Medyo nagkamali ako ng cheese na nilagay. Gumamit ako ng cream cheese instead na swiss cheese kaya natunaw yung cheese pero masarap pa din naman.
Ingredients:
Chicken breast
Sweet Ham
Cheese (Swiss cheese or any hard cheese)
Japanese breadcrumbs
Salt
Pepper
Dried basil leaves
Lemon
Liquid Seasoning
Egg
Milk
Oil
Flour
Procedure:
1. Hiwain sa gitna ang chicken breast. Lagyan ng cling wrap (or any plastic) sa ibabaw ng chicken at i-flaten ito sa pamamagitang ng meat mallet or rolling pin.
2. I-marinate ang na flaten na chicken sa liquid seasoning (1/2 cup), lemon (1/4 cup), salt, pepper and basil for atleast 1 hour.
3. Ilatag ang chicken. Lagyan ng ham at cheese sa ibabaw. I-roll ng maayos at lagyan ng toothpick para hindi bumukas. Make sure na walang nakalabas na ham or cheese.
4. I-prepare ang breading. Maglagay ng flour sa isang lalagyan, beaten egg na may konting milk at japanese breadcrumbs na tinimplahan ng konting salt and pepper.
5. I-roll muna sa flour, then sa beaten egg at bread crumbs tapos i-prito until golden brown.
6. Antayin muna ng 5 minutes bago hiwain sa nais na size at shape.
Happy eating!!!!
3 comments:
favoritw ulam ko!!!
hmmm ang sarap naman nito!
talagang happy eating ito! :)
Post a Comment