Dear nephew,
Ilang buwan na lang matatapos ka na ng highschool. Magiging parte na lang ng ala-ala mo ang highschool pero, matamis na parte. Isang araw, you’ll just end up laughing kasi naisip mo kung gaano ka ka-tanga, ka-gago, ka-bano o ka-inis nung highschool. But ofcourse, hindi ka nag iisa dun, pare-parehas lang tayo dumaan dun sa phase na yun. I also had my share of highscool life, good and bad.
In a few months too, you’ll embark sa isa uling journey ng buhay mo: COLLEGE. Masaya ako dahil nakapasa ka sa mga respetado at magagaling na unibersidad. Kailangan mo na lang timbangin kung saan sa tingin mo ka sisibol at lalago bilang tao, bilang mamamayan ng bansang Pilipinas. Hindi madaling mag desisyon kung anong buhay ang dapat mong tahakin at kung saan mo sisimulan ito. Nahirapan din ako noon pero undeniably, the choice I made was one of the best decisions I ever made.
Dahil you are one of our own, let me share some pieces of advice at tips bago mo tahakin ang panibagong yugto sa buhay mo.
Una, ang kolehiyo ay beginning of freedom and partial independence. Wala ng ILFP, class mass, recollection, prom, kisig, etc., hindi ka na susunduin at ihahatid ng school bus, ikaw ang mamimili kung anong schedule ang gusto mo sa klase, kung anong oras ka uuwi, kung saan ka pupunta pag na suspend ang klase, kung anong route ang dadaanan mo papasok at pauwi sa school, kung sasali ka ba sa mga fraternities at orgs, etc.
Malaya ka ng makakapag desisyon para sa mga simpleng bagay sa buhay mo. Lagi mo lang tatandaan na lahat ng desisyon mo (tama o mali) ay makaka apekto sa buhay mo at accountable ka doon, wala ka dapat sisihing ibang tao.
Ikalawa, ang kolehiyo ay phase of exploration and experimentation. Malamang naranasan mo na yung iba nitong highschool gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, cutting classes, etc. Iba sa kolehiyo, choice mo kung gusto mong manigarilyo or hindi, mag cutting classes at manood ng sine o pumasok. Halos lahat ng katarantaduhan at kagaguhan na hindi mo magawa noon dahil baka ma kick-out ka o mabigyan ng 70 sa conduct ay magagawa mo.
Hindi ako magmamalinis, ilang beses din ako nag cut ng klase para manood ng sine sa SM North. Dalawang beses (o higit pa, hindi ko na maaalala) din ata akong pumasok ng nakainom. Sumama sa mga rallies dahil sa tingin ko karapat dapat na ipaglaban ang ilang adhikain na ipinapalaganap nila. Kumopya ng assignments paminsan minsan(oo assignments lang!). Dated a professor. Nagsinungaling na may babayarang project pero wala naman para maka gimik. Mag stay sa school buong araw para tumambay. Nagpaalam na papasok kahit walang pasok pero nag out of town pala o tumambay sa bahay o dorm ng kaklase. Pumasok pero natulog lang buong period ng klase. Nanlait ng professor. Pumunta sa Tondo, sa Binondo, sa Pasay, sa Bulacan, sa Cavite, sa Batangas, sa Tagaytay ng walang paalam. Maswerte ako noon kasi pager pa lang ang usong gadget noon at wala akong pager kaya hindi alam ng lolo at lola mo ang whereabouts ko. Halos lahat ng kalokohang pwede mong isipin, nagawa ko ata.Pwera mag drugs at mag cheat sa exams. Mukha lang akong bangag at high lagi noon.
Ang point ko, hayaan mo ang sarili mo na maranasan ang konting kalokohan sa buhay mo. Hindi lahat ng kalokohan ay nakakasama, minsan marami kang matututuhan sa mga bagay-bagay na yon. Marami kang bagay na ma re realize, example: minsan maganda pa manood ng sine kesa makinig sa non-sense mong professor. Pero dapat alam mo ang limistasyon mo, may mga kalokohang tatatak sa buhay mo habang buhay once ito ang pinili mo. Maloko ako noon pero hindi nag suffer ang academic life ko at never akong naging high sa drugs.
Ikatlo, ang kolehiyo ay market place of people and ideas. Marami kang makikilalang tao na may iba’t-ibang paniniwala at paninindigan sa buhay. Multitude of people, each carrying different kinds of idealism. Lahat ng klase ng tao makikilala mo, from casual nerds to anti-Christ to psychics and so on. Pati sa istilo ng pananamit iba iba. May mga fluent mag-ingles, may malalim mag tagalog. May mga kabibilang sa iba’t-ibang tribo sa Pilipinas, may foreigners, may galing sa hukay(joke lang!).
Matuto kang igalang ang kanilang paniniwala at paninigdigan gaya ng pag galang nila sa kung ano man ang pinaniniwalaan mo sa buhay. Entitled tayong lahat doon. Maging sensitive ka rin sa feeling ng iba. Isipin mong mabuti ang sasabihin mo sa bawat taong makaka-usap mo, kapalit nito ang pagkakatuto mo sa mga bagay na hindi mo pa alam na dapat mong malaman. Marami kang learnings na matutuhan beyond academics, these things will keep you going.
