Showing posts with label sick. Show all posts
Showing posts with label sick. Show all posts

Monday, August 10, 2009

Sick-ology 002

May sakit ako since Friday, na ambunan kasi ako nung Thursday kaya ayun. Kala ko swine flu kasi parang similar symptoms pero sabi ng kuya ko, napaparanoid lang daw ako kaya tuseran lang ang katapat tsaka drum drum na tubig at juices.

Si Rosaleeeee (spelling Rosalie),namburaot pa.Kada papasok sa kwarto, naka facial mask, naka quarantine kasi ako baka mahawa anak ko at iba pang tao sa bahay. Tas ang arte parang balat mayaman, ayaw lumapit sa akin. Si Rosaleeee nga pala ang ubod sa sosyal at inglisera naming kasambahay. Take note, updated cya sa uso, naka ipod, 3.2 megapixel ang cam ng cellphone nya at panay skinny jeans ang pants nya. Nauna pa yan magka CD player kesa sa akin at nauna pa cya magkaron ng N70 kesa sakin (2nd hand nga lang kasi di pa nya afford maka bili ng brand new). Ngayun, target nya daw magkaron ng apple na iphone, san ka pa! Ang gamit sa pagmumukha na wala naman pinagbago - Oil of Olay Total Defects, este Effects pala. Bibo si Rosaleeee kahit pala sagot, di rin cya masyadong salat sa sense of humor gaya ng iba. Friendly din cya at fast learner, di gaya nung isang kasambahay pa namin na mas mataray at masungit pa sa amo. Nagpapaturo cya ng english grammar sa akin o kay Leroy, mas madalas kay Leroy dahil may HD cya kay Leroy. Pero ewan ko ba, matigas talaga ang dila nya, koya Dumenec parin ang tawag nya sa akin hanggang ngayon, nagsasawa nako kaka turo sa kanya ng tamang pagbigkas ng pangalan ko. May pagka ambisyosa din si Rosaleee pero nasa lugar naman kasi kahit papano nangangarap cya na maka ahon sa hirap, determined at firm cya sa goal nyang yun. At higit sa lahat, may lovelife, pumapagaspas, daig pa ako!

Kahapon andito lahat ng kapatid ko at mga pamangkin kaso di nga ako pwedeng maki salamuha. Kainis. Di ko man lang nalaro, nakulit at napa-iyak mga pamangkin ko.

Ang maganda lang ay nakapag aral ako para sa exam ngayun, kaya prepared ako. Sana mataas grade ko, please Bro, at napanood ko yung Singing Bee, Banana Split at George and Cecil. Tapos lahat ng hilingin ko, natutupad, gaya ng kung anong gusto kong food. May get well soon daddy letter din ang anak ko sa akin. Si apple cobbler pala made my weekend. Weeeeee!


Get well, domjullian - Bro ni Santino!

Wednesday, July 1, 2009

Prayers Please


Please pray for the immediate recovery of former president Cory Aquino. May God bless her.





Please also include stupidorkris' son (Liloboy)in our prayers. Sana gumaling na anak nya para maka sali na cya sa next season ng Survivor.



Monday, July 7, 2008

Sick-ology


Medyo wala ako sa mood today. I got sick yesterday, terrible colds. Naka limang balde ata ako ng sipon at 3 kahon ng tissue papers. Nag general cleaning kasi ako nung Friday, mga tatlong plastic ng alikabok ata nasinghot ko kaya ang ending ayun kinabukasan. Hatching ng hatching!

I’m feeling better now although may sipon pa rin ako. Thanks to the caramel chai latte na ininom ko kagabi and neozep tablet.

Ang hirap talaga magkasakit especially pag nasa ibang bansa ka. Walang mag aalaga sa iyo. Di ka pwedeng humiga lang at mag antay ng mainit sa sabaw na umuusok pa. Ikaw bahala sa sarili mo kaya kahit may sakit tuloy pa rin ang daily routine. Pumasok pa rin ako (thank God, walang masyadong work and my boss didn’t pester me). I even managed na pumunta sa grocery at isang shoe shop to look for sneakers (snickers?). Bibilin ko sana yung Replay snickers (sneakers?) na nakita kong sale (Php 915 lang) kaso nagdalawang isip ako kasi medyo luma na yung stock (madumi na) tsaka size 10 sakto lang ang size (10 and ½ or 11 paa ko), so I ended up walking out of the shop empty handed. I then went to the grocery to look for cabbage and patis. Nagluto ako ng nilagang baka kagabi. Tas yun nakita ko yung lipton chai latte, tatanong ko lang sana price kasi baka mahal dahil bagong product (kuripot talaga!). Binili ko na rin kasi nasa Php 15 lang naman pag ni convert sa peso.

After ko magluto kumain na rin ako tas before sleeping nag caramel chai latte ako. Sarap nya. Try nyo.

Sana bukas magaling na magaling na ako.