Tuesday, May 31, 2011

You will be missed


Hindi ko alam na may friendster pa pala ako, akala ko na delete ko na ito long time ago dahil hindi naman talaga ako fan ng mga ganyan. Anyway, inexport ko lahat ng mga natira sa friendster ko pati ilan sa mga comments/testimonials ng mga kaibigan. Natawa ako kasi halos lahat sila dalawa ang impression saken, either mapanlait o suplado:


- from a college friend: pati kami nagagaya sa mga MAPANLAIT nyang tingin ....lolz...(OA lang cya readers, very naive kaya ang tingin ko)

- from a super yaman college tropa: Lets do the sunken garden and lagoon adventures pag balik ko ng Manila. Miss the old times and the good times...(ibig sabihin ng adventures: mamboso sa mga nag la loving loving)

- from an old gimik friend: On the serious note, this guy is one of my closest buddies. A person who listen and make his way to be there when you needed him. Most of our gimiks proved that beyond the laughter and the talking, strong bond of unpretentious friendship established. I'm happy to found someone like him in this lifetime. A good friend...(yan ang testi!lol!)

- from a college blockmate: This dude is a great mimicker! Cool ito, Ok ang sense of humor and very intelligent - Math 53 virtuoso. Way back in college i could still remember isa ito sa mga maiingay na stude...shempre including me =) hehehe! (nahawa lang ako ng kaingayan sayo!)

- from the eldest brother: bunsoyyyyyy

- from a college tropa: kaladkarin, lalaking pok-pok at hitad. (only the kaladkarin part was true. :P)

- from an orgmate na mukhang panda: Ito yung tawag ng tawag skin ng PANDA BEAR nung college days namin s UP ewan ko b kung bakit? Ciya, c roger at ib pang taga org ang mga kbuddy-buddy ko.(mis ko n nga kyo eh). This man is a true leader in his own rights because he can devote his life into serving other people...ky nga kaibigan ko.gnun?Pare ingat k. I wish u all the best !!!

- from a college tropa: Sobrang Ok, maging friend 'tong c sid! Aside from being nice (and matalino), super enjoy pang kasama, walang dull moments pag kasama nyo sya..Ok kakulitan at kasama ko rin yan sa pang lalait ng mga taong ayaw namin. Kisses for Cairo. (di ako nanlalait, honest lang talaga ako)

- from a college blockmate, friend and one of the closest girl friends: hi!!! haba ng testimony mo sa akin ha... promise pare nde na me magiging biba! hay!!! napaka-suplado ni2ng guy n i2, ewan ko kung bkit? d first tym i get 2 knw him, sobra! feelin ko nde ko cia makkasundo, as in!!! dun ko lng na-prove n super duper bait at sweet ni2ng boylet na i2, ka-buddy buddy ko i2 s mga gimikan, at lagi ciang go pag-niyaya mo. he nver disappoints me evrytym we invite him sa mga gig. e2 pa nkk2wa, naging crush nya daw me??? oh my god!!! nalaman ko lng b4 we graduated. i tried to tempt him many tyms kya lng, nde pwede, pretty girl naman ako hehehe... khit na ganun, mahal ko yan as in!!! e2 ang pinaka-mayaman sa tropa, kaya sobrang gimikero nyan. seriously, i rily enjoy being wid him & he's rily nice 2 b wid. gus2 kta tawagin sa mga endearment natin kya lng bka maging biba nnman me, at itakwil mo na ko hehehe... update mo n lng me ng mga gmik natin ha!!! take care of my inaanak.

- from a college blockmate: well, si Sid, at first kala ko suplado to the max, but when i got the chance to meet him and be his classmate in college, cool na cool, matalino and laging naka smile o d b! kaya no doubt na naging close friend sya ng aking beautiful friend na si ivy. :-) (kasi kilalanin nyo muna ako bago maghusga! :D)

- from a college blockmate: Pinakamagaling sa batch, kaya nga top 1 sa department eh, henyong humble, magna cum laude na hindi halata, supladong very friendly, presidenteng di mo akalain na presidente, kickass editor na mukhang bano sa english (peace!), sarcastic yet funny. dami mong ironics sa buhay.hahaha.

