Showing posts with label showbiz. Show all posts
Showing posts with label showbiz. Show all posts

Tuesday, October 23, 2012

Ely Buendia

Oo na ako na ang busy! Nagka love life lang ako nawala na ko sa sirkulasyon. Ibalato nyo na sa akin ito, mag 34 na ko kailangan ko na lumagay sa tahimik (sa tahimik lang, hindi sa sobrang tahimik. Ibang lugar na yung sobrang tahimik). Anyway, hindi tungkol sakin ang blog ko ngayon kundi tungkol sa title ng blog ko.

Madami na din akong kilalang sikat sa showbiz na nagmula/tumira sa Pasig. Pero kagabi ko lang nalaman na tumira pala sa Pasig si Ely Buendia at nag aral sa PCC. Sa #68 Dr. Sixto Antonio Avenue. Kung di ako nagkakamali, somewhere near Rizal High School yang number na yan. At may nasulat pa pala siyang kanta tungkol dito. Idol ka talaga!

Pasig Catholic College Batch 1983 - Elementary




Thursday, February 16, 2012

My Other Woman

Happy Birthday to my other woman @ Anne Curtis!!!
 Chup chup mwah mwah!

Tuesday, February 14, 2012

Kapuso

Happy ValenTIME's day blog world!!!


Happy birthday to ate Kris Aquino! oo sanggang dikit kame!

Sunday, February 6, 2011

I Twit!

@RonaldSingson boy, please try harder so you could come up with a less pathetic excuse. So unoriginal!

@LoviPoe go find a less pathetic boyfriend.

@ChavitSingson kung hindi drug user ang anak mo, wala ng adik sa Pinas.

@OgieDiaz I agree with you about Kokey este Charice pala.

@Charice wag mo na agawan ng title si kokey, cya lang ang pambangsang alie wala ng iba... Peace Chasters!

@CorruptAFPOfficials dapat sa inyo pitikin ang itlog hanggang mamatay.

@ColonelRabusa anong pinagkaiba mo sa mga corrupt AFP officials aside from bumalimbing ka?

@CorruptAFPOfficials’Wives kayo naman pipitikin ang utong hanggang mamatay.

@WillieRevillame bitter much. Grow up!

@Piolo&KC wala lang.

@OyoSotto&TinHermosa nice, nice wedding.

@PNoy happy birthday! Paramdam ka naman dyan!

@PingLacson lumabas ka na hanggang marami pang issues ngayon para di ka gaano mapag usapan.

@CafeBola sinayang nyo 600 ko! E kayang kaya kong lutuin yung kinain ko sa inyo mas masarap pa.

@Banapple niretoke ni Rosaleee yung lasagna nyo at nilagyan ng sangkatutak na asukal dahil ang asim daw.

@MaraClaraImortalMutya see you tomorrow. Excited na ko sa next episodes nyo!

@Noah buti naman natapos na kayo.

@CebuPacificPisoFare salamat ng marami sa Php 43 roundtrip ticket to Cebu.

@Bombers pwede ba next time yung mga corrupt government officials ang pasabugin nyo? That'll be much fun.

@DOJ define justice.

Tuesday, January 18, 2011

Banana Split Taping Snapshots



eto pa ang isa sa mga pinag kaabalahan ko:

pinalabas siya last week. I so wanted to see Angel Panganiban kaso wala siya dahil may taping ng Bulong. Wala din si Pokwang.

show it segment

getting ready

under the sea

isdaaa

super pretty Nina Jose. Ang ganda niya in person!

PBB Season 2 housemates ang guests nila

Si Ryan Bang na amoy strawberry


Ang parusa

Ang mga nanalo

Banana Split boys

The gang!

Another Banana Split victory!

John's pie!

Pie wall

Pinagtulungan nila si Ryang Bang

Basang basa si Ryan

been pied!

madungis moment

wet mickey perz

mickey's revenge


clapping john


Tuesday, August 10, 2010

Guess who's back?

Definitely not me.

Si Kris Aquino sa kanyang twitter. Hindi talaga niya kayang mawala sa limelight kahit saan. Gusto niya parating pinag uusapan at hindi pwedeng hindi niya banggitin ang family nya lalo na sila « ate «. I don’t think bagay siya sa Pilipinas win na win kasi isa cyang sosyalera at di cya makarelate minsan sa mga usapang jologs nina Pokwang at mga guests at mga contestants. Mukha tuloy cyang tanga pag di nya nagegets yung mga jokes o ni ta take nya literally yung mga sinasabi ng mga guests at contestants.

Usapang showbiz na rin lang lulubos lubusin ko na din.

Di na ako natutuwa kay Santino. Di na cya nakakatuwa sa Noah. Ewan ko pero parang trying hard cya sa pag acting sa Noah. Buti pa si Momay at si Andro, ang cu cute.

