Monday, July 14, 2008

My Favorite Pinoy Food


Miss na miss ko na ang mga pinoy food na kinakain ko sa Pinas. May miss factor pala pag hindi mo na nakakain yung mga pagkain sa lagi mong nakakain (at yung mga pagkaing hindi mo kinakain sa Pinas, eg: isda, gulay). Nag cha chat kami ng isang cyberfriend na biglang nauwi sa usapang pinoy food.Although nakakapag luto naman ng ibang pinoy food dito, iba pa rin yung authentic.Dito kasi may certain taste of artificiality kasi ready mix sauces ang available, hindi tulad sa pinas na genuine na genuine ang pagkakaluto (with love). Eto mga na mi miss ko na dyan sa Pinas:

Kare-kare ng mommy ko. Nothing compares. Mom still makes the uber sarap kare-kare for me and the bagoong, yummy. Eto ang first food request ko pag nagbakasyon ako.

Sinigang ng lola ko. Dad’s mom still makes the most mouth watering sinigang for me. Pag nag sinigang si lola hindi pwedeng hindi ako papadalhan.

Tinolang isda. Isa pa ting favorite ko. Ewan ko kung alam nyo to. Eto yung labahita na binabad sa isang trak na asin. Parang daing style tas lalagyan ng sabaw at upo. Super sarap.Syempre especialty ulit ng mommy ko.

Isa pang mom’s dish. Her relyenong bangus. Nung nasa pinas ako bihira lang cya magluto nito kasi mabusisi daw ang preparation. Although pag nag request ako niluluto naman nya (talk about being the favorite son, hehe).

Mom’s Sinigang na Labahita.Favorite fish ko ang labahita kasi hindi matinik tsaka masarap yung lasa, hindi malansa. Kahit prito lang with kamatis ok na ako dun.

Lola’s Utak ng Baka na may Sotanghon. Another weird recipe para sa iba. Utak ng baka tas lalagyan ng sabaw, luya at sotanghon. Sobrang sawang sawa ang daddy ko dito kasi dati pa nya to nakakain, simula nung bata pa sila.

Lola’s Dinguan. Yummy. Lagi cyang nag luluto nito pag araw ng mga patay na dinadala nya sa sementery, pag kain namin.

Lola’s Nilagang Pata ng Baboy. Ibang iba sa mga nilagang nakakain ko. Basta may iba tsaka yung vegetables na halo, tamang tama ang luto. Tas sobrang tender pa nung pata di na kailangang hiwain.

Ate Trish’s Salpicao. Natutuhan nya from a friend. Tender beef na super daming olive oil.

My kuya Dario’s inihaw na liempo. Limang taon ata binabad sa secret BBQ marinade bago inihaw. Sobrang linamnam.

Leroy’s blueberry cheese cake. Natawa ako when he first made this. Kaming dalawa lang kumain kasi ayaw ng mga kapatid ko at parents ko. Kahit yung aso ni Leroy hindi kinain. Masarap naman cya (lahat naman masarap saken) kahit hindi ganun ka firm yung pagkakagawa. Pero dahil sa determination. Leroy makes the best blueberry cheese cake (talk about siblingship).

Marami rin akong new recipes na natutunan abroad. Papatikimin ko rin sila nung mga recipes ko gaya ng Hickory BBQued Spareribs, Beef/Chicken Terriyaki, yung perfected (harharhar) recipe ko of Pasta with White Sauce and my Hot Chicken Salad recipe.

Sa susunod yung mga pagkain na sikat sa Pasig at mga favorite fastfood and resto.

3 comments:

Coldman said...

nagutom naman ako sa post mong 'to! Parang gusto ko ng palabok ngayon! Wala namng Jollibee dito. =(

domjullian said...

uyyyy peyborit ko rin palabok ng jollibee tsaka ng lola ko.

patoo said...

have a peek herevisit homepage great post to readread here his comment is herevisit site