Saturday, May 17, 2008

Kung bakit mas gusto kong ang tagalog movies


Bata pa lang ako mahilig na ako tagalong movies kesa sa English. Lagi nga ako mag isa nanonood ng sine kasi walang gusto sumama sakin kasi nga tagalog ( so baduy, sabi ng pinsan kong pinaglihi kay Kris Aquino). Pero ewan ko, hanggang ngayun mas na a appreciate ko ang tagalog over English movies. Bakit nga ba?

Una,kasi mas madaling intindihin, alam mo na, tagalog ang salita. Hindi na kailangan magdala ng mga dictionary pag may na encounter ka na kakaibang words. O di kaya lagyan ng caption pag nanonood sa DVD.

Pangalawa, dahil gawang pinoy, mas madaling maka relate. Pinoy ang istorya at pinoy ang setting. Baduy man pero mas naiintindihan natin dahil mas kabisado natin ang kulturang pinoy.

Pangatlo, jologs pero mas may dating ang mga linya. Mas may kurot sa puso, mas nakakaantig damdamin. May mensaheng galing sa pusong pinoy.

Pang-apat, Filipino first. Hehe.Patriotic? Oo.Unahin ang sariling atin.

Pang-lima, yung aral ng bawat kwento.Tungkol man sa pamilya, pag ibig o pagkakaibigan. Pinoy values showcased at its best and finest!

1 comment:

John Ahmer said...

tama yan para di maisipan ng mga artista na pumasok sa pulitika. hehe