Thursday, April 1, 2010

Semana Santa Stories

Isa sa mga inaabangan kong holiday itong holy week. Aside sa bakasyon, eto din yung time nakakapagbawas ako ng kasalanan at nakakapagnilaynilay tungkol sa buhay.

Eventful din ang "Semana Santa" sa pamilya namin. Simula ng magkaisip ako, nagpapabasa na kami. Natutuwa ako nung bata kasi alam ko pag pabasa, maraming pagkain at maraming tao sa bahay. Kahit bawal ang pork, chicken and beef, masarap parin yung mga ulam, staple food sa family namin tuwing may pabasa ang lumpiang isda at lumpiang sariwa.Nakiki jamming din ako kasama ng mga oldies sa pagkanta ng pabasa kaya marunong ako kumanta ng pabasa ayon sa dapat na tono.

Maraming tradisyon at kaugalian din tuwing "Semana Santa". Noong bata ako, naalala ko kahit takot ako ay sumasama ako sa mga taong nag re re-enact ng kalbaryo ni Bro bago cya mamatay. Talagang inaabangan namin yung sa kalsada tas sasama kami hanggang sa kung saan makarating tapos uuwi. Kahit mainit noon kasi tuwing hapon yun e sige pa rin kami. Ang daddy ko naman sumasama sa mga nag-i-station of the cross. Bulto sila ng mga deboto na nagdadasal sa mga napiling bahay kung saan nandon ang isang istasyon ng krus. Lumalakad sila ng naka yapak hanggang matapos ang lahat ng station tas uwian na.

Dati, wala kang choice kundi lumabas ng bahay kasi as in 3 days (Thursday, Friday, Saturday) walang palabas sa TV na kahit ano, kahit patalastas (palatastas???) wala. Mapipilitan ka talaga aliwin ang sarili mo. Sa pagdaan ng panahon nag evolved na, mga 90s nilagyan ng konting palabas na ang tema ay religious, siete palabras mga ganyan. tas napalitan ng semi religious like 7th heaven marathon, old flicks like tinimbang ka ngunit kulang, tatlong taong walang Diyos at ang famous "my brother is not a pig" movie ni Ate Guy. Ngayun ibang iba na, ma e entertain ka na ng TV. Ewan ko pero mas gusto ko yung noon na wala talagang kahit anong palabas, ang bagal kasi ng oras at may time ka para gawin yung ibang makabuluhang bagay.

Alay lakad, craze ito sa mga teenagers. Apat na taon din ata akong nag alay lakad together with friends and cousins. In thing ito sa mga kabataan, nag stop lang ako nung napagtanto ko na wala naman talaga akong magandang na aaccomplish sa paglalakad ko mula samin hanggang Antipolo. Kung hindi nyo naiintindihan ang religious value ng panatang ito, wag na kayong sumubok dahil sakit lang ng paa at paltos lang ang aabutin nyo. Swerte kami kasi may tinutuluyan kaming bahay at maayos kaming nakakapahinga after ng isang oras na paglalakad, karamihan kasi sa damuhan or kalsada near the Antipolo church natutulog. Kung may kalampungan ka, expected na sa damuhan ka kasi pwede kayo mag sweet moments dun dahil medyo madilim, di masyadong kita kung saan gumagala ang mga kamay, konting takip lang, presto! Solb na! Matching star gazing pa.

Bisita Iglesia. Noong bata ako di ko maunawaan ito. Bat kailangang pumunta sa 14 churches at magdasal ng paulit-ulit. Isang station of the cross pala kada simbahan ang dapat dasalin. Nag evolved din ang pagbibisita iglesia ko, dati kasi sa Pasig lang, napalitang ng Bisita Iglesia sa kung saan saang lugar gaya ng Batangas, Laguna at Cavite (Tagaytay part).Enjoy naman kasi para ka lang nag field trip at nagtake ng Philippine History dahil sa mapupuntahan mong mga lumang simbahan. Twice lang ako nakapag out-of-town sa tanang holy week ng buhay ko dahil gusto ng parents ko as much as possible e nasa bahay lang talaga kami, time for family bonding din. Sumuway ako sa tradisyon noong 2003 (Cavite-Batangas-Quezon-Camarines Norte, Camarines Sur) at 2005 (Taal-Agoncillo, Batangas). Mamaya, bahala na kung saan kami makarating.

Lahat ng nabanggit ko sa taas, nangyayari ng Maundy Thursday. Exciting din naman ang Good Friday. Sa umaga, nagpupunta na kami sa bahay ng Tita ko. Tumutulong kasi kami sa pag aayos ng karo ng Mater Dolorosa na isasama sa prusisyon kinahapunan. Naikwento ko na dati na noong bata ako ay parte ang ng prusisyon ng Semana Santa, weakling kasi ako noong bata ako kaya ginawang panata ng magulang ko na isama ako sa prusisyon kasama ng tita ko bilang "paso", para daw gumaling ang kung ano mang sakit meron ako noon, effective naman. Ang mga paso ay yung mga taong naka-itim tuwing Good Friday procession. Para silang mga mourners, ganun ang papel nila. Kami ng tita ko, naka assign sa poste na pinag gapusan ni Bro habang nilalatigo cya ng mga Hudio. Mga 6-8 katao kami doon, salit-salitan namin hinihila yun. More than 10 years naging panata yon, tumigil lang ako nung nasa teenage years kasi nahihiya ako. Masaya ako noong bata kasi may mga nagbibigay ng pagkain at inumin sa daan. Pagakatapos ng prusisyon, mga 1 week akong lamon na lamon dahil sa mga nakuha kong mga candies, chichirya, biskwit, juices at kung ano ano pang pagkain. Yung mga matatanda, nag vi vigil pa sa simbahan after.

Pero pinalitan ko naman yang sacrifice na yan, sumasama pa rin ako sa prusisyon taon-taon at nagsisimba ako bago yung prusisyon. Walang misa pero meron program. Isasadula yung mga significant events na nangyari kay Bro bago cya ipako sa krus. May performance ang mga nagsisimba bilang taong bayan. Si Father naman ang gumaganap na Bro at yung mga lay ministers sa Poncio Pilato, Hudas, Barabas etc. Ginagawa din dito yung pag halik sa krus bilang tanda ng pag galang at pagmamahal kay Bro. Hahalikan yung krus ng mga tao, malas mo kung hindi ka pang-unang hahalik. Yung iba nga pinapahid pa yung panyo nila sa krus at ipupunas sa mukha after. Ewwww….opppss bawal pala gumawa ng kasalanan, sorry po Bro. Tinatakpan din lahat ng images at santo ng purple na kurtina.

Bawal maligo after 3 PM ng Good Friday. Paniniwala yan ng mga matatanda kasi nga daw patay na daw si bro nung 3 PM kaya noong bata kami dapat lahat nakapaligo na bago mag 3 PM. Hahabulin ka talaga ng lola ko  wag lang lumagpas sa 3 PM ang paliligo. After 3 PM ng Good Friday din bawal na daw lumabas ng bahay, maglaro, o pumunta sa kung saang lugar dahil nga patay na si Bro. Prone daw sa disgrasya at nagkalat ang mga masasamang espiritu at elemento. Maririnig mo din yung sangkaterbang ghost stories galing sa matatanda para lang hindi ka lumabas ng bahay at matulog ng maaga kung bata ka. Noong bata ako 8 pa lang ng gabi tulog na kami.

Maghapon ka lang nakatunga-nga tuwing Sabado de Gloria dati. As in nakakainip at nakakabato. Sabayan pa ng mainit na panahon. Ngayon sobrang parang regular day na lang, pwede kang mag outing, manood ng TV at kung ano ano pa. Parang nawala yung solemnity ng Sabado de Gloria. Sa amin din, ilang taon na rin kaming nag bibiyahe ng Sabado de Gloria papuntang Batangas. Good thing though, dahil probinsya, ramdam mo parin yung katahimikan, may peace of mind ka pa rin kahit papaano.

Easter Sunday. Hindi ko kayang gumusing ng madaling araw. Bilang lang yung time na sumama ako sa tradisyon ng salubong. More than 10 years ko pa ata huling ginawa ito. Pero natatandaan ko pa kung ano ang nangyayari dito. May dalawang prusisyon na magaganap. Isa yung kay Virgin Mary at isa yung kay Bro. May point kung saan magkakasalubong sila. Aalisin ng angel yung belo ni Mama Mary para makita nya si Bro na nagbalik. Ganun ang nangyayari. Meron one time, ginawang angel ang ate ko, ibinitin cya sa lubid dahil low tech pa noon. Di ko alam kung matatawa ako o maawa sa ate ko kasi ba malaglag cya.

Masaya na ulit pag Linggo. Pasko ng Pagkabuhay. After magsimba, may palabas na ulit sa TV. May easter egg hunting pa kami sa bahay. Marami rami din akong perang nakukuha kasi nag che cheat ako. Tinitignan ko prior kung saan itatago ng mommy ko yung mga eggs. Few years na rin kami nag e-easter Sunday sa Batangas. Patok pa rin ang egg hunting sa mga kids. Time na rin namin for instant reunion sa side ng mommy ko.

Sana bumalik yung dating tradisyon at kaugalian tuwing Semana Santa. Nakakamiss din kasi yung mga times na yun. Everything's peaceful.


Ingat din pala sa mga manloloko dahil April Fools Day ngayun!

9 comments:

itsMePeriod said...

kababayan pala kita

domjullian said...

@ Anteros, taal batangas ka mismo?

engel said...

napakaeventful nga ng holy week mo.

this year is sad though, as 3 people close to me and our family died. =(

carlotta1924 said...

mega busy nga kayo ng holy week. sa pamilya namin either sa bahay lang nanonood ng 7th heaven/gilmore girls marathon (walang charmed! boo! lol) or naga-out of town. pag sa bahay peaceful nga, andun nga lang ang nakabibinging katahimikan kasi walang kotseng dumadaan.

glentot said...

Sobrang hindi "quality" ang mga semana santa ko kasi kokonti lang ang memories ko rito at puro pa pelikula ni Lino Brocka. So maswerte ka kasi napagdaanan mo yan lahat hehehe

Andy said...

naks naman, sana naenjoy mo ang holy week mo at blessed nga talaga.

may kasalanan ako kay Bro kasi kahit holy week eh nagwork ako... :(ang

aajao said...

hindi ako Katoliko pero relate ako sa halos lahat ng post mo. lumaki kase ako sa mga lolo at lola ko na Catholics sa probinsya kaya nag flashback lahat sa akin ang mga taon na yun nang mabasa ko itong post mo. :)

may tanong lang ako, nung isang araw ko lang talaga iniisip: ano ba talaga ang pinaka-meaning ng "alay lakad" paakyat ng Antipolo kapag Huwebes santo? lagi ko kaseng iniisip na magtinda ng samalamig tuwing huwabes santo sa may kalye malapit sa amin. daanan kase ng mga tao kapag may "alay lakad"

chingoy, the great chef wannabe said...

makabuluhan...

kami nung bata, bawal mag-ingay.. magagalit ang lola ko..
bawal maligo, pero ako sumusuway lagi. di pedeng mabaho hahaha
at ang pabasa, hitik ng salabat at monay. enjoy ako dun.

hapi easter kabayan!

Anonymous said...

try visit this place agoncillo, balete, alitagtag