Alam kaya ni Mariel na hanggang apat ang pwedeng maging asawa ng isang Muslim? At mahal na mahal na siya in just a span of less than three months?

Hindi talaga nabibili ng pera ang class at natural na pagiging sosyal. Alam nyo kung sino ang tinutukoy ko kung nanood kayo ng Rated K last Sunday.

And please lang Willie, wala ka ng silbi sa showbiz.


Ano ang latest sa buhay ko? Wala. Pero kay Rosaleee meron. “Freshwoman” cya ngayun sa isang pamantasan na walking distance lang samen. Feel na feel nya ang pagiging estudyante, talagang aral kung aral ang ginagawa nya. Basa ng basa ng libro, ewan ko lang kung naiintindihan nya. Sabagay, pag may hindi siya maintindihan, nagtatanong naman cya. Good sign, willing talaga cyang matuto.. Ang course nya dapat ay BS in Hospitality Management pero BS in Information Technology ang kinuha niya na suggestion ko.

Bakit hindi Hospitality Management ang kinuha nya? Takot daw siya sa hospital.

Wag kayong mag alala, sinisikap kong turuan si Rosaleee sa mga bagay na dapat nyang matutunan kahit malapit na akong atakihin sa puso sa mga pinagsasasabi nya.Sa hapon ang pasok niya dahil yun ang pinaka convenient saming lahat. Maayos naman, mabait naman daw ang mga classmates nya at professors. Mukhang makakatapos naman kasi magaganda naman yung results ng tests and exams napinapakita nya saken.

Grade 6 na ang anak ko. Konti panahon na lang pwede na mag asawa. Wala akong update sa lovelife ng anak ko. After ng bakasyon hindi na cya nag kwento tungkol kay Athena. Di ko alam kung wala na sila o focus muna sa studies ang anak ko.

Badminton at running ang pinagkakaabalahan ko ngayun aisde from daddy duties, work and school kaya ako busy. Kasama na rin ang pag oorganize ng kung ano anong activities gaya ng reunions dahil malapit na ang pasko. May timbangan kami sa bahay. Pag nagtitimbang ako weekly, 155 lbs ako, hindi ako pumayat pero pag nagtitimbang ako sa Megamall, nasa 150 lbs ako. Ewan ko kung anong timbangan ang sinungaling. Basta alam ko pumayat ako.


I'm helping out our clan sa pag oorganize ng reunion. Nakakatuwa kasi may mga kamag anak pala akong sikat na personalities tsaka nalaman ko rin yung history ng family namin.

I won’t be really back. Nag update lang ako sa buhay ko kasi nga sobrang busy ako. Sobrang busy.

Bakit ba talaga ako busy? Alam ni Gibo ang sagot.

Tuesday, May 4, 2010

Mixed Nuts 008

It’s always nice to spend the weekend with family. Kahit marami at magulo, walang makakatalo sa saya na dulot ng pamilya. Spent the long weekend at the family hacienda resthouse in Tarlac then drove all the way to Bolinao, Pangasinan for some bitch beach life. I miss Cairo tuloy, pero ok lang kasi enjoy naman daw cya with his prodigal mom. Dahil nag eenjoy cya, sinabi ko na lang na sa prodigal mommy na lang nya cya tumira. Nainis, ayaw nya. Ibig sabihin mas love ako ng anak ko kesa sa prodigal mommy nya.Hehehe. Anyway, I’m looking forward to spending another fun-filled time with family and my son, next time.

Bakit ganun? Nakakaiyak mag perform si Jovit Baldivino ng Pilipinas Got Talent. Hindi naman nakakaiyak yung kanta nya pero yung way ng pagkanta nya iba. Alam mong kumakanta cya hindi para manalo, kumakanta cya dahil yun ang gusto ng puso nya. Ang sarap makakita ng tao na determined abutin ang pangarap nya no matter what.

Smitten na naman ako sa old songs after Jason Mraz. Ewan ko ba kung bakit old songs ang hilig kong pakinggan. Siguro dahil nakakarelax cya or dahil old songs palagi ang pinapatugtog ng parents ko sa bahay lalo na pag weekends. Basta meron something sa old songs na gusto ko. LSS ko ngayun si Petulah Clark lalo na yung kanta nya na “Downtown” which reminds me of downtown Pasig.

Nostalgic ang pagbalik ng Gimik sa TV. I spent teenage college days watching these teen themed flicks( TGIS and later Gimik). Feeling pa nga namin dati (ng mga tropa ko dito sa subdivision bahay) e mala gimik/tgis din ang dating namin.  The gimik casts who used to battle teenage life problems are now back to face the ups and downs of adult life. The teens we loved now face a much tougher and more serious phase in their lives.

