Showing posts with label father. Show all posts
Showing posts with label father. Show all posts

Wednesday, September 18, 2013

28 Rules for Fathers of Sons

1. Love his Mother. He will learn to love like you love, and hate like you hate. So choose love for both of you. Devote yourself to it. Love with your whole heart and express that love each and every day. Then, someday down the road, you will see the way he loves his own wife, and know that you played a part in that.

2. Let him drive. Every child remembers the first time they drove on daddy’s lap. For that one moment, he will believe that he is just. like. you.

3. Teach him to be picky. Especially when it comes to women and burgers. Teach him to never settle.

4. Take him to a ball game. There is something about sharing a day of hot dogs, sunshine and baseball with your father.

5. Love with Bravery. Boys have this preconceived notion that they have to be tough. When he is young, he will express his love fully and innocently. As he grows, he will hide his feelings and wipe off kisses. Teach him to be a man who rubs them in instead. It takes courage for a man to show love: teach him to be courageous.

6. Talk about sex. Sometimes, boys need to know that all men are created equal.

7. Teach him to be a man’s man. Show him how to be brave and tough around the guys. Then, remind him on the ride home that it is okay to cry.

8. Share secrets together. Communicate. Talk. Talk about anything. Let him tell you about girls, friends, school. Listen. Ask questions. Share dreams, hopes, concerns. He is not only your son, you are not only his father. Be his friend too.

9. Teach him manners. Because sometimes you have to be his father, not just his friend. The world is a happier place when made up of polite words and smiles.

10. Teach him when to stand-up and when to walk away. He should know that he doesn’t have to throw punches to prove he is right. He may not always be right. Make sure he knows how to demand respect- he is worthy of it. It does not mean he has to fight back with fists or words, because sometimes you say more with silence.

11. Teach him to choose his battles. Make sure he knows which battles are worth fighting- like for family or his favorite baseball team. Remind him that people can be mean and nasty because of jealousy, or other personal reasons. Help him to understand when to shut his mouth and walk-away. Teach him to be the bigger better person.

12. Let him dance in tighty whiteys. Dance alongside him in yours. Teach him that there are moments when it is okay to be absolutely ridiculous.

13. Share music. Introduce him to the classics and learn the words to the not-so-classics. Create a rock band with wooden instruments, share your earphones, and blast Pink Floyd in the car. Create a soundtrack to your lives together.

14. Let him win. Sometimes he needs to know that big things are possible.

15. Teach him about family. Let him know family is always worth fighting for. Family is always worth standing up for. At the end of the day, he has you to fall back on, and pray to God that you will have him.

16. Father him. Being a father—to him—is undoubtedly one of your greatest accomplishments. Share with him the joys of fatherhood, so one day he will want to be a father too. Remind him over and over again with words and kisses that no one will ever love him like you love him.

17. Listen to him now. If you don’t listen to the little things now, he won’t share the big things later.

18. Let him try on your shoes. Even if they are old and smelly. Let him slip his little feet in and watch him as he hopes like hell that someday he can fill them. He will fill them.

19. Give him bear hugs. The kind that squeezes his insides and make him giggle. The kind of hug only a daddy can give.

20. Give him baths. Because Mom can’t do everything damnit.

21. Teach him how to pee standing up. Let him pee outside- such is the joy of being a man. Mom cannot teach this talent, so someone has to.

22. Know the answers. He will assume you do. If you don’t know them, pretend you do and look them up later.

23. Toss him around. Because little boys love seeing the strength of their father. Throw him up in the air, so that he knows you will always be there to catch him on his way down.

24. Ask his mother. He will come to you with questions that he won’t always want to ask his mother, about girls and about love. Ask her anyway, she will know the answers.

25. Love him like you would love a daughter. Little girls are not the only ones who need hugs and kisses. Love is the color yellow of emotions. It is both happy and gender neutral.

26. Grow a big belly. Because every child should get the chance to rest their head on the absolute softest pillow ever. Daddy’s belly is the best place to land.

27. Don’t say, do. American inventor Charles F. Kettering once said, “every father should remember that one day his son will follow his example instead of his advice.” Be a good one.

28. Be his hero. You are anyway. To him, you have the strength of Batman, the speed of Spiderman and the brain of Ironman. Don’t disappointment. Prove to him that Daddy’s are the biggest heroes of all. Only Daddy’s can save the day.

After all, good fathers make good sons.

Sarah D. ~Diapers & Daisies

Sunday, June 16, 2013

Fatherhood

Fatherhood meant..

1. Eating at Jollibee or McDonalds (used to, Cairo’s a big guy now) even if you crave for a piping hot pizza or steak.


2. Eating his leftover food even if it looks dirty and messy and tastes disgusting (re:baby food).



3. Being overjoyed upon seeing him smile his silly smile or learn something for the first time.



4. Letting go so he could face the tough world outside of home not knowing what would happen.



5. Not minding being the only ‘stage’ father in school and all the ‘where is his mom?’ questions.



6. Teaching him the subject you hate the most, Math and pretending you’re good at it (Cairo: Dad, you don’t have to pretend, I know).



7. Conceding to buy some of the ‘luhos’ after hours of ‘no you can’t take that, you don’t need it and no we don’t have enough money’ haggling (Cairo: who’s the boss?).



8. Being ‘superman’ every time, all the time. And yes, he is my kryptonite.



9. Having miles and miles of patience and tonnes and tonnes of understanding (Cairo: do you always have to exaggerate?).



10. Sacrificing my happiness for his and breaking all the rules I've set with no regret at all.



Happy father's day dear Daddy, brothers and to all the other fathers out there!



Sunday, June 15, 2008

Father's Day Special



Here is an essay/story worth reading and digging. I got this as a forwarded mail from a dear friend. It says that this is an essay contest winner. I tried to find out the real author of this essay to give credit to him but I couldn’t. Anyway, whoever wrote this, thanks. This made me appreaciate my father better and the people who love me as well. And it made me appreciate as well my being a father to my young. Happy father’s day to my dear father, to all other fathers out there and to me! Listen well.


1980 ako ipinanganak. Tatlong taon bago pinatay si Ninoy Aquino at anim na taon bago ang EDSA uprising. Taon ding ito nang nagkaroon ng malaking krisis sa langis ang buong mundo. P24.00 ang palitan ng dolyar sa piso at 48 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ito rin ang taong unang pumunta ng Middle East ang tatay ko para magtrabaho.

Isang karpintero ang Tatay. Isang skilled worker. Malaki angpangangailangan ng bansang pupuntahan ni Tatay sa mga katulad niya. Sabi ng Nanay mahirap daw ang buhay noong mga panahong iyon. Inabot na raw ang bansa ng economic depression na galing sa Europa at Amerika. Kaya minabuti ng Tatay na mag-abroad. Anupa't dalawa ang pinag-aaral niya at may bago na naman siyang bibig na pakakainin.


Parating pinapaalala sa amin ng Nanay na "nagtiis kaming magkahiwalay ng tatay ninyo para magkaroon tayo ng maginhawang buhay." Palibhasa'y parehas galing sa hirap, kaya siguro ganoon na lamang ang pananaw nila. Uuwi kada dalawang taon, tapos aalis na ulit pagkalipas ng dalawang buwan. Ganyan ang pattern ng buhay ng tatay ko.


Pumutok ang giyera sa Middle East noong 1989. Doon ko unang narinig ang mga salitang Operation:Desert Storm at Third Anti-Christ. Nandoon din si Tatay. Isang beses lamang siya nakatawag sa loob ng tatlong taon niyang pagkaka-stranded sa bansang iyon. Mabuti naman daw ang lagay niya. May tirahan naman daw sila at husto sa lahat ng pangangailangan. Hindi naman daw sila gagalawin sa giyera sabi ng embahada ng Pilipinas dahil hindi naman daw sila kasali sa awayan ng dalawang bansa at ng pakialamerong Amerika. Iyon naman pala eh, bakit ka pa rin nandyan?! Na-imagine ko na lang tuloy ang Tatay na parang isa sa mga sibilyan na dumadaan habang nakikipagbarilan ako sa larong Operation:Wolf sa SM City. Nang mahawi ang mga usok ng giyera umuwi na ang Tatay. Wala pang isang taon ay nakita ko na naman ang aking sarili na nakasakay sa arkiladong dyip para ihatid ang Tatay sa Airport papuntang Middle East . Ikaw ba naman ang magkaroon ng pinag-aaral na nurse, isang seminarista at tatlo pa sa elementarya. Kailangang kumayod, kailangang kumita.

Kung tutuusin maraming na-miss ang Tatay sa buhay naming magkakapatid, lalo na sa akin. Wala siya nang una akong magtalumpati sa entablado. Wala din siya nang grumadweyt ako ng elementarya at hayskul. Wala siya nang una akong nakipagsuntukan sa kaklase ko nang inasar ako nito habang binibigay ko ang libreng plastic na singsing na galing sa cheese curls sa kaklase kong babae. Wala din siya para turuan akong magbasketbol tulad ng ginagawa ng mga kapitbahay ko sa kanilang anak. Wala rin siya para panoorin si Kuya na contestant sa Student Canteen at ako naman para sabitan niya ng medalya para sa mga math competition na sinalihan ko. Wala siya nang dumating ako
sa punto ng aking buhay, na siya ring kinakatakutan ng lahat ng katulad kong nagbibinata--ang magpatuli. Wala rin siya para turuan akong maglanggas. Wala siya nang kauna-unahang lumabas ang pangalan ko sa dyaryong pang-estudyante bilang isang editor. Ipinagtabi ko siya ng mga kopya para maipagmalaki sa kanyang pagdating. Wala siya nang una akong tumikim ng alak dahil binasted ako ng dinidigahan kong babae. Wala rin siya nang sumubok akong manigarilyo at itapon ito pagkatapos ng dalawang hithit pa lang. Wala siya, wala siya parati.

Napansin ko na lamang na mas naiibuhos naming magkakapatid ang oras namin sa labas ng bahay at sa eskwelahan. Ang Ate ay kagawad ng Sangguniang Kabataan, ang Kuya naman ay matagal nang kinuha ng seminaryo, ang dalawa kong kapatid ay may mga sarili nang kina-career at ako naman ay natutuon sa aking pagsusulat.

Dumating ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, ang pagdating ng Tatay at sabihing ito na ang huli niyang uwi dahil hindi na siya babalik ulit sa abroad.

Makalipas ang ilang buwan, trinangkaso ang Tatay. Sabi ng doktor ay overfatigue lang daw at kailangan niyang magpahinga. Pagkaraan nang ilang buwan, na-diagnose na may tumubong tumor sa utak ng Tatay at malignant na ito. Minsan naitanong sa akin ng uncle kong doktor kung nauntog ba ang Tatay o nabagsakan ng mabigat na bagay sa ulo. Nahihiyang ngiti, kamot sa ulo at isang "hindi ko po alam" lang ang naisagot ko.

Kung gaano kabilis na nadiskubre ang tumor niya sa utak ay ganun din kabilis na binawi sa amin ng Diyos ang Tatay. Habang pinagmamasdan ko ang Tatay habang mapayapa itong nakahimlay noong burol niya, nahihirapang tumulo ang luha ko. Kung tutuusin, hindi ko kilala ang taong ito. Siya ang tatay ko. Kalahati ng pagkatao ko ay galing sa kanya. Pero kung tatanungin mo ako kung anong gusto niyang timpla ng kape, kung allergic ba siya sa hipon na paborito ko, kung San Miguel o Purefoods ba ang team niya sa PBA--isang malaking EWAN lang ang maisasagot ko sa iyo. Noong bata pa ako, nasa abroad ang Tatay. Kapag nandito naman siya para magbakasyon, mas malaking oras ang nagugol niya sa pag-aasikaso ng mga papeles niya para sa susunod niyang pag-alis. Nang tumigil na siya sa pagtatrabaho, ako naman ang abala sa mga reports, periodical examinations at mga research works. Nang nasa ospital na siya, kahit makipagkuwentuhan ay mahirap nang gawin dahil halos hindi na siya maintindihang magsalita dulot ng chemotherapy.

Matagal nang patay ang Tatay. Minsan nabalitaan kong dumating na ang seaman na tatay ng boss ko, pilit ko siyang pinauuwi nang maaga. Minsan ding buong kawilihan kong pinagmamasdan ang isang kaibigan ko na nagmamadali dahil baka masaraduhan na siya ng grocery. Kailangan niyang makabili ng ingredients ng spaghetti dahil 'yun daw ang bilin ng tatay niyang na-stroke. Minsan rin nang makainuman ko ang matalik kong kaibigan habang binubuhos niya sa akin ang sama ng loob niya sa pagbabalik ng tatay niya na malupit sa kanila nang mahabang panahon at ipinagpalit sila sa ibang babae. Sa tingin ko lang, "Buti ka pa nga may Tatay pa." Syempre hindi ko sinabi iyon sa kanya. Baka mamaya tanungin pa niya ako kung kanino ako kampi, kami pa ang mag-away. Minsan din sinamahan ko ang kababata ko nang dinalhan niya ng pansit ang tatay niya sa City Jail. Hindi naman sila nagtatanong kung bakit ako ganun. Wala naman silang alam kay Tatay.

Maraming pagkakataon na nanghihinayang ako dahil masyadong maaga ang paghihiwalay namin ng Tatay. Gusto kong sisihin ang Pilipinas dahil napakahirap ng buhay dito. Sa Amerika ba may tatay na nangingibang-bansa para makapagtrabaho lang? Naisip ko tuloy na sumama na lang sa mga nagpipiket na mga migrante dahil alam ko tulad ko rin sila. Kadalasan rin sinisisi ko si Saddam Hussein at ang Gulf War dahil kinuha nila ang tatlong taon sa buhay ng Tatay. Sayang ang tatlong taong iyon. Nakalaro ko man lang sana ang Tatay ng basketbol o di kaya'y naturuan niya akong mag-bike. (Beinte anyos na ko nang matuto mag-bike).

Isa sa mga klase ko sa writing ang nagpasulat sa amin ng kahit ano tungkol sa aming mga tatay, samahan pa ng larawan kung maaari. Bigla tuloy akong nalito. Hindi ko alam kung anong tungkol sa Tatay ang isusulat ko.

Ikuwento ko kaya na isang Overseas Contract Worker si Tatay. Isang bagong bayani. Nag-aambag ng malaki sa ekonomiya ng Pilipinas. Sabihin ko kayang may larawan ng tatay kong may suot na hard hat na dilaw, construction boots at may hawak na drill at kasama niyang nakangiti ang mga kapwa niyang Pilipino with matching background na disyerto. O kaya ang larawan nilang magkakababayan habang pinagdiriwang nila ang New Year at nag-iiyakan dahil tinutugtog and Lupang Hinirang. Ang drama no?

Kuwento ko kaya na isang survivor ng Gulf War ang Tatay. Na natutulog siya at ipinaghehele ng mga Patriot at Scud Missiles. Pakita ko kaya ang mga remembrance ng Tatay na mga dull na landmines. Adventure naman ang dating nito.

Kuwento ko kaya kung paano hindi nagpabaya ang Tatay sa pagbibigay ng pangangailangan namin. Hindi kami sumasala sa pagkain, may magagandang damit, maayos na tirahan at nakakapag-aral. Siya ay naging isang good provider. Siguro isang malalim na buntong hiningang "Haaaaaay!" ang ibibigay sa akin ng mga kaklase ko.

O di kaya'y dalhin ko ang picture ni Tatay habang kini-chemotherapy siya. Ikwento ko din kaya na naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Na inoperahan siya sa loob ng walong oras at binutasan ang ulo niya. Na nakalabas pa siya ng ospital. Pagkatapos ng isang linggo, agad siyang namatay. Tragic naman ang approach ko nito.

Gayahin ko kaya ang kuwento sa telebisyon na tipong galit na galit sa mundo ang anak dahil hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon dahil inuna ng kanilang tatay ang pinansyal nilang pangangailangan. Teka, hindi naman totoo yon eh! Napaka-unfair naman 'nun kay Tatay.

Ikuwento ko na lang kaya ang isa sa mga magagandang alaala namin kay Tatay. Apat na taon ako noon. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang pangyayari. Kadarating lamang ng Tatay pagkaraan ng dalawang taon. Nagkaroon ng simpleng party sa bahay. Kainuman niya ang mga kumpare niya nang tumayo siya at binuhat ako mula sa kuna ko habang pinaglalaruan ko ang bagong matchbox na pasalubong niya sa akin. Inutusan niya ako na ikuha siya ng beer sa refrigerator. Pagkakuha ko ng beer ay kinandong niya ako at buong
pagmamalaki na ibinida sa mga kumpare niya na natanggap na raw ako sa lokal na Day Care Center dahil abot na ng kanang kamay ko ang aking kaliwang tenga kahit idaan pa sa ibabaw ng ulo ko at matatas na ako magsalita at madali raw akong matuto. Matagal din akong nanatili sa pagkakandong niya. Mistula siyang bagong dating na hari na suot-suot ang kanyang korona. Ako ang kanyang korona.


Kapag naaalala ko ito, napapawi ang lahat ng panghihinayang ko sa mga taong kailangan niyang magtrabaho at mawala sa piling namin. Mga panahong kasama ng mga tatay nila ang mga anak nila. Ito na lang ang isusulat ko. Bago ang lahat, pupunasahan ko muna ang mga luha ko at ang patulo ko ng sipon. Baka mapatakan pa ang keyboard ng computer at ang hawak kong picture. Picture ng isang paslit na may hawak na bote ng beer habang kandong ng tatay na kitang-kita ang kasiyahan sa mukha.

Saturday, June 14, 2008

Happy Father's Day!


Happy Father’s Day sa lahat ng mga ama, tatay, daddy, itay, dad, papa na kagaya ko.

To my kuyas Raf, Drey and Dar, salamat sa pag bibigay nyo sa family ng matatalino, makukulit at mga charming na mga bulilit. Sobrang pinaligaya nyo ang buong pamilya natin! Leroy, sana next year mababati na rin kita ng happy father’s day!

To my very own dad, ang isa sa pinaka imporatanteng tao sa buhay ko. Salamat sa walang sawang pag aaruga at panga ngaral. Salamat for being the best lolo and second father to my very own Cairo. Salamat sa pag ta tyaga nyo sa aming magkakapatid kahit na minsan matigas ang ulo naming lalo na ako. Salamat sa lahat ng upliftment, encouragement at pang aasar. I will always be grateful that you became my father. And I thank God for giving me the opportunity to be your son. And yes, aaminin ko na, na daddy’s boy ako! (who else don’t know, anyway!) and I’m your closest resemblance (according to mom and ates). I will always love you!

To all the other fathers out there – Happy father’s day too! Lets all be the better father to our kids, always.