Specially dedicated to my new crush: Danielle Canlas.Yebah!
Tuesday, April 27, 2010
Saturday, April 24, 2010
Recipe: Domjullian's Fish Teriyaki
Ingredients:
Fish fillet
Kikkoman teriyaki Sauce
Lemon
Salt
Pepper
Toge
Bellpepper
Sesame seeds
Onion
Sugar
Olive Oil
Procedure:
1. I-marinate ang fish fillet sa lemon, salt, pepper at 2 tbsp. of teriyaki sauce for atleast an hour.
2. Maglagay ng 1/2 tsp of olive oil sa isang non stick pan. I-sear ang fish tapos i-drain sa paper towel.
3. Sa isang mixing bowl, i-mix ang 3 tbsp of teriyaki marinade, pepper and 1/4 tsp of sugar.
3. Sa isang wok, i-stir fry ang toge, bellpepper and onion. Ilagau ang teriyaki mixture.
4. I-serve with the fish then sprinkle with sesame seeds.
Happy eating!
Thursday, April 22, 2010
UPD holds 99th graduation rites
More than 4,000 candidates for graduation will receive their academic degrees at the 99th General Commencement Exercises to be held April 25 at the University Amphitheater at UP Diliman.
Leading the candidates are 25 summa cum laude, all of whom have earned a cumulative weighted average grade (CWAG) of 1.20 or better. Heading the top honors is Jordana Cristina R. Valencia, Bachelor of Science (Psychology), with a CWAG of 1.087, followed by Miguel Carlo L. Purisima, BS in Electronics and Computer Engineering (BSECE), 1.096.
The other top honors are: Raymund Siegfrid O. Li, BS in Business Administration and Accountancy (BSBAA), 1.101; Hyacinth Mae G. Tambago, BS in Chemical Engineering (BSChE), 1.102; Pearl Aimee C. Balleta, Bachelor of Science (Psychology), 1.112; Kenneth Robert C. De Guzman, BSChE, 1.118; Danielle P. Canlas, BS in Computer Science (BSCS), 1.124; Diane Lourdes G. Reyes, BS in Business Administration (BSBA), 1.129; Patrick Dela Paz Ramoso, BSChE, 1.132; Ma. Isabella C. Pamintuan, BS in Molecular Biology & Biotechnology (BSMBB), 1.132; Alyanna C. Anglim, BS in Economics, 1.142 and Anna May L. Navarrete, BS in Family Life and Child Development (BSFLCD), 1.145.
Completing the list are: Cristina Maria P. Cayabyab, Bachelor of Music (Conducting), 1.15; Maria Kristina S. Gallego, Bachelor of Arts (Linguistics), 1.151; Ryan Oliver T. Lim, BSBA, 1.157; Fides Angeli DLC Zaulda, BSMBB, 1.157; Monelle G. Capistrano, BS in Economics, 1.16; Miguel Carlos I. Gonzalez, BS in Chemistry, 1.161; Runyi Wu, BSBA, 1.175; Mynard Bryan R. Mojica, Bachelor of Science (Statistics) 1.181; Roana Bianca C. Reyes, BS in Industrial Engineering, 1.185; Sandra Mae T. Magalang, Bachelor of Arts (Public Administration),1.188; Joyce Jackilynn C. Tan, Bachelor of Elementary Education, 1.191; Nina Rebecca R. Ramos, BSFLCD, 1.193 and Israel Jordan R. Samson, Bachelor of Science (Statistics) 1.197.
Of the top honors, Gallego has been selected to speak on behalf of the graduating class.
In addition to the top honors, UPD has 236 magna cum laude and 928 cum laude. The magna cum laude is awarded to a graduate with a CGWA 1.45 and the cum laude for a CGWA of 1.75.
Of the total candidates for graduation, 3,443 will receive their undergraduate while 830 will be conferred graduate degrees.
Etong year na to na pinakamadaming summa sa UP. grabe. nung time ko. 4 na summa lang. Ang tindi ng mga taga ChE. Pano sila nagkaron ng ganyang kataas na GWA sa hirap ng course nila plus the math meets Chemistry, Physics, etc = worst nightmare subjects. First time din magka summa ng FLCD, PA and Elem Educ., if I'm not mistaken. May summa ulit ang IE!
Kudos UP 2010 Grads! Serve the people!
Monday, April 19, 2010
Parenting 101 (From Domjullian's POV), part 2
6. Spoiling. Noong bata kami, although nakakaluwag kami sa buhay, my parents made sure na hindi kami lalaking spoiled magkakapatid. We can’t have luxuries in life all the time. Paulit-ulit na sinasabi ng dad ko ang financial situation ng pamilya namin. There’s 7 of us kaya mahirap din ang pera. Pero syempre, noong bata kami, we can’t help na mainggit sa laruan o pagkain ng ibang mga bata. Sa pagkain walang problema, sa laruan meron. Aral na kami pag sinasama kami sa mall o sa palengke, bawal magturo.Kahit mga tito and titas namin can’t give gifts in an instant. Pinagsabihan sila lahat ng parents namin except ofcourse pag may occasion like birthday and Christmas.
Yan din ang practice ko with Cairo, he can’t have everything in a whim. I limit his spending. I give him weekly allowance he can spend on, this way, he can budget his money to last the whole week. I don’t give extra money para matuto cya na gumastos sa kung ano lang ang meron cya.
If he wants something, kailangan nya pag hirapan yun (pero I won’t discuss it here, ibang topic na cya). Ang ginagawa nya, he will save some money galing sa allowance na binibigay ko.
Mahirap ang hindi pag spoiled in my part dahil one and only si Cairo as of now. Mahirap hindi ma tempt, guilty ako minsan dyan pero as much as possible, I still go by the rule. Masarap kasi makita na yung anak mo marunong ng mag value ng pera at a young age at matuto mag spend wisely.
Sa pag-uugali naman, equal treatment sa amin lahat, no special treatment kahit bunso. Common lang ang inggitan sa magkakapatid, parents just have to be careful na walang favoritism and explain kung bakit minsan kailangan ng isang kapatid ng extra care or attention.
With Cairo, although he is special, I try not to make him a spoiled brat. Pinapagawa ko cya ng simple and easy household chores or I let him help me do the chores. There are rules to follow.
7. Reward & punishment system. May connection to with spoiling. Dahil nga hindi kami basta basta pwedeng magpabili ng mga luxuries, we have to earn it. May reward system kahit papaano. When we do well in school or did something good may katapat na reward.
But be careful, may tendency ang kid na maghanap ng reward everytime nakakagawa cya ng mabuti. It doesn’t have to be the case, inspire the kid to do good pero kailangan mo rin ipaintindi sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon, may reward. They have to do good not because of the reward but because that’s the right thing to do.
With Cairo’s case, hindi ko sinasabi na mag top 1 ka sa klase para magka reward ka or maging masunurin kang anak para ibili kita ng gusto mo. Mali ang magiging perception nito sa kid. I always tell Cairo to do well para matupad nya lahat ng pangarap nya, bonus na lang kung may matatanggap na regalo.
Same goes sa punishment. Pag may mali,depende sa degree ng pagkakamali, may punishment. Hindi kami lumaki sa palo, wala ni isa sa amin ang napalo ng parents ko. They don’t believe in that. Instead, they give out punishments like bawal manood ng TV, o gumamit ng telepono, o hindi pwedeng maglaro sa labas. Kinakausap kami as calmly as possible kung bakit mali ang ginawa naming at yung mga consequences that might happen doon sa maling ginawa namin. In that case, nauunawaan namin yung pagkakamali namin.
May mga pagkakataon na sobrang kulit namin at hindi naiiwasan na magtaas ng boses ng parents namin pero hanggang doon lang yun. Lumaki kami na may takot sa parents namin kaya pag narinig mo na ng malakas ang whole name mo, mag behave ka na.
Naturally kay Cairo, hindi rin ako namamalo and explain every single detail kung bakit mali ang ginawa nya at bakit may punishment. Tingin ko pa lang alam na ni Cairo na dapat na cya mag behave. A little nagging might help, might help.
8. Discipline and respect. Totoo na kung ano ang nakikita ng bata sa matatanda, yon ang ginagawa nila. I always try to be a good example kay Cairo. I teach him basic discipline gaya ng tamang pagtatapon ng basura, pagliligpit ng pinagtulugan, pag liligpit at pag huhugas ng pinag kainan, arranging his books. Little things like that. Parati ko rin sinasabi na ang disiplina ay hindi lang dapat ginagamit sa loob ng bahay kundi pati na rin sa labas.
Respect is something hard to define and enforce. When we’re growing up, tinuruan kami ng common courtesy like pagmamano and po at opo. Hindi pagsagot sa magulang at nakakatanda at pagmumura.
By example, natututo ang mga bata so as much as possible, kahit mahirap, I try to be magalang at marespeto kahit may mga taong hindi deserving.
At times pwede kaming magbiro sa magulang namin pero may boundaries. Allowed ang biro like “dad, mas matigas pa ulo mo sa akin e”, “mom, ang taba-taba mo”. Mga light na biro na hindi naman masyadong nakakaapekto o nakakabawas ng respeto ng anak sa magulang.
As we grow up, dahil alam na namin ang respeto, naging barkada ang tingin namin sa parents namin pero yung degree ng respeto as parents hindi nawala.
I make fun of Cairo and vice versa. Ilang beses ko na rin na kwento tong mga to sa blog ko. I allow him to be pilosopo at times para hindi naman masyadong boring yung father and son relationship namin pero gaya nga ng sinabi ko, I make sure Cairo won’t go beyond the respect limit.
Kadalasang na a adopt ng bata yung nakikita o naririnig nya sa environment na ginagalawan nya. Walang nagmumura sa amin intentionally, di ko pa naman narinig nag mura ang anak ko.
9. Learning. Aside from above things, dapat tinuturuan din natin ang kids ng mga practical and handy things. Ito yung mga bagay na hindi natutuhan by example. Sa mga toddlers, things like alphabet, counting, coloring, grammar etc.
But be forwarned, wag natin ipilit na matuto sila kung ayaw pa nila. May time para dyan, they have their own learning period and time. Please check item #4. Little by little lang kasi nakaka cause ng stress sa bata yun ng hindi natin nalalaman. Kaya maraming bata ang nasa grade school pa lang ay tinatamad ng mag aral.
Let them learn on their own. Ang papel mo bilang magulang ay i-expand yung malalaman nila. If they started to show interest on something, doon ka lang pumasok. Suporta lang sa kung saan cya magaling at mas suportahan sa kung saan cya mahina para matuto.
Sabi nga sa pag-aaral, mas mahalaga ang EQ kesa sa IQ. But these two should go hand in hand para sa success ng isang tao. Dapat may balance between the two, both should be properly addressed but should correspond sa developing consciousness ng bata.
We should also prepare the child for life with the help of schools and learning institutions. Sabi nga sa aking sociology class, kailangan at importante na malaman at maunawaan ng isang tao ang mga basic life questions like one’s identity, yung relationship nya sa ibang tao at ang kahulugan ng buhay.
At Cairo’s age now, human anatomy and a little sex education na ang dapat nyang malaman. Natawa ako one time, tinitignan ko yung book nya sa Science, may nakatakip na papel dun sa anatomy ng human body at sa mga taong nakahubad, pati mga words like vagina and testis tinakpan nya.
10. Instinct. Parent’s instinct. Hindi ko sinasabing parating tama ang instinct pero mabisang paraan ito sa pagpapalaki ng bata. Kung alam natin na para sa ikakabuti ng bata, bakit hindi, diba? Most of the time sinusunod ko ang instincts dahil alam ko na yung best lang naman ang gusto kong ibigay sa anak ko.
Maganda parin humingi ng opinyon sa fellow parents like us o sa magulang.
As I’ve said, I’m not a pro when it comes to child nurturing, but hey, more than 10 years of being a single dad taught me a lot of things and I might as well share simple, handy and practical things to new parents and soon to be parents.
Happy parenting!
PS: You might have some tips to share too, feel free to discuss it here. I still need to learn a lot and some more.
Saturday, April 17, 2010
Recipe: Domjullian's Laing
Ingredients:
Gabi leaves, shredded
Gabi
Pork
Pork fat
Onion
Garlic
Coconut cream (2 cups)
Coconut milk (4 cups)
Fish Sauce
Pepper
Dilis
Procedure:
1. Pag mantikain ang pork fat tapos pag nagmantika na, igisa ang onion, garlic and pork.
2. Ilagay ang coconut milk tapos ilagay ang gabi leaves at pakuluan hanggang maluto.
3. Ilagay ang gabi. Lutuin for 3 to 4 minutes.
4. Pag medyo malambot na yung gabi, ilagay yung dilis at i-adjust yung taste using fish sauce and pepper.
5. I-serve with rice.
Happy eating!
Tuesday, April 13, 2010
100 Things I Learned in Life
- Dapat mag-aral ka at magtapos ka sa kolehiyo kung may pagkakataon at oportunidad. Passport mo yan for a good life. Good life, I didn't say better.
- It’s a crime to forget the past. There are things/memories worth remembering. Vital yan para malaman mo kung naging mas mabuti o masama kang tao ngayon kesa noon.
- Bawal magkasakit lalo na kung walang pera at wala naman talagang sakit.
- Madalas hindi lahat ng tanong kailangang sagutin. Mas madalas hindi kailangang magtanong para makakuha ng sagot.
- Manalig kay Bro. Wala kang choice lalo na kapag may hihilingin ka at gusto mo itong makuha. Faith is substancial.
- Exciting pag sweldo, kaso nawawala ang excitement kapag wala kang sinuweldo sa dami ng deductions.
- You need friends.
- Your presence means a lot, lalo na sa mga bata.
- Parents can be your best friend or your worst enemy. Depende yan sayo.
- Masaya mag stargazing.
- Everything has a reason kahit minsan hindi natin matanggap yung reason.
- When the cat is away, the mouse will play, kahit sobrang pangit ng mouse at nung pine-play.
- You can never be too young or too old.
- Lahat ng bagay may opportunity cost.
- Lahat nagkaka tanga moment, lalo na pag in-love.
- Kahit anong ganda ng social networking site, mag sasawa at magsasawa ka din.
- Iwasan magkaroon ng utang na loob, lalo na sa kamag-anak. Mas iwasan magkaroon ng utang na pera.
- Mall is a good, cold place. Makakalimutan mo minsan na may problema ka.
- Kahit anong brand ay may fake counterpart.
- Mas maraming drama ang buhay kesa sa teleserye sa TV.Spontaneous and unpredictable pa.
- Mahirap hindi manlait ng kapwa.
- Hindi cool ang mga taong naka false teeth tapos may retainer o braces. Kadiri na malansa pa tignan. Kaya maganda alagaan ang ngipin, nakakadiri humalik sa taong naka pustiso lalo na pag bad ang hygiene nya. *See item # 21*
- OK magbasa ng libro. Marami kang matututuhan na hindi mo pa alam. Reading will make you less ignorant.