Ika-apat, maging friendly. Wag kang mag alala, walang politics involved sa pagiging friendly sa college. Hindi ka pagbibintangang tatakbo sa student council o para ma elect as class president pag naging friendly ka. Advantage ito kahit user-friendly ang labas mo. Minsan may tips sila regarding subjects na nakuha na nila o kung sinong professors ang dapat iwasan at ang mga style nila sa klase. Minsan din i-invite ka nila sa bahay nila o province pag may fiesta, instant gala!
Minsan din makakasama mo sila sa rallies, atleast may kausap ka habang naglalakad papuntang Mendiola o kung san man. Kung malapit lang ang bahay nila, may instant tamabayan ka habang nag hihintay ka ng 7 hours break mo, good alternative to pag wala kang pera para manood ng sine, diba? Maasahan din sila minsan lalo na pag halimaw sila sa mga subjects (gaya ng Math) na tatanga-tanga ka, pwede mo silang piliting isaksak sa kukote mo yung mga lessons na di mo ma-gets, tutor! Marami pang iba, trust me, malaki at maganda ang benefits ng maraming kaibigan. Baka kilala pa nya yung babaeng gusto mong pormahan, may tulay ka na agad.
Ika-lima, siguraduhin mong may kakilala ka na mababayaran para maligtas ka sa NSTP aka ROTC aka Military Science. Wala kang mapapala sa pag attend nyan kundi sakit ng katawan. Malas ka pa kapag napag tripan ka nitong mga military wannabes na ito na hindi alam ang salitang respeto at panay air-heads. Mga rejected armies. Wala akong makitang benefits sa pag attend dyan. Walang-wala. I skipped the drift, no regrets.
Ika-anim, lagi kang makinig sa klase. Maraming magagaling na professors, may mga pagkakataon na non-sense at boring magturo ang mga professors pero may mga bagay ka na matutuhan sa kanila. Malimit sila magbigay ng words of wisdom at anecdotes na magagamit mo sa pang-araw araw na buhay. May mga professors na may koneksiyon sa buhay outside school ang tinuturo, mga practical things. They have interesting and worth knowing and learning stories to tell.
Tatlo sa mga di ko malimutang tinuro sa akin, academically speaking. (1)Para sa mga kukuha ng engineering course, the derivative of a constant function is zero (Elementary Analysis I [Math 53] sa UP or Differential Calculus sa iba); (2) kung bakit hindi nakukuryente ang ibon kahit dumapo sa live wire (Physics 72, Physics 2 sa iba) at (3) At kung sino ang kaisa-isang ninong ni Rizal sa binyag (PI 100 o Rizal’s Life and Works).
Ika-pito, iwasan mangopya sa exams hanggat maari. Nakakahiyang masabihan na kaya ka nakapasa ng college ay dahil sa pangongopya, in short, mag-aral ka kahit papaano. Pa minsan minsan, kumokopya ako ng assignments pero hindi ko pa naranasan mangopya o mangodigo sa exams (oo pramis! cross my heart, hope to die). Maganda pa rin na makakuha ng deserving na grades kahit tres lang basta alam mong pinag hirapan mo ito. Huwag mong pangaraping magka-singko, lalo na sa PE.
Ika-walo, iwasang maging tatanga-tanga o magmukhang tatanga-tanga. Ipapahamak ka nyan, mabibiktima ka ng hold-up, i-bubully ka ng fratmen. Pagsasamantalahan ka ng mga medyo tatanga-tanga lang pag alam nilang mas tatanga-tanga ka sa kanila. Alerto ka dapat lagi. Alam mo rin dapat ang nangyayari sa paligid mo at ang mga pang-araw araw na kaganapan - student number mo (importante to!), schedule ng activities gaya ng school fair, foundation day, kung may pasok o wala, kung saang lugar ma traffic, kung saan pwedeng kumain para makatipid.
Ika-siyam, pumili ng kursong gusto mo. Mahalaga pa rin na masaya ka at gusto mo ng kurso na kukunin mo. Magiging balakid sa pag aaral mo ang kursong wala ka namang interes. Sasayangin mo lang din ang perang ipang papaaral sa iyo. Sayang ang panahon kung magiging hobby mo mag shift from one course to another, much more, baka tamarin ka pa sa pag-aaral at mag desisyong huminto at maging out of school youth.
At ika-sampu, lagi mong tatandaan na iba ang buhay kolehiyo sa tunay na buhay. Hindi natatapos ang buhay pagka graduate mo ng college, umpisa pa lang ito. Hindi sukatan ng pagkatao ang buhay kolehiyo. Hindi ganrantiya sa magandang buhay ang kolehiyo. More often than not, walang bearing ang college degree sa working world, yung kakayahan at talento mo ang susukatin sa working world, hindi kung ilang beses ka bumagsak. Ikaw ang mag lalagay sa sarili mo sa gusto mong maabot. Learn as much as you can.
Marami pa akong tips and advices, tanungin mo na lang ako personally. The whole family’s so very proud of you!
Love,
Tito Dom