cairo. (di ako nanlalait, honest lang talaga ako)
- from a college blockmate, friend and one of the closest girl friends: hi!!! haba ng testimony mo sa akin ha... promise pare nde na me magiging biba! hay!!! napaka-suplado ni2ng guy n i2, ewan ko kung bkit? d first tym i get 2 knw him, sobra! feelin ko nde ko cia makkasundo, as in!!! dun ko lng na-prove n super duper bait at sweet ni2ng boylet na i2, ka-buddy buddy ko i2 s mga gimikan, at lagi ciang go pag-niyaya mo. he nver disappoints me evrytym we invite him sa mga gig. e2 pa nkk2wa, naging crush nya daw me??? oh my god!!! nalaman ko lng b4 we graduated. i tried to tempt him many tyms kya lng, nde pwede, pretty girl naman ako hehehe... khit na ganun, mahal ko yan as in!!! e2 ang pinaka-mayaman sa tropa, kaya sobrang gimikero nyan. seriously, i rily enjoy being wid him & he's rily nice 2 b wid. gus2 kta tawagin sa mga endearment natin kya lng bka maging biba nnman me, at itakwil mo na ko hehehe... update mo n lng me ng mga gmik natin ha!!! take care of my inaanak.
- from a college blockmate: well, si Sid, at first kala ko suplado to the max, but when i got the chance to meet him and be his classmate in college, cool na cool, matalino and laging naka smile o d b! kaya no doubt na naging close friend sya ng aking beautiful friend na si ivy. :-) (kasi kilalanin nyo muna ako bago maghusga! :D)
- from a college blockmate: Pinakamagaling sa batch, kaya nga top 1 sa department eh, henyong humble, magna cum laude na hindi halata, supladong very friendly, presidenteng di mo akalain na presidente, kickass editor na mukhang bano sa english (peace!), sarcastic yet funny. dami mong ironics sa buhay.hahaha.
- from a high school classmate: Idol! Vale pero di mo nakikita nag aaral. Kunsintidor kasi mahilig magpakopya. El presidenteng pasimuno ng ingay at gulo sa 4A. (well, if you can't beat them, join them, diba?)
- from an old friend: Thank you for coming last Friday..thanks din po sa macaroni salad..yumyum.:)
- from a college classmate: isnabero :) (isnabera ka din naman! tie lang tayo)
- from a high school buddy: musta n? d k n ppramdam huh! nagkita daw kyo n leo ang payat mo n daw..... no secret share mo nmn like ko din pumayat....;)
- from an old college GE classmate: tnx ha...touched tlaga me seo...khit tagal na nating wlang comu at di nagki2ta, u still care....tnx tlga fwend...mmmwuah....
- from an ex-neighbor: Oi yan thank you... Jan pa ba kayo sa San Jose? Lagi nagkikita sa palengke si mama mo at si nanay!!! Ur always included in our prayers...God Blesss!!
- from a high school friend: One of LSGH's finest. Tunay na lasalista! the whole batch is very proud of you! Animo verde!!!
- from a college blockmate & buddy: oi blated happy beerday! ngaun lng ako nkapagonline e.. bagong laya kmi kc wala na kming work kc mga baliw ung mga amo namain.... painum k naman! ingat lagi kayo ni Cairo, utang muna regalo sa inaanak ko...
- from an ES 12 classmate: Sid Angat dam ulit? Tangnang ES 12 yan, nakakatrauma...(nightmare!)
- from an old college GE classmate: miss u lolo sid!!! labs yah and cairo...
- from a childhood friend: huy yan-yan kamusta ka na!! buti naman kilala mo pa ko!! ano na balita sa yo? (nag migrate na kasi cya sa Canada)
- from a college classmate: three words: suplado, sarcastic, smart
- from a lifelong friend: i consider u as one of my best friend me mga times na masyado akong down lam mo un ikaw ung una kong tinawagan magulo d ba? importante rin ang mga ssabihin mo saken at salamat kc never mo rin akong iniwan kc pg kausap kita na22wa ako lam mo un ha? kc d ba nga d ko akalaing mggng ganun tayong ka close kaya labs kita e..22ong tao ka kc alam mo ung mga kaartihan ko sa buhay ...madalas pa nga mgkasabwat tayo eh..kc madalas ngccnungaling ka e..hahahahahaha....dahil labs kita at si cairo d kita ipinagkanulo....never akong ngbbgay ng testi... kaya lang napilitan lang ako alam mo na kc malapit na birthday mo..nakakahiya naman sayo...basta lam mong d2 lang ako kaya lang baligtad yata kc ako ung mas madalas 2mawag at nghhsteria..pro sa 22o lng dom labs kita talaga chaka kaya me trust ako sayo...
- from another lifelong friend: Manlalait! Pero he does it in a very funny and endearing way kaya nakakatuwa. Alam ko naman kahit mapanlait ka may golden heart ka. At nabasa ko mga testi, true enough aside from being manlalait, dakilang suplado ka din.Kitakits sa tambayan. Mas pogi si Cairo kesa sa iyo, tanggapin mo na...(tied for first place sa kapogian, pwede?)
- from a neighbor: sabay nating ipromote ang kagandahang asal dito Looban City Executive Village natin. Dentro dela Ciudad forever!!!
- from a college blockmate: this dude is so cool, super kulit at unang impression ko dyan kay sid suplado pero nung naging close kami grabe sobra palang kalog.... masarap kausap yang si sid lalo na pag ang topic eh sex at mga taong gusto namin pintasan he he he. sid miss ko na kau miss ko na ang tropang smashing pumpings tama b? he he watever basta kaung lht hope to see you and cairo soon ... stay cool (pag sex ako talaga?)
- from the ex and Cairo's mom: Cairo's so you (well not really because he wasn't as suplado as you). Super makulit and bibo. He's lucky to have you as his dad. I know you will be a good one. (hu u? juk lng! :P)
- from the neighbor, again: Wala na tayong source of entertainment. Its so sad :( (lumayas na kasi yung kapit bahay namin na laging nag eeskandalo)
- from a lasingan buddy: hirap palang mandaya sa tagay..bumabalik sau..hehe..si yan kahit dayain mo di mo tlga malasing (mahirap dayain ang expert sa pandaraya!)
- from a college orgmate: Si Sid?! Simply d Best!!! (naks) Ay naku, simula ng maging ka-close ko tong si sid, palagi na lang akong tumatawa, kakaiba ung mga punchline nya ang lulupit. Minsan nga sa tambayan namin, tahimik lahat dahil pagod at pawi na, sabay bumanat ba naman ng joke, sus! hanggang sa pag-uwi ko tawa ako ng tawa.Nwei, Sid stay cool ha. Kala ko nga nun suplado ka, un pla maluwag din ang turnilyo mo sa utak (tulad ko) hehehe (suplado lang ako per di maluwag turnilyo ng utak ko!)
- from the youngest sister: wow si technophobic may friendster pala!
- from a college professor: One of the best products of Melchor Hall and one of the few students who deserved my 1.0. (lasing siguro si Sir noong ginawa to)
- from a high school classmate: Miss playing futsal and basket. Tara?
- from a Math wizard college classmate: I've known him since college..very sweet and intelligent esp sa news writing..editor nga to nung isang newspaper sa skul kaso lng patay gutom ang office nila!!..hahaha..singliit ng posporo!!..at least my office..=)) I know even if we dont see each other in a very long time, the friendship remains =))
- from a college tropa (smashing pumpings!): What can I say bout dom aka sid b?! dom/sid is one of my friends whom I'm not gonna forget and give up despite being apart kc i love him so dearly. nice! (dom/sid what can u say bout that? come on!) d b i used to tell u that i admire u for having that great sense of intelligence. lalo na pag dumali na yan ng english. patay n! ska pag ksma mo c dom e better prepare your self for some unexpected actions he might be doing. kapag naglalakad kami bigla na lang yang sasayaw, na hindi mo malaman kung saan nakuha ung steps nya. hahaha! i terribly miss that dom/sid! ska sobrang miss ko na din ung pag-iimpersonate natin s ibang tao. grabah!ska sobrang todohan tlga kung magkwentuhan kami ng tropa. kahit ata san sulok ng UP e pinapatos. Keep it up daddy Sid, do take care of Cairo.
- from a high school tropa: Dominic's a gud friend of mine since highskul (animo!) and until now we always kip in touch tru text and d2 sa friendster.We also have d same college alma mater-UPd (our beloved!). Certainly,isa sya sa mga food crashers ng aking baon nun highskul!As a student,he's so hardworking,and intelligent.He's also active in some organizations.As a friend,very supportive and loyal yan at di yan nkkalimot sa mga friends niya like me...haaay,dom 'hope u'll stay that way!friends 4ever!Godbless...
- from a high school classmate: tutor ng bayan! henyo ng masa!
- from a high school classmate: boy henyo ng batch. valedictorian pero sobrang gago. Pasimuno lagi ng gulo. Animo!!!
- from a highschool tropa: haba birdie domeng!!!! pa-canto't tinapay ka naman!
- from my brother: Leroy was here!
- from an ex-officemate sa 1st and last decent work: The first tym I met him, i thought we'll never be friends as in!! sobrang suplado effect. we got close tapos wala kme ginawa dun kundi kumain..kumain.. at kumain p rin!!
- from a college classmate: I've been close with this guy when we were on our terminal year in college.ang pinaka-hate kong maging groupmate, dahil ang tingin ko sa kanya before eh napakasuplado at hindi approachable...but it changed, when our group had enough bonding during those sleepless nights in bulacan. sabi ko nga eh! " maraming namamatay sa maling akala".how i wish that we could bring back the old times...(ang tatalino nyo kasi, mahirap sumama sa inyo di abot ng IQ ko ang IQ nyo)
- from a highschool buddy: wala akong masabi sa iyo bro! iba ka!lakas ng dating, kakaibang alindog ang dinudulot mu sa mundo.
- from a lifelong friend and best friend: Tol, si Ker to yung bestfriend mo dyan sa tabi-tabi. Dami kong gustong sabihin kaso baka malaman nila mga sikreto natin. E2 na lng, medyo ma drama pro for ayus lng basta para sa iyo. Kabit kaluluwa na tau, sangggol pa lng tau mag bestfriend na tau. Kapatid na nga diba? Opposites attract - suplado ka, very friendly naman ako; mayaman ka, dukha ako, matalino ka, medyo matalino lang ako; pogi ka, mas pogi ako: proud daddy ka, ako wala pa. Halos lahat ng bagay nasayo pero sobrang humble pa din. Tol, salamat sa lahat. Salamat kasi naiintidihan mo ako sa maraming bagay, sa mga kababawan ko, sa mga katangahan ko. Wag ka mag alala, hanggang maging lolo na tau kaw pa din bestfriend ko. Alagaan mo parati inaanak ko. Punta ko dyan sa inyo ha, pakain! (bro-is!!!)
Salamat sa friendster!!! You will be missed...
Sunday, May 8, 2011
May Celebrations
Happy Mother's Day to my mom, sisters, lola, Cairo's mom, titas and to all the mommies and wannabe mommies out there.
God could not be everywhere, and therefore he made mothers.
Congrats kay Pacman for another victory!!!
Though the fight for poverty will take much more than wearing yellow.
Leroy's son (Pepito Abelardo) will turn 1 on May 24; my 2nd eldest brother (Kuya Andre) just turned turned 42 last May 5, his son (Cholo) will turn 13 this May 14; another nephew (JC - my eldest sister's son) will turn 13 as well on May 26.
Happy birthday guys!!!
Labels:
birthdays,
celebration,
family,
leroy,
nothingness,
pinoy celebration,
pinoy pride,
proud pinoy
Tuesday, November 16, 2010
Family Humor 008
Scene: sa isang toy store, tinawagan ni Rosaleee ang nanay niya using her mobile (take note, tinawagan, mayaman!, super lakas ng boses, dinig hanggang samen.
Rosaleee: Mama, meron na bang tau-tauhan na laruan si Francis (her nephew)?
Paused for a while, listening to her mom.
Rosaleee: Tau-tauhan! Yung Daffy Duck, Donald Duck?! Ganun!
Cairo: Dad, tao ba si Daffy duck?
Domjullian: &5*)&%!# mo! Tau-tauhan daffy duck, donald duck? tao ba yon? ha? ha? ha?
Rosalee: Ano ba dapat? Sponge bob?
Sarap lang iwan.
Monday, September 6, 2010
Family Humor 007
Cairo: Dad, when are you getting married?
Domjullian: why son?
Cairo: Baka kasi magkasabay pa tayo!
Domjullian: WTF!!!
Domjullian: why son?
Cairo: Baka kasi magkasabay pa tayo!
Domjullian: WTF!!!
Friday, May 28, 2010
Baby Pepito Abellardo
Welcome to the world!!!
Baby Pepito Abellardo
May 28, 2010; 3:00 AM; 7.1 lbs
Leroy's first born
Ang newest addition sa fast growing family namin. He is the 23rd apo! More to come!
Congrats dear brother and sis-in-law!!!
Hope you grow up pogi like tito Domjullian...
Hope you grow up pogi like tito Domjullian...
The moment a child is born, the mother is also born. She never existed before. The woman existed, but the mother, never. A mother is something absolutely new.
~Rajneesh~
Tuesday, May 11, 2010
Election 2010
Para sa akin generally OK naman ang 2010 first automated election. Albeit maraming glitches, naayos naman kahit papaano. Kung baga hindi kasing palpak ng inaasahan ng marami ang nangyari kahit alam natin na konti na lang ay aatakihin na sa puso sa kaba ang mga taga Comelec at Smartmatic. Pero hindi pa rin sila lusot dahil for sure, may magrerequest ng audit sa performance nila lalo na ang Smartmatic na sa tingin ko ay malulugi sa dami ng aberyang nangyari.
Dito sa amin, the usual ang reklamo. Mga di tinatanggap na balota, vote buying, wala sa listahan na pangalan, etc. Nakakainis din naman yung mga tao dahil masyado sila hyper pag may nangyaring aberya sa kanila. Pinagbubuntungan ng galit yung mga kawawang teachers na wala naman kinalaman. Yung kapitbahay namin na teacher ang nanay e nagspeech sa precint para ipagtanggol ang nanay nya kasi konti na lang e magugulpi na nanay nya ng mga dukha. Hayyy! Maraming tao pa rin ang salat sa common courtesy at respeto. Kudos sa lahat ng teachers at volunteers ng election para sa kanilang sakripisyo at dedication towards a peaceful election and hopefully, a new, better and well defined government. I lab you all!!!
Sa precint kung saan ako bumoto ayus naman. Almost 1 hour din ako pumila kahit maaga akong dumating sa precint ko. Para lang kaming may family reunion sa dami ng mga kamag anak ko na nandoon. Nagrequest din ako na sa daliri sa paa na lang ilagay yung ink kasi ang pangit tignan, request not granted pero sabi kontian lang ang lagay dahil hindi naman ako mag fa flying voter. Muntik na rin akong mag-amok dahil hindi ko sinasadyang makita yung balota ng katabi ko. Kitang-kita ko na binoto nya si Jajajajamby. Ang sarap lang kutusan ni ate kasi di naman cya mukhang tumatanggap ng 500 pesos at isang kilong bigas. Sabagay, seeing the unofficial results ng election ay makikita natin na ubod pa rin ng dami ang mga tatanga tangang tao. As of this writing, 8 million plus ang boto ni Estrada, 8 million plus ang mga kinulang sa tamang pag iisip. Imagine, kung di tumakbo si Ngoyngoy, lo and behold! Hello Erap ulit ang Pilipinas. Kanina pa pag gising ko sabi agad ng daddy ko na panalo si GMA at si Pacman. WTF x 10 to the 20th power!
Nakaka awa din yung ibang lugar na dumanas pa rin ng karahasan sa botohan lalo na sa Mindanao area. I pity the candidates na gagawin ang lahat para lang manalo at magkamal ng kapangyarihan. Shame on you! Buhay pa kayo, nakasanla na ang mga kaluluwa nyo kay taning.
