Thursday, May 29, 2008

Ano ba ang sukatan ng pagiging God-fearing?


It was supposed to be a less interesting afternoon yesterday. Thank heaven, a friend went online and started with the usual storytelling session. Ok na sana kaso bilang napasok yung usapan sa religion. One thing na gusto na raw sa kanyang flavor of the month boytoy ay yung pagiging God-fearing.Atenista daw kasi cya. Akala ko nagkamali lang ako ng basa pero, oo, inassociate nya ang pagiging God-fearing sa school where Mr.Flavor of the month attended.


Sabi ko sa kanya, ang babaw naman na i associate yun sa school. Kasi daw, sa Catholic schools tinuturo ang religion, may emphasis sa mga students kung baga. Parang naghahallucinate lang ako pero totoo. Sabi pa nya: lalo naman sa UP, not at all. Gusto kong isipin na nag jo joke lang cya kaso hindi. Ok sa olryt sa paliwanag.


Well, sabi ko nga sa kanya: very weak ang argument nya (aside from being baseless). Wala-walang kinalaman ang school kung saan galing ang isang tao sa pagiging God-fearing nya. Hindi porke Atenista o Lasalista ka, automatic God-fearing ka na. At lalong hindi porke taga UP ka, anti-Christ o hindi ka natatakot kay God. Anybody with atleast five brain cells would agree on me in this kahit mga taga Ateneo o La Salle would.


Being a former Lasalista myself, wala naman akong natatandaan na sinabi ng religion teacher na mas lamang kami sa ibang students na walang religion subject with respect to belief and faith in God or the fear of God. It is in self realization and analization that I found those things. La Salle never influenced my thinking as far as religion is concerned.


Ang nakakatawa pa ay yung impression nya sa mga taga UP. UP did not teach us to hate God or turn our backs on Him. May mga non believer pero hindi kailaman ako nakarinig ng pagkondena sa kung ano man ang relihiyon ng isang tao. To each his own sa UP. Marami at iba’t iba ang paniniwala pero at the end of the day nasa tao yun kung ano ang tatanggapin nya bilang paniniwala. Ang mga tao sa UP ay may kakayahang mag isip at umunawa base sa kung ano sa tingin nila ang tama o mali. Hindi na kailangan pa na impluwensiya ng ibang tao para mag desisyon sa kung ano ang dapat o hindi nila dapat nilang paniwalaan.


Natawa rin ako sa babaw nya mag-isip, which reflected with the kind of actions na ginagawa nya. Ang akala ko dahil maalam cya sa relihiyon ay malawak ang pang unawa niya sa kahulugan ng mga sinasabi nya. Hindi pala. Ang pagsisimba araw araw o minu minuto ay hindi na ngangahulugan ng pagiging relihiyoso ng isang tao. Hindi man ako nagsisimba araw-araw doesn’t mean I have lesser faith in God or I have lesser fear.


Anyway, the Lasalista lost to the UPian, as always and as expected.

No comments: