Dahil wala akong special someone right now to celebrate Valetines (Valentimes, for kids) with yesterday, umubra pa rin ang usual excuse ko pag nagtatanong ang friends ko kung sinong ka date ko: the whole family dahil birthday ng isa sa mga kuya ko.
Tsaka pag tumatanda kang single, nagiging meaningless na rin ang Valentines. Anyway, I did wear red yesterday kasi sumabay din ang Chinese New Year!
Belated Happy Valentines and Gong Xi Fa Cai to all of you!
Gaya ng sinabi ko, birthday ng isa sa mga utol ko kaya sa kanila ang celebration namin. May Chinese influence lahat ng food at Chinese din ang outfit namin kahit less than 10% lang ang traces ng Chinese blood namin. Para maiba lang tutal two in one occasion naman.
Nagbigay naman ako ng flowers to family and friends para ma feel ko naman at nila ang Valentines. Pwede na.
Guess who kung sino ang may pinaka masayang Valentines. Edi ang aking anak.
Bumili ng isang pack ng toblerone para sa aking soon to be daughter in law. At dahil kunsintidor akong tatay, sinamahan ko na rin bumuli si Cairo ng silver bracelet for the love of his life. Mamaya ko pa malalaman kung sasagutin na cya.
Natuwa din naman ako sa anak ko dahil hindi nya nakalimutang bigyan ng gifts ang prodigal mommy nya, ako and the rest of the family. He made some heart shape cheesecake na naging pang himagas namin with the help of my brother, Leroy. Pinadalhan nya ng card ang prodigal mommy nya days ago. Natuwa naman ang prodigal mommy. Binati ko na rin ng Happy Valentines si prodigal mommy.
Belated Happy Birthday to my brother, kuya Dario and Kris Aquino!
8 comments:
aba si cairo, binata na! at mana rin kay daddy sa pagluluto :)
belated happy valentine's day at gong xi fa cai rin sa iyo! :)
naghahanap ka parin ba ng mommy for cairo?
parang may feeling ako na mauunahan ka ng anak mo.
=D
hugs a dom
@ Carlotta, thanks!
@ Engel, loko! wag ganun. Am actually pre-occupied these days kaya walang lovelife but ofcourse, I'm hoping.
@ Anteros, thanks.
huwaw! inlababo ang cairo! nerbyos ka no?
@ Chingoy, medyo.nakakatakot pala.
patay tau dyan.nakikinikinita kong malapit ka ng maging lolo pare.
at talagang di mo nakalimutang batiin si kris aquino.hehe.
belated happy vday dom and cairo. sabi na nga ba close kayo ni kris aquino e. :)
Post a Comment