- Beneficial ang pagdadala ng ballpen, panyo, libro, alcohol, wet wipes at diatabs sa bag.
- Walang magandang dulot ang pagrerebelde kahit sa sarili mo.
- Walang kwenta ang fire at eartquake drills, hindi ito ang nagiging actual scenario pag merong fire or earthquake.
- Mahirap sabihin na napatawad mo na ang isang tao kahit hindi pa pala. Mahirap magpatawad sa hindi deserving patawarin.
- Useful sa everyday life ang jokes, kahit corny.
- Pag feeling mo ang isang bagay ay mali, kadalasan mali yun. Vice versa.
- No matter what, right is always right.
- Life is not just a simple four letter word.
- Makinig sa matatanda, marami silang tips kahit hindi lahat ay applicable sa present life natin ngayon.
- Masaya hindi pumasok sa school or work. Basta holiday.
- Dangerous ang drugs. Promise.
- It’s ok to be insane sometimes, siguraduhin mo lang na babalik ka sa sanity mo. Huwag tularan si Marlene Aguilar.
- Masarap matulog at kumain. *bow*
- Mahirap din minsan ang walang ginagawa. Nakaka bored na nakaka bobo pa. Try something.
- Astig manood ng teleserye. Malalaman mong meron ka palang thinking brain.
- Nakakamatay minsan ang pag iinarte. May limit ang pagiging maarte, hanggang 9 years old lang dapat.
- Maraming mandurugas sa palagid, minsan kadugo mo pa.
- Handle women with care.
- Good read ang “Bible”.
- Speaking straight English with accent is NOT synonymous to well-educated.
- May mga bagay at pagkakataon sa buhay na gusto mong balikan pero hindi na pwede. Galingan mo na lang sa mga darating.
- Math is useful to everyday life kahit hate natin ang Math.
- Alam natin ang masama sa mabuti. But we never learn.
- May mga lihim na hindi nabubunyag, siguraduhin mo lang na ikaw lang talaga ang nakaka-alam nito.
- Aprub maging paranoid minsan.
- Hindi lang Ilocano ang barat. Minsan mas barat pa yung mga hindi Ilocano.
- Pwede mong sundin ang instinct mo.
- Older doesn’t mean better.
- Masarap dagukan ang mga nagfoforward ng mga chain letters sa email.
- Mahaba pero relaxing ang byahe papuntang Ilocos. Kung nature lover ka, ma aappreciate mo ang ganda ng tanawin habang naglalakbay.
- Vinegar kills bacteria.
- People can’t walk the talk most of the time.
- Sobrang laki ni Sharon Cuneta ngayon yet well-loved pa rin cyang mga fans. Mahal natin ang isang tao beyond his/her imperfections.
- Madaming madaming madami kang matutunan sa mga bata.
- There is a power greedy goddess wannabe in the Philippines. And she has a money greedy husband.
- Don’t judge the book by its cover. Karamihan ng libro naka-cover ng gift wrapper at plastic.
- Don’t be such as bad employee. Performance ratings would come to haunt you.
- Maraming tao ang tanga at hindi nag iisip. Single proof? Jamby Madrigal won as Senator. Pero may hangganan ang katanganhan kung gugustuhin mo.
- Ang tao ay constitutionally free.
- There are social and cultural norms and practices that may be explicit or implicit.
- Matagal mamatay ang masamang damo. Kita mo nakalabas na ng hospital si Mike Arroyo.
- It always takes two to tango.
- Ang “I did not there never go” ay grammatically correct. I swear.
- There is such a thing as care. Others don’t know it exists.
- Mag-abot ng bayad ng pasahero sa driver. Remember the golden rule.
- Sixty-nine is not just a number.
- Hindi matamis ang resulta kapag binaligtad mo ang desserts.
- It’s not always just right or wrong. Minsan modified right or wrong.
- Walang pagkakaiba ang dark blue at black sa color blind.
- Every child is a blessing from above.
- “There’s a rainbow always after the rain” is not true, there’s always flood.
- Hindi lahat ng bawal ay masama, kadalasan, sobrang sama.
- Masarap kausap ang sarili.
- Hindi bragging right ang pagtambay ng madalas sa Starbucks.
- Hindi mo mararamdaman ang “comfort” at “rest” sa comfortroom at sa restroom.
- Exercise is good for you.
- Kakaiba ka kung inaantok ka pagkatapos mo matulog ng kumpletong oras o gising na gising ka pagkatapos mo matulog ng less than 5 hours.
- Mahirap maging alarm clock ang ingay ng bunganga ng kapitbahay.
- Maraming levels ang hell at hell means HELL.
- Masama magmura. It’s bad for the soul.
- Di dahil hindi masarap ang pagkain, ibig sabihin wala ng kakain non. Walang hindi masarap sa taong gutom.
- Farmville ang pinakamadaling way para matupad ang pangarap mong maging magsasaka at yumaman, konting click lang ng mouse ang puhunan.
- Mas maganda ang google kesa sa yahoo when it comes to searching.
- You have to have a stand. Either pro ka or con. Hindi pwedeng deadma o neutral. Thanks UP!
- Philippines still has a surreal charm regardless of its present situation.
- Joyride is really fun. It’s a stress reliever.
- Drinking alcohol might be harmful and dangerous. Drink moderately or don’t drink at all.
- Never underestimate the power of prayer.
- It pays to know the law and apply it.
- Hindi totoo na walang nawawala sa pagsunod sa mga paniniwala at pamahiin, meron – yung faith natin kay Bro.
- There are things you have to let go kahit may sentimental value pa. Applicable din sa tao.
- Walang lasa ang dragon fruit. Ano ang dragon fruit? See item# 86.
- Masturbation is better than sex, in some ways.
- Sakit ang pagiging narrow minded. Nakakahawa at epidemic.
- “Even if one does not believe in God, suicide is not legitimate” – Albert Camus.
- Masarap maligo sa ulan at magtampisaw sa ulan na parang bata.
- Mahirap mag-isip ng 100 Things I Learned in Life habang nasa eroplano.
Sunday, April 11, 2010
Recipe: Domjullian's Version of Chowking Shanghai and Fried Rice
Ingredients:
For Lumpiang Shanghai:
1/2 kilo Ground Pork
Chopped Carrots
Chopped Onion
1 Egg
Salt
Pepper
Lumpia Wrapper
Oil
For Yang Chow Fried Rice:
Rice
Eggs
Carrots
Cabbage
Chopped Ham
Garlic
Salt
Butter
Procedure:
1. For lumpiang shanghai, i-mix lang ang pork, carrots, onion, egg, salt and pepper.
2. I-wrap lang yung pork mixture sa lumpia wrapper then i-deep fry sa oil till golden brown.
3. For Yang chow fried rice, beat the egg then cook it. I-cut yung scrambled egg pag malamig na.Set aside.
4. Sa isang wok, heat ang butter then igisa ang garlic, ham and carrots for 2 minutes.
5. Ilagay ang rice at lutuin for around 5 minutes. Then ilagay yung half ng scrambled egg.
6. Timplahan using salt at ilagay ang cabbage theb lutuin for another 2 minutes.
7. I-serve with the lumpia at i top yung remaining egg sa fried rice.
Happy eating!
Friday, April 9, 2010
Parenting 101 (From Domjullian's POV)
Hindi ako expert when it comes to parenting. I’m far from being a perfect father. I’m also not sure kung dapat ako magbigay ng advices sa mga future fathers dahil hindi ko naman talaga alam kung tama yung pagpapalaki na ginagawa ko sa anak ko. Well, wala naman tamang formula kung papaano magpalaki ng bata, minsan you have to rely sa instinct, minsan you really have to seek help from the lolos and lolas as they know better. Just want to share some pieces of advice kung papano ang ginagawa kong pagapapalaki sa anak ko:
1. Honesty. Being a single parent, I have to tell everything to my son. As in everything. May perfect time para dyan, maaring sa simula, confuse ang bata at hindi nya maintindihan lahat but we have to tell the realities of life at kung anong sitwasyon meron. Nararamdaman ng bata kung may tinatago ka sa kanila o wala. At sooner or later malalaman at malalaman din ng bata ang kalagayan nya at sa tingin ko mas maganda na magulang ang magpaliwanag, pag sa iba nalaman yun may dagdag ng kwento. Sa mga hindi single parent, blessed kayo dahil mababawasan ang complications and problems.
We should also be honest enough to accept that we can’t do it alone. Kailangan natin ng tulong nina lolo and lola at times. Isama mo na rin ang mga tips and lessons na natutuhan nila. They’ve been around longer than us so I’m sure well learned na sila sa ganyan. Don’t hestitate to ask for help from them. Yaya can help, help lang ha, hindi ipakaako kay yaya lahat.
2. Communication. Open one ofcourse. Eto natutunan ko sa parents ko at ina-apply ko din ngayon sa anak ko. Nung bata pa kami, allowed kami mag voice ng opinion, allowed kami mangatwiran pero sa tamang paraan, in short my freedom of speech. Naging habit na namin lahat na mag kwento kung anong significant event/s ang nangyari sa bawat isa sa amin everyday including my parents. Kahit non-sense actually pwedeng i-kwento, kahit chismis. Allowed kami magtanong ng mga bagay-bagay tapos sinasagot naman ng parents ko as honest and as truthful as possible. This way, nagkakaroon ng interaction yung bawat isa sa bawat member ng family.
With Cairo, I encourage him to tell stories or ask. Kung anong nangyari sa kanya sa school, kung sinagot na ba cyan g nililigawan nya o may bago na cyang crush. Kung anong aspirations nya sa buhay or simple dreams. Ganun din ako, I let him know whats on my mind. I allow my son to know me and vice-versa. Sinasabi ko sa anak ko na tanga ako sa Math, kung anong buhay namin nung bata kami, anong uso, yung kwento ng love story namin ng prodigal mommy nya. Minsan sinsabi ko din kung medyo nahihirapan na ako sa kanya dahil minsan matigas ang ulo nya. Mga ganung bagay. Dito ko nalalaman yung nararamdaman ng anak ko, kung ano ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya o hindi, kung ano ang bumubuo sa pagkatao nya, kung nasaang phase na cya ng buhay nya at kung ano na ang dapat ituro sa kanya bilang tatay(eg: sa age na ngayon pwede ng turuan ng lessons about puberty and anatomy). Mahirap pag may gap between you and your child.
3. Time. Alam ko sa panahon ngayon kailangang kumayod ng kumayod. Afterall para sa kanila naman ang ginagawa natin. Pero, kailangan natin mag spend ng time sa anak natin. Ang hirap kung lagi tayong absent sa growing up stage ng anak natin. We should be the first one to know or hear his/her first word. Be there when he/she takes his/her first few steps at kung ano pang acrobatic movements na kaya nilang gawin. Be there sa graduation, first communion, scouting day, family day, etc. Ok lang ma miss once or twice but be sure to make up. Matalas ang memory ng mga bata at hindi madaling makalimot, maalala nila ang mga ganitong bagay kahit gaano na katagal.
Spend quality time with your kid/s and always have time to listen to him/her. Minsan help him/her do assignments. Basta always show your kid/s na mas importante sila sa kahit anong bagay at iparamdam na may oras ka parati para sa kanila kahit gaano ka ka-busy.
Huwag na huwag hayaang si yaya, lolo, lola, etc. ang kilalanin na magulang ni baby. Masakit ang hindi kilalanin na magulang.
4. Absurdity & obscurity. Never go to albularyos, this is self-explanatory. As Filipinos, may mga paniniwala at kaugalian tayo na alam naman natin na walang katotohanan at dapat ng ibaon sa limot.
Wag na wag sabihin sa anak na bawal lumabas dahil may pulis na kukuha sa kanya at isisilid cya sa loob ng sako or any other crazy things like that, mag dedevelop lang ang bata ng fear sa ibang tao at sa outside world.
Don’t be over protective, allow them to catch some germs sometimes or go out of their comfort zone. Walang batang hindi nadudumihan.
Never teach kids broken or grammatically incorrect English ((baby you take bathing ok?; baby don’t crying crying) and English Kris Aquino (baby lets go to the megamall na so you can laro na; baby you make kain kain na this uber sarap Cerelac). Please, magagalit si Kris Aquino dahil cya lang ang may karapatang mag salita ng ganun kay baby James. Pag kinakausap namin si Cairo, tagalog, hindi English pero marunong at nakakapagsalita cya ng grammatically correct English, self-learned by reading books. Sa school kasi nila tagalog ang medium para sa elementary, sabi nga nila kids should first learn their native tongue. Kahit hindi mo turuan mag English ang bata matututo at matututo cya kung gugustuhin nya.
Dom's Theory: Enrolling your kids early in school or enrolling your kids in all sort of sports or talent enhancement classes will make your kids intelligent. Yes, they will sure learn a lot at an early age but more often than not, madali silang ma bo bored at ma i-stress, na nauuwi sa failure ng bata at pagkawala ng interest sa mga bagay bagay. Mas maganda kung ma discover natin kung nasaan ang potential nila at doon tayo mag focus. Mga bata sila at dapat nilang maramdama kung paano maging bata. Making them pre-occupied with tons of activities is a no-no, give them the freedom and space at wag mong gawing extension ang anak mo ng mga bagay na hindi mo nagawa before.
5. Bonding. Aside from having time with your kid, importante din yung bonding for a much deeper connection, this will also develop “friendship” between you and your kid. In our case, dahil halos lahat ng hobbies parehas kami ni Cairo, its easy to get along with him. We play basketball and soccer. We swim together, read books, eat or go to the mall. Kailangan maramdaman ng anak mo na hindi ka lang niya magulang but friend and confidant as well. Habang lumalaki ang bata, mas nasasabi ng bata yung feelings, doubts, questions na mayroon cya, thus, alam mo ang tumatakbo sa isip nya.
To be continued….
PS: By this time, Dom and Cairo's probably flying 30,000 feet all the way to the land of milk, honey and wannabes.
PS: By this time, Dom and Cairo's probably flying 30,000 feet all the way to the land of milk, honey and wannabes.
Tuesday, April 6, 2010
Recipe: Domjullian's Beef Steak Tagalog
Ingredients:
Beef Sirloin
Lemon
Soy Sauce
Pepper
Onion
Water
Procedure:
1. I-cut yung beef into thin slices, tapa style. Pwede din ipacut na sa palengke or supermarket na pa tapa style.
2. Prepare the marinade by mixing 1 cup of soy sauce (for 1/2 kilo of beef), 1/4 cup of lemon and 1/4 teaspoon of black pepper.