I voted for Gordon and Mar. Kahit hindi mananalo si Gordon ok lang sa akin. Alam ko na balang araw ay hindi ko sisisihin ang sarili ko dahil hindi ko ibinoto yung sa tingin ko ay tama at nararapat na kandidato. Masaya ako dahil alam kong I made the right decision. Kesa naman sa iba dyan na nagpabayad o hindi bumoto for no valid reason kahit registered naman. Bawal mag-react, ok?
Iba-iba rin ang binoto ng mga tao sa bahay, pero mostly pro-Ngoyngoy sila (may ugating dahilan kung bakit pero hindi ko pwedeng sabihin dito, top secret). Ako at yung isang kuya ko lang ang bumoto kay Gordon. Sa VP lang kami nagkapare-parehas. Most ng mga senador na binoto ko ay nasa top 12. Nakalimutan ko na actually kung sino mga binoto ko dahil wala akong listahan, on the spot ang pagpili ko. Natatandaan ko lang ay sina Revilla, Defensor, Drilon, Enrile, Hontiveros, Osmena, Cayetano. The rest second choice lang. Nilagay ko lang sila para hindi sayang yung slots.
Kung merong isang taong pinakamasaya sa amin, yun ay si Rosaleee. Aside from pagrampa nya sa school kung saan kami bumoto, nag watcher ang hitad. Sayang din ang 2,500 na bayad sa kanya na may bonus pa dahil nanalo ang mayor na pinag watcheran nya. Kung ano ano pang freebies ang nakuha nya gaya ng food (adobo at chopseuy na may kanin at banana tsaka juice, sandwich na may palamang egg salad), libreng t-shirt, pamaypay, etc. Naaliw din cya sa mga kalalakihang naglabas masok sa precint na binabantayan nya. Pansamantalang nawaglit sa isipan nya ang kanyang newest crush – si Bret ng PBB Teen Clash na galit sa bangs! Sulit naman daw kahit hindi nya napanood ang walang kamatayang malapit ng mamatay na Tanging Yaman.
Domjullian: Sinong binoto mo?
Rosaleee: Si Gordon at si Benay
Domjullian: Ako Gordon-Roxas
Rosaleee: Ha? Si Roxas din dapat ako pero wala dun sa balota ang pangalan nya koya.
Domjullian: Tanga, pwede ba yon.
Rosaleee: Hindi ko nakita. Wala talaga.
Domjullian: Manuel Roxas cya! Ano ba yan bingi ka na bulag ka pa.
Rosaleee: Ha? Ano koya?
Domjullian: Wala. Sino binoto mo sa mga senators?
Rosaleee: Si Estrada, si Miriam, si Jun Lozada. Di ko binoto si Bong wala naman nagawa yun.
Domjullian: Tanga mo talaga bakit mo binoto si Jun Lozada???
Rosaleee: Magaling kaya yun, cya yung sa ZPE (sepe-e) diba?
Domjullian: Hindi kapangalan nya lang yun. Tanga-tanga mo talaga. Tsaka ZTE yun hindi ZPE.
Rosaleee: Malay ko ba e magkapangalan sila. Wala naman kasing pecture. Sa susunod di ko na iboboto.
Domjullian: Libre mo ko tutal dami mong pera.
Rosaleee: Koya pambaon ko to sa pasukan.
Domjullian: Walking distance lang ang school kailangan mo ng baon?
Rosaleee: Cge na nga. Pero logaw lang, dun sa Alex.
Domjullian: Cge! Lugaw yon hindi LOGAW! Sumasakit ang bangs ko sayo!
*Tinitigan ako ni Rosaleee. Akala ko katapusan ko na!
Rosaleee: Koya wala ka namang bangs!
Weird talaga tong si Rosaleee pero atleast nagiisip cya, di lang basta bumoto. Good thing e nagshare cya ng blessing pero dapat lang kasi ako nagpasok sa kanya bilang watcher. Hehehe.
Domjullian: Sinong binoto mo?
Rosaleee: Si Gordon at si Benay
Domjullian: Ako Gordon-Roxas
Rosaleee: Ha? Si Roxas din dapat ako pero wala dun sa balota ang pangalan nya koya.
Domjullian: Tanga, pwede ba yon.
Rosaleee: Hindi ko nakita. Wala talaga.
Domjullian: Manuel Roxas cya! Ano ba yan bingi ka na bulag ka pa.
Rosaleee: Ha? Ano koya?
Domjullian: Wala. Sino binoto mo sa mga senators?
Rosaleee: Si Estrada, si Miriam, si Jun Lozada. Di ko binoto si Bong wala naman nagawa yun.
Domjullian: Tanga mo talaga bakit mo binoto si Jun Lozada???
Rosaleee: Magaling kaya yun, cya yung sa ZPE (sepe-e) diba?
Domjullian: Hindi kapangalan nya lang yun. Tanga-tanga mo talaga. Tsaka ZTE yun hindi ZPE.
Rosaleee: Malay ko ba e magkapangalan sila. Wala naman kasing pecture. Sa susunod di ko na iboboto.
Domjullian: Libre mo ko tutal dami mong pera.
Rosaleee: Koya pambaon ko to sa pasukan.
Domjullian: Walking distance lang ang school kailangan mo ng baon?
Rosaleee: Cge na nga. Pero logaw lang, dun sa Alex.
