Wednesday, September 28, 2011

Recipe: Steamed Dory with Soy Ginger Sauce



Ingredients:

Cream dory fillet
Soy Sauce
Oyster Sauce
Lemon
Dill
Ginger
Ginger powder
Pineapple Juice
Brown sugar
Salt
Pepper
Garlic powder


1. Lagyan ng salt, pepper and lemon ang fish fillet. Hayaan for atleast 30 minutes.
2. Mag slice ng ginger into strips. Set aside.
3. I-prepare ang sauce. Pagsamahin ang 1/4 cup of soy sauce, 1 and 1/2 tbsp. of oyster sauce, 2 tbsp. brown sugar, 1/2 tsp. pepper, 1/2 cup of pineapple juice, 1 tsp. ginger powder and 1 tsp. garlic powder. Haluin maige.
4. I-simmer ang sauce for 7-10 minutes. Depende sa thickness na gusto. Tikman at i-adjust and lasa. Set aside.
5. Lagyan ng dill ang ibabaw ng fish at ginger strips. I-steam for 10 minutes.
6. Ilagay ang sauce sa ibabaw ng fish or i-serve separately.

Happy eating!!!

Monday, September 26, 2011

Multa Pacis 002

Do not compare yung mga buwaya sa mga politikong kurakot kasi ang crocodiles pag busog na sila, busog na sila, hindi sila matakaw, hindi sila greedy. They eat what they need and they can go on for months without eating. Hindi sila katulad ng mga kurakot. –Mika Ortega, Storyline-

Thursday, September 22, 2011

Recipe: Easy Chicken Teriyaki


Ingredients:

Boneless chicken breast
Store bought instant Teriyaki Sauce
Grated ginger
Garlic Powder
Brown sugar
Chopped mushroom
Chopped carrots
Chopped bellpepper
Butter
Toasted sesame seeds

Procedure:

1. I-marinate ang chicken (cut into bite size pieces) sa 1 cup ng teriyaki sauce, grated ginger (2 tbsp), 1/2 cup of brown sugar, 1 tbsp garlic powder for atleast an hour.
2. I-drain ang chicken (set aside the marinade) tapos i-pan fry sa butter for around 5 mins.
3. Ilagay ang pinag babadan ng chicken, you cann add more teriyaki sauce kung gusto nyo mas maraming sabaw.
4. Ilagay mushroom, carrots and bellpepper.
5. I-top ng sesame seeds.


Happy eating!!!

Saturday, September 17, 2011

Recipe: Domjullian's Pancit Bihon

Eto ang kauna-unahan na successful na pancit bihon ko kaya imaginin nyo na lang yung mga hindi successful kung ano pa ang hitsura.

Ingredients:

Bihon
Chicken
Chicken Liver
Cabbage
Carrots
Baguio Beans
Liquid Seasoning (Mama Sita ang ginamit ko)
Oyster Sauce
Minced Garlic
Minced Onion
Lemon
Garlic powder
Salt
Pepper
Fish Sauce
Oil
Water
Chicken Cube


Procedure:

1. Pakuluan ang chicken sa water hanggang maging tender. Itabi ang pinagpakuluan. Palamigin ang chicken at himayin into pieces.
2. I-marinate ang chicken liver sa lemon, pepper at garlic powder for atleast 30 minutes. I prito hanggang maluto (ginawa kong tostado yung sakin). Hiwain according sa nais na size and shape. I-set aside.
3. Igisa ang onion at garlic sa oil. Ilagay ang chicken at chicken liver. Igisa for 3 minutes.
4. Lagyan ng 2 tbsp of fish sauce, 1/4 cup of water, 1/2 cup of oyster sauce at 1/4 cup of liquid seasoning.
5. I-adjust ang lasa using salt and pepper.
5. Ilagay ang carrots then baguio beans at huli ang cabbage.
6. Hayaan for 2 minutes. Wag i-over cook ang gulay. I-set aside
7. Pakuluan ang pinag lagaan ng chicken. Lagyan ng 1 chicken cube.
8. Lagyan ng 1/2 cup ng oyster sauce at 1/2 cup of liquid seasoning.
9. Timplahan at i -adjust ang lasa using salt and pepper.
10. Ilagay ang bihon at haluin hanggang maluto.
11. Pagsamahin ang bihon at gulay. Pwede din i-top na lang sa bihon ang gulay.

Happy eating!!!

Wednesday, September 14, 2011

Recipe: Pork Spareribs and steamed Tofu with Black Beans


Ingredients:

Pork Spareribs
Tofu
Black Beans
Oyster Sauce
Ginger
Minced Garlic
Chopped Onions
Salt
Pepper
Sugar
Oil
Water

Procedure:

1. I-steam ang tofu for around 5 minutes tapos i-cut according sa nais nyong size and shape.
2. Igisa ang onion, garlic at ginger sa konting oil. Isunod ang black beans.
3. Ilagay and pork at water. Pakuluan hanggang maging tender yung pork.
4. Lagyan ng 3/4 cup ng oyster sauce at timplahan using salt, pepper and sugar.
5. Huling ilagay ang steamed tofu at i-simmer for 2 minutes.


Happy eating!!!

Sunday, September 11, 2011

Recipe: Peanut butter Pudding



Ingredients:

Old bread cut into pieces
Milk (evap or fresh)
Sugar
Cinnamon powder
Peanut butter
Eggs
Butter

Procedure:

1. Pag samahin lahat ng ingredients sa isang bowl. Around 5 cups of bread, 4 cups of milk, 1 and 1/2 cups of sugar, 1 tsp cinnamon powder, 1 and 1/2 cups of peanut butter, 3 small eggs, 1 cup melted butter.
2. Haluin maige hanggang madurog ang bread at maging liquidy yung texture ng mixture.
3. Ilagay sa lalagyan.
4. I-steam or i-bake hanggang maluto. Paano malalaman kung luto na? Mag insert ng toothpick sa middle part ng pudding. Kapag walang sumama na pudding, luto na yun. Pag meron pa, hindi pa syempre.


Happy eating!

PS: Happy grandparents day sa mga lolo at lola!!!



Sunday, September 4, 2011

Recipe: Pan Fried Pink Salmon with Yellow Rice


Ingredients:

Pink Salmon
Lemon
Minced Garlic
Salt
Pepper
Jasmine Rice
Star Margarine Garlic Flavor (newest endorsement ito!)
Olive Oil

Procedure:

1. I-marinate ang salmon sa lemon. Lagyan ng salt and pepper at hayaan mag marinate sa loob ng ref for atleast an hour.
2. I-brown ang garlic sa olive oil. I-set aside.
3. I-melt ng konti ang star margarine garlic flavor sa pan at ilagay ang rice. Haluin hanggang ma fully coat lahat ng rice.
4. I-pan fry ang salmon. 2 to 3 minutes each side or depende sa nais nyong luto.
5. Ilagay ang salmon sa ibabaw ng yellow rice at i-top ng garlic.


Happy eating!!!