3. Marinate the beef for atleast an hour. Slice the onion into rings
4. Pag na marinate na, i-transfer lang sa cooking pan with half of the sliced onions & 1 cup to 1 & 1/2 cup of water. Simmer lang hanggang lumambot yung beef. Check from time to time para hindi mag evaporate yung water. Add lang ng konting water pag wala ng liquid.
5. I-serve pag luto na at ilagay yung natirang onion rings sa ibabaw.
Happy Eating!
PS: Yung mga susunod na posts ko ay pre-posts lang kasi, Hello New York City!
Monday, April 5, 2010
Sunday, April 4, 2010
Thursday, April 1, 2010
Semana Santa Stories
Isa sa mga inaabangan kong holiday itong holy week. Aside sa bakasyon, eto din yung time nakakapagbawas ako ng kasalanan at nakakapagnilaynilay tungkol sa buhay.
Eventful din ang "Semana Santa" sa pamilya namin. Simula ng magkaisip ako, nagpapabasa na kami. Natutuwa ako nung bata kasi alam ko pag pabasa, maraming pagkain at maraming tao sa bahay. Kahit bawal ang pork, chicken and beef, masarap parin yung mga ulam, staple food sa family namin tuwing may pabasa ang lumpiang isda at lumpiang sariwa.Nakiki jamming din ako kasama ng mga oldies sa pagkanta ng pabasa kaya marunong ako kumanta ng pabasa ayon sa dapat na tono.
Maraming tradisyon at kaugalian din tuwing "Semana Santa". Noong bata ako, naalala ko kahit takot ako ay sumasama ako sa mga taong nag re re-enact ng kalbaryo ni Bro bago cya mamatay. Talagang inaabangan namin yung sa kalsada tas sasama kami hanggang sa kung saan makarating tapos uuwi. Kahit mainit noon kasi tuwing hapon yun e sige pa rin kami. Ang daddy ko naman sumasama sa mga nag-i-station of the cross. Bulto sila ng mga deboto na nagdadasal sa mga napiling bahay kung saan nandon ang isang istasyon ng krus. Lumalakad sila ng naka yapak hanggang matapos ang lahat ng station tas uwian na.
Dati, wala kang choice kundi lumabas ng bahay kasi as in 3 days (Thursday, Friday, Saturday) walang palabas sa TV na kahit ano, kahit patalastas (palatastas???) wala. Mapipilitan ka talaga aliwin ang sarili mo. Sa pagdaan ng panahon nag evolved na, mga 90s nilagyan ng konting palabas na ang tema ay religious, siete palabras mga ganyan. tas napalitan ng semi religious like 7th heaven marathon, old flicks like tinimbang ka ngunit kulang, tatlong taong walang Diyos at ang famous "my brother is not a pig" movie ni Ate Guy. Ngayun ibang iba na, ma e entertain ka na ng TV. Ewan ko pero mas gusto ko yung noon na wala talagang kahit anong palabas, ang bagal kasi ng oras at may time ka para gawin yung ibang makabuluhang bagay.
Alay lakad, craze ito sa mga teenagers. Apat na taon din ata akong nag alay lakad together with friends and cousins. In thing ito sa mga kabataan, nag stop lang ako nung napagtanto ko na wala naman talaga akong magandang na aaccomplish sa paglalakad ko mula samin hanggang Antipolo. Kung hindi nyo naiintindihan ang religious value ng panatang ito, wag na kayong sumubok dahil sakit lang ng paa at paltos lang ang aabutin nyo. Swerte kami kasi may tinutuluyan kaming bahay at maayos kaming nakakapahinga after ng isang oras na paglalakad, karamihan kasi sa damuhan or kalsada near the Antipolo church natutulog. Kung may kalampungan ka, expected na sa damuhan ka kasi pwede kayo mag sweet moments dun dahil medyo madilim, di masyadong kita kung saan gumagala ang mga kamay, konting takip lang, presto! Solb na! Matching star gazing pa.
Bisita Iglesia. Noong bata ako di ko maunawaan ito. Bat kailangang pumunta sa 14 churches at magdasal ng paulit-ulit. Isang station of the cross pala kada simbahan ang dapat dasalin. Nag evolved din ang pagbibisita iglesia ko, dati kasi sa Pasig lang, napalitang ng Bisita Iglesia sa kung saan saang lugar gaya ng Batangas, Laguna at Cavite (Tagaytay part).Enjoy naman kasi para ka lang nag field trip at nagtake ng Philippine History dahil sa mapupuntahan mong mga lumang simbahan. Twice lang ako nakapag out-of-town sa tanang holy week ng buhay ko dahil gusto ng parents ko as much as possible e nasa bahay lang talaga kami, time for family bonding din. Sumuway ako sa tradisyon noong 2003 (Cavite-Batangas-Quezon-Camarines Norte, Camarines Sur) at 2005 (Taal-Agoncillo, Batangas). Mamaya, bahala na kung saan kami makarating.