Domjullian: Cge! Lugaw yon hindi LOGAW! Sumasakit ang bangs ko sayo!
*Tinitigan ako ni Rosaleee. Akala ko katapusan ko na!
Rosaleee: Koya wala ka namang bangs!
Weird talaga tong si Rosaleee pero atleast nagiisip cya, di lang basta bumoto. Good thing e nagshare cya ng blessing pero dapat lang kasi ako nagpasok sa kanya bilang watcher. Hehehe.
I used to be a Namfrel volunteer pero not this election kasi nakisabay ang trabaho. Gustuhin ko man ay may obligasyon akong dapat tapusin para sa mga kliyente ko, otherwise walang pantuition ang anak ko na miss na miss ko na at malapit ng umuwi.Yehey! May iba pa namang pagkakataon at panahon.
Sa ngayon nasa 69% na ang pumapasok na boto sa buong Pilipinas. Sana lang maging transparent ang Comelec at ipakita yung breakdown ng mga votes per place or what ever is convenient sa kanila. May point din kahit papano si Erap sa reklamo nya kahit feeling ko dapat masaya na cya sa dami ng botong nakuha nya. Kakapalan na ng mukha kung magrereklamo cya ng pandaraya. By this time siguro, ngumangalngal na si Manny Villar sa sure defeat nya at sa dami ng nawalang pera sa kanya. Hindi na ako magugulat kung mag rereklamo cyang election fraud along with Legarda o kung sabay sila mag suicide. Partly blame Willie Revillame, may kinalaman cya sa pag bagsak mo dahil sa pinagsasasabi at pinaggagagawa nya. Partly lang ha.
Bantayan pa rin natin ang bilangan ng boto sa election hanggang matapos at maki-isa sa pamahalaan ng bagong mamumuno para sa mas magandang Pilipinas.
Yet another history.
Yet another history.
Labels:
advocacy,
cairo,
current events,
family,
philippines,
pinoy culture,
pinoy pride,
politics,
yabang pinoy
Sunday, May 9, 2010
A Rose by any other name
Mother, mommy, mom, mama, inay, nanay...kahit ano pang tawag natin sa kanila, isang depinisyon lang ang maibibigay ko sa kanila: THE BEST!
Maligayang araw ng mga Ina!!!
To my mom, ever selfless. I owe you much and I will forever be proud of you!
To my Lola Adelaida, hold on still. Hindi pa ako ready. Alam kong nahihirapan ka na pero sa konting time pa po, please? Salamat sa pagbibigay mo sa amin ng isang uber cool dad.
To my Lola Beatriz, Salamat po for giving us the best mom anyone could ever have.
To my very own sisters and sisters-in-law, thank you for giving our family cute and adorable kids.
To my very own sisters and sisters-in-law, thank you for giving our family cute and adorable kids.
To Nanay Letty, our loyal kasambahay and 2nd mom, for taking care of us for more than 25 years. We love you!
To my Titas from both mother's and father's sides. I love you all!!!
To my Mommy friends, always be the best mom to your kids.
To the prodigal mom, salamat kasi kahit cybermom ang papel mo sa anak natin, e naging mabuti ka pa rin na mommy. Salamat sa egg cell mo. Hehehe.
And to all the mothers out there. Gratitude multiplied to forever!
I love you all mommies!!!
“You don't really understand human nature unless you know why a child on a merry-go-round will wave at his parents every time around - and why his parents will always wave back.” - William D. Tammeus
“You don't really understand human nature unless you know why a child on a merry-go-round will wave at his parents every time around - and why his parents will always wave back.” - William D. Tammeus
Thursday, May 6, 2010
My Top Ten Things
Ten things you want to say to ten different people
1. I miss you! Gusto mo dyan ka na lang?
2. There’s only one God. Consider somebody else.
3. Please stay some more. I love you!
4. I’m giving up on you! Tigas ng ulo mo!
5. Natuwa ako sayo! Nabuhay ka!
6. Pabayaan na natin yan, hopeless na yan!
7. Make me busy!
8. I love you, too.Yeeee!
9. This too shall pass.
10. Tama ba ginagawa natin? Baka masyado na tayong harsh.
Nine things about yourself (random)
1. I have a sweet tooth. Hindi ako pwedeng walang matamis na kinakain after a meal.
2. Hindi ako kumakain ng sibuyas pag luto.Nasusuka ako. Pampalasa at display lang ang sibuyas sa akin pag nagluluto.
3. Bago ako matulog sa gabi, nagpapatak ako ng eye drops.
4. Pag gusto ko mapag-isa, nagpupunta ako sa sementeryo at naglilibot. Pag may nililibingnakiki-iyak nakikiusyoso ako. Creepy.
5. I talk to myself and do a two way conversation. *Bendita saying weirdo with the thunder head gesture*
6. I don't have even a single pair of skinny jeans.Felix bakat. I'm not skinny.
7. I can talk 24/7, lunok lang ng laway lang ang pahinga pag ka close ko yung kausap ko. I hardly say a word otherwise.
8. Masinopkuripot ako sa pera pero parati akong nawawalan ng pera. Ewan ko kung may kumukupit o nakakalimutan ko lang na nagastos ko pala.
9. Madali akong mainis sa mga taong slow. For sure di ako nagiisa.
Eight ways to win my heart
1. Bumili ng sangkaterbang sense of humor sa Divisoria.
2. Ipagluto ng kare-kare, exactly the same way my mom does.
3. Wag masyadong maarte at palaging late.
4. Ilibre saTony Roma's lahat ng bagay, sky's the limit.
5. The eternalkiss sa bayag kiss sabay hug.
6. Sakyan ang mala-Agua sa ka weirduhang mundo ko.Kasama si Otep at si Dolly.
7. Know when to insist. Seriously, madaming palpak dito. :))
8. Love my son as her own.
Seven things that cross your mind a lot (not in any order)
1. There were things and people I’ve taken for granted.Promise babawi ako.
2. My son, my son and my son. Did I say my son?
3. School and work stuffs. Memory overload.
4. Did I make the right decision?
5. Lola’s still in ICU.
6. Andami kong bagay na ginagawa dati na hindi ko na nagagawa lately. Joy biking, roaming around the street,sex.
7. Serious family matters. Really serious.
Six things you wish you never did
1. Taken forgranted Math and Computer subjects.
2. Lied for the nth time.
3. Being unproductive.
4. Let some good opportunities pass away.
5. Magpakatanga over love.
6. Never telling what I really feel.
Five things you first notice physically in the opposite sex
1. The face.
2. The eyes.
3. The porma.
4. The teeth.
5. The way she walks.
Four favorite foods
1. Mom’s kare-kare plus the bagoong.
2. Lola’s sinigang with all the fatty glory in it.
3. Anything Chinese except the weird ones like soup no.5, etc.
4. Sweets.Cakes, pastries, chocolates,sugar.
Three things you want to do before you die
1. Bond and do some extreme sports with my son, just us.
2. Travel the whole world with my family.
3. Get married and have some more kids.
Two most important things in your life
1. Cairo
2. Family
One confession
1. I have a makeshift world.
1. I miss you! Gusto mo dyan ka na lang?
2. There’s only one God. Consider somebody else.
3. Please stay some more. I love you!
4. I’m giving up on you! Tigas ng ulo mo!
5. Natuwa ako sayo! Nabuhay ka!
6. Pabayaan na natin yan, hopeless na yan!
7. Make me busy!
8. I love you, too.Yeeee!
9. This too shall pass.
10. Tama ba ginagawa natin? Baka masyado na tayong harsh.
Nine things about yourself (random)
1. I have a sweet tooth. Hindi ako pwedeng walang matamis na kinakain after a meal.
2. Hindi ako kumakain ng sibuyas pag luto.Nasusuka ako. Pampalasa at display lang ang sibuyas sa akin pag nagluluto.
3. Bago ako matulog sa gabi, nagpapatak ako ng eye drops.
4. Pag gusto ko mapag-isa, nagpupunta ako sa sementeryo at naglilibot. Pag may nililibing
5. I talk to myself and do a two way conversation. *Bendita saying weirdo with the thunder head gesture*
6. I don't have even a single pair of skinny jeans.
7. I can talk 24/7, lunok lang ng laway lang ang pahinga pag ka close ko yung kausap ko. I hardly say a word otherwise.
8. Masinop
9. Madali akong mainis sa mga taong slow. For sure di ako nagiisa.
Eight ways to win my heart
1. Bumili ng sangkaterbang sense of humor sa Divisoria.
2. Ipagluto ng kare-kare, exactly the same way my mom does.
3. Wag masyadong maarte at palaging late.
4. Ilibre sa
5. The eternal
6. Sakyan ang mala-Agua sa ka weirduhang mundo ko.
7. Know when to insist. Seriously, madaming palpak dito. :))
8. Love my son as her own.
Seven things that cross your mind a lot (not in any order)
1. There were things and people I’ve taken for granted.
2. My son, my son and my son. Did I say my son?
3. School and work stuffs. Memory overload.
4. Did I make the right decision?
5. Lola’s still in ICU.
6. Andami kong bagay na ginagawa dati na hindi ko na nagagawa lately. Joy biking, roaming around the street,
7. Serious family matters. Really serious.
Six things you wish you never did
1. Taken forgranted Math and Computer subjects.
2. Lied for the nth time.
3. Being unproductive.
4. Let some good opportunities pass away.
5. Magpakatanga over love.
6. Never telling what I really feel.
Five things you first notice physically in the opposite sex
1. The face.
2. The eyes.
3. The porma.
4. The teeth.
5. The way she walks.
Four favorite foods
1. Mom’s kare-kare plus the bagoong.
2. Lola’s sinigang with all the fatty glory in it.
3. Anything Chinese except the weird ones like soup no.5, etc.
4. Sweets.Cakes, pastries, chocolates,
Three things you want to do before you die
1. Bond and do some extreme sports with my son, just us.
2. Travel the whole world with my family.
3. Get married and have some more kids.
Two most important things in your life
1. Cairo
2. Family
One confession
1. I have a makeshift world.
Tuesday, May 4, 2010
Mixed Nuts 008
It’s always nice to spend the weekend with family. Kahit marami at magulo, walang makakatalo sa saya na dulot ng pamilya. Spent the long weekend at the family hacienda resthouse in Tarlac then drove all the way to Bolinao, Pangasinan for some bitch beach life. I miss Cairo tuloy, pero ok lang kasi enjoy naman daw cya with his prodigal mom. Dahil nag eenjoy cya, sinabi ko na lang na sa prodigal mommy na lang nya cya tumira. Nainis, ayaw nya. Ibig sabihin mas love ako ng anak ko kesa sa prodigal mommy nya.Hehehe. Anyway, I’m looking forward to spending another fun-filled time with family and my son, next time.
Bakit ganun? Nakakaiyak mag perform si Jovit Baldivino ng Pilipinas Got Talent. Hindi naman nakakaiyak yung kanta nya pero yung way ng pagkanta nya iba. Alam mong kumakanta cya hindi para manalo, kumakanta cya dahil yun ang gusto ng puso nya. Ang sarap makakita ng tao na determined abutin ang pangarap nya no matter what.
Smitten na naman ako sa old songs after Jason Mraz. Ewan ko ba kung bakit old songs ang hilig kong pakinggan. Siguro dahil nakakarelax cya or dahil old songs palagi ang pinapatugtog ng parents ko sa bahay lalo na pag weekends. Basta meron something sa old songs na gusto ko. LSS ko ngayun si Petulah Clark lalo na yung kanta nya na “Downtown” which reminds me of downtown Pasig.
Nostalgic ang pagbalik ng Gimik sa TV. I spent teenage college days watching these teen themed flicks( TGIS and later Gimik). Feeling pa nga namin dati (ng mga tropa ko dito sa subdivision bahay) e mala gimik/tgis din ang dating namin. The gimik casts who used to battle teenage life problems are now back to face the ups and downs of adult life. The teens we loved now face a much tougher and more serious phase in their lives.
Akala ko ako lang ang nakapuna ng mga bloopers sa Tanging Yaman. Napuna din pala ni Gillboard (may bayad ang advert, ok?). Si Rosaleee kasi fan ng Tanging Yaman kaya minsan napapanood ko. Kung gusto mong matawa, recommended ang Tanging Yaman sa dami ng mga nakakagagong eksena. Sana isipin/reviewhin muna mabuti ng director/writers yung mga eksena bago nila ipapalabas kasi nagrereflect sa kanila yung kalidad ng programa na meron sila.
Back to reality again, kailangang mag doble trabaho para pang school ni Cairo and my two World Vision sponsored kids. Medyo malaki din ang gastos kaya dapat paghandaan. Nga pala, kung naghahanap kayo ng “non-traditional” school para sa anak/pamangkin/kakilala nyo gusto ko sana i-recommen ang school ni Cairo. Free advertisement po ito, promise. Check nyo lang dito. Kung may gusto kayong malaman personally about the school or may tanong kayo, I can answer some.
Election na next week. Gordon-Roxas pa din ako, sa UP mock polls sila rin ang nanalo. Sa senatoriables, based sa nakita kong sample ballot ay parang hindi ko mapupuno yung lahat ng slots. Parang 95% e mga patapon at nanggugulo lang. So circus. When will this stop? Hayyy. Vote wisely and intelligently. Baka hindi na kayanin ng Pilipinas ang isa pang walang kwentang gobyerno.
Labels:
cairo,
current events,
family,
free advertisement,
kada,
love,
nothingness,
showbiz,
UP
Monday, April 19, 2010
Parenting 101 (From Domjullian's POV), part 2
6. Spoiling. Noong bata kami, although nakakaluwag kami sa buhay, my parents made sure na hindi kami lalaking spoiled magkakapatid. We can’t have luxuries in life all the time. Paulit-ulit na sinasabi ng dad ko ang financial situation ng pamilya namin. There’s 7 of us kaya mahirap din ang pera. Pero syempre, noong bata kami, we can’t help na mainggit sa laruan o pagkain ng ibang mga bata. Sa pagkain walang problema, sa laruan meron. Aral na kami pag sinasama kami sa mall o sa palengke, bawal magturo.Kahit mga tito and titas namin can’t give gifts in an instant. Pinagsabihan sila lahat ng parents namin except ofcourse pag may occasion like birthday and Christmas.
Yan din ang practice ko with Cairo, he can’t have everything in a whim. I limit his spending. I give him weekly allowance he can spend on, this way, he can budget his money to last the whole week. I don’t give extra money para matuto cya na gumastos sa kung ano lang ang meron cya.
If he wants something, kailangan nya pag hirapan yun (pero I won’t discuss it here, ibang topic na cya). Ang ginagawa nya, he will save some money galing sa allowance na binibigay ko.
Mahirap ang hindi pag spoiled in my part dahil one and only si Cairo as of now. Mahirap hindi ma tempt, guilty ako minsan dyan pero as much as possible, I still go by the rule. Masarap kasi makita na yung anak mo marunong ng mag value ng pera at a young age at matuto mag spend wisely.
Sa pag-uugali naman, equal treatment sa amin lahat, no special treatment kahit bunso. Common lang ang inggitan sa magkakapatid, parents just have to be careful na walang favoritism and explain kung bakit minsan kailangan ng isang kapatid ng extra care or attention.
With Cairo, although he is special, I try not to make him a spoiled brat. Pinapagawa ko cya ng simple and easy household chores or I let him help me do the chores. There are rules to follow.
7. Reward & punishment system. May connection to with spoiling. Dahil nga hindi kami basta basta pwedeng magpabili ng mga luxuries, we have to earn it. May reward system kahit papaano. When we do well in school or did something good may katapat na reward.
But be careful, may tendency ang kid na maghanap ng reward everytime nakakagawa cya ng mabuti. It doesn’t have to be the case, inspire the kid to do good pero kailangan mo rin ipaintindi sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon, may reward. They have to do good not because of the reward but because that’s the right thing to do.