- from a high school classmate: Idol! Vale pero di mo nakikita nag aaral. Kunsintidor kasi mahilig magpakopya. El presidenteng pasimuno ng ingay at gulo sa 4A. (well, if you can't beat them, join them, diba?)

- from an old friend: Thank you for coming last Friday..thanks din po sa macaroni salad..yumyum.:)

- from a college classmate: isnabero :) (isnabera ka din naman! tie lang tayo)

- from a high school buddy: musta n? d k n ppramdam huh! nagkita daw kyo n leo ang payat mo n daw..... no secret share mo nmn like ko din pumayat....;)

- from an old college GE classmate: tnx ha...touched tlaga me seo...khit tagal na nating wlang comu at di nagki2ta, u still care....tnx tlga fwend...mmmwuah....

- from an ex-neighbor: Oi yan thank you... Jan pa ba kayo sa San Jose? Lagi nagkikita sa palengke si mama mo at si nanay!!! Ur always included in our prayers...God Blesss!!

- from a high school friend: One of LSGH's finest. Tunay na lasalista! the whole batch is very proud of you! Animo verde!!!

- from a college blockmate & buddy: oi blated happy beerday! ngaun lng ako nkapagonline e.. bagong laya kmi kc wala na kming work kc mga baliw ung mga amo namain.... painum k naman! ingat lagi kayo ni Cairo, utang muna regalo sa inaanak ko...

- from an ES 12 classmate: Sid Angat dam ulit? Tangnang ES 12 yan, nakakatrauma...(nightmare!)

- from an old college GE classmate: miss u lolo sid!!! labs yah and cairo...

- from a childhood friend: huy yan-yan kamusta ka na!! buti naman kilala mo pa ko!! ano na balita sa yo? (nag migrate na kasi cya sa Canada)

- from a college classmate: three words: suplado, sarcastic, smart

- from a lifelong friend: i consider u as one of my best friend me mga times na masyado akong down lam mo un ikaw ung una kong tinawagan magulo d ba? importante rin ang mga ssabihin mo saken at salamat kc never mo rin akong iniwan kc pg kausap kita na22wa ako lam mo un ha? kc d ba nga d ko akalaing mggng ganun tayong ka close kaya labs kita e..22ong tao ka kc alam mo ung mga kaartihan ko sa buhay ...madalas pa nga mgkasabwat tayo eh..kc madalas ngccnungaling ka e..hahahahahaha....dahil labs kita at si cairo d kita ipinagkanulo....never akong ngbbgay ng testi... kaya lang napilitan lang ako alam mo na kc malapit na birthday mo..nakakahiya naman sayo...basta lam mong d2 lang ako kaya lang baligtad yata kc ako ung mas madalas 2mawag at nghhsteria..pro sa 22o lng dom labs kita talaga chaka kaya me trust ako sayo...

- from another lifelong friend: Manlalait! Pero he does it in a very funny and endearing way kaya nakakatuwa. Alam ko naman kahit mapanlait ka may golden heart ka. At nabasa ko mga testi, true enough aside from being manlalait, dakilang suplado ka din.Kitakits sa tambayan. Mas pogi si Cairo kesa sa iyo, tanggapin mo na...(tied for first place sa kapogian, pwede?)

- from a neighbor: sabay nating ipromote ang kagandahang asal dito Looban City Executive Village natin. Dentro dela Ciudad forever!!!

- from a college blockmate: this dude is so cool, super kulit at unang impression ko dyan kay sid suplado pero nung naging close kami grabe sobra palang kalog.... masarap kausap yang si sid lalo na pag ang topic eh sex at mga taong gusto namin pintasan he he he. sid miss ko na kau miss ko na ang tropang smashing pumpings tama b? he he watever basta kaung lht hope to see you and cairo soon ... stay cool (pag sex ako talaga?)

- from the ex and Cairo's mom: Cairo's so you (well not really because he wasn't as suplado as you). Super makulit and bibo. He's lucky to have you as his dad. I know you will be a good one. (hu u? juk lng! :P)

- from the neighbor, again: Wala na tayong source of entertainment. Its so sad :( (lumayas na kasi yung kapit bahay namin na laging nag eeskandalo)

- from a lasingan buddy: hirap palang mandaya sa tagay..bumabalik sau..hehe..si yan kahit dayain mo di mo tlga malasing (mahirap dayain ang expert sa pandaraya!)

- from a college orgmate: Si Sid?! Simply d Best!!! (naks) Ay naku, simula ng maging ka-close ko tong si sid, palagi na lang akong tumatawa, kakaiba ung mga punchline nya ang lulupit. Minsan nga sa tambayan namin, tahimik lahat dahil pagod at pawi na, sabay bumanat ba naman ng joke, sus! hanggang sa pag-uwi ko tawa ako ng tawa.Nwei, Sid stay cool ha. Kala ko nga nun suplado ka, un pla maluwag din ang turnilyo mo sa utak (tulad ko) hehehe (suplado lang ako per di maluwag turnilyo ng utak ko!)

- from the youngest sister: wow si technophobic may friendster pala!

- from a college professor: One of the best products of Melchor Hall and one of the few students who deserved my 1.0. (lasing siguro si Sir noong ginawa to)

- from a high school classmate: Miss playing futsal and basket. Tara?

- from a Math wizard college classmate: I've known him since college..very sweet and intelligent esp sa news writing..editor nga to nung isang newspaper sa skul kaso lng patay gutom ang office nila!!..hahaha..singliit ng posporo!!..at least my office..=)) I know even if we dont see each other in a very long time, the friendship remains =))

- from a college tropa (smashing pumpings!): What can I say bout dom aka sid b?! dom/sid is one of my friends whom I'm not gonna forget and give up despite being apart kc i love him so dearly. nice! (dom/sid what can u say bout that? come on!) d b i used to tell u that i admire u for having that great sense of intelligence. lalo na pag dumali na yan ng english. patay n! ska pag ksma mo c dom e better prepare your self for some unexpected actions he might be doing. kapag naglalakad kami bigla na lang yang sasayaw, na hindi mo malaman kung saan nakuha ung steps nya. hahaha! i terribly miss that dom/sid! ska sobrang miss ko na din ung pag-iimpersonate natin s ibang tao. grabah!ska sobrang todohan tlga kung magkwentuhan kami ng tropa. kahit ata san sulok ng UP e pinapatos. Keep it up daddy Sid, do take care of Cairo.

- from a high school tropa: Dominic's a gud friend of mine since highskul (animo!) and until now we always kip in touch tru text and d2 sa friendster.We also have d same college alma mater-UPd (our beloved!). Certainly,isa sya sa mga food crashers ng aking baon nun highskul!As a student,he's so hardworking,and intelligent.He's also active in some organizations.As a friend,very supportive and loyal yan at di yan nkkalimot sa mga friends niya like me...haaay,dom 'hope u'll stay that way!friends 4ever!Godbless...

- from a high school classmate: tutor ng bayan! henyo ng masa!

- from a high school classmate: boy henyo ng batch. valedictorian pero sobrang gago. Pasimuno lagi ng gulo. Animo!!!

- from a highschool tropa: haba birdie domeng!!!! pa-canto't tinapay ka naman!

- from my brother: Leroy was here!

- from an ex-officemate sa 1st and last decent work: The first tym I met him, i thought we'll never be friends as in!! sobrang suplado effect.  we got close tapos wala kme ginawa dun kundi kumain..kumain.. at kumain p rin!!

- from a college classmate: I've been close with this guy when we were on our terminal year in college.ang pinaka-hate kong maging groupmate, dahil ang tingin ko sa kanya before eh napakasuplado at hindi approachable...but it changed, when our group had enough bonding during those sleepless nights in bulacan. sabi ko nga eh! " maraming namamatay sa maling akala".how i wish that we could bring back the old times...(ang tatalino nyo kasi, mahirap sumama sa inyo di abot ng IQ ko ang IQ nyo)

- from a highschool buddy: wala akong masabi sa iyo bro! iba ka!lakas ng dating, kakaibang alindog ang dinudulot mu sa mundo.

- from a lifelong friend and best friend: Tol, si Ker to yung bestfriend mo dyan sa tabi-tabi. Dami kong gustong sabihin kaso baka malaman nila mga sikreto natin. E2 na lng, medyo ma drama pro for ayus lng basta para sa iyo. Kabit kaluluwa na tau, sangggol pa lng tau mag bestfriend na tau. Kapatid na nga diba? Opposites attract - suplado ka, very friendly naman ako; mayaman ka, dukha ako, matalino ka, medyo matalino lang ako; pogi ka, mas pogi ako: proud daddy ka, ako wala pa. Halos lahat ng bagay nasayo pero sobrang humble pa din. Tol, salamat sa lahat. Salamat kasi naiintidihan mo ako sa maraming bagay, sa mga kababawan ko, sa mga katangahan ko. Wag ka mag alala, hanggang maging lolo na tau kaw pa din bestfriend ko. Alagaan mo parati inaanak ko. Punta ko dyan sa inyo ha, pakain! (bro-is!!!)



Salamat sa friendster!!! You will be missed...

Sunday, May 29, 2011

Recipe: Oat Crusted Pan Fried Chicken Breast Fillet




Ingredients:

Chicken breast fillet
Crushed oatmeal
Cornstarch
Salt
Pepper
Lemon
Garlic powder
Oil


Procedure:

1. I-marinate ang chicken sa 2 tbsp. of lemon juice, 1/2 tbsp. salt and 1/2 tsp. pepper for atleast 30 minutes.

2. I-prepare ang breading hanggang minamarinate ang chicken. Mix lang ang 1/2 cup of cornstarch, 1/2 cup of crushed oatmeal, salt, pepper and garlic powder.

3. I-coat ang chicken sa breading at i-deep fry sa oil.

4. I-serve with garlic rice or plain rice with gravy.


Happy eating!!!

Wednesday, May 25, 2011

Recipe: Mango Sago Pudding


Ingredients:

Sago
Coconut cream
Fresh milk
Mango puree
Sugar
Mr. Gulaman


Procedure:

1. Pwedeng bumili na ng luto na sago o ikaw ang magluto. Kung ikaw ang mag luluto, bumili lang ng hilaw na sago (3 cups). Magpakulo ng tubig at ilagay ang sago pagkakulo. Pakuluan hanggang maluto. Drain the excess liquid.

2. Sa isang kaserola, maglagay ng 1 cup of coconut cream, 1/2 cup milk, 1 cup mango puree, 1/2 cup of sugar at 1 tbsp. of Mr. Gulaman (either white or yellow color). I-mix.

3. I-simmer sa low fire. Pag kulo, ilagay ang sago at lutuin hanggang maging malapot ang consistency.

4. Ilagay sa nais na lalagyan, palamigin muna bago i-chill sa ref.

5. I-serve pag malamig na. Pwede din lagyan ng mango bits.


Happy eating!!! 

Sunday, May 22, 2011

Recipe: Home Made Beef Tapa




Ingredients:

Beef cut into thin strips
Vinegar
Soy sauce
Garlic, minced
Sugar
Salt
Pepper
Paprika
Water
Oil


Procedure:

1. I-prepare ang marinade by mixing 1/2 cup of vinegar, 1/4 cup soy sauce, 1/4 cup minced garlic (you can add more if you want), 1 tbsp. of sugar (brown preferably), 1 tsp. salt, 1/2 tsp. of pepper and 1/4 tsp. of paprika. Mix.

2. Marinate 1/2 kg. beef strips for atleast an hour. Mas maganda kung over night.

3. Ilagay lang ang beef kasama ang marinade sa isa pan at lagyan ng 2 to 3 cups of water. I-simmer hanggang mag evaporate ang liquid.

4. Lagyan ng oil at i-prito ang beef hanggang maluto.

5. I-serve with fried rice.


Happy eating!!!

Monday, May 16, 2011

Bohol Snapshots



Hello Bohol!!!

breathtaking

river

bridge

zipline

stone houses

river cruise performers

river falls

the famous tarsier

bayoyoy

free ad for kuya

welcome!

the equally famous chocolate hills

slimy pero yummy

another tarsier

island hopping

the kiddie performers

Thursday, May 12, 2011

Cebu Snapshots

Magellan's Cross

Mactan Airport

Up, up and away!

Mandaue Bridge

Fountain

Basilica of Sto. Nino

Sto. Nino

Images

Fort San Pedro

dried goods

Cebu's New Look

Monday, May 9, 2011

Recipe: Sardines Spread/Dip

Pwedeng palaman sa tinapay o dip.



Ingredients:


Canned sardines in oil
Mayonnaise
Salt
Pepper
Cheese




Procedure:


1. I-drain at i-mash ang sardines according sa preference nyo. I like mine smooth kaya dinurog ko ng husto.


2. Ilagay ang 1 and 1/2 cup of mayonnaise at 1/4 cup ng grated cheese. Haluin mabuti.


3. Timplahan using salt and pepper.




Happy eating!!!

Sunday, May 8, 2011

May Celebrations

Happy Mother's Day to my mom, sisters, lola, Cairo's mom, titas and to all the mommies and wannabe mommies out there.

God could not be everywhere, and therefore he made mothers.


Congrats kay Pacman for another victory!!!

Though the fight for poverty will take much more than wearing yellow.


Leroy's son (Pepito Abelardo) will turn 1 on May 24; my 2nd eldest brother (Kuya Andre) just turned turned 42 last May 5, his son (Cholo) will turn 13 this May 14; another nephew (JC - my eldest sister's son) will turn 13 as well on May 26.

Happy birthday guys!!!

Friday, May 6, 2011

Recipe: Laing version 2




Ingredients:

Taro leaves
Gabi
Coconut milk
Coconut cream
Dilis
Shrimp
Onion
Garlic
Sili
Pepper
Bagoong
Patis
Oil


Procedure:

1. Igisa ang bawang at sibuyas sa oil. Ilagay ang 1/2 cup of bagoong at 2 cups of coconut milk.I-simmer for 2 minutes.
2. Ilagay ang taro leaves at i-simmer hanggang makuha ang nais na lambot o consistency ng laing na gusto ninyo. Gusto ko kasi yung parang durog na durog yung leaves kaya matagal kong pinakuluan yung laing ko.
3. Ilagay ang 1 cup ng coconut cream, gabi, dilis, sili at shrimp. Pwedeng bawasan yung coconut cream kung ayaw nyo ng may sabaw na laing.
4. Timplahan using patis and pepper. At i-simmer for another 3 minutes.
5. Ihain ng mainit.

Happy eating!!!

Tuesday, May 3, 2011

Pesto with Pan Seared Chicken Breast




Ingredients:

For the Pesto:
Pasta
McCormick Pesto Sauce Mix na recommended ni Zai
1 small can of cream
Water
Olive Oil

For the chicken:
Chicken breast
Salt
Pepper
Butter
Garlic Powder


Procedure:

1.I-marinate ang chicken breast for atleast 30 minutes sa salt, pepper and garlic powder.

2. Lutuin ang pasta according to package direction. Set aside.

3. Sa sauce pan, ilagay ang pesto mix, water, oil and cream. Do check the instructions sa likod ng sachet ng McCormick's pesto sauce mix para sa dami ng water and oil. Optional ang cream, nakita ko lang din sa likod ng sachet na pwede langyan ng cream kaya nilagyan ko.

4. I-simmer sa low fire for 2 minutes at i-add ang pasta. Lutuin ulit for 2 to 3 minutes o hanggang ma absorb na ng pasta yung pesto sauce.

5. Sa isang non-stick pan, i-sear ang chicken hanggang mag brown yung both sides.

6. I-drain sa paper towel at hayaan muna for 2 minutes bago i-slice.

7. I-serve ang pesto with the chicken on top.

Happy eating!!!

Sunday, May 1, 2011

Recipe: Corned Tuna Fried Rice




Ingredients:

San Marino Corned Tuna
Left over rice
Mixed vegetables
Minced Garlic
2 eggs
Salt
Pepper
Butter


Procedure:

1. I-scramble ang eggs at hiwain into small pieces.

2. Sa isang wok, maglagay ng butter at mag brown ng garlic.

3. Isunod ang mixed vegetables at i-stir fry for 3 minutes.

4. Ilagay ang left over rice at haluin mabuti hanggang mag hiwa hiwalay ang rice.

5. Ilagay ang corned tuna at haluin para ma incorporate yung lasa ng corned tuna sa rice.

6. Ilagay ang scrambled eggs at timplahan gamit ang salt and pepper. Ihain with your favorite ulam.


Happy eating!!!