Akala ko ako lang ang nakapuna ng mga bloopers sa Tanging Yaman. Napuna din pala ni Gillboard (may bayad ang advert, ok?). Si Rosaleee kasi fan ng Tanging Yaman kaya minsan napapanood ko. Kung gusto mong matawa, recommended ang Tanging Yaman sa dami ng mga nakakagagong eksena. Sana isipin/reviewhin muna mabuti ng director/writers yung mga eksena bago nila ipapalabas kasi nagrereflect sa kanila yung kalidad ng programa na meron sila.

Back to reality again, kailangang mag doble trabaho para pang school ni Cairo and my two World Vision sponsored kids. Medyo malaki din ang gastos kaya dapat paghandaan. Nga pala, kung naghahanap kayo ng “non-traditional” school para sa anak/pamangkin/kakilala nyo gusto ko sana i-recommen ang school ni Cairo. Free advertisement po ito, promise. Check nyo lang dito. Kung may gusto kayong malaman personally about the school or may tanong kayo, I can answer some.

Election na next week. Gordon-Roxas pa din ako, sa UP mock polls sila rin ang nanalo. Sa senatoriables, based sa nakita kong sample ballot ay parang hindi ko mapupuno yung lahat ng slots. Parang 95% e mga patapon at nanggugulo lang. So circus. When will this stop? Hayyy. Vote wisely and intelligently. Baka hindi na kayanin ng Pilipinas ang isa pang walang kwentang gobyerno.

Sunday, March 21, 2010

Family Humor 006

Excerpt from Cairo’s YM conversation with his beloved:

Athena: Gusto ko yung sa highschool musical, ikaw ni Troy, ako si Gabriella.

Cairo: Ayoko nun, gusto ko ako si Robbie, ikaw si Gwen. Yung sa Kung tayo’s magkakalayo.

Athena: ***Cluesless***. Hindi nanonood ng teleserye.



Laughtrip. Kumi kimerald ang anak ko, manang-mana sa tatay.

Nagtago ako para mabasa lang yan. After nun, tinatawag ko ng Troy or Bolton (Zac Efron as Troy Bolton sa Highschool Musical) si Cairo. Nagulat cya at nagalit kasi nag cheat daw ako, binasa ko daw ym conversation nila. Hindi daw cya may pakana nun kundi si Athena.

Inis na inis at asar na asar si Cairo. Tawa naman ako ng tawa.

Nung tinawag kong Robbie, ngumiti ng pagkatamis tamis. Mas gusto talaga nya ang Kimerald.

Monday, March 1, 2010

Precious


Looking forward to watching this movie. Trailer pa lang na move na ako.

Saturday, January 16, 2010

Mixed Nuts 007

Ang hirap gawing excuse ng pagiging busy para mag sulat. Masyado ng over used sa akin ang “busy ako!” kaya di ako nakakapag sulat kasi kahit anong busy ko naman, nagkaka time pa rin naman ako para mag blog other than the recipes at song lists ko. Salamat na rin kasi nagiging panakip butas ko sila pag hindi gumagawa ang utak ko na mukhang nasarapan sa holiday break at nasa extend holiday mood pa rin hanggang ngayon. Ipina page ko na sa megamall para bumalik, dun ko ata naiwan kasi dun ako madalas last holiday.


Been to a lot of reunions noong nakaraang holiday, pati reunion with ex alagang hayop ata pinuntahan ko. Ewan ko kung bakit, pero di ko pinapalampas ang mga ganitong event. Seeing old folks and friends make me happy. Kahit minsan, may di magandang experience ka sa kanila. Ubos man ang pera, masaya naman dahil na rekindle at na reconnect yung old connections sa amin.


Nakagawa din naman ako ng konting kabutihan, long overdue na to actually pero itinaon ko talaga last Christmas yung pag do donate ko ng kung ano ano para sa mga less fortunate brothers and sisters natin. At finally, natuloy na rin yung pag sponsor ko sa World Vision (thanks Kris Aquino para sa encouragement). Isang boy at isang girl ang ni sponsoran ko. Eto ang regalo ko kay Bro sa kanyang mga blessings sa akin at sa family ko. Eto ang mga kids na ni sponsoran ko (inalis ko name). Sana makatapos sila ng pag aaral kasi naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Promise pipilitin ko matapos yung sponsorship ko sa kanila.




Maganda ang pasok ng 2010 sakin. Daming potential clients. Naka 5 proposals na kami as of this writing at 3 on-going projects. Sana kahit isa lang e may mag confirm kasi naubos pera ko last holiday.Hehehe.


Back to the neglected studies as well, malapit na ako maka catch up sa mga pending school works. Na inspire ako kasi nakita ko si angel kahapon, maganda pa rin. Sana mapansin nya naman ang ka gwapuhan ko, kaso hindi ako gwapo kaya malamang di nya ako mapapansin.


Ibang level na ata ang addiction ko sa PBB Double Up lalo na kina MELASON. Mukha akong tanga minsan kasi tumatawa at kinikilig ako sa kanila pag sila ang topic. Natutuwa ako kay pareng Jason na laging naka sapatos at medyas kahit parating tulog. Si Melai kahit na o OAyan yung iba e nakaka aliw pa rin yung gestures nya. Nag mellow down na din si Mariel, di na cya kasing bitch ng dati kasi wala na ang kanyang twin bitch sister na si Yuri, natuwa ako dun sa task nya na magturo kasi sobrang patient nya sa mga kids, ibang iba sa ugali nya dati sa house B. Nalungkot ang nung na evict si Rica kasi nagbigay spark din naman cya sa bahay. Si pareng Johan medyo yumayabang. Si papa Tibs, well, naiintindihan ko yung predicaments nya, pero syempre, may kanya kanyang utak at pag uugali ang mga housemates na hindi natin madidiktahan. Si Cathy and Hermes, wala lang, kahit andun sila o wala, ok lang. PBB wil survive. Kath(hot mommy!) and Paul Jake (konyong down to earth!) along with MELASON ang bet ko for big 4 as of now. Salamat at wala na si Big Utol, walang ka kwenta kwenta.


Mag kapamilya teleserye naman tayo. Buti naman at lumaki na ang tyan ni Tilde sa May Bukas Pa. Ang tagal na nyang buntis pero nung isang araw lang lumaki ang tyan nya kaso sobrang bilis naman kasi from 2 or 3 months big na tyan nya noong isang araw e lumobo sa 5 to 6 months, bilis ng phasing. Sobrang lakas ng instinct ni mayor Enrique )na until now bitin pa rin ang polo barong nya) at pina DNA nya si Santino para malaman kung anak nya o hindi. Nakakatuwa din mga pinapa galing ni Santino, kasi in a span of two seconds after ipag pray over sila ni Santino e gumaling na kahit walang proof.


Sa DMII (Dahil may isang ikaw), bilis gumaling ni Miguel at nawala agad ang down syndrome nya. Parang pinagaling lang ni Santino. Akala ko nga nung mamatay si Ella at si Red e biglang lilitaw si Santino para buhayin sila. Last day na nila ngayun.


Buti natapos na ang katorse at si Jojo ang nakatuluyan ni Nene at hindi si Gabby. Yung anak nila, in a span of one year, nag iba ang mukha. Presidente at CEO na rin si Jojo, not so true to life. Pinalitan ng Tanging yaman na sila rin ang mga bida. Bilis din ng phasing kasi from dukha nung monday e presidente na kahapon si Rowell Santiago. Sablay sila sa lindol na tumagal ata ng 5 minutes, kamusta naman ang ganung katagal na lindol.


Kainis kasi suspended ang showtime dahil kay Osang. Once a bitch always a bitch. Buti may Banana Split pa.


Sympathy and prayers nga pala sa mga nasalanta ng lindol sa Haiti.

Next time na lang ulit.

Friday, September 18, 2009

Mixed Nuts 004

Been busy this week, kakauwi ko lang galing Singapore-lah, may jetlag pa ata ako, nahihilo ako. Thank you Bro, nakalusot ulit kami sa project presentation, iba ka talaga! Malapit ko na ma master-lah ang pagsasalita-lah ng mga Singaporeans-lah!

School #1- UP- daming exams and requirements. Wala pa rin kami nabubuo sa project namin, sensya naman groupmates, malas nyo pinili nyo ako, promise babawi ako, ayoko din naman mag ka 4.0. Disapproved ang petition letter ko to credit two Statistics subjects I took for my 1st undergrad para sa Industrial Statistics subject na kailangan ko kunin next sem. Imbes na 6 units lang ako next sem, 9 units tuloy ako.Masama pa nun e math subject cya, crap math.

School #2- MWS - Sabi ni Cairo, tumubo na daw yung tinanim namin last week. Kailangan ko pumasok ng isang buong lingo sa school ni Cairo para makabawi. Di pa rin nag po progress yung ginaganchilyo ko, abstract pa rin hitsura nya.

Nilaglag na ni Lacson si Erap. Evil begets evil. Sit back, relax and watch, crescit eundo...

I was asked for my presidential bet, none so far, closest being Noynoy but he is too hilaw to be president.

Leroy recorded the episodes I missed during my Singapore hiatus. I’ll be watching it later, galing daw ni pande Coco Martin at ni Lola Gets!

Nasa amin ang Our Lady of Manaoag since Saturday night at required kami mag rosary for one week hanggang bukas. Ni request kasi ng mommy ko as thanksgiving for dad’s birthday tomorrow. Kabisado ko pa ang mga dasal sa rosary kahit sobrang tagal ko na hindi nag ro rosary.

Napapadalas ang day-off ni Rosalee, mukhang inlababo. Buti pa cya may lovelife.

I saw “angel” again sa UP last Monday, kaso kamalas malasan, naka talikod cya papasok sa classroom nila pero alam ko cya yun. Di ko cya nakita kanina.

Congrats sa UP kahit di champion ulit sa cheerdance – 3rd placer at may special award pa. Congrats too sa FEU (1st) and ADMU (2nd)! ADMU siguro mag cha champion sa basketball since laglag ang DLSU (sob, sob) sa final 4. Sana bigyan ng FEU or UE ng matinding laban ang ADMU

Lumaki na yung stocks na ininvest ko.Yehey! Konti na lang mapapasama na ko sa Forbes’ Richest.Hehe.

Wednesday, September 2, 2009

Kapamilya Primetime Bida Reviews

Aliw na aliw ako minsan sa pag sa side comments habang nanonood ng mga prime time bida teleserye. Kasi naman parang minsan OA na pagkakagawa o pag arte ng mga tauhan, minsan dahil manlalait ako since birth, walang nakakalusot sa mga mata ko kahit gaano ka liit na detalye but nonetheless worth watching pa rin sila, yung iba.

- May Bukas Pa

-Yung polo barong ni Mayor Enrique (na milagrong nabuhay ulit at nakipag barilan ulit) ay laging bitin, parang hanging polo barong lang.


-Sumisikat na yung tatlong chismosa (Rosalie, Jennifer at Kimberly) sa tindahan nina Atong (Ogie Diaz). Malapit na nilang maging ka level sila Bea Alonzo, Anne Curtis at Kristine Hermosa.


-Nakaka aliw sila Atong at Baby (Arlene Mulach), kahit laging tragic ang buhay sa Bagong Pagasa. May touch of laughter kahit papano. Maganda ang chemistry nilang dalawa.


-Si Froilan the kindnapper, ewan ko kung ganun talaga cya umarte. Sobrang OA. Parang 1,000 times ang galit sa mundo. Laging nakasigaw, kulang na lang pati ako masindak sa boses nya.


-Si Paco aka young Tiagong Akyat, nagbibinata na. Lumalaki at pumipiyok na boses.


-Si Hepe, ginagawang headquarter ang office ni Mayor Enrique, laging nandun kasama pa lagi yung sidekick nya na dapat mag-diet sa katabaan.


-Nung naligaw sila Santino sa gubat, nag transform ang backpack ni Rico into backpack ni Dora. Ang daming nakuhang laman sa backpack at di basta basta ang mga laman, may flashlight, lighter at kung ano ano pa. Akalain mong boy scout pala si Rico, laging handa.


-Si Boy Abunda ng Going Bulilit, lalaki na sa May Bukas pa at Batang Iwahid pa ang ganap. Di halatang bading badingan cya.


-Sobrang lakas ni Santino kay Bro. Nailigtas na cya sa mga tulisan kaso nabaril si Hepe, buti na lang dun talaga tumama sa anting anting nung sidekick nyang ubod ng taba. Dun talaga pinatama sabi ng direktor.


- Tayong Dalawa

-Kawawa naman si Dave, tulirong tuliro na sa buhay, parang adik na lang minsan ang arte nya. Sakit siguro ng katawan ni Dave kaka bugbog ni JR. Nag evolved silang dalawa sa pag arte, ang galing nilang dalawa.


-Buti naman ginupit na ni Ramon yung bangs nya.


-Nakakatuwa ang tambalang Ingrid - Marlene kapag nag aaway sila. Kahit OA umarte si Agot, nadadala nila.


-Si Audrey, 10 drum ata ng luha kada episode ang tumutulo sa mata nya.


-Si Mr. Cardenas, ayoko sa kanya. Nakaka bwisit ang facial expression nya.


-Mag amo nga si Ingrid at si Ula, mukha silang tanga most of the times.



- Dahil May Isang Ikaw

-Mag GMA 7 na lang sana ulit si Karylle, dun cya bagay.


Yun lang comment ko kasi di gaano pinapanood ito.



- The Wedding

-Fun! Nakakatuwa si Marlon and Candice. Pero mas bagay sina Warren and Candice.


-Panalo din ang lovelife ni yaya Greta at lolo Lawrence. Real love, awww!


-Nakakatuwa yung iba characters like Elvis and Ingrid tandem. Bagay sila at may chemistry din. Patok sakin mga hirit nila.


-Nakakatuwa din ang Manalac family.



- Katorse

Di ako nanonood kasi di naman mukhang katorse si Erich. Flop cya para sa akin

Wednesday, August 19, 2009

Mixed Nuts 002

Yipeee! Tim Yap no more na ako, wala na yung malaking pimple at pimplets na tumubo sa may noo ko 2 days ago. Ewan ko kung dahil yun sa excessive mano dito, mano doon sa mga elder relatives I did during my lola's birthday or dun sa pagkain ko ng peanuts everyday. Grabe yun, literal ata na napudpod ang noo ko, parang every 1 minute routine ko na mag mano dito, mano doon.

Speaking of Tim Yap face, naalala ko yung prof ko dati sa Math. The whole class literally froze in shock upon seeing her. Akala namin nasa "Night of the Living Dead" movie kami. Hehehe. Basta, I heard everybody prayed that time: 1. deliver us from evil and 2. Thank God and thank genes hindi kami as Tim Yap as her. One time, umuulan, pumasok cya ng walang make-up, halos atakihin kami sa puso sa takot. Iba pa pala hitsura nya pag walang make up, Tim Yap multiplied to forever, ganyan! Buti na lang she's oozing with brain powers and superb mathematical ability, otherwise, napaka malas nyang tao. Ang bad ko talaga.

Nakapanood ako ng "The Proposal" the other day, salamat Niki boy sa pirated yet malinaw na copy na pinahiram mo sa akin. Ryan Reynolds (corrected by Kuri, thanks, henyo ka talaga) & Sandra Bullock - Hooray!

Since QC day kahapon and Cairo's school is located in QC, wala cyang pasok, ako din walang pasok kaso ka malas malasan dahil wala talaga akong pasok ng Wednesday. We're able to bond well. Daddy duty again. Sinama ko cya sa aming quasi-peasant office, yup, nag wo work din ako minsan. Had lunch then nag work ako while Cairo answered the riddles and other mind boggling questions I gave him para di cya mainip at mag tantrums. After office duty, nag time zone kami. Nag enjoy naman anak ko, ako hindi.

Pag uwi, ayun nag basketball kami with his ninongs Leroy and Ker. Talo kami since di pa masyadong magaling mag basketball si Cairo and maliit pa cya compared to his two skyscraper ninongs.

Wattaday! Sarap maging daddy!


PS: I’m not referring to Tim Yap, the eventologist. Tim Yap’s a lait code short for Tang Inang Mukha Yan Ang Pangit! Kaya pag may nagsabi sa iyong you look like Tim Yap, bigwasan mo agad.

Monday, July 27, 2009

Cinemalaya 2009

Cinemalaya begins its run in UP Diliman on July 28, 2009
Kitakits!

Saturday, June 27, 2009

Remembering Jacko (1958-2009)


It was my brother, Leroy, who told me the news. He barged into my room and woke me up to tell me MJ's gone. I thought he was just joking but I know he will not invade my dreaming moment for nothing. So I immediately went online and confirmed the bad news.



I grew up listening to his songs. Lalo na pag may program sa school and we're forced into performing,songs nya kaagad ang isa sa mga top choices, another being Menudo.



He may have done a lot of crazy things from the past but I think its great to remember an icon who sparked life into the music industry and give him the credit he very well deserve.


So, here's to the legendary Michael Jackson. May he rest in peace and enjoy the Neverland!



Wednesday, June 10, 2009

Here's to Regine Velasquez and Way To Go to Eva Castillo

Napanood ko yung birthday special ni Regine Velasquez entitled "Roots to Riches". Maganda cya at nakakatuwa kasi ni reminisce yung journey ni Regine nung nag start pa lang cya as amateur singer down to the Bagong Kampeon show which paved way to Regine's much deserved success right now. I should also mention Penthouse and Pops as an instrument to her success.
I really like it when Regine do her specials, its really special (hehehe). I mean its not just a typical song or song and dance number. There are stories behind every songs and a lot of emotions.
I remember Regine doing another special years ago, Christmas special ata yun shot sa rooftop ng bahay nila sa Bulacan(wasn't sure if bahay nga nila yun), together with her sister Cacai. Sobrang ganda nun and since then I always look forward to her every specials.
What interest me a lot with her Roots to Riches special ay yung pag hanap nya sa mga taong naging malaking parte ng buhay niya bilang singer. Her reunion with these people is something nice and a humbling experience for her. It brought a lot of fun memories at kahit ikaw na nanood ay madadala.
Regine also acknowledged one person that made her amateur singing career difficult-Minerva "Eva" Castillo. Nagulat ako kasi hindi ko aakalain na pati yung mortal niyang katunggali at taong tumalo sa kaniya noon ay ipahahanap pa nya. Hindi naman ako nabigo kasi sobrang galing nga naman ni Eva. Its no wonder why Regine's afraid of her before. Eva's got a very powerful voice, much more like Dulce's.
Magkaiba sila ng naging kapalaran. Habang si Regine ay patuloy sa pag abot ng kanyang mga pangarap, si Eva naman ay nasadlak sa kahirapan bunga ng maagang pag aasawa at problema sa pamilya. Hanggang nung special amateur singing contest pa rin ang sinasalihan ni Eva.
What's so inspiring about it is how Regine made Eva dream and hope again. Eva mentioned her plan to quit singing and gave up her dream but Regine told her not to stop because their talent is God given and should be treasured. Regine's right about it. One should never stop from dreaming and hoping. Life will ge better if one's determine and willing to make it happen.
Ngayon, Eva's becoming popular and in demand because she really have the talent and another potential diva in the making. Allan K also gave Eva a regular gig sa Clowns. A lot of guestings are lined up and a recording for a new teleserye in GMA.
I just hope Eva will stand still and really make her life better. Sana hindi cya mapako sa kung nasaan cya. Maging professional sana cya para makamit niya ang tagumpay!
Kudos to Regine Velasquez, a diva insideout!

Wednesday, December 10, 2008

Update, update

I’ve been very busy for the last few days. Daming dapat gawin kaso kulang naman ang time. Can I ask for 36 hours a day this Christmas?

December 4, Thursday.Dated my kababata/lifelong friend/demi-sister for lunch. I’m so happy for her and Kerwin.Imagine magkababata kami and they ended up with eachother.Sobrang ganda ng love story nila at witness ako dun since bata pa kami. Happily ever after indeed!

Nung hapon, I decided to stalk my crush. Baka by some stroke of nature, mag kita ulit kami dun sa grocery. Of all places sa grocery pa. Ang kulit ng love story namin pag nagkataon.

But I was dead wrong. I spent an hour and a half sa pag ikot sa grocery kaso wala cya. Hindi ko cya nakita. I’m so lonely. I ended up buying a loaf of brown bread.

Kinagabihan, pumunta akong Ortigas for a stag party with Leroy. My lifelong friend and demi-brother, Kerwin & Annie (my other lifelong friend) got married last Saturday, Dec 6. Inom kung inom. Sakit ng ulo kinabukasan.


December 5, Friday. I got 3 hours of sleep. I have to be in UP before 9 for the Writers’ Day. I’m excited because finally I’ll meeting up this uber cool writer/fellow UP alumni/fellow YB contributor/email & YM buddy. She’s indeed uber cool. Had lunch at Mang Jimmy’s. Best tapsi, still.

Met some highschool buddies sa Katipunan after lunch for our charity project. Discussed and finalized the details and responsibilities. After that, sinundo ko ang anak ko and two nephews sa school nearby.

Mga 5 PM na kami nakauwi tapos after 30 minutes alis na naman for dinner sa bahay ng pang-apat kong kapatid (wedding anniversary). I left past 7 to meet the UPeeps to discuss our annual Christmas Party. Nakarating ako ng Macapagal around 8:30 and I was late. Discussed things and agreed for Dec 30 party.We ended around 11:30 PM.

December 6, Saturday. Got home around 12:30 AM. Tired, dead tired. Hoping to sleep, Kerwin called for some preppy talk. It’s his wedding day today and he is still awake. He can’t sleep. We had our usual talk. It’s a good two-hour talk. We were able to look back and reminisce our good old glorious and not so glorious days. Kerwin will forever be the best demi-brother and Annie will forever be the best demi-sister.

I went to sleep at 3 AM and got up at 8 AM.Five precious hours of sleep. Lucky me. I was forced to wake up. Cairo went to my room and pester me. I promised him a game of badminton with my mom, dad, ate and her husband. We left around 10 (mainit na kasi) and went straight to the public market. Mom bought lapu-lapu, clams and veggies for lunch. Great lunch!

Around 1 PM, nag prepare na ko for Kerwin and Annie’s wedding at 3 PM. I’m Kerwin’s bestman. Nasa church na kami around 2:45. Hirap maging bestman. Daming picture taking at special participation. Nag paalam na ako before 7. Superman still have things to do.

Mga past 8 na kami nakarating sa Araneta for Divas 4 Divas concert with Leroy and his wife to be, Ate Belle, sister ate Trish and husband kuya Chino,mom, dad and my son Cairo. One word: SUPERB!


December 7, Sunday. Had past mid night snack at Chowking around 1 AM. Slept at 4 AM. Great day still!

Got up before 10 AM the Pacquiao-dela Hoya rematch. All of my siblings and their children were there. Para lang kaming nasa sinehan sa dami namin. 35 in all (and counting). Really big family!

Manny was indeed a champion. I really admire his determination, humility and deep faith in God. He’s amazing!

After the game followed our usual Sunaday lunch. Mom cooked a lot to feed all 35 of us. Parang fiesta minus the banderitas.

We all went to the cemetery to visit my dead relatives tapos nag Sunday mass after. I left at 6 PM tas pumuntang QC dahil birthday ng isang highschool buddy. Happy birthday, Aldrin!

Got home at 10 PM, watched the late night news and heard Marky Cielo’s (the GMA artist/Starstruck winner)dead already. Bata pa, 20 lang. Sayang kasi may potential yung bata at mukhang mabait.

Knocked out na ako by 12.


December 8, Monday. Fiesta ng Pasig! Weeee! Woke up past 7 to help my mom. Pumunta kaming palengke tapos nagluto. Some relatives, friends & kapitbahay went and ofcourse, the whole family again. Its nice to rekindle with relatives and reconnect family ties. I spent the whole day entertaining them and spent the rest of the night sa paglilinis ng bahay.


December 9, Tuesday. Hinatid ko si Cairo sa school with my mom and dad tapos nag jogging kami sa Acad Oval. I need to kasi I’ve been eating a lot for the past few days. Got home by 11 and ate lunch. By 1PM, pumunta na akong Ortigas to do some work. I’m working you know. The meeting lasted for about 4 hours so I was done by six (meeting started around 2 PM already. Met my parents and Cairo at SM Megamall. Had dinner and bought Cairo some clothes for his parties and upcoming birthday. My parents also bought some gifts for friends and relatives. We got home by 11. Andaming tao sa mall!


December 10, Wednesday.That’s today. I got up around 8. Did some work till lunch time. Ate lunch.Got back to work and finally read the blogs I’ve been following and updated my own. Later, I will try to stalk my crush again later, run some errands for Leroy’s wedding and do some shopping again. I still have a long list of friends and relatives and inaanaks na wala parang regalo. I hope to finish the shopping today since I won’t be having spare time tomorrow onwards.Wish me luck!


PS: Unedited to kasi wala na akong time to edit.

Tuesday, September 9, 2008

ako nAPO muna


On September 20, the APO Hiking Society will be onstage at the Araneta Coliseum to celebrate 39 years of friendship and music.



You can get your tickets at Ticket.net at all SM stores (phone no. 911-5555), You can also call 426-5301 or 426-0103 for more details or visit http://apohikingsociety.org.

Wednesday, August 27, 2008

Actress Zorayda Sanchez is dead


One of the better comediennes I know. I used to see her sa may Crossing (Mandaluyong). Plain looking and very down to earth. She didn’t want to be recognized. Nag je jeep lang cya going somewhere.

I must commend her sa pagapapalaki nya sa anak nya who is now a medical student at UP (UP, really rocks!). She singlehandedly raised her child well while doing some writing, acting and teaching jobs. I wish I’ve known her personally.

My condolences to her family. She’s in a better place now.

****
Reports reaching abs-cbnNEWS.com say that veteran comedian, actress and writer Zorayda Sanchez has passed away.


One report said that Sanchez had been suffering from breast cancer for some time. Her wake is reportedly being held in Angono, Rizal.


Sanchez became a popular comic icon in the 1980s when she became a mainstay in the TV gag show "Goin' Bananas" which starred actors Christopher de Leon, Johnny Delgado, Jay Ilagan, Edgar Mortiz and Al Tantay.


Sanchez along with another comedian, Whitney Tyson, became household names as the gags emphasized their unconventional looks--Sanchez for her facial features and Tyson for her dark skin.


Sanchez was also a writer, stage actress and university professor. She also starred in several movies, mostly comedies, including the iconic "Bagets" movie where she played a teacher.


Her film credits include: "Feel na feel" (1990); "Hotdog" (1990); Tiyanak (1988); Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting (1988); "Bakit kinagat ni Adan ang mansanas ni Eba" (1988); Ready, Aim, Fire (1987); Takot ako eh! (1987); Working Girls 2 (1987); and Bagets (1984).

Source: abs-cbnNEWS.com

Monday, August 25, 2008

Bring back the 90s







Thank God it’s Sabado VS Gimik

TGIS: Bobby Andrews, Angelu de Leon, Rica Peralejo, Onemig Bondoc, Raven Villanueva, Red Sternberg, Ciara Sotto & Michael Flores.

Gimik: Judy Ann Santos, Rico Yan, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Deither Ocampo, G Toengi, Mylene Dizon, Bojo Molina, Diego Castro & Patrick Garcia.

TGIS & Gimik were both youth oriented and themed shows. Mga 1990s cya pinalabas, I was in college then majoring already.

It’s all about barkada and friendship and all the fancy and complicated things involved in growing up. Teenage hormones personified. Young love, puppy love, youth problems and vices, tambay, awayan, kulitan. Here’s a group of people trying to solve the complex youth problems on their own.

Mas nagustuhan ko nung una yung TGIS and nauna ang TGIS sa pagpapalabas. Aliw ako sa Peachy-Wacks tandem aka Pancake-Cookie love affair. Ayoko kasi nung una kay Juday. Ok sana yung initial casts except Juday. Parang there’s something baduy in it. Juday kasi is fresh from the Mara Clara days that time tas biglang nilagay sa ganun show. Role pa ni Juday e mayaman. Sanay akong mahirap ang role nya kaya nabaduyan ako. Dati yun ha. I so so love Juday now.

I switched to Gimik nung nawala na si Juday (she’s bound to do another teleserye that time ata kaya she was pulled out). Tsaka medyo na OA yan na ko kina Wacks and Peachy. Growing na rin kasi yung casts ng Gimik nun, Marvin and Jolina added and some younger artistas like Kaye Abad.

I love the concept; it made me appreciate my barkada more. We even saw ourselves sa kanila.