Aliw na aliw ako minsan sa pag sa side comments habang nanonood ng mga prime time bida teleserye. Kasi naman parang minsan OA na pagkakagawa o pag arte ng mga tauhan, minsan dahil manlalait ako since birth, walang nakakalusot sa mga mata ko kahit gaano ka liit na detalye but nonetheless worth watching pa rin sila, yung iba.
- May Bukas Pa
-Yung polo barong ni Mayor Enrique (na milagrong nabuhay ulit at nakipag barilan ulit) ay laging bitin, parang hanging polo barong lang.
-Sumisikat na yung tatlong chismosa (Rosalie, Jennifer at Kimberly) sa tindahan nina Atong (Ogie Diaz). Malapit na nilang maging ka level sila Bea Alonzo, Anne Curtis at Kristine Hermosa.
-Nakaka aliw sila Atong at Baby (Arlene Mulach), kahit laging tragic ang buhay sa Bagong Pagasa. May touch of laughter kahit papano. Maganda ang chemistry nilang dalawa.
-Si Froilan the kindnapper, ewan ko kung ganun talaga cya umarte. Sobrang OA. Parang 1,000 times ang galit sa mundo. Laging nakasigaw, kulang na lang pati ako masindak sa boses nya.
-Si Paco aka young Tiagong Akyat, nagbibinata na. Lumalaki at pumipiyok na boses.
-Si Hepe, ginagawang headquarter ang office ni Mayor Enrique, laging nandun kasama pa lagi yung sidekick nya na dapat mag-diet sa katabaan.
-Nung naligaw sila Santino sa gubat, nag transform ang backpack ni Rico into backpack ni Dora. Ang daming nakuhang laman sa backpack at di basta basta ang mga laman, may flashlight, lighter at kung ano ano pa. Akalain mong boy scout pala si Rico, laging handa.
-Si Boy Abunda ng Going Bulilit, lalaki na sa May Bukas pa at Batang Iwahid pa ang ganap. Di halatang bading badingan cya.
-Sobrang lakas ni Santino kay Bro. Nailigtas na cya sa mga tulisan kaso nabaril si Hepe, buti na lang dun talaga tumama sa anting anting nung sidekick nyang ubod ng taba. Dun talaga pinatama sabi ng direktor.
- Tayong Dalawa
-Kawawa naman si Dave, tulirong tuliro na sa buhay, parang adik na lang minsan ang arte nya. Sakit siguro ng katawan ni Dave kaka bugbog ni JR. Nag evolved silang dalawa sa pag arte, ang galing nilang dalawa.
-Buti naman ginupit na ni Ramon yung bangs nya.
-Nakakatuwa ang tambalang Ingrid - Marlene kapag nag aaway sila. Kahit OA umarte si Agot, nadadala nila.
-Si Audrey, 10 drum ata ng luha kada episode ang tumutulo sa mata nya.
-Si Mr. Cardenas, ayoko sa kanya. Nakaka bwisit ang facial expression nya.
-Mag amo nga si Ingrid at si Ula, mukha silang tanga most of the times.
- Dahil May Isang Ikaw
-Mag GMA 7 na lang sana ulit si Karylle, dun cya bagay.
Yun lang comment ko kasi di gaano pinapanood ito.
- The Wedding
-Fun! Nakakatuwa si Marlon and Candice. Pero mas bagay sina Warren and Candice.
-Panalo din ang lovelife ni yaya Greta at lolo Lawrence. Real love, awww!
-Nakakatuwa yung iba characters like Elvis and Ingrid tandem. Bagay sila at may chemistry din. Patok sakin mga hirit nila.
-Nakakatuwa din ang Manalac family.
- Katorse
Di ako nanonood kasi di naman mukhang katorse si Erich. Flop cya para sa akin
14 comments:
grabe, nasusubaybayan mo lahat ng yan? wala akong napapanood kahit alin dyan.
pag nagkaroon ng dakilang kapamilya award, inonominate kita. :)
grabe ka naman, pinapanuod ko tong mga palabas na to.
agree nga lang ako sa karamihan ng puna mo.
hindi na ako nakakanood ng tv pero hobby ko rin yang pagsa-side comments kung may chance manood. mapa-teleserye o lumang sine. mas lalong enjoy pag lumang sine hahaha! :D
@ Kuri, nanonood din ako sa 7, mga docus nila maganda kesa ABS. Minsan
@ Engel, really? that's nice to know. kala ko you see those as baduy.
@ Carlotta, ano ba comments mo? negative or positive ako kasi panay panlalait
i'm a closet jologs. those are guilty pleasures for me. =)
Pero maganda si Erich hehe. Anyway, I've added you na sa blogroll ko. Thanks.
@ Engel *Apir*
@ FLF, Cge, agree ako ng konti.Hehehe
naku exact opposite pala tayo...ako naman kabisado ko ang GMA Telebabad. haha!
saya naman ng review na to. sayang kapuso ako dahil kay darna e..idol ko si marian! nakakanuod dinako minsan sa 2..natatwa ako sa nanay ni erich..jorjus (gorgeous) daw sya hehe
@ Eben, Adik Sa'yo lang pinapanood ko sa GMA.
@ Zai, conflict naman kasi ang Darna sa 2 at hindi ako nanonood ng Katorse.
puro sarcasm at predictions na nagkakatotoo rin kasi predictable! haha :))
@ Carlotta, what else is new? Hehe. Parang yung Florinda, may hint nako kung anong story
naaliw naman ako sa mga comments mo, hehehe...totoo nga kasi, though miminsan lang ako nakakapanood ng mga teleserye but during those times na napapanood ko i can't help but agree with your comments.
isa pang napuna ko kaagad sa Katorse, sobrang pushed up naman ang boobs ni erich, talagang di mukang katorse.
p.s. thanks for dropping by my blog. :-)
air jordan travis scott
golden goose
hermes birkin
yeezy 700
bape
kd 12
hermes birkin
supreme new york
jordan 1 mid
paul george shoes
Post a Comment