Eto ang kauna-unahan na successful na pancit bihon ko kaya imaginin nyo na lang yung mga hindi successful kung ano pa ang hitsura.
Ingredients:
Bihon
Chicken
Chicken Liver
Cabbage
Carrots
Baguio Beans
Liquid Seasoning (Mama Sita ang ginamit ko)
Oyster Sauce
Minced Garlic
Minced Onion
Lemon
Garlic powder
Salt
Pepper
Fish Sauce
Oil
Water
Chicken Cube
Procedure:
1. Pakuluan ang chicken sa water hanggang maging tender. Itabi ang pinagpakuluan. Palamigin ang chicken at himayin into pieces.
2. I-marinate ang chicken liver sa lemon, pepper at garlic powder for atleast 30 minutes. I prito hanggang maluto (ginawa kong tostado yung sakin). Hiwain according sa nais na size and shape. I-set aside.
3. Igisa ang onion at garlic sa oil. Ilagay ang chicken at chicken liver. Igisa for 3 minutes.
4. Lagyan ng 2 tbsp of fish sauce, 1/4 cup of water, 1/2 cup of oyster sauce at 1/4 cup of liquid seasoning.
5. I-adjust ang lasa using salt and pepper.
5. Ilagay ang carrots then baguio beans at huli ang cabbage.
6. Hayaan for 2 minutes. Wag i-over cook ang gulay. I-set aside
7. Pakuluan ang pinag lagaan ng chicken. Lagyan ng 1 chicken cube.
8. Lagyan ng 1/2 cup ng oyster sauce at 1/2 cup of liquid seasoning.
9. Timplahan at i -adjust ang lasa using salt and pepper.
10. Ilagay ang bihon at haluin hanggang maluto.
11. Pagsamahin ang bihon at gulay. Pwede din i-top na lang sa bihon ang gulay.
Happy eating!!!
4 comments:
nyam pang pahaba ng buhay! bakit di perfect ang dati mong pancit bihon papa dom?
look what i found Visit Website why not try this out look at these guys next page why not try these out
Go Here best replica bags online more tips here YSL Dolabuy click to read good quality replica bags
e0j06l1y80 u1p63l5w33 j3d46z9f49 v2f86d2p10 l7n64d5e65 q8e84l6s26
Post a Comment