Wednesday, July 9, 2008

Back on track!


I feel better today. Magaling na magaling na ko.Yey!

Pinagalitan ako ng mommy ko dahil hindi ko sinabi sa kanya na nagkasakit ako. My dad told my mom. Sermon con todo ang ending.

Had nice chitchats with few good friends and family. Eto ata nagagawa ng may sakit. Nagiging mabait at naaalalang i-message yung mga taong malalapit sa kanya.

Indeed, its nice to know na andyan sila kahit minsan ko lang sila maalala.

Dad called me last Saturday night. Tyempong may sakit ako. I told him syempre. Naawa naman daddy ko to the point of telling me to go home. Inulit pa nya na hindi ko naman kailangan mag abroad at kinunsensya ako tungkol sa anak ko. Daddy talaga.

Nag chat din kami ng brother kong si Leroy last Sunday. Update lang of what’s happening sa aming dalawa and the people around us. Chismis kung baga, na lagi naming ginagawa. Everything’s set for his wedding sa December. Sa wakas, lalagay na sa tahimik ang aking idol at bibigyan na nya ng apo ang parents ko. Natuwa ako sa dami ng napag kwentuhan naming from the non-sense ones to the more serious ones. I really miss those bonding moments with my kuya Leroy. I hope to do it pag uwi ko over some cold beers.

My son syempre. Grown-up na si little Cairo. Binata na anak ko.Yaikes! Dami ko ng na miss na moments sa kanya. Don’t worry son, daddy will be home sooner and sana for good. Sana.

Naka chat ko din si Mang Kerwin. My demi-brother and lifelong boy bestfriend. Kakasal din cya sa December with my demi-sister and lifelong girl bestfriend. As always wala pa rin nagbago. Natuwa ako kasi parang kahapon lang kami huling nag usap. Iba talaga pag tunay na kaibigan. Kahit physically absent andun pa rin yung puso at yung friendship connection.

Sa email and yahoogroups ko naman nakakausap ang aking mga college kada. The UPeeps! Busy karamihan sa pagpapayaman pero once in a while pag petiks moment nakukuha pa rin akong kamustahin. Ron and Ivy, thanks sa araw araw na email and yahoo group session. Halatang kayong dalawa lang walang ginagawa lagi sa work.Hehehe. Pretty ladies, kelan kayo mag-aasawa? I miss the baywalk moments! Jet, finally nagkausap din tayo. Hirap mo hagilapin. I’m happy sa blooming lovelife. Finally, this is it! Dy, sa wakas, after 36 years, 8 months and 22 days, naka chat din kita. Masyado ka ng mayaman para magpayaman pa. I enjoyed the chat cum bashing moments kanina. I miss the good old UP days and yung hunting trip natin sa madidilim na parte ng UP.Harharhar!

Lastly, sa highschool tropa. Konti na lang active kasi either career of family mode na ang priority. Atleast once in a while may balita pa rin. Miss ko na yung nabuwag na Friday night session natin sa Eastwood. Boys, isang payo lang: Family planning!!! Mag control kayo mga loko! Ayoko ng maging ninong sa mga anak nyo!Joke!

I hope to catch the other people I’ve wanted to talk to this coming weekend. Magparamdam kayo!

Galing to sa movie na Mulan na pinanood ko kagabi: “When one’s heart is overfilled with joy, some may spill in the eyes”.

No comments: