Sunday, April 17, 2011

Recipe: Fish Lumpiang Shanghai


Eto ang filling ng lumpia (na mukhang madumi lang)


Finished product


Tamang tama itong recipe na ito for Holy Week! Nakaugalian na namin pamilya na hindi kumain ng chicken, pork at beef for one week pag holy week. I'll cook this again para sa pabasa namin sa Maundy Thursday. Have a blessed week guys!!!


Ingredients:

Fish (I used galunggong)
Lumpia wrapper
Garlic
Ginger
Eggs
Cornstarch
Chopped onions
Chopped carrots
Chopped bellpepper
Chopped cabbage
Salt
Pepper
Water
Oil

Procedure:

1. Pakuluan muna ang isda sa isang pot na may tubig, ginger at garlic. Mga 5 minutes lang. Iwasan na madurog yung isda.Palamigin.
2. Himayin ang pinakuluuan na isda, alisin ang mga tinik. Yung laman lang ang kailangan natin.
3. I-combine ang hinimay na isda, chopped onions, chopped carrots, chopped bellpepper, chopped cabbage, 2 eggs, 1/4 cup of cornstarch, salt and pepper. Timplahin according sa panlasa nyo. Hayaan ng atleast 30 minutes.
4. Ibalot sa lumpia wrapper at i-seal. Hayaan ng mga 5 minuto bago iprito.
5. Magpainit ng mantika at iprito ang lumpia hanggang maging golden brown.
6. Magcombine ng ketchup at mayonnaise para sa sawsawan. I-serve habang mainit at malutong pa.

Happy eating!!!

3 comments:

gillboard said...

i agree, tama lang siya ngayong holy week.

ZaiZai said...

specialty to ng mama ko..naalala ko tuloy, ito nga papahanda ko sa kanya. have a blessed holy week papa dom and cairo :)

glentot said...

Wow traditional talaga ang pamilya nyo, with Pabasa pa... Have a blessed Holy Week....