Sympathy and prayers nga pala sa mga nasalanta ng lindol sa Haiti.
Saturday, January 16, 2010
Mixed Nuts 007
Sympathy and prayers nga pala sa mga nasalanta ng lindol sa Haiti.
Wednesday, July 15, 2009
Recipe: Burger Steak

1/2 cup of Liquid from the canned button mushroom
Fry or grill the burger. Para sa mayayaman, i fry sa non stick pan para hindi na lalagyan ng oil kasi 50% ng burger e fat or i grill para mas sosyal. Sa mahihirap, mag tiis kayo sa sanrekwang fat galing sa burger. Set aside.

Oha, simu't sarap. Lamang lang kami ng konti sa mga patay gutom. Kulang na lang himurin namin lahat. Halatang nagsisinungaling lang ako dun sa sinabi kong panay hamonado at morcon kinakain namin at mayaman kami.Hahaha!
Monday, July 13, 2009
Weekend Madness 001
If I may say, wala ka cyang karapatan to question my way of upbringing sa anak namin (ayokong gawing materialistic ang anak ko), afterall, baka nakakalimutan nya na I singlehandedly raised Cairo. At di ko ginagastos ang perang pinapadala mo. Tanong mo sa BPI Family Bank. Andun lahat, ni singko wala pang na wi withdraw. Mas mayaman kaya ako sau. Di ko kailangan ng pera mo, mas madami akong pera sau.Hehehe. Ayokong manumbat pero alam nya naman siguro kung ano nangyari sa amin, wala pa naman siguro cyang memory gap.
Di alam ng mommy and daddy ko to. Kasi panigurado susugod sa US yun para tadyak tadyakan ang (prodigal)mommy ng anak ko. Secret lang natin to.
Nagulo tuloy mundo ko. Nawala ako sa working mood, muntik ko na di matapos yung report na ginagawa ko, buti na lang reliable si Dy (salamat pare!) at tinulungan nya ako matapos yung report namin kung hindi delikado ang trabaho at ang bayad sa trabaho. Baka maungusan ako ng (prodigal)nanay ng anak ko sa dami ng pera (hindi halatang bitter ako).
Nahimasmasan lang ako nung gabi na (mag uumaga na pala). A cyber friend (oo ikaw nga at launching ng career mo ngayun sa blog ko, tsaka na komisyon ko pag sikat ka na) made me laugh (natatawa ako sa tawa nya kasi wala cyang ginawa kundi tumawa ng tumawa sa mga pinagsasasabi kong kabulastugan at kabalasubasan, bungingis!, gets mo?) na nauwi sa almost non-stop kwentuhan kundi pa tumilaok ang mga manok sa kapaligiran. Ginawa nya akong clown nung mga oras na yun! Para lang sya nakalanghap ng limang gallon na laughing gas.
Saturday, di pa ko masyado nakakatulog ayun, binulabog na ko ng daddy ko sa kwarto. Nakapangako kasi ako sasama sa Tarlac para asikasuhin yung konti naming business dun. Buti na lang may instant driver kami, si Leroy kaya nakatulog ako on the way to Tarlac.
Saglit lang kami dun, before 5 PM nasa Manila na ulit kami. I drove pabalik, nakaka hiya kay Leroy, baka sabihin wala akong silbi, sumama pa ako.
Nagpababa ako sa Trinoma. I’ll be meeting up some UPeeps konting dinner lang tsaka walang humpay na bashing moment. Wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa ng tumawa (ginawa ulit akong clown, ayus ang silbi ko sa mundo no?). Umuwi nako ng 10, bangag na bangag na ko. Kaso pag dating ko sa bahay, nawala yun antok ko. Hyper na naman. Nag work ako, wala pa din di pa rin inantok. Blog hop and hop and hop while working, nde pa din epektib. Nag online si cyber friend (oo ikaw pa rin to!) na sure na ko by now na pinaglihi cya sa nitrous oxide. Ayun taena, inabot na naman ng bukang liwayway at clown na naman nya ko. Tinakot ko rin pala yung mga batang maiingay na nakatambay sa tapat ng bahay namin. Pinag chi chismisan kasing haunted house tong bahay namin sa sobrang kalumaan. May taong gumawa ng istorya tas kinagat ng mga chismosa at chismoso naming kapitbahay. Pinanindigan ko na lang, minsan nagpapanggap akong mumu in the city at tinatakot ko yung mga nagdadaan or yung mga tambay sa tapat ng bahay namin pag maingay.
Sunday, kahapon, birthday ng kapatid ng daddy ko. Si Tito Eto (Happy Birthday Tito!). Family reunion as usual, almost everybody present. Pagdating namin sa kanila ng tanghali kami na surprise. May birthday gift yung bunso nyang anak. Si 19 y/o cousin, may uwing babae, preggy.
Gulat ako, tahimik kasi na bata yun. Barkada lang inaatupag. Sabi ng kapatid nya, may GF daw pero di naman daw serious. Nag aaral pa si cousin, di ko alam kelan matatapos. Ewan ko din anong papakain nya sa mag-ina nya. Nope, di kami magkatulad, kasi ako tapos na ng college nung nagka anak at may trabaho, meaning may pambuhay ako sa anak ko at di aasa sa magulang. Naturalmente, yung inasawa di rin tapos or ewan ko kung nagaaral ba yung babae. Eto pa, ayaw pakasalan ng pinsan ko yung girl pero nasa bahay nila.Live in ba.Ganun. Anong future kaya ibibigay nila sa anak nila?
Napainom na naman ako sa birthday ng tito ko syempre. Umuwi lang ako maaga kasi baka bumigay na naman katawan ko at magkasakit. Katakot takot na sermon na naman aabutin ko pag nagkataon. Na tempt na naman ako mag net, ang ending nagbasa ako ng blog instead of taking a nap. Nga pala, meet my new blogmate Zai Zai (naaliw ako sa cam whoring nila ni booboo at natuwa ako sa brother nyang si Ge, parang si Cairo lang minus the eye glass tsaka maputi ng konti anak ko (nagmana sa prodigal mommy nya kasi isa rin kong baluga, hehe).Lasing ang daddy ko pag uwi nila pero ayaw pahalata, nag pe pretend na naman na kaya nya e konting tapik mo lang mabubuwal na. At syempre ang bibo kong anak nag sumbong sa akin na daming nainom ng daddy ko.
After dinner (galing sa handaan!), nag aral na kami ng anak ko tas naligo kami sabay. Pinatulog ko ng maaga para walang topak pag gising kinabukasan. Tas ako inatupag ang trabaho (ang bayad baka mapurnada!). Malapit na presentation, Singapore, here I come!
Monday, July 6, 2009
OPLAN STAR GAZING PARTNER CUM WIFE TO BE
Nag star gazing ako mag isa last Friday sa UP. Inaantay ko yung isang friend ko because we decided to meet up (for a partey!) sa UP since malapit lang cya dun. Habang hihintay ko cya ayun. Sumlampak ako sa damuhan at nanood ng mga bituin, walang falling star, sayang, mag wi wish pa naman sana ako.Sarap ng feeling, tagal ko na kasi hindi nagagawa mag star gazing at mag relax. Mga star lang iniisip mo.
Nagmuni-muni din ako ng bagay-bagay sa buhay ko. Ang tanda ko na pala. Next year, wala na ako sa kalendaryo. Marami pa akong mga bagay na gustong gawin di lang pansarili kundi sa anak ko. Marami na rin naman akong na accomplish sa buhay. Marami rin nagawang mali, nalait na tao at kung ano ano pang kabulastugan pero pa minsan minsan ay nakatatawag pansin sa pag gawa ng mabubuting bagay.
Habang iniisip ko ang mga bagay-bagay, napansin ko di lang ako nag iisa. Dami rin pala nag star gazing, ang kaibahan ko nga lang sa kanila, mag-isa lang ako, sila may mga partner, may mga kayakap habang nagaabang kung tatamaan ba sila ng falling star o hindi.
Ang su sweet nila. Sarap din panaoorin kasi yung iba medyo kinakarir ang pagiging sweet at umaadvance kay babae. Kilitian na nauuwi sa halikan na nauuwi dun sa biglang liko. Naisip ko, nakaka inggit sila. Masarap ata may ka kwentuhan at kayakap ka habang ng star gazing. Parang na mi miss ko na magkaroon ng lablayp at sa tingin ko handa na ako sumabak ulit sa isang relasyon (whew!).
Nabanggit ko dati na may kras ako pero nauwi din sa wala. Nag-AWOL cya at hindi ko na nakita hanggang ngayun kahit parati pa rin ako nag go grocery kung saan kami madalas magkita. Ang ending, nabigo na naman ako. Well, dahil sa katangahan…stalker ang dating ko. Di nya ako kilala at di rin ako nagpakilala sa kanya kahit ilang beses na nagtama ang aming mga mata. Torpe mode. Imagine sa tanda kong ito na to torpe pa ako. Bwiset!
Nag-isip isip ako na kailangan ko na humanap ng makakasama mag star gazing na di lang kaibigan syempre, yung romantic at sana e maihahatid ko na rin sa simbahan bilang maybahay.
Kaya ngayun, isa sa mga ka karirin ko ang paghahanap sa star gazing partner ko. Let’s call it OPLAN STAR GAZING PARTNER CUM WIFE TO BE.
Ayus yan kasi sisiguraduhin ko na hindi lang hanggang star gazing partners ang magiging title naming kundi husband and wife.Weeeee!
At sana magustuhan cya ni Cairo at magustuhan din nya si Cairo. Ako na lang walang asawa sa amin magkakapatid and I'm not getting any younger.Sigh!
So, let’s start the ball rolling....wish me luck!
In youth the days are short and the years are long; in old age the years are short and the days long.
Nikita Ivanovich Panin
Sunday, January 18, 2009
Holiday Round Up (part 2)
Day two ng aming Ilocos adventure. We went to Vigan to visit some relatives. We left at around 5 in the morning para mabilis ang byahe. It took us more than one hour to reach Vigan pero ayus lang dahil saya ng road trip. We passed by Santa Maria and visited their famous Baroque church, the La Asuncion de la Ñuestra Señora Church which is sited on the crest of a solitary hill. Truly a magnificent and world class church worth keeping.
Arrived at Vigan past 7. Breakfast prepared by one of my dad’s cousins. Syempre the authentic Vigan Longganisa, Bagnet and the Ilocano Dinuguan. Thanks Tita Leng. My great grand parent’s ancestral house is still there, beautiful and magnificent as ever. Its one of the reasons why I am proud of my Ilocano blood. Feeling ko kasi naging part ako ng nakaraan ng Vigan though it really didn’t happen that way. Medyo eerie parin yung bahay dahil sa naglalakihang mga photos ng mga ancestors ko pero so far wala pa naman akong nararamdamang kakaiba. Knowing that our ancestral house is well taken care of, malamang panatag na rin ang loob ng mga namayapa kong mga ninuno kaya wala naman ghost sightings or paramdam.
Able to meet a lot of relatives again. Its really nice to rekindle family ties and talk about the good old days. Hindi ko man natandaan lahat ng pangalan ng mga pinsan ko to the nth level, I will still be proud to be one of their relatives and one of their own.
Sa dami ng kamag anak, inabot na kami ng lunch. Syempre, Ilocano recipes at its best and finest – Papaitan, Igado, Dinakdakan and Pinakbet.
We spent the rest of the afternoon touring the Vigan proper. Crisologo, San Pablo and Burgos Museums and the Syquia Mansion. We also visited the St. Paul Cathedral or the Vigan Cathedral, Arsobispado Nueva Segovia and the famous Calle Crisologo.
Merienda syempre sa Empanadaan lang. Vigan’s empanada and okay are still my favorites. Authentic Vigan taste lalo na pag sinawsaw sa sukang Ilocano with ilocano sibuyas. Yummy!
Laging nagsusumbong si Cairo sa akin kasi every store na pasukan ng mga mommy ko may binibili sila. We ended up with tons of pasalubong.
We have to go back to Tagudin after dinner kasi may sayawan daw at babang luksa ng kapatid ng tita ko kinabukasan.
Day Three, we went to Tagudin market. Since Sunday, market day nila. Daming pwede bilhin from veggies to dried fishes to meats and traditional Ilocano kakanin like tupig and bibingka. We also toured the church and its vicinity since katabi lang naman ng palengke. Andun pa rin yung sundial na until now ginagamit pa rin. Interesting way of life. Basta there’s something unique talaga sa pamumuhay ng mga nasa province. I’m not sure kung makakatagal ako ng ganun but few days of stay there a year ay sapat na para obserbahan at ma appreciate ang bucolic and surreal life nila.
We headed straight to Bangar, La Union. Bibili kami ng mga kumot, punda at kung ano ano pang pwedeng magawa sa Ilocano weaving. Its good to know na buhay pa ang ganung industry despite the modernization.Yung mga gadgets kasi nilang ginagamit ay yung sinauna pa rin and they still make those pieces the traditional way.Great!
Non-stop lutuan pag uwi namin. We have to feed a whole barangay. Babang luksa nga kaya may salu-salo. My tita prepared Menudo, Pansit, Dinuguan, Chicken Pastel, Kilawin and Beef Kaldereta. Nakakatuwa kasi ang daming tao. Parang fiesta. Halos lahat ng tao puntahan. Sarap kumakain kasama nila. Even my dad didn’t miss that part.
Nanghuli kami (sila pala) ng isda, crablets at hipon sa ilog nearby nung hapon. Game si daddy, naki lublob, naki hila ng lambat at naki huli ng laman-ilog. Crispy crablet and ginataang hipon ang ulam namin nung gabi. Mom served as the photographer, Leroy, Belle, Cairo and I ay naligo sa ilog at sa dagat. Nag balsa din kami. I took some pictures of the Farola lighthouse (I’ll post it some other time).Weee!
After dinner balik Vigan kami. Dami pa kasing hindi napupuntahan at mga kamag anak na hindi na me meet. Pagod pero ayus lang. Minsan lang kasi mangyari at magkaron ng ganung opportunity.
Last day, 4th day. Pagkatapos pumunta ng cemetery to visit dead relatives and ancestors pumunta kami sa Baluarte, owned by Chavit Singson. Malaki yung place pero hindi pa ayos lahat. May mga constructions pa rin, siguro in two years time, maayos na yun. Syempre naaliw si Cairo at ang mommy ko dahil animal lovers sila.
After that pinuntahan din naming yung ibang mga dapat bisitahin sa Vigan. Mira Hills, Damili Village, Pagburnayan (Mom bought few pieces of jars and pots), the Kankanen makers at Brgy. San Jose (sarap kakanins) and the equally famous Simbaan a Bassit (bassit is Ilocano word of small. We also went to the nearby town, Bantay and went to the Bantay church.
Bags packed by 10 PM and we headed home to Manila. Great trip!
Ewan ko pero kahit yearly ako nagpupunta ng Ilocos (minsan twice a year), hindi pa rin nagbabago yung tingin ko sa province. Mangha at gandang ganda pa rin ako sa lugar na yon. Hindi man ganun ka progresibo yung buhay, ma a appreciate mo par in dahil sa ka simplihan. Masarap na paminsan-minsan ay bumabalik ako sa lugar kung saan ay mga tradisyonal na gawain pa rin na patuloy na ginawa at pinapasa sa mga nakababatang henerasyon.
Masarap kasi fresh air, malapit sa dagat, tahimik, masarap mag muni-muni at mag balik tanaw sa nakaraan. Eto yung lugar na kahit less than 5 hours lang yung tulog mo ay hindi mo mararamdamang puyat ka kasi kakaiba yung surroundings, parang kawalan mo pag nagising ka ng tanghali kasi ma mi miss mo yung sunrise habang naglalakad sa baybayin ng dagat. Yung makita mo yung mga alon, yung maliliit na crabs na gumagawa ng bahay sa buhangin, yung makita mo yung mga tao na tulong tulong sa paghatak ng lambat ng mga mangingisda at makita mo yung biyaya ng dagat.
Kakaiba.
Last part tomorrow.
Saturday, January 17, 2009
Holiday Round Up
I did a lot of worthy stuffs naman. I spearhead 4 charity events with family and friends. Masaya na malungkot dahil sa worsening conditions ng bansa natin but what’s important ay may mga taong handa pa rin tumulong sa mga nangangailangan no matter how hard life is.
Birthdays - Celebrated my 30th birthday as well. Simpleng dinner lang with close family and close friends.Sobrang saya because I was able to see friends na akala ko e nag migrate na sa bundok ng Tralala. Also my son – Cairo’s 9th birthday. A few years from now may binata na ko. Bilis ng panahon.Happy birthday son!
Reunions - lots of it. With college friends (those I became friends with sa iba’t ibang GE subjects; IE Friends; LSGH Friends; Tropa sa bahay; Mga naging kaibigan sa bahay ng lola ko. Relatives sa provinces (Batangas, Ilocos and Tarlac).Former officemates and business friends. Basta halos lahat na meet ko. Kaya busy.
Noche Buena – Nag order lang kami sa mga restaurants. Walang time mag luto but mom managed to cooked the traditional Paella, Hamonado and Embotido.
Christmas – As usual busy sa bahay. Daming namasko. Had the chance to see distant relatives as well na every Christmas lang naming nakikita. Also so good old friends. Sobrang dami nila. Ubos ang pera pero OK lang, sabi nga ng daddy ko mas ok yung ikaw ang nagbibigay kesa ikaw ang binibigayan. Blessed pa rin kami, tama ang daddy ko. We also visited one of my lola’s (my dad’s mom) siblings. Ibang iba na si Lolo Simon from the last time I saw him. Semi-bed ridden na cya at wala ng yung matikas at matipunong lalaking nakita ko dati sa kanya. Medyo odd din kasi Lolo Simon told us na every night at 6 PM lagi daw bumibisita yung ibang dead relatives naming sa kanya. Scary.Basta great day, really a Merry Christmas!
Ilocos Sur Trip (December 25 to December 29) – Its been a tradition for me and my family to visit Ilocos Sur every after Christmas. Part of my dad’s family ay taga Vigan, Ilocos Sur. We left around 11:30 PM 25th of December. Our first stop: Tagudin, Ilocos Sur. My tita’s (my dad’s sister in law)hometown and birthplace. I fell inlove with this place. Makikita mo talaga yung simpleng pamumuhay dito kahit na marami ng magagarbong bahay na nagsulputan. Naka depende ang everyday survival sa biyaya ng dagat, needless to say, karamihan sa kanila ay mangingisda.About 50 steps away lang ang bahay ng tita ko sa South China Sea and the river nearby. Walang NASAWA connection. Water is coming from deepwell.
What fascinated me the most ay yung uri ng pamumuhay na mayroon sila. They love gambling. Mahilig sila sa kahit na anong uri ng sugal. Lantaran ang tayaan ng jueteng. Afternoon activities include playing cards, chit-chatting, and videoke singing and ummm, baby making if I may add. Yearly nadadagdagan ang mga bata doon. Sobrang daming bata.Kahit maliit na komunidad lang ang Barangay Farola in Tagudin, Ilocos Sur. Makikita mo yung unity and close knit ng mga tao. They don’t have much in life but they still managed to be happy and content.
To be continued.
Wednesday, July 9, 2008
Back on track!

Pinagalitan ako ng mommy ko dahil hindi ko sinabi sa kanya na nagkasakit ako. My dad told my mom. Sermon con todo ang ending.
Had nice chitchats with few good friends and family. Eto ata nagagawa ng may sakit. Nagiging mabait at naaalalang i-message yung mga taong malalapit sa kanya.
Indeed, its nice to know na andyan sila kahit minsan ko lang sila maalala.
Dad called me last Saturday night. Tyempong may sakit ako. I told him syempre. Naawa naman daddy ko to the point of telling me to go home. Inulit pa nya na hindi ko naman kailangan mag abroad at kinunsensya ako tungkol sa anak ko. Daddy talaga.
Nag chat din kami ng brother kong si Leroy last Sunday. Update lang of what’s happening sa aming dalawa and the people around us. Chismis kung baga, na lagi naming ginagawa. Everything’s set for his wedding sa December. Sa wakas, lalagay na sa tahimik ang aking idol at bibigyan na nya ng apo ang parents ko. Natuwa ako sa dami ng napag kwentuhan naming from the non-sense ones to the more serious ones. I really miss those bonding moments with my kuya Leroy. I hope to do it pag uwi ko over some cold beers.
My son syempre. Grown-up na si little Cairo. Binata na anak ko.Yaikes! Dami ko ng na miss na moments sa kanya. Don’t worry son, daddy will be home sooner and sana for good. Sana.
Naka chat ko din si Mang Kerwin. My demi-brother and lifelong boy bestfriend. Kakasal din cya sa December with my demi-sister and lifelong girl bestfriend. As always wala pa rin nagbago. Natuwa ako kasi parang kahapon lang kami huling nag usap. Iba talaga pag tunay na kaibigan. Kahit physically absent andun pa rin yung puso at yung friendship connection.
Sa email and yahoogroups ko naman nakakausap ang aking mga college kada. The UPeeps! Busy karamihan sa pagpapayaman pero once in a while pag petiks moment nakukuha pa rin akong kamustahin. Ron and Ivy, thanks sa araw araw na email and yahoo group session. Halatang kayong dalawa lang walang ginagawa lagi sa work.Hehehe. Pretty ladies, kelan kayo mag-aasawa? I miss the baywalk moments! Jet, finally nagkausap din tayo. Hirap mo hagilapin. I’m happy sa blooming lovelife. Finally, this is it! Dy, sa wakas, after 36 years, 8 months and 22 days, naka chat din kita. Masyado ka ng mayaman para magpayaman pa. I enjoyed the chat cum bashing moments kanina. I miss the good old UP days and yung hunting trip natin sa madidilim na parte ng UP.Harharhar!
Lastly, sa highschool tropa. Konti na lang active kasi either career of family mode na ang priority. Atleast once in a while may balita pa rin. Miss ko na yung nabuwag na Friday night session natin sa Eastwood. Boys, isang payo lang: Family planning!!! Mag control kayo mga loko! Ayoko ng maging ninong sa mga anak nyo!Joke!
I hope to catch the other people I’ve wanted to talk to this coming weekend. Magparamdam kayo!
Galing to sa movie na Mulan na pinanood ko kagabi: “When one’s heart is overfilled with joy, some may spill in the eyes”.
Wednesday, June 25, 2008
10 Facts About Me!

Eto ang 10 facts na hindi pa alam ng lahat sakin:
>>Muntik na akong ma kick-out sa LSGH nung grade 5 ako. Inaway ko yung isang teacher dahil pinagbintangan nya akong dumadaldal habang nagtuturo cya kahit hindi naman talaga. Yung nasa unahan ko yung dumadaldal, inakala nya na ako. Buti na lang naayos!
>>Hindi ako nakakatulog ng naka tihaya. Laging naka tagilid o naka dapa. Hindi rin ako malikot matulog. Kung saan akong pwesto natulog yun pa rin ang pwesto ko pagkagising. Kailangan ko rin maligo bago matulog otherwise hindi ako makakatulog.
>>Gusto kong maging isang Che-Che Lazaro. Oo, gusto kong maging broadcast journalist. Mahilig kasi akong makipag usap lalo na tungkol sa buhay. Kaso hindi ko tinuloy dahil hindi ako confident na magagawa kong maging isang broadcast journalist. Pwede rin isang Susan Calo-Medina – Travel Guru. Gusto ko i-explore yung mga lugar na magaganda at hindi pa napupuntahan ng karamihan. I want to know what Pinas can offer – food, sights, sounds at yung mga bagay na humubog at luminang sa mga taong ito gaya ng kultura, tradisyon at kasaysayan!
>>I’m a cry baby! Mababaw ang luha ko. Ilang beses na kaya akong umiyak sa mga pelikula at palabas sa TV gaya ng MMK. I’m tough on the outside but very vulnerable and soft inside. Lalo na pag pamilya ang pag uusapan so yung mga pelikulang anak, tanging yaman at kung ano ano pa, lahat yan, pinaluha ako.
>>I was once a casualty sa isang frat rumble sa UP. Nadamay lang kasi nagkataon na andun ako where the rumble started. Malay ko ba na yung target nila e just a few steps away from me lang. Nag rereview lang naman ako nun for an exam. Ang ending tumanggap ako ng 2 tadyak at muntik pa akong masapak buti na lang naka ilag ako sabay takbo.
>>Nag shoplift ako nung first year highschool ako sa National Book Store. Dare lang ng mga gago kong kabarkada at ka klase. Pambura at gunting ang kinuha ko. Di ko na inulit!
>>Naughty ako when I was in college. Andaming kagaguhan at katarantaduhan ang pinag-gagagawa ko nun relating to hormones. Ayoko na i-elaborate pa. Sensored. Basta saksi ang UP doon sa mga yun!
>>Wala akong hilig sa art at wala rin naman hilig ang art sakin. Sobrang naboboring ako sa mga art classes lalo na yung pag do drawing at coloring. Hanggang ngayun I can’t even draw a straight and perfect line-pasmado! At hindi pa rin ako maka pag color ng walang lagpas at pantay. Yung mga projects ko nun kung hindi pa gagawin ng mga kuya ko hindi gaganda. Kaya ni isa sa mga yun walang kinuha para i-display.
>>Favorite ko noon ang tambalang Marvin-Jolina. Baduyyyyyyyyyy. Naaliw lang ako sa kanilang dalawa. Iba yung chemistry. It used to be Waks-Peachy of TGIS kaso nabuntis si Angelu. Pero “Ang TV” days pa lang gusto ko na si Jolina lalo na nung first time ko cya nakita in person sa Megamall with her family. Nung na pair sila ni Marvin, ayun die hard fan ako! Harharhar!
>>Mahilig ako umamoy ng paa ko. Kahit mabaho. Pati yung paa ng iba, minsan inaamoy ko rin. Syempre yung walang alipunga.
Thursday, June 5, 2008
Blogging and bloggers

Puno na nga ang favorites corner ng internet browser ko sa dami ng naka save na blogsites. Sinesave ko yung mga interesanteng blogsites tsaka ko babasahin pag may freetime (hehehe, lagi naman akong may freetime). Nakaka sabik kasi mga stories kaya mga ¾ oras ko sa office nauubos lang sa pagbabasa ng mga blogs. Kaya tuloy kanina medyo nasa warpath na naman yung boss ko na laging basa ang kili-kili (ewlkkkkk!), kung ano anong non-sense ang hinahanap, tinatanong at pinapagawa sakin, kasi nahuhuli nya ko na wala akong ginagawa. Wala naman kasi masyadong work lately kaya ok lang. Pag meron naman talagang busy-busyhan ako (depensahan bad aw ang sarili).
Anyway, going back to the topic. Natutuwa nga ako kasi kagaya ng mga ibang bloggers, nakakapagsulat din ako kahit papano. Nalalabas ko rin yung writer side ko. Kanina nga tawa ako ng tawa kasi may naaaliw na chatmate sa blog ko. Fan ko daw sya kahit wala naman akong balak magtayo ng fans club. Passion ko magsulat kahit noon. Sa dami ng mga sinulat ko natapon na yung iba kasi nga sobrang dami ko ng naipong papel sa bahay (fyi, di pa uso ang internet nung nagkainteres ako sa pagsusulat kaya no choice kundi isulat sa papel). Kaya salamat sa internet, computer, MS word at sa nakaisip ng blogging.
Walang pattern ang pag susulat ko. Wala rin akong style. Hindi rin ako sumusunod sa subject-verb agreement o kung ano mang pattern meron. Basta kung ano tumatakbo sa isip ko, derecho agad sa pagsusulat, derecho type sa keyboard. Hindi rin ako araw-araw nagsusulat. Pag nasa mood lang ako magsulat na bihirang mangyari. Kaya minsan, copied from other sources lang nilalagay ko sa blog ko pero ayus naman kasi interesante din yung mga paksang sinusulat nila at ina acknowledge ko rin naman kung sino sumulat. Syempre, bawal plagiarism.
Parang teleserye din ang blogging. Madalas na sinusubaybayan ng mga mambabasa. Araw-araw chine check yung mga updates ng blogger. Isa pa lang naman yung araw-araw kong chine check na blog kasi aliw na aliw ako sa klase ng sense of humor meron cya (oo, ikaw yung kasi sa blog mo lang naman ako nag co comment-uhuyyyyyyy!). Pero marami pa rin may potentials na pinag uukulan ko na rin ng time basahin (oo kahit mahuli ako ng boss ko ok lang basta mabasa ko blogs nyo!). Interesante rin yung mga kwento nila kung bakit sila nag bo blog.
Sari-sari, kanya-kanyang style at heading ng blog. May simple, may nakakatawa, lahat meron depende sa kakayahan ng isang blogger. Yung iba makulay, yung iba payak lang. Yung iba puno ng pictures, yung iba walang time kaya 1980s pa nung last na in-update. Maganda din kasi pwede mong I explore yung blogs ng iba dahil sa links. Sa sobrang dami nga ng mga links kulang siguro 20 years para mabasa ko lahat ng blogs.
Mental blocked na ko. Tsaka yung boss ko na nasa conference room e naririnig ko na palabas kaya tatapusin ko na to. Baka mahuli ako!
Sunday, June 1, 2008
Usapang Math

Malamang maraming mag a agree sa akin dito.
Ewan ko ba. Eversince nagkalaman ang utak ko at natuto ako, ayoko na sa Math. Hindi ako naging interesado sa subject na to. Nahihilo ako pag nakakakita ako ng maraming numbers. Brain freeze pa. Ayos lang sana yung subject kaso kung sino pa yung mga mababagsik at nakakatakot na teachers, yun pa nagtuturo ng mga Math subjects sa school. Ni minsan hindi ko pinangarap na maging Best in Math sa school.
Laging lowest grade ko ang Math. Consistent yun from elementary hanggang highschool except nung 4th year dahil medyo disente at mayabang ang grades ko sa Math pero hindi pa rin kasing taas ng mga adik sa Math na mga kaklase ko. Magaling kasi yung teacher ko kahit mabagsik. Na a appreciate nya yung potentials ng mga trying hard to like Math students na kagaya ko at naiintindihan nya yung predicaments ng mga estudyanteng kagaya ko na willing matuto. Medyo naging madali ang last Math ko sa highschool.
Medyo nahirapan din ako sa UPCAT. Yung pinaka ayaw ko pa na Math topic (Trigo) ang karamihan ng questions sa UPCAT during my time. Pero dahil nag aral naman ako kahit papano, may nasagot din naman ako. Pinag handaan ko din ang ACET dahil alam kong mas mahirap yun kesa UPCAT. Review to the max ako kahit wala naman talagang pumapasok sa utak ko maliban sa mga basic formula ng Math na kahit grade one e alam. Muntik na kong mag cartwheel palibot ng LSGH nung nalaman ko na nakapasa ako sa 2 sa pinakamahirap na entrance exam sa college. Ang resulta? Lowest grade ko ang Math sa UPCAT, sa ACET hindi.
Parehong Math related course ang kinuha ko sa UP at Ateneo. Matigas ang mukha ko nun kasi alam naman ng lahat ng classmates ko na weakness ko ang Math pero sige pa rin. Pano ko malalaman kung hanggang saan ang kakayanan ko sa Math kung hindi ko susubukan. BS IE sa UP at Mgt. Eng’g sa ADMU. Okei sa course. Take note, 2nd choice na nilagay ko sa UP ay Chem Eng’g. Hanep sa confidence, buti na lang pumasa ako.
Acid test ang college sa akin. First year, first sem, Math 17. Dapat mag ma Math 11 and 14 ako. Kaso ang papangit ng sched. Walang nagmeet sa ibang scheds ko kaya no choice, Math 17 talaga. Oo, ngayun ko lang aaminin, dito ako naiyak habang nag e exam. Buti na lang walang naka kita sakin. Sobrang hirap talaga. Pero paid off naman kasi pumasa ako sa subject at isa sa mga highest. Pwedeng pwede na!
Yung mga sumnod na Math – 53,54,55. Ayus naman! Mayabang ang mga grades ko. I even got 1.0 sa Math 55 galing kay Mam Polly Sy. Pero halos kalahati ng klase sa Math 55 naka 1.0.Hehehe. Math 53, sobrang saya. Magaling yung prof ko kahit bagito pa lang sa pagtuturo. Hindi ko inakala na magugustuhan ko ang mga derivatives at laws of derivatives. Math 54, fast phase ang turo.Bahala ka kung hindi ka maka catch-up. Wala naman nakaka zero sa exam nya. Lowest lagi 1 for effort. Generally, ayus ang pure math subjects ko. Nakita ko ang magandang side ng Math. Pero di ko pa rin cya gusto.
Nahirahapan ako sa Engineering Series subjects at iba pang Math & Science combined subjects. Halos isumpa ko yung profs ko sa ES 11 and 12. Sila nagbigay sakin ng pinaka mababang grade ko sa lahat ng subjects ko. Lalo na yung sa ES 12 na kauna unahang exam ko sa UP na bumagsak ako. At sa kanya lang ako nakakuha ng exam score na 34 and ¾ / 100. Ultimo tuldok at comma may point sa exam nya. Patay ka pag nakalimot ka kahit isang tuldok lang. malaki rin nagastos ko sa ilang beses nyang exam dahil kada photocopy ng exam P1. Pinakamababa nyang exam pages ay 3, minimum of P3 ginastos ko sa kanya kada exam samantalang P0.25 lang ang photocopy nun. ES 11 naman medyo malamya yung prof. Mas maganda pa minsan matulog sa sunken kasi ganun din naman, makakatulog ka rin sa klase nya. Sama na rin dyan yung ES 13, 15 and 31. Wala akong maalala sa mga subjects na to pero ayus din kasi nakapasa naman ako.
May exemption naman sa ES series. The best ang ES 21. Kahit terror yung prof. natuto ako at andami kong natutunan. Napansin ko lang na pag magaling yung prof. ok ako sa Math, meaning masipag ako mag aral at nakaka tawag pansin din ang mga exams at grades ko.
Oo naka graduate ako (with flying colors). Pero hanggang ngayun hindi ko pa rin gusto ang Math gaya ng hindi ko pagkagusto sa ampalaya at kinchay!