Lahat ng nabanggit ko sa taas, nangyayari ng Maundy Thursday. Exciting din naman ang Good Friday. Sa umaga, nagpupunta na kami sa bahay ng Tita ko. Tumutulong kasi kami sa pag aayos ng karo ng Mater Dolorosa na isasama sa prusisyon kinahapunan. Naikwento ko na dati na noong bata ako ay parte ang ng prusisyon ng Semana Santa, weakling kasi ako noong bata ako kaya ginawang panata ng magulang ko na isama ako sa prusisyon kasama ng tita ko bilang "paso", para daw gumaling ang kung ano mang sakit meron ako noon, effective naman. Ang mga paso ay yung mga taong naka-itim tuwing Good Friday procession. Para silang mga mourners, ganun ang papel nila. Kami ng tita ko, naka assign sa poste na pinag gapusan ni Bro habang nilalatigo cya ng mga Hudio. Mga 6-8 katao kami doon, salit-salitan namin hinihila yun. More than 10 years naging panata yon, tumigil lang ako nung nasa teenage years kasi nahihiya ako. Masaya ako noong bata kasi may mga nagbibigay ng pagkain at inumin sa daan. Pagakatapos ng prusisyon, mga 1 week akong lamon na lamon dahil sa mga nakuha kong mga candies, chichirya, biskwit, juices at kung ano ano pang pagkain. Yung mga matatanda, nag vi vigil pa sa simbahan after.
Pero pinalitan ko naman yang sacrifice na yan, sumasama pa rin ako sa prusisyon taon-taon at nagsisimba ako bago yung prusisyon. Walang misa pero meron program. Isasadula yung mga significant events na nangyari kay Bro bago cya ipako sa krus. May performance ang mga nagsisimba bilang taong bayan. Si Father naman ang gumaganap na Bro at yung mga lay ministers sa Poncio Pilato, Hudas, Barabas etc. Ginagawa din dito yung pag halik sa krus bilang tanda ng pag galang at pagmamahal kay Bro. Hahalikan yung krus ng mga tao, malas mo kung hindi ka pang-unang hahalik. Yung iba nga pinapahid pa yung panyo nila sa krus at ipupunas sa mukha after. Ewwww….opppss bawal pala gumawa ng kasalanan, sorry po Bro. Tinatakpan din lahat ng images at santo ng purple na kurtina.
Bawal maligo after 3 PM ng Good Friday. Paniniwala yan ng mga matatanda kasi nga daw patay na daw si bro nung 3 PM kaya noong bata kami dapat lahat nakapaligo na bago mag 3 PM. Hahabulin ka talaga ng lola ko wag lang lumagpas sa 3 PM ang paliligo. After 3 PM ng Good Friday din bawal na daw lumabas ng bahay, maglaro, o pumunta sa kung saang lugar dahil nga patay na si Bro. Prone daw sa disgrasya at nagkalat ang mga masasamang espiritu at elemento. Maririnig mo din yung sangkaterbang ghost stories galing sa matatanda para lang hindi ka lumabas ng bahay at matulog ng maaga kung bata ka. Noong bata ako 8 pa lang ng gabi tulog na kami.
Maghapon ka lang nakatunga-nga tuwing Sabado de Gloria dati. As in nakakainip at nakakabato. Sabayan pa ng mainit na panahon. Ngayon sobrang parang regular day na lang, pwede kang mag outing, manood ng TV at kung ano ano pa. Parang nawala yung solemnity ng Sabado de Gloria. Sa amin din, ilang taon na rin kaming nag bibiyahe ng Sabado de Gloria papuntang Batangas. Good thing though, dahil probinsya, ramdam mo parin yung katahimikan, may peace of mind ka pa rin kahit papaano.
Easter Sunday. Hindi ko kayang gumusing ng madaling araw. Bilang lang yung time na sumama ako sa tradisyon ng salubong. More than 10 years ko pa ata huling ginawa ito. Pero natatandaan ko pa kung ano ang nangyayari dito. May dalawang prusisyon na magaganap. Isa yung kay Virgin Mary at isa yung kay Bro. May point kung saan magkakasalubong sila. Aalisin ng angel yung belo ni Mama Mary para makita nya si Bro na nagbalik. Ganun ang nangyayari. Meron one time, ginawang angel ang ate ko, ibinitin cya sa lubid dahil low tech pa noon. Di ko alam kung matatawa ako o maawa sa ate ko kasi ba malaglag cya.
Masaya na ulit pag Linggo. Pasko ng Pagkabuhay. After magsimba, may palabas na ulit sa TV. May easter egg hunting pa kami sa bahay. Marami rami din akong perang nakukuha kasi nag che cheat ako. Tinitignan ko prior kung saan itatago ng mommy ko yung mga eggs. Few years na rin kami nag e-easter Sunday sa Batangas. Patok pa rin ang egg hunting sa mga kids. Time na rin namin for instant reunion sa side ng mommy ko.
Sana bumalik yung dating tradisyon at kaugalian tuwing Semana Santa. Nakakamiss din kasi yung mga times na yun. Everything's peaceful.
Ingat din pala sa mga manloloko dahil April Fools Day ngayun!
Ingat din pala sa mga manloloko dahil April Fools Day ngayun!
Subscribe to:
Posts (Atom)