Showing posts with label politics. Show all posts
Showing posts with label politics. Show all posts

Sunday, February 6, 2011

I Twit!

@RonaldSingson boy, please try harder so you could come up with a less pathetic excuse. So unoriginal!

@LoviPoe go find a less pathetic boyfriend.

@ChavitSingson kung hindi drug user ang anak mo, wala ng adik sa Pinas.

@OgieDiaz I agree with you about Kokey este Charice pala.

@Charice wag mo na agawan ng title si kokey, cya lang ang pambangsang alie wala ng iba... Peace Chasters!

@CorruptAFPOfficials dapat sa inyo pitikin ang itlog hanggang mamatay.

@ColonelRabusa anong pinagkaiba mo sa mga corrupt AFP officials aside from bumalimbing ka?

@CorruptAFPOfficials’Wives kayo naman pipitikin ang utong hanggang mamatay.

@WillieRevillame bitter much. Grow up!

@Piolo&KC wala lang.

@OyoSotto&TinHermosa nice, nice wedding.

@PNoy happy birthday! Paramdam ka naman dyan!

@PingLacson lumabas ka na hanggang marami pang issues ngayon para di ka gaano mapag usapan.

@CafeBola sinayang nyo 600 ko! E kayang kaya kong lutuin yung kinain ko sa inyo mas masarap pa.

@Banapple niretoke ni Rosaleee yung lasagna nyo at nilagyan ng sangkatutak na asukal dahil ang asim daw.

@MaraClaraImortalMutya see you tomorrow. Excited na ko sa next episodes nyo!

@Noah buti naman natapos na kayo.

@CebuPacificPisoFare salamat ng marami sa Php 43 roundtrip ticket to Cebu.

@Bombers pwede ba next time yung mga corrupt government officials ang pasabugin nyo? That'll be much fun.

@DOJ define justice.

Thursday, November 25, 2010

Of Archbishop Cruz and jueteng

Not a fan of the man pero noong pinananood ko yung Che-che Lazaro Presents: Mga Anak ng Jueteng, I saw the point he was trying to make. I find him funny, in fact, I guess, he finds himself funny too, sometimes laughing at himself with what he's saying. But surely, he got his point across. For me. Honest and clever, this priest. 


Archbishop Cruz: According to Senator Pimentel (pertaining to Pampanga), that's the Vatican of jueteng and I agree, up to now. I think he had a prophetic vision. Lubao is the St. Peter's. (Laughs hard). Sorry ha.



Archbishop Cruz: Ako na ang  nagsabi, ako pa rin ang magpapatunay? E ikaw? Anong gagawin mo? Binubwenas ka. Ilang milyon ang intelligence fund mo? Nasa iyo ang PNP, nasa inyo ang NBI, nasa iyo yung whatever ek-ek. Ano ka? Umalis ka na lang dyan, palit tayo. Lahat ng tubero, barbero, sorbetero, lahat alam kilala kung sino ang jueteng lord sa lugar nila, pero sila hindi nila kilala.



Che-che Lazaro: Bakit sa palagay nyo po hindi masugpo ang jueteng?

Archbishop Cruz: Pera. Judas started it all, my dear

Che-che Lazaro: 30 pieces of silver.

Archbishop Cruz: Yes mam. Then killed himself. But these people, that's the last thing they will do. (burst into laughter).



Archbishop Cruz: And don't tell me jueteng does not kill.

Che-che Lazaro: It does?

Archbishop Cruz: It does. The moment, for example you did not make intrega, you're done. You are a collector?, you're gone. And the moment you violate the norm of territory, you're gone.



Archbishop Cruz: Just because you cannot stop it, you legalize it. What's next? You'll legalize drugs? You'll legalize prostitution? Just because you cannot leak it, you say it's according to the law. Oh c'mon, nakakahiya naman yon.


Tuesday, May 11, 2010

Election 2010

Para sa akin generally OK naman ang 2010 first automated election. Albeit maraming glitches, naayos naman kahit papaano. Kung baga hindi kasing palpak ng inaasahan ng marami ang nangyari kahit alam natin na konti na lang ay aatakihin na sa puso sa kaba ang mga taga Comelec at Smartmatic. Pero hindi pa rin sila lusot dahil for sure, may magrerequest ng audit sa performance nila lalo na ang Smartmatic na sa tingin ko ay malulugi sa dami ng aberyang nangyari. 

Dito sa amin, the usual ang reklamo. Mga di tinatanggap na balota, vote buying, wala sa listahan na pangalan, etc. Nakakainis din naman yung mga tao dahil masyado sila hyper pag may nangyaring aberya sa kanila. Pinagbubuntungan ng galit yung mga kawawang teachers na wala naman kinalaman. Yung kapitbahay namin na teacher ang nanay e nagspeech sa precint para ipagtanggol ang nanay nya kasi konti na lang e magugulpi na nanay nya ng mga dukha. Hayyy! Maraming tao pa rin ang salat sa common courtesy at respeto. Kudos sa lahat ng teachers at volunteers ng election para sa kanilang sakripisyo at dedication towards a peaceful election and hopefully, a new, better and well defined government. I lab you all!!! 

Sa precint kung saan ako bumoto ayus naman. Almost 1 hour din ako pumila kahit maaga akong dumating sa precint ko. Para lang kaming may family reunion sa dami ng mga kamag anak ko na nandoon. Nagrequest din ako na sa daliri sa paa na lang ilagay yung ink kasi ang pangit tignan, request not granted pero sabi kontian lang ang lagay dahil hindi naman ako mag fa flying voter. Muntik na rin akong mag-amok dahil hindi ko sinasadyang makita yung balota ng katabi ko. Kitang-kita ko na binoto nya si Jajajajamby. Ang sarap lang kutusan ni ate kasi di naman cya mukhang tumatanggap ng 500 pesos at isang kilong bigas. Sabagay, seeing the unofficial results ng election ay makikita natin na ubod pa rin ng dami ang mga tatanga tangang tao. As of this writing, 8 million plus ang boto ni Estrada, 8 million plus ang mga kinulang sa tamang pag iisip. Imagine, kung di tumakbo si Ngoyngoy, lo and behold! Hello Erap ulit ang Pilipinas. Kanina pa pag gising ko sabi agad ng daddy ko na panalo si GMA at si Pacman. WTF x 10 to the 20th power!

Nakaka awa din yung ibang lugar na dumanas pa rin ng karahasan sa botohan lalo na sa Mindanao area. I pity the candidates na gagawin ang lahat para lang manalo at magkamal ng kapangyarihan. Shame on you! Buhay pa kayo, nakasanla na ang mga kaluluwa nyo kay taning. 

I voted for Gordon and Mar. Kahit hindi mananalo si Gordon ok lang sa akin. Alam ko na balang araw ay hindi ko sisisihin ang sarili ko dahil hindi ko ibinoto yung sa tingin ko ay tama at nararapat na kandidato. Masaya ako dahil alam kong I made the right decision. Kesa naman sa iba dyan na nagpabayad o hindi bumoto for no valid reason kahit registered naman. Bawal mag-react, ok? 

Iba-iba rin ang binoto ng mga tao sa bahay, pero mostly pro-Ngoyngoy sila (may ugating dahilan kung bakit pero hindi ko pwedeng sabihin dito, top secret). Ako at yung isang kuya ko lang ang bumoto kay Gordon. Sa VP lang kami nagkapare-parehas. Most ng mga senador na binoto ko ay nasa top 12. Nakalimutan ko na actually kung sino mga binoto ko dahil wala akong listahan, on the spot ang pagpili ko. Natatandaan ko lang ay sina Revilla, Defensor, Drilon, Enrile, Hontiveros, Osmena, Cayetano. The rest second choice lang. Nilagay ko lang sila para hindi sayang yung slots. 

Kung merong isang taong pinakamasaya sa amin, yun ay si Rosaleee. Aside from pagrampa nya sa school kung saan kami bumoto, nag watcher ang hitad. Sayang din ang 2,500 na bayad sa kanya na may bonus pa dahil nanalo ang mayor na pinag watcheran nya. Kung ano ano pang freebies ang nakuha nya gaya ng food (adobo at chopseuy na may kanin at banana tsaka juice, sandwich na may palamang egg salad), libreng t-shirt, pamaypay, etc. Naaliw din cya sa mga kalalakihang naglabas masok sa precint na binabantayan nya. Pansamantalang nawaglit sa isipan nya ang kanyang newest crush – si Bret ng PBB Teen Clash na galit sa bangs! Sulit naman daw kahit hindi nya napanood ang walang kamatayang malapit ng mamatay na Tanging Yaman. 


Domjullian: Sinong binoto mo?
Rosaleee: Si Gordon at si Benay
Domjullian: Ako Gordon-Roxas
Rosaleee: Ha? Si Roxas din dapat ako pero wala dun sa balota ang pangalan nya koya.
Domjullian: Tanga, pwede ba yon.
Rosaleee: Hindi ko nakita. Wala talaga.
Domjullian: Manuel Roxas cya! Ano ba yan bingi ka na bulag ka pa.
Rosaleee: Ha? Ano koya?
Domjullian: Wala. Sino binoto mo sa mga senators?
Rosaleee: Si Estrada, si Miriam, si Jun Lozada. Di ko binoto si Bong wala naman nagawa yun.
Domjullian: Tanga mo talaga bakit mo binoto si Jun Lozada???
Rosaleee: Magaling kaya yun, cya yung sa ZPE (sepe-e) diba?
Domjullian: Hindi kapangalan nya lang yun. Tanga-tanga mo talaga. Tsaka ZTE yun hindi ZPE.
Rosaleee: Malay ko ba e magkapangalan sila. Wala naman kasing pecture. Sa susunod di ko na iboboto.
Domjullian: Libre mo ko tutal dami mong pera.
Rosaleee: Koya pambaon ko to sa pasukan.
Domjullian: Walking distance lang ang school kailangan mo ng baon?
Rosaleee: Cge na nga. Pero logaw lang, dun sa Alex.
Domjullian: Cge! Lugaw yon hindi LOGAW! Sumasakit ang bangs ko sayo!
*Tinitigan ako ni Rosaleee. Akala ko katapusan ko na!
Rosaleee: Koya wala ka namang bangs!


Weird talaga tong si Rosaleee pero atleast nagiisip cya, di lang basta bumoto. Good thing e nagshare cya ng blessing pero dapat lang kasi ako nagpasok sa kanya bilang watcher. Hehehe.

I used to be a Namfrel volunteer pero not this election kasi nakisabay ang trabaho. Gustuhin ko man ay may obligasyon akong dapat tapusin para sa mga kliyente ko, otherwise walang pantuition ang anak ko na miss na miss ko na at malapit ng umuwi.Yehey! May iba pa namang pagkakataon at panahon. 

Sa ngayon nasa 69% na ang pumapasok na boto sa buong Pilipinas. Sana lang maging transparent ang Comelec at ipakita yung breakdown ng mga votes per place or what ever is convenient sa kanila. May point din kahit papano si Erap sa reklamo nya kahit feeling ko dapat masaya na cya sa dami ng botong nakuha nya. Kakapalan na ng mukha kung magrereklamo cya ng pandaraya. By this time siguro, ngumangalngal na si Manny Villar sa sure defeat nya at sa dami ng nawalang pera sa kanya. Hindi na ako magugulat kung mag rereklamo cyang election fraud along with Legarda o kung sabay sila mag suicide. Partly blame Willie Revillame, may kinalaman cya sa pag bagsak mo dahil sa pinagsasasabi at pinaggagagawa nya. Partly lang ha.

Bantayan pa rin natin ang bilangan ng boto sa election hanggang matapos at maki-isa sa pamahalaan ng bagong mamumuno para sa mas magandang Pilipinas.


Yet another history.

Monday, May 10, 2010

Godbless the Philippines

Manalo sana ang mga deserving at tunay na may kakayahang baguhin ang sistema ng bansa.

Godbless the Philippines

Wednesday, November 4, 2009

Rants 001

Please allow me to rant...

Hindi ko pa rin maintindihan ang ugali ng mga pinoy na kung kelan last day ng registration sa election e dun duma dagsa ang mga tao. May sapat na panahon na ibinigay ng COMELEC for registration pero walang nagparehistro ng maaga, ang ending syempre kagulo at galit pa sila.

Wag kayong magalit dahil kasalanan nyo kung bakit nangyari yan. Mahilig kayo sa manana habit.

Natawa pa ako dun sa isang lalaking nagsalita sa TV Patrol, paano daw sila magiging simula ng pagbabago kung hindi sila rehistrado...paano ka magiging simula ng pag babago e hindi mo nga mabago yung manana habit mo, gago!

Now we know kung bakit hindi umaasenso ang Pilipinas. Sickening.


PS: Pananaw ko to, wala akong paki kung magagalit kayo dahil mas galit ako sa inyo.mga P&(%*_8*)^$#! nyo!

Sunday, October 4, 2009

Mixed Nuts 005

Ondoy aftermath: Baha pa rin sa amin till now, pero wala na sa loob ng bahay, sa labas, nasa binti pa. Nakakapagod maglinis ng bahay pero ok lang kasi feeling ko nabawasan ang timbang ko.Hahaha.Asa pa.

Mataas pa rin ang tubig sa cityhall up to palengke kaya naging instant palengke ang harap ng simbahan. Pabor sa amin kasi walking distance na lang kami sa improvised palengke.

Safe na yung highschool buddy ko from Vista Verde in Cainta. Lagpas tao ang baha sa bahay nila, buti na lang at may 2nd floor sila at roof top. Hindi nakaligtas si Tutay, ang kanyang car.

Bought some groceries na i-dodonate sa mga nasalanta ng bagyo. Highschool buddy asked me kung wala daw ba cyang relief goods since nasalanta din cya. I’ll be checking out some friends and relatives in Pinagbuhatan later to see if they’re OK.

Kung malungkot lahat, si Cairo masaya kasi first time nya naka lusong sa baha at gusto pa mag swimming.


No, no, no…facebook at friendster, di nyo pa ko maaakit. Twitter…medyo malapit na, sana pilitin ako ni Bianca Gonzales mag twitter (I read her twits!).


Food…some more recipes coming up: bulalo, sweet and sour pork etc….yum!


Miss: I miss school (see you soon UP & MWS). I miss my UP crush, angel.Hahaha.


Work: Overloaded na. Enough rest, kailangan ng kumita dahil mag papasko na! More projects please.


Wrath: Ang problema sa ibang tao mapag samantala at ganid. Ang daming nanakawan na mga bahay. May kalamidad na andami pa ring masasamang loob. Yung ibang tao na nag evacuate sa schools, sinira ang mga classrooms at ninakaw pa mga libro.Tsk, tsk, tsk. Yung ibang politicians naman, kailangan ba talaga may picture at dedication nyo pa ang mga relief goods?

May mga taong sadyang hindi nag iisip…parang epidemya, bilis makahawa.

Friday, September 18, 2009

Mixed Nuts 004

Been busy this week, kakauwi ko lang galing Singapore-lah, may jetlag pa ata ako, nahihilo ako. Thank you Bro, nakalusot ulit kami sa project presentation, iba ka talaga! Malapit ko na ma master-lah ang pagsasalita-lah ng mga Singaporeans-lah!

School #1- UP- daming exams and requirements. Wala pa rin kami nabubuo sa project namin, sensya naman groupmates, malas nyo pinili nyo ako, promise babawi ako, ayoko din naman mag ka 4.0. Disapproved ang petition letter ko to credit two Statistics subjects I took for my 1st undergrad para sa Industrial Statistics subject na kailangan ko kunin next sem. Imbes na 6 units lang ako next sem, 9 units tuloy ako.Masama pa nun e math subject cya, crap math.

School #2- MWS - Sabi ni Cairo, tumubo na daw yung tinanim namin last week. Kailangan ko pumasok ng isang buong lingo sa school ni Cairo para makabawi. Di pa rin nag po progress yung ginaganchilyo ko, abstract pa rin hitsura nya.

Nilaglag na ni Lacson si Erap. Evil begets evil. Sit back, relax and watch, crescit eundo...

I was asked for my presidential bet, none so far, closest being Noynoy but he is too hilaw to be president.

Leroy recorded the episodes I missed during my Singapore hiatus. I’ll be watching it later, galing daw ni pande Coco Martin at ni Lola Gets!

Nasa amin ang Our Lady of Manaoag since Saturday night at required kami mag rosary for one week hanggang bukas. Ni request kasi ng mommy ko as thanksgiving for dad’s birthday tomorrow. Kabisado ko pa ang mga dasal sa rosary kahit sobrang tagal ko na hindi nag ro rosary.

Napapadalas ang day-off ni Rosalee, mukhang inlababo. Buti pa cya may lovelife.

I saw “angel” again sa UP last Monday, kaso kamalas malasan, naka talikod cya papasok sa classroom nila pero alam ko cya yun. Di ko cya nakita kanina.

Congrats sa UP kahit di champion ulit sa cheerdance – 3rd placer at may special award pa. Congrats too sa FEU (1st) and ADMU (2nd)! ADMU siguro mag cha champion sa basketball since laglag ang DLSU (sob, sob) sa final 4. Sana bigyan ng FEU or UE ng matinding laban ang ADMU

Lumaki na yung stocks na ininvest ko.Yehey! Konti na lang mapapasama na ko sa Forbes’ Richest.Hehe.

Wednesday, August 26, 2009

Mixed Nuts 003

DLSU lost to UP. Oha! Astig talaga UP. They always know how to break into the limelight. I won and lost at the same time since I came from both schools. My heart’s torn, I love both UP and La Salle.

Miriam Santiago’s so humorous and witty. She also knows when to strike and beat all the lousy politicians wannabes. I laughed so hard about her recent privilege speech and yes, the advertisments’ really hilarious, the dancing, make-up and all.So fun, only in the Philippines!

I saw an angel in UP (new found crush), kaso, bantay bata 163 alert! Freshie lang meaning she’s around 15-17 lang. Alam ko rin ang meaning ng statutory rape, so no go, I want to remain anonymous for now.

Because of that, I’m loving UP more and more and more…

Ibalik sana ang death penalty and I’m calling for a strict implementation of it. Alam ko si Bro lang pwedeng kumuha ng buhay, but what about the lives these assholes took? And I am not talking of their victim’s life only but the lives of the victim’s family, the long-term effect, trauma and sufferings they have to endure. Life begets life, for me.

I’m in a diet mode now. Medyo sumisikip kasi boxers and briefs ko. Ewan ko kung tumataba talaga ako o lumalaki lang si peterpan ko.Hehhehe. I’m eating oatmeal for breakfast and less than a cup of rice for dinner. I hope it works! I’m also tea-ing after lunch and dinner! Twinings, I love you! Sosyal ng tea ko, imported from London, nag shopping kasi ako kagabi sa bahay ng kuya ko and I got a lot of food stuffs. Thanks Kuya Raf! Sa uulitin!

I’m loving Candice, Marlon and Warren. I heart The Wedding now. Nakakatuwa din si Jaja of the defunct Jaboom twins! Anne’s just so gorgeous!

I’ll be busy starting tomorrow. School, work, daddy duties and a lot more. There’s just too much exams in school that I needed to ace. Three projects to work on. And one heaven-sent angel I needed to take care of, Cairo.

Saturday, August 1, 2009

Joke of the Month

Jamby Madrigal also running for president

Thursday, July 2, 2009

2010 Election Brouhahas

With all the news about the upcoming 2010 elections, anong kinabukasan ba mayroon ang Pilipinas? Ang mga opinion na mababasa nyo ay galing sa malikot na pag iisip ko at ang mga ito ay base sa personal na pananaw ko. I may not be right, I’m just expressing my thoughts bilang isang mamamayan ng Pilipinas dahil alam naman natin na nakasalalay sa kamay ng mga manunungkulan ang kinabukasan ng ating bayan. Karapatan natin makialam at gumawa ng positibong aksyon at pagbabago.

Erap making a comeback...kailangan ba? Enough is enough. He’s a good actor but he will never be a good leader ng bansa.


Gloria as Prime Minister...her and her allies’ attempt to change the constitution is way too much. She’s proven herself (?)already, di na nya kailangan ng power, its time for her to rest. We need a desperate change. Kudos to Randy David, too bad hindi ako taga Pampanga para makaboto in his favor. Vote for Randy David, Pamapanga peeps! Pero sana hindi nya iwan ang pagtuturo!


Pacman running for Congress...he is one of the best boxer in the world and his dedication to help others and uplift the current situation of the country is commendable. Two thumbs up to that! Pero kailangan pa ban yang sumabak sa pagka kongresista para makatulong? Running for congress isn’t all about helping the poor(minsan nakakasama pa ang pagtulong, we just make them dependent sa tulong ng ibang tao instead of them helping themselves), there are laws to be created and amended. Charity is different from politics. Hindi dahil magaling ka na boxer ay magiging magaling ka na politiko. Logic lang yan!Hehehe!. I don’t want to undermine his capability to perform the duties of a Congressman but...kayo na ang bahala, alam ko at alam mo, he’s not fit for that.


Lacson backed out of Presidential race...ang rason is lack of financial support or dahil alam nya na matatalo lang siya because of the negative effect of Dacer-Corbito murder case to him? But its good he backed out, sayang lang pera nya.


Binay ala Barrack Obama...come on! Never compare a fresh cabbage to a rotten one.

Father Ed Panlilio’s Presidential dream...should be kept a dream, baka maging nightmare ng mga pinoy yung dream nya. Just ask the Pampanga people.


Bayani Fernando wants to be the administration bet...very very good vision for the Philippines pero parang mali yung execution, masyadong harsh at hindi makatao.


Gilbert Teodoro’s dreaming too of becoming the next President...who is he by the way?


Jinggoy Estrada na napapabalitang tatakbo as VP...like father like son.Uhum!


Politics isn’t about power, money and prestige, it entails a lot of responsibilities. Gaya ng pag aaruga ng magulang sa mga anak, tungkulin nila na bigyan ng mabuting pamumuhay ang mga mamamayan at magkaroon ng positibong pagbabago sa buhay nila ngayon at sa hinaharap, hindi ang magpayaman gamit ang pera ng taong bayan.

Panahon na siguro para baguhin natin ang pag iisip natin sa pagpili ng mga ihahalal natin sa posisyon. We have to assess their capabilities and their genuine and sincere intentions to serve the people. They should bring about positive and progressive change in our country. Its time to unify now, minsan hindi rin maganda na parati natin sinasalungat ang mga programa ng gobyerno. We can help you know (in our own way atleast), I’m sure the government will welcome and will need some helping.