Sunday, June 29, 2008

Keeping the Pinoy Spirit Alive, Always!


Laman ng balita si Pacman kagabi with his recent win and history made. I was never a boxing fan but I always look forward sa lahat ng laban ng mga pinoy boxers.

I was watching TV Patrol Linggo last night, and again medyo naluha ako. Saan? Well, sa response ng mga pinoy sa pagkakapanalo ni Pacman.

Natuwa ako with matching luha sa pinakita ng mga Pinoy. Despite what is happening sa bansa natin with the recent tragedy and the never ending price hikes, Pinoys are still proud to be Pinoy. Na sa kabila ng pahirap na pahirap na pamumuhay ng mga Pinoy, mayroon paring puwang sa puso natin ang pagiging Pilipino. Na sa kabila ng mga problema, may baon paring ngiti na mula sa puso ng isang Juan Dela Cruz. Iba talaga ang Pinoy, bilib na bilib ako! Mga taong may simpleng pangarap sa buhay na hinahaluan ng sipag, tiyaga, determinasyon at pananalig sa Maykapal at pinatitibay ng mga pagsubok at dagok sa buhay. Dahil dito, taas noo at ipinagmamalaki ko na ako ay may lahing kayumanggi. Pilipino sa lahat ng panahon at pagkakataon!

Sa pinakita nating pagkakaisa sa pagkapanalo ni Pacman, naway ipakita natin parati. Ito marahil ang kailangan natin tungo sa pag papaunlad ng buhay! Sana.

Gaya nga ng slogan ng ABS-CBN – WALANG IWANAN SA BAYAN NI JUAN! Yey!

4 comments:

escape said...

oo nga. kakatuwa ang mga pinoy. masaya kahit krisis. buti na lang andyansi pacman at nakatulong na rin sa lungkot ng mga nabiktima sa bagyo. sana'y dadami ang magiging inspirasyon hindi lang sa larangan ng boxing.

tulungan ang kailangan at sabayan ng sipag at galing!

domjullian said...

thanks Dong. Let's make things happen sooner.I love ur adventures! Nice one!

I added you sa list ng blog peeps ko.

kisapmata said...

mabuhay ang lahing kayunmanggi - yebah!!! :)

domjullian said...

hey kisapmata the batang tondo/dubai. salamat po sa pagbisita!