With Cairo’s case, hindi ko sinasabi na mag top 1 ka sa klase para magka reward ka or maging masunurin kang anak para ibili kita ng gusto mo. Mali ang magiging perception nito sa kid. I always tell Cairo to do well para matupad nya lahat ng pangarap nya, bonus na lang kung may matatanggap na regalo.
Same goes sa punishment. Pag may mali,depende sa degree ng pagkakamali, may punishment. Hindi kami lumaki sa palo, wala ni isa sa amin ang napalo ng parents ko. They don’t believe in that. Instead, they give out punishments like bawal manood ng TV, o gumamit ng telepono, o hindi pwedeng maglaro sa labas. Kinakausap kami as calmly as possible kung bakit mali ang ginawa naming at yung mga consequences that might happen doon sa maling ginawa namin. In that case, nauunawaan namin yung pagkakamali namin.
May mga pagkakataon na sobrang kulit namin at hindi naiiwasan na magtaas ng boses ng parents namin pero hanggang doon lang yun. Lumaki kami na may takot sa parents namin kaya pag narinig mo na ng malakas ang whole name mo, mag behave ka na.
Naturally kay Cairo, hindi rin ako namamalo and explain every single detail kung bakit mali ang ginawa nya at bakit may punishment. Tingin ko pa lang alam na ni Cairo na dapat na cya mag behave. A little nagging might help, might help.
8. Discipline and respect. Totoo na kung ano ang nakikita ng bata sa matatanda, yon ang ginagawa nila. I always try to be a good example kay Cairo. I teach him basic discipline gaya ng tamang pagtatapon ng basura, pagliligpit ng pinagtulugan, pag liligpit at pag huhugas ng pinag kainan, arranging his books. Little things like that. Parati ko rin sinasabi na ang disiplina ay hindi lang dapat ginagamit sa loob ng bahay kundi pati na rin sa labas.
Respect is something hard to define and enforce. When we’re growing up, tinuruan kami ng common courtesy like pagmamano and po at opo. Hindi pagsagot sa magulang at nakakatanda at pagmumura.
By example, natututo ang mga bata so as much as possible, kahit mahirap, I try to be magalang at marespeto kahit may mga taong hindi deserving.
At times pwede kaming magbiro sa magulang namin pero may boundaries. Allowed ang biro like “dad, mas matigas pa ulo mo sa akin e”, “mom, ang taba-taba mo”. Mga light na biro na hindi naman masyadong nakakaapekto o nakakabawas ng respeto ng anak sa magulang.
As we grow up, dahil alam na namin ang respeto, naging barkada ang tingin namin sa parents namin pero yung degree ng respeto as parents hindi nawala.
I make fun of Cairo and vice versa. Ilang beses ko na rin na kwento tong mga to sa blog ko. I allow him to be pilosopo at times para hindi naman masyadong boring yung father and son relationship namin pero gaya nga ng sinabi ko, I make sure Cairo won’t go beyond the respect limit.
Kadalasang na a adopt ng bata yung nakikita o naririnig nya sa environment na ginagalawan nya. Walang nagmumura sa amin intentionally, di ko pa naman narinig nag mura ang anak ko.
9. Learning. Aside from above things, dapat tinuturuan din natin ang kids ng mga practical and handy things. Ito yung mga bagay na hindi natutuhan by example. Sa mga toddlers, things like alphabet, counting, coloring, grammar etc.
But be forwarned, wag natin ipilit na matuto sila kung ayaw pa nila. May time para dyan, they have their own learning period and time. Please check item #4. Little by little lang kasi nakaka cause ng stress sa bata yun ng hindi natin nalalaman. Kaya maraming bata ang nasa grade school pa lang ay tinatamad ng mag aral.
Let them learn on their own. Ang papel mo bilang magulang ay i-expand yung malalaman nila. If they started to show interest on something, doon ka lang pumasok. Suporta lang sa kung saan cya magaling at mas suportahan sa kung saan cya mahina para matuto.
Sabi nga sa pag-aaral, mas mahalaga ang EQ kesa sa IQ. But these two should go hand in hand para sa success ng isang tao. Dapat may balance between the two, both should be properly addressed but should correspond sa developing consciousness ng bata.
We should also prepare the child for life with the help of schools and learning institutions. Sabi nga sa aking sociology class, kailangan at importante na malaman at maunawaan ng isang tao ang mga basic life questions like one’s identity, yung relationship nya sa ibang tao at ang kahulugan ng buhay.
At Cairo’s age now, human anatomy and a little sex education na ang dapat nyang malaman. Natawa ako one time, tinitignan ko yung book nya sa Science, may nakatakip na papel dun sa anatomy ng human body at sa mga taong nakahubad, pati mga words like vagina and testis tinakpan nya.
10. Instinct. Parent’s instinct. Hindi ko sinasabing parating tama ang instinct pero mabisang paraan ito sa pagpapalaki ng bata. Kung alam natin na para sa ikakabuti ng bata, bakit hindi, diba? Most of the time sinusunod ko ang instincts dahil alam ko na yung best lang naman ang gusto kong ibigay sa anak ko.
Maganda parin humingi ng opinyon sa fellow parents like us o sa magulang.
As I’ve said, I’m not a pro when it comes to child nurturing, but hey, more than 10 years of being a single dad taught me a lot of things and I might as well share simple, handy and practical things to new parents and soon to be parents.
Happy parenting!
PS: You might have some tips to share too, feel free to discuss it here. I still need to learn a lot and some more.
Subscribe to:
Posts (Atom)

