Thursday, October 20, 2011

Family Humor 010

Kuya talking to my niece: Bakit ka nagpakulot? Lalo ka masasaktan kapag sinabunutan ka ng mommy (my eldest sister) mo. Joke!

Monday, October 17, 2011

Recipe: Poached Salmon


Ingredients:

Pink Salmon
White Wine
Lemon
Water
Salt
Pepper
Dill
Onion


Procedure:

1. Sa cooking pot, maglagay ng 2 cups of water, 1 cup of white wine, dill, lemon at onion. Timplahan using salt.
2. I-poach ang salmon for 5-7 minutes.
3. Lagyan ng black pepper sa ibabaw bago i-serve.

Happy Eating!!!

Thursday, October 6, 2011

Recipe: Chicken Cordon Bleu


Medyo nagkamali ako ng cheese na nilagay. Gumamit ako ng cream cheese instead na swiss cheese kaya natunaw yung cheese pero masarap pa din naman.

Ingredients:

Chicken breast
Sweet Ham
Cheese (Swiss cheese or any hard cheese)
Japanese breadcrumbs
Salt
Pepper
Dried basil leaves
Lemon
Liquid Seasoning
Egg
Milk
Oil
Flour


Procedure:
1. Hiwain sa gitna ang chicken breast. Lagyan ng cling wrap (or any plastic) sa ibabaw ng chicken at i-flaten ito sa pamamagitang ng meat mallet or rolling pin.
2. I-marinate ang na flaten na chicken sa liquid seasoning (1/2 cup), lemon (1/4 cup), salt, pepper and basil for atleast 1 hour.
3. Ilatag ang chicken. Lagyan ng ham at cheese sa ibabaw. I-roll ng maayos at lagyan ng toothpick para hindi bumukas. Make sure na walang nakalabas na ham or cheese.
4. I-prepare ang breading. Maglagay ng flour sa isang lalagyan, beaten egg na may konting milk at japanese breadcrumbs na tinimplahan ng konting salt and pepper.
5. I-roll muna sa flour, then sa beaten egg at bread crumbs tapos i-prito until golden brown.
6. Antayin muna ng 5 minutes bago hiwain sa nais na size at shape.

Happy eating!!!!

Monday, October 3, 2011

Domjullian Recommends 003: Breyers Ice Cream


Bakit:

1. All natural ang ingredients, meaning healthy.
2. Walang sugar.
3. Super sarap, promise mas masarap sa Ben and Jerry's. Hahaha.
4. Hindi madali matunaw.

Medyo mahal nga lang ulit pero worth it naman.

Saturday, October 1, 2011

Recipe: Quick and Easy Pandan Flavored Gelatin


Ingredients:

Mr. Gulaman pandan flavor
Evaporated Milk
Sugar
Water
Pineapple

Procedure:

1. Tunawin maige sa room temperature na water ( 5 cups of water per sachet) ang Mr. Gulaman pandan flavor at sugar (depende sa gusto nyong tamis).
2. I-assemble ang lalagyan ng gelatin. Lagyan ng pineapple bits. Set aside.
3. I-simmer sa low heat ang tinunaw na Mr. Gulaman.
4. Pag nag boil na. Ilagay ang milk ( 2 to 3 cups). Haluin habang inilalagay pa konti konti para hindi mag buo yung milk.
5. Isalin sa mold at palamigin bago ilagay sa ref.

Happy eating!!!