Sunday, June 1, 2008

Usapang Math


Ayoko ng Math!

Malamang maraming mag a agree sa akin dito.

Ewan ko ba. Eversince nagkalaman ang utak ko at natuto ako, ayoko na sa Math. Hindi ako naging interesado sa subject na to. Nahihilo ako pag nakakakita ako ng maraming numbers. Brain freeze pa. Ayos lang sana yung subject kaso kung sino pa yung mga mababagsik at nakakatakot na teachers, yun pa nagtuturo ng mga Math subjects sa school. Ni minsan hindi ko pinangarap na maging Best in Math sa school.

Laging lowest grade ko ang Math. Consistent yun from elementary hanggang highschool except nung 4th year dahil medyo disente at mayabang ang grades ko sa Math pero hindi pa rin kasing taas ng mga adik sa Math na mga kaklase ko. Magaling kasi yung teacher ko kahit mabagsik. Na a appreciate nya yung potentials ng mga trying hard to like Math students na kagaya ko at naiintindihan nya yung predicaments ng mga estudyanteng kagaya ko na willing matuto. Medyo naging madali ang last Math ko sa highschool.

Medyo nahirapan din ako sa UPCAT. Yung pinaka ayaw ko pa na Math topic (Trigo) ang karamihan ng questions sa UPCAT during my time. Pero dahil nag aral naman ako kahit papano, may nasagot din naman ako. Pinag handaan ko din ang ACET dahil alam kong mas mahirap yun kesa UPCAT. Review to the max ako kahit wala naman talagang pumapasok sa utak ko maliban sa mga basic formula ng Math na kahit grade one e alam. Muntik na kong mag cartwheel palibot ng LSGH nung nalaman ko na nakapasa ako sa 2 sa pinakamahirap na entrance exam sa college. Ang resulta? Lowest grade ko ang Math sa UPCAT, sa ACET hindi.

Parehong Math related course ang kinuha ko sa UP at Ateneo. Matigas ang mukha ko nun kasi alam naman ng lahat ng classmates ko na weakness ko ang Math pero sige pa rin. Pano ko malalaman kung hanggang saan ang kakayanan ko sa Math kung hindi ko susubukan. BS IE sa UP at Mgt. Eng’g sa ADMU. Okei sa course. Take note, 2nd choice na nilagay ko sa UP ay Chem Eng’g. Hanep sa confidence, buti na lang pumasa ako.

Acid test ang college sa akin. First year, first sem, Math 17. Dapat mag ma Math 11 and 14 ako. Kaso ang papangit ng sched. Walang nagmeet sa ibang scheds ko kaya no choice, Math 17 talaga. Oo, ngayun ko lang aaminin, dito ako naiyak habang nag e exam. Buti na lang walang naka kita sakin. Sobrang hirap talaga. Pero paid off naman kasi pumasa ako sa subject at isa sa mga highest. Pwedeng pwede na!

Yung mga sumnod na Math – 53,54,55. Ayus naman! Mayabang ang mga grades ko. I even got 1.0 sa Math 55 galing kay Mam Polly Sy. Pero halos kalahati ng klase sa Math 55 naka 1.0.Hehehe. Math 53, sobrang saya. Magaling yung prof ko kahit bagito pa lang sa pagtuturo. Hindi ko inakala na magugustuhan ko ang mga derivatives at laws of derivatives. Math 54, fast phase ang turo.Bahala ka kung hindi ka maka catch-up. Wala naman nakaka zero sa exam nya. Lowest lagi 1 for effort. Generally, ayus ang pure math subjects ko. Nakita ko ang magandang side ng Math. Pero di ko pa rin cya gusto.

Nahirahapan ako sa Engineering Series subjects at iba pang Math & Science combined subjects. Halos isumpa ko yung profs ko sa ES 11 and 12. Sila nagbigay sakin ng pinaka mababang grade ko sa lahat ng subjects ko. Lalo na yung sa ES 12 na kauna unahang exam ko sa UP na bumagsak ako. At sa kanya lang ako nakakuha ng exam score na 34 and ¾ / 100. Ultimo tuldok at comma may point sa exam nya. Patay ka pag nakalimot ka kahit isang tuldok lang. malaki rin nagastos ko sa ilang beses nyang exam dahil kada photocopy ng exam P1. Pinakamababa nyang exam pages ay 3, minimum of P3 ginastos ko sa kanya kada exam samantalang P0.25 lang ang photocopy nun. ES 11 naman medyo malamya yung prof. Mas maganda pa minsan matulog sa sunken kasi ganun din naman, makakatulog ka rin sa klase nya. Sama na rin dyan yung ES 13, 15 and 31. Wala akong maalala sa mga subjects na to pero ayus din kasi nakapasa naman ako.

May exemption naman sa ES series. The best ang ES 21. Kahit terror yung prof. natuto ako at andami kong natutunan. Napansin ko lang na pag magaling yung prof. ok ako sa Math, meaning masipag ako mag aral at nakaka tawag pansin din ang mga exams at grades ko.

Oo naka graduate ako (with flying colors). Pero hanggang ngayun hindi ko pa rin gusto ang Math gaya ng hindi ko pagkagusto sa ampalaya at kinchay!

No comments: