Monday, August 10, 2009

Sick-ology 002

May sakit ako since Friday, na ambunan kasi ako nung Thursday kaya ayun. Kala ko swine flu kasi parang similar symptoms pero sabi ng kuya ko, napaparanoid lang daw ako kaya tuseran lang ang katapat tsaka drum drum na tubig at juices.

Si Rosaleeeee (spelling Rosalie),namburaot pa.Kada papasok sa kwarto, naka facial mask, naka quarantine kasi ako baka mahawa anak ko at iba pang tao sa bahay. Tas ang arte parang balat mayaman, ayaw lumapit sa akin. Si Rosaleeee nga pala ang ubod sa sosyal at inglisera naming kasambahay. Take note, updated cya sa uso, naka ipod, 3.2 megapixel ang cam ng cellphone nya at panay skinny jeans ang pants nya. Nauna pa yan magka CD player kesa sa akin at nauna pa cya magkaron ng N70 kesa sakin (2nd hand nga lang kasi di pa nya afford maka bili ng brand new). Ngayun, target nya daw magkaron ng apple na iphone, san ka pa! Ang gamit sa pagmumukha na wala naman pinagbago - Oil of Olay Total Defects, este Effects pala. Bibo si Rosaleeee kahit pala sagot, di rin cya masyadong salat sa sense of humor gaya ng iba. Friendly din cya at fast learner, di gaya nung isang kasambahay pa namin na mas mataray at masungit pa sa amo. Nagpapaturo cya ng english grammar sa akin o kay Leroy, mas madalas kay Leroy dahil may HD cya kay Leroy. Pero ewan ko ba, matigas talaga ang dila nya, koya Dumenec parin ang tawag nya sa akin hanggang ngayon, nagsasawa nako kaka turo sa kanya ng tamang pagbigkas ng pangalan ko. May pagka ambisyosa din si Rosaleee pero nasa lugar naman kasi kahit papano nangangarap cya na maka ahon sa hirap, determined at firm cya sa goal nyang yun. At higit sa lahat, may lovelife, pumapagaspas, daig pa ako!

Kahapon andito lahat ng kapatid ko at mga pamangkin kaso di nga ako pwedeng maki salamuha. Kainis. Di ko man lang nalaro, nakulit at napa-iyak mga pamangkin ko.

Ang maganda lang ay nakapag aral ako para sa exam ngayun, kaya prepared ako. Sana mataas grade ko, please Bro, at napanood ko yung Singing Bee, Banana Split at George and Cecil. Tapos lahat ng hilingin ko, natutupad, gaya ng kung anong gusto kong food. May get well soon daddy letter din ang anak ko sa akin. Si apple cobbler pala made my weekend. Weeeeee!


Get well, domjullian - Bro ni Santino!

11 comments:

Anonymous said...

pareho pa rin tau hangang sa pagkakasakit. init lang ng katawan yan pre.try mo mag-release. :)

natuwa naman ako sa kasambahay mong si rosalee.in-na-in at di nagpapahuli!

solid kapamilya ka pala. ako din eh. balimbing pala ako, dun ako kung san ako magkakapera.LoL.

goodluck sa exam at kay apple cobller. pagaling tau pre!

p.s. nagdilang anghel ka ata tungkol sa petition ng mga chinese bloggers sakin. their comments keep on coming!

scary!

ZaiZai said...

hehe get well soon koya dumenec! sana mataas ng ang grade mo. pinapasabi ni bro na padeliver mo na ung adobo rice or else!! :)

domjullian said...

@ Zai, Thanks, pag magaling na magaling na ko. Ipagluluto kita! Hehehe!

domjullian said...

@ Kuri, ni try ko na magjakol every day simula ng magkasakit ako, yun din akala ko init lang, wala e, sakit talaga. Sana gumaling na tayo!

Nag cha channel switching nako ngayun. Kaya nga kita napanood sa family feud e.

At wag kang mag alala. Kahit i boycott ka ng mga Chinese, fan mo pa rin ako!

Anonymous said...

yun un eh.yehey may fan nako! sa first movie ko pre, may libre kang passes, pwamis! ;)

ZaiZai said...

@kuri - ako din ha, may passes dapat :) fan mo din ako

@dom - pwede na kahit di ka ganong kagaling. pic pa lang masarap na ang luto mo e. nga pala nakabili ka na ba ng ticket para sa sugarfree ha?! :)

carlotta1924 said...

pagaling ka ha! tapos magpaparty ka dahil magaling ka na, gawa ka nung adobo rice mo whee! :D

domjullian said...

@Zai, nagpabili ako sa tropa ko pero nag ta tatlong isip pa ko. Maraming balakid sa mga susunod na araw at linggo, natambakan ako ng trabaho.

@Carlotta, thanks, pag marami na kayo, papa party ako! Hehehe!

ZaiZai said...

@dom - hehe tagumpay ang plano. okay lang naman di ka makanood, mas maraming mahalagang bagay na kailangan mong gawin. wag mo lang ako maingit :)

domjullian said...

@Zai, oo nga e mukhang magtatagumpay ka pero malay mo hindi rin. Kakagaling ko lang sa doctor kanina at magpahinga daw ako dahil over fatigue at stress ang sanhi ng pagkakasakit ko.

ZaiZai said...

sige na nga. un pala dahilan ng sakit mo, kaya ka di gumaling dahil nag j.o. ka pa everyday! hehe! panhinga na lang muna ha!