Sunday, June 29, 2008

Keeping the Pinoy Spirit Alive, Always!


Laman ng balita si Pacman kagabi with his recent win and history made. I was never a boxing fan but I always look forward sa lahat ng laban ng mga pinoy boxers.

I was watching TV Patrol Linggo last night, and again medyo naluha ako. Saan? Well, sa response ng mga pinoy sa pagkakapanalo ni Pacman.

Natuwa ako with matching luha sa pinakita ng mga Pinoy. Despite what is happening sa bansa natin with the recent tragedy and the never ending price hikes, Pinoys are still proud to be Pinoy. Na sa kabila ng pahirap na pahirap na pamumuhay ng mga Pinoy, mayroon paring puwang sa puso natin ang pagiging Pilipino. Na sa kabila ng mga problema, may baon paring ngiti na mula sa puso ng isang Juan Dela Cruz. Iba talaga ang Pinoy, bilib na bilib ako! Mga taong may simpleng pangarap sa buhay na hinahaluan ng sipag, tiyaga, determinasyon at pananalig sa Maykapal at pinatitibay ng mga pagsubok at dagok sa buhay. Dahil dito, taas noo at ipinagmamalaki ko na ako ay may lahing kayumanggi. Pilipino sa lahat ng panahon at pagkakataon!

Sa pinakita nating pagkakaisa sa pagkapanalo ni Pacman, naway ipakita natin parati. Ito marahil ang kailangan natin tungo sa pag papaunlad ng buhay! Sana.

Gaya nga ng slogan ng ABS-CBN – WALANG IWANAN SA BAYAN NI JUAN! Yey!

Saturday, June 28, 2008

The PACMAN Fever!


History made again! Pacquio won! Yehey!

My so excited dad called me (I was in the middle of a worth dreaming dream!) to tell Manny “Pacman” Pacquiao won! Dad is a boxing fan along with my late grandfather.

Congrats Manny!

Mabuhay ang lahing kayumanggi!

Wednesday, June 25, 2008

10 Facts About Me!


Naka 100th post na ko sa multiply blog ko so I decided to do this. I'm posting it here din kahit wala pang 100 ang posts ko dito.


Eto ang 10 facts na hindi pa alam ng lahat sakin:


>>Muntik na akong ma kick-out sa LSGH nung grade 5 ako. Inaway ko yung isang teacher dahil pinagbintangan nya akong dumadaldal habang nagtuturo cya kahit hindi naman talaga. Yung nasa unahan ko yung dumadaldal, inakala nya na ako. Buti na lang naayos!



>>Hindi ako nakakatulog ng naka tihaya. Laging naka tagilid o naka dapa. Hindi rin ako malikot matulog. Kung saan akong pwesto natulog yun pa rin ang pwesto ko pagkagising. Kailangan ko rin maligo bago matulog otherwise hindi ako makakatulog.



>>Gusto kong maging isang Che-Che Lazaro. Oo, gusto kong maging broadcast journalist. Mahilig kasi akong makipag usap lalo na tungkol sa buhay. Kaso hindi ko tinuloy dahil hindi ako confident na magagawa kong maging isang broadcast journalist. Pwede rin isang Susan Calo-Medina – Travel Guru. Gusto ko i-explore yung mga lugar na magaganda at hindi pa napupuntahan ng karamihan. I want to know what Pinas can offer – food, sights, sounds at yung mga bagay na humubog at luminang sa mga taong ito gaya ng kultura, tradisyon at kasaysayan!



>>I’m a cry baby! Mababaw ang luha ko. Ilang beses na kaya akong umiyak sa mga pelikula at palabas sa TV gaya ng MMK. I’m tough on the outside but very vulnerable and soft inside. Lalo na pag pamilya ang pag uusapan so yung mga pelikulang anak, tanging yaman at kung ano ano pa, lahat yan, pinaluha ako.



>>I was once a casualty sa isang frat rumble sa UP. Nadamay lang kasi nagkataon na andun ako where the rumble started. Malay ko ba na yung target nila e just a few steps away from me lang. Nag rereview lang naman ako nun for an exam. Ang ending tumanggap ako ng 2 tadyak at muntik pa akong masapak buti na lang naka ilag ako sabay takbo.



>>Nag shoplift ako nung first year highschool ako sa National Book Store. Dare lang ng mga gago kong kabarkada at ka klase. Pambura at gunting ang kinuha ko. Di ko na inulit!



>>Naughty ako when I was in college. Andaming kagaguhan at katarantaduhan ang pinag-gagagawa ko nun relating to hormones. Ayoko na i-elaborate pa. Sensored. Basta saksi ang UP doon sa mga yun!



>>Wala akong hilig sa art at wala rin naman hilig ang art sakin. Sobrang naboboring ako sa mga art classes lalo na yung pag do drawing at coloring. Hanggang ngayun I can’t even draw a straight and perfect line-pasmado! At hindi pa rin ako maka pag color ng walang lagpas at pantay. Yung mga projects ko nun kung hindi pa gagawin ng mga kuya ko hindi gaganda. Kaya ni isa sa mga yun walang kinuha para i-display.



>>Favorite ko noon ang tambalang Marvin-Jolina. Baduyyyyyyyyyy. Naaliw lang ako sa kanilang dalawa. Iba yung chemistry. It used to be Waks-Peachy of TGIS kaso nabuntis si Angelu. Pero “Ang TV” days pa lang gusto ko na si Jolina lalo na nung first time ko cya nakita in person sa Megamall with her family. Nung na pair sila ni Marvin, ayun die hard fan ako! Harharhar!



>>Mahilig ako umamoy ng paa ko. Kahit mabaho. Pati yung paa ng iba, minsan inaamoy ko rin. Syempre yung walang alipunga.

Monday, June 23, 2008

If I could, then I would - the survey!



If you could have a breakfast with a famous person (living), who would it be? What do you want to talk about?
Ø Probably, Nelson Mandela. I’d like to know his life, his struggles and his dreams.



If you could have a breakfast with a famous person (dead), who would it be? What do you want to talk about?
Ø Mother Theresa of Calcutta. Its great to start your day with someone with a golden heart.



If you could be the President of the Philippines. What’s the first thing you would do?
Ø Alisin lahat ng corrupt sa gobyerno, yes including that stupid cousin of mine sa Pasig City Hall.



If you can go back in the past where and when will it be?
Ø Ummm, maybe the day I was born. Gusto ko makita kung ano ako nun.



If God will grant you one wish, what will it be?
Ø Pagalingin lahat ng may sakit



If you can have a special power, what will it be?
Ø Siguro the power to read minds. Its cool to know how and what people think.



If you can fly, where do you want to go?
Ø Around the world syempre. Gusto ko mapuntahan lahat ng bansa and just chill.



If you could interview a famous personality, who would it be?
Ø GMA siguro. I just want to know her better as a person and not as a president. I want to know her dreams, wishes, simple joys and fears. Everything fancy beyond politics.



If you can spend a single day with somebody (famous or not), who will it be?
Ø Just my son. We’ll bond to the max



If you can do an outrageous thing, what will it be?
Ø I want to try every single extreme sports available and have fun!



If you can eat just one food for the rest of your life, what will it be?
Ø Sinigang siguro.



If you can have 10 million pesos, where will you use it?
Ø Family syempre and then donate to the needy.



If you can just be with one person before you die, who will it be?
Ø My son ofcourse



If you can change something in the history, what will it be?
Ø The invention of atomic bomb probably.



If all of these things will truly happen, will you really do it?
Ø Nye! Syempre. Kaya ko nga sinagutan to e.

Tuesday, June 17, 2008

Imagine a world without Filipinos


Got this from a local Arab newspaper. Filipinos will be always be the best worker anywhere, indeed!

Proud to be Filipino
!

Imagine a world without Filipinos


Abdullah Al-Maghlooth Al-Watan, almaghlooth@alwatan.com.sa

Muhammad Al-Maghrabi became handicapped and shut down his flower and gifts shop business in Jeddah after his Filipino workers insisted on leaving and returning home. He says: “When they left, I felt as if I had lost my arms. I was so sad that I lost my appetite.”


Al-Maghrabi then flew to Manila to look for two other Filipino workers to replace the ones who had left. Previously, he had tried workers of different nationalities but they did not impress him. “There is no comparison between Filipinos and others,” he says. Whenever I see Filipinos working in the Kingdom, I wonder what our life would be without them.


Saudi Arabia has the largest number of Filipino workers — 1,019,577 — outside the Philippines. In 2006 alone, the Kingdom recruited more than 223,000 workers from the Philippines and their numbers are still increasing. Filipinos not only play an important and effective role in the Kingdom, they also perform different jobs in countries across the world, including working as sailors. They are known for their professionalism and the quality of their work.


Nobody here can think of a life without Filipinos, who make up around 20 percent of the world’s seafarers. There are 1.2 million Filipino sailors.


So if Filipinos decided one day to stop working or go on strike for any reason, who would transport oil, food and heavy equipment across the world? We can only imagine the disaster that would happen.


What makes Filipinos unique is their ability to speak very good English and the technical training they receive in the early stages of their education. There are several specialized training institutes in the Philippines, including those specializing in engineering and road maintenance. This training background makes them highly competent in these vital areas.


When speaking about the Philippines, we should not forget Filipino nurses. They are some 23 percent of the world’s total number of nurses. The Philippines is home to over 190 accredited nursing colleges and institutes, from which some 9,000 nurses graduate each year. Many of them work abroad in countries such as the US, the UK, Saudi Arabia, the United Arab Emirates, Kuwait and Singapore.


Cathy Ann, a 35-year-old Filipino nurse who has been working in the Kingdom for the last five years and before that in Singapore, said she does not feel homesick abroad because “I am surrounded by my compatriots everywhere.” Ann thinks that early training allows Filipinos to excel in nursing and other vocations. She started learning this profession at the age of four as her aunt, a nurse, used to take her to hospital and ask her to watch the work. “She used to kiss me whenever I learned a new thing. At the age of 11, I could do a lot. I began doing things like measuring my grandfather’s blood pressure and giving my mother her insulin injections,” she said.


This type of early education system is lacking in the Kingdom. Many of our children reach the university stage without learning anything except boredom.


The Philippines, which you can barely see on the map, is a very effective country thanks to its people. It has the ability to influence the entire world economy.


We should pay respect to Filipino workers, not only by employing them but also by learning from their valuable experiences.


We should learn and educate our children on how to operate and maintain ships and oil tankers, as well as planning and nursing and how to achieve perfection in our work. This is a must so that we do not become like Muhammad Al-Maghrabi who lost his interest and appetite when Filipino workers left his flower shop.


We have to remember that we are very much dependent on the Filipinos around us. We could die a slow death if they chose to leave us.

Sunday, June 15, 2008

Juday's Meralco Ad


Si Judy Ann Santos naman ang talk of the town ngayon dahil sa kanyang Meralco Ad. I can’t help but laugh to death upon hearing VACC’s reaction along with the other groups and people against it.

Ang nakakatawa, they are taking the ad seriously pero binubweltahan ang maling tao. Spare Juday please. Ang panawagang boycott kay Juday will do no good. In anyway, i-boycott man natin o hindi si Juday, tataas at taas pa rin ang singil sa kuryente. Sabi pa ni Alfie Lorenzo na manager ni Juday “Hindi naman fans ni Juday ang mga taga VACC kaya walang epekto kung I boycott man nila o hindi si Juday”. Tama si Mang Alfie this time, hindi nga naman sila fans ni Juday. Juday is just doing her job.

So, VACC and the other anti-Juday-Meralco ad people, I don’t see the point of putting the blame on her shoulders. Wag sana kayong gumawa ng senseless issue para lang masabing may paki alam kayo sa kung ano man ang nangyayari sa lipunan. May tamang oras para makilahok sa isang issue at malamang hindi ito ang tamang panahon. Quiet muna kayo. Pagtuunan nyo muna yung mga mas imporatanteng issue na may kinalaman sa advocacy na pinaglalaban nyo. Andami paring corruption and crime sa bansa ngayun. Mas effective siguro kayo doon kesa pag pyestahan si Juday.

Pasensya na, I can’t help but comment, favorite ko kasi si Juday. Harharhar.

Father's Day Special



Here is an essay/story worth reading and digging. I got this as a forwarded mail from a dear friend. It says that this is an essay contest winner. I tried to find out the real author of this essay to give credit to him but I couldn’t. Anyway, whoever wrote this, thanks. This made me appreaciate my father better and the people who love me as well. And it made me appreciate as well my being a father to my young. Happy father’s day to my dear father, to all other fathers out there and to me! Listen well.


1980 ako ipinanganak. Tatlong taon bago pinatay si Ninoy Aquino at anim na taon bago ang EDSA uprising. Taon ding ito nang nagkaroon ng malaking krisis sa langis ang buong mundo. P24.00 ang palitan ng dolyar sa piso at 48 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ito rin ang taong unang pumunta ng Middle East ang tatay ko para magtrabaho.

Isang karpintero ang Tatay. Isang skilled worker. Malaki angpangangailangan ng bansang pupuntahan ni Tatay sa mga katulad niya. Sabi ng Nanay mahirap daw ang buhay noong mga panahong iyon. Inabot na raw ang bansa ng economic depression na galing sa Europa at Amerika. Kaya minabuti ng Tatay na mag-abroad. Anupa't dalawa ang pinag-aaral niya at may bago na naman siyang bibig na pakakainin.


Parating pinapaalala sa amin ng Nanay na "nagtiis kaming magkahiwalay ng tatay ninyo para magkaroon tayo ng maginhawang buhay." Palibhasa'y parehas galing sa hirap, kaya siguro ganoon na lamang ang pananaw nila. Uuwi kada dalawang taon, tapos aalis na ulit pagkalipas ng dalawang buwan. Ganyan ang pattern ng buhay ng tatay ko.


Pumutok ang giyera sa Middle East noong 1989. Doon ko unang narinig ang mga salitang Operation:Desert Storm at Third Anti-Christ. Nandoon din si Tatay. Isang beses lamang siya nakatawag sa loob ng tatlong taon niyang pagkaka-stranded sa bansang iyon. Mabuti naman daw ang lagay niya. May tirahan naman daw sila at husto sa lahat ng pangangailangan. Hindi naman daw sila gagalawin sa giyera sabi ng embahada ng Pilipinas dahil hindi naman daw sila kasali sa awayan ng dalawang bansa at ng pakialamerong Amerika. Iyon naman pala eh, bakit ka pa rin nandyan?! Na-imagine ko na lang tuloy ang Tatay na parang isa sa mga sibilyan na dumadaan habang nakikipagbarilan ako sa larong Operation:Wolf sa SM City. Nang mahawi ang mga usok ng giyera umuwi na ang Tatay. Wala pang isang taon ay nakita ko na naman ang aking sarili na nakasakay sa arkiladong dyip para ihatid ang Tatay sa Airport papuntang Middle East . Ikaw ba naman ang magkaroon ng pinag-aaral na nurse, isang seminarista at tatlo pa sa elementarya. Kailangang kumayod, kailangang kumita.

Kung tutuusin maraming na-miss ang Tatay sa buhay naming magkakapatid, lalo na sa akin. Wala siya nang una akong magtalumpati sa entablado. Wala din siya nang grumadweyt ako ng elementarya at hayskul. Wala siya nang una akong nakipagsuntukan sa kaklase ko nang inasar ako nito habang binibigay ko ang libreng plastic na singsing na galing sa cheese curls sa kaklase kong babae. Wala din siya para turuan akong magbasketbol tulad ng ginagawa ng mga kapitbahay ko sa kanilang anak. Wala rin siya para panoorin si Kuya na contestant sa Student Canteen at ako naman para sabitan niya ng medalya para sa mga math competition na sinalihan ko. Wala siya nang dumating ako
sa punto ng aking buhay, na siya ring kinakatakutan ng lahat ng katulad kong nagbibinata--ang magpatuli. Wala rin siya para turuan akong maglanggas. Wala siya nang kauna-unahang lumabas ang pangalan ko sa dyaryong pang-estudyante bilang isang editor. Ipinagtabi ko siya ng mga kopya para maipagmalaki sa kanyang pagdating. Wala siya nang una akong tumikim ng alak dahil binasted ako ng dinidigahan kong babae. Wala rin siya nang sumubok akong manigarilyo at itapon ito pagkatapos ng dalawang hithit pa lang. Wala siya, wala siya parati.

Napansin ko na lamang na mas naiibuhos naming magkakapatid ang oras namin sa labas ng bahay at sa eskwelahan. Ang Ate ay kagawad ng Sangguniang Kabataan, ang Kuya naman ay matagal nang kinuha ng seminaryo, ang dalawa kong kapatid ay may mga sarili nang kina-career at ako naman ay natutuon sa aking pagsusulat.

Dumating ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, ang pagdating ng Tatay at sabihing ito na ang huli niyang uwi dahil hindi na siya babalik ulit sa abroad.

Makalipas ang ilang buwan, trinangkaso ang Tatay. Sabi ng doktor ay overfatigue lang daw at kailangan niyang magpahinga. Pagkaraan nang ilang buwan, na-diagnose na may tumubong tumor sa utak ng Tatay at malignant na ito. Minsan naitanong sa akin ng uncle kong doktor kung nauntog ba ang Tatay o nabagsakan ng mabigat na bagay sa ulo. Nahihiyang ngiti, kamot sa ulo at isang "hindi ko po alam" lang ang naisagot ko.

Kung gaano kabilis na nadiskubre ang tumor niya sa utak ay ganun din kabilis na binawi sa amin ng Diyos ang Tatay. Habang pinagmamasdan ko ang Tatay habang mapayapa itong nakahimlay noong burol niya, nahihirapang tumulo ang luha ko. Kung tutuusin, hindi ko kilala ang taong ito. Siya ang tatay ko. Kalahati ng pagkatao ko ay galing sa kanya. Pero kung tatanungin mo ako kung anong gusto niyang timpla ng kape, kung allergic ba siya sa hipon na paborito ko, kung San Miguel o Purefoods ba ang team niya sa PBA--isang malaking EWAN lang ang maisasagot ko sa iyo. Noong bata pa ako, nasa abroad ang Tatay. Kapag nandito naman siya para magbakasyon, mas malaking oras ang nagugol niya sa pag-aasikaso ng mga papeles niya para sa susunod niyang pag-alis. Nang tumigil na siya sa pagtatrabaho, ako naman ang abala sa mga reports, periodical examinations at mga research works. Nang nasa ospital na siya, kahit makipagkuwentuhan ay mahirap nang gawin dahil halos hindi na siya maintindihang magsalita dulot ng chemotherapy.

Matagal nang patay ang Tatay. Minsan nabalitaan kong dumating na ang seaman na tatay ng boss ko, pilit ko siyang pinauuwi nang maaga. Minsan ding buong kawilihan kong pinagmamasdan ang isang kaibigan ko na nagmamadali dahil baka masaraduhan na siya ng grocery. Kailangan niyang makabili ng ingredients ng spaghetti dahil 'yun daw ang bilin ng tatay niyang na-stroke. Minsan rin nang makainuman ko ang matalik kong kaibigan habang binubuhos niya sa akin ang sama ng loob niya sa pagbabalik ng tatay niya na malupit sa kanila nang mahabang panahon at ipinagpalit sila sa ibang babae. Sa tingin ko lang, "Buti ka pa nga may Tatay pa." Syempre hindi ko sinabi iyon sa kanya. Baka mamaya tanungin pa niya ako kung kanino ako kampi, kami pa ang mag-away. Minsan din sinamahan ko ang kababata ko nang dinalhan niya ng pansit ang tatay niya sa City Jail. Hindi naman sila nagtatanong kung bakit ako ganun. Wala naman silang alam kay Tatay.

Maraming pagkakataon na nanghihinayang ako dahil masyadong maaga ang paghihiwalay namin ng Tatay. Gusto kong sisihin ang Pilipinas dahil napakahirap ng buhay dito. Sa Amerika ba may tatay na nangingibang-bansa para makapagtrabaho lang? Naisip ko tuloy na sumama na lang sa mga nagpipiket na mga migrante dahil alam ko tulad ko rin sila. Kadalasan rin sinisisi ko si Saddam Hussein at ang Gulf War dahil kinuha nila ang tatlong taon sa buhay ng Tatay. Sayang ang tatlong taong iyon. Nakalaro ko man lang sana ang Tatay ng basketbol o di kaya'y naturuan niya akong mag-bike. (Beinte anyos na ko nang matuto mag-bike).

Isa sa mga klase ko sa writing ang nagpasulat sa amin ng kahit ano tungkol sa aming mga tatay, samahan pa ng larawan kung maaari. Bigla tuloy akong nalito. Hindi ko alam kung anong tungkol sa Tatay ang isusulat ko.

Ikuwento ko kaya na isang Overseas Contract Worker si Tatay. Isang bagong bayani. Nag-aambag ng malaki sa ekonomiya ng Pilipinas. Sabihin ko kayang may larawan ng tatay kong may suot na hard hat na dilaw, construction boots at may hawak na drill at kasama niyang nakangiti ang mga kapwa niyang Pilipino with matching background na disyerto. O kaya ang larawan nilang magkakababayan habang pinagdiriwang nila ang New Year at nag-iiyakan dahil tinutugtog and Lupang Hinirang. Ang drama no?

Kuwento ko kaya na isang survivor ng Gulf War ang Tatay. Na natutulog siya at ipinaghehele ng mga Patriot at Scud Missiles. Pakita ko kaya ang mga remembrance ng Tatay na mga dull na landmines. Adventure naman ang dating nito.

Kuwento ko kaya kung paano hindi nagpabaya ang Tatay sa pagbibigay ng pangangailangan namin. Hindi kami sumasala sa pagkain, may magagandang damit, maayos na tirahan at nakakapag-aral. Siya ay naging isang good provider. Siguro isang malalim na buntong hiningang "Haaaaaay!" ang ibibigay sa akin ng mga kaklase ko.

O di kaya'y dalhin ko ang picture ni Tatay habang kini-chemotherapy siya. Ikwento ko din kaya na naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Na inoperahan siya sa loob ng walong oras at binutasan ang ulo niya. Na nakalabas pa siya ng ospital. Pagkatapos ng isang linggo, agad siyang namatay. Tragic naman ang approach ko nito.

Gayahin ko kaya ang kuwento sa telebisyon na tipong galit na galit sa mundo ang anak dahil hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon dahil inuna ng kanilang tatay ang pinansyal nilang pangangailangan. Teka, hindi naman totoo yon eh! Napaka-unfair naman 'nun kay Tatay.

Ikuwento ko na lang kaya ang isa sa mga magagandang alaala namin kay Tatay. Apat na taon ako noon. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang pangyayari. Kadarating lamang ng Tatay pagkaraan ng dalawang taon. Nagkaroon ng simpleng party sa bahay. Kainuman niya ang mga kumpare niya nang tumayo siya at binuhat ako mula sa kuna ko habang pinaglalaruan ko ang bagong matchbox na pasalubong niya sa akin. Inutusan niya ako na ikuha siya ng beer sa refrigerator. Pagkakuha ko ng beer ay kinandong niya ako at buong
pagmamalaki na ibinida sa mga kumpare niya na natanggap na raw ako sa lokal na Day Care Center dahil abot na ng kanang kamay ko ang aking kaliwang tenga kahit idaan pa sa ibabaw ng ulo ko at matatas na ako magsalita at madali raw akong matuto. Matagal din akong nanatili sa pagkakandong niya. Mistula siyang bagong dating na hari na suot-suot ang kanyang korona. Ako ang kanyang korona.


Kapag naaalala ko ito, napapawi ang lahat ng panghihinayang ko sa mga taong kailangan niyang magtrabaho at mawala sa piling namin. Mga panahong kasama ng mga tatay nila ang mga anak nila. Ito na lang ang isusulat ko. Bago ang lahat, pupunasahan ko muna ang mga luha ko at ang patulo ko ng sipon. Baka mapatakan pa ang keyboard ng computer at ang hawak kong picture. Picture ng isang paslit na may hawak na bote ng beer habang kandong ng tatay na kitang-kita ang kasiyahan sa mukha.

Saturday, June 14, 2008

Happy Father's Day!


Happy Father’s Day sa lahat ng mga ama, tatay, daddy, itay, dad, papa na kagaya ko.

To my kuyas Raf, Drey and Dar, salamat sa pag bibigay nyo sa family ng matatalino, makukulit at mga charming na mga bulilit. Sobrang pinaligaya nyo ang buong pamilya natin! Leroy, sana next year mababati na rin kita ng happy father’s day!

To my very own dad, ang isa sa pinaka imporatanteng tao sa buhay ko. Salamat sa walang sawang pag aaruga at panga ngaral. Salamat for being the best lolo and second father to my very own Cairo. Salamat sa pag ta tyaga nyo sa aming magkakapatid kahit na minsan matigas ang ulo naming lalo na ako. Salamat sa lahat ng upliftment, encouragement at pang aasar. I will always be grateful that you became my father. And I thank God for giving me the opportunity to be your son. And yes, aaminin ko na, na daddy’s boy ako! (who else don’t know, anyway!) and I’m your closest resemblance (according to mom and ates). I will always love you!

To all the other fathers out there – Happy father’s day too! Lets all be the better father to our kids, always.

Wednesday, June 11, 2008

Araw ng Kalayaan



Isang mapagpalayang araw ng kalayaan sa ating lahat!

Nawa’y maging tunay na tayong maging malaya sa hinaharap.

Maging malaya sa kahirapan, karahasan, katiwalian at kawalang paki-alam sa bayan at sa kapwa.

Huwag sana natin sayangin ang mga pakikipag laban na ginawa ng ating mga bayani at ninuno upang makamit ang minimithing kasarinlan.

At sana ay isabuhay natin ang pagiging Pilipino nasaan man tayo, sa lahat ng oras at pagkakataon, sa isip, sa salita at lalong lalo na sa gawa!

Ipinagmamalaki ko na ako’y Pilipino!


Ang bayan ko'y tanging ikaw

Pilipinas kong mahal

Ang puso ko at buhay man

Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin kong gagampananna lagi kang paglingkuran

Ang laya mo'y babantayan

Pilipinas kong hirang...

Monday, June 9, 2008

Youngblood - Race and destination


Youngblood
Race and destination
By Betheena C. Dizon
Philippine Daily InquirerFirst Posted 00:57:00 06/05/2008


I am hardly moved by what I see on television.


But there was this particular scene that really touched me to the core: Marc Nelson and Rovilson Fernandez running toward the final pit stop in “The Amazing Race Asia Season 2,” carrying the Philippine flag. What struck me about this scene was that these guys made it a point to show the world that as they competed, they were thinking not only of themselves but of this country as well. And to think that Nelson does not even have a drop of Filipino blood in his veins! It seemed to me that he was also running the race for the country that he had adopted as his own. These guys have not forgotten the Philippines at all. But the realization also made me sad because, today, there are quite a lot of Filipinos who have forgotten their own country.


In this age of Filipino diaspora, there are quite a number of our countrymen who seem to be intent on forgetting not only their land of birth but also their nation’s heritage. I know this for a fact because my mother was at the receiving end of a diatribe from an acerbic “ex-Filipino.” She slammed my mom for choosing to live in the Philippines, trying to make it better. The woman is now a naturalized American citizen; and by her looks, my mother said, she had exhausted every opportunity to make herself look like an American. I am saddened by the fact that there are people like her who have chosen to forget their origins. Upon arriving in a prosperous and ultra-modern city, usually in the United States or in some European country, they begin to erase from their minds their Filipino heritage. They work hard to imitate the accent of the people living there; they have their noses “re-done” just to remove what is more often than not a “trademark” of Filipinos; and do other stuff that would make them look more and more fair-skinned. Basically, they begin to systematically change their outward appearance, thinking that their Filipino identity will vanish along with it. But what they do not realize is that no matter how hard they change their appearance, it stays—and will stay—with them until the day they die.


Where we come from defines who we are and what we will become. Our present selves are the results of all that we have been through. We are products of our heritage, the hardships, the trials, and all that we have grown accustomed to. If we are strong now, it is because the storms of life that buffeted us have made us sturdier to withstand anything that may come our way. If we are weak, it may be because we have chosen not to fight life’s vicissitudes or to learn the lessons that life has been teaching us.


And we are the people that what we are now because we have been raised in a culture that is full of incredible contradictions. We are God-fearing but we tolerate corruption because it has already become an accepted part of the bureaucracy. We are a kind people but have grown apathetic to the plight of poor kids living in the streets. We profess to be poor but we have unashamedly wasted—and continue to waste—our natural resources which take a long time for Mother Earth to replenish. But despite these contradictions, it is a fact that we Filipinos are among the nicest, most polite and most caring people in Asia and, possibly, in the world.


This is what has been forgotten by our countrymen who are now on a mission to eradicate their Filipino identity. They have forgotten that what they are now is the result of living in this Third World country. They have become what they are because of the culture and heritage that they were raised in. They are struggling to make their lives better because they have lived through difficult circumstances. This has made them determined, persevering and hardworking. Incidentally, these traits are the identifying qualities of Filipinos.


This striking reality brings back to my mind a Filipino saying: “Ang hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kanyang paroroonan.” [“He who does not know how to look back to where he came from will not get to where he’s going.”] Indeed, where we came from and what we have been through are mere stages or pit stops in our journey through life. These are sort of clues that lead us to the finish line. And that finish line is the better life that we are all dreaming of.


Now, these people may argue that they have already reached the finish line, that they are now living prosperously, which has always been their dream. But to me, having a better life is not all about living in comfort and security. To my mind, having a better life is the actualization and acknowledgment of who you are. And it is this actualization and acknowledgment that will drive us to strive for better lives. If we realize and acknowledge where we come from and what we have been through, we will feel at ease with who we really are.


People who have chosen to forget where they come from may live better lives, but they will never be at peace with themselves because they have chosen to forget who they really are. And it is in this sense that they will never reach their destinations. They will never have that sense of fulfillment of having accepted every facet of their identity. They will never completely know themselves because they have chosen to forget their beginnings.


In times like these, when accusations of cheating, greed and lies can be heard at every corner, the temptation to forget our identity as Filipinos becomes more and more alluring. Who wants to be part of a nation where leaders profess to be working hard for the good of the people, when in truth and in fact, they are working hard just to satisfy their selfish interests? Who wants to be a member of a race that has become apathetic to dirty politics even though it greatly affects the future and their children? However, we should not forget that God has a purpose in creating us to be Filipinos. We may not see the good behind it yet, but let us trust that God has a perfectly good reason why He made us to be citizens of this country. If we truly learn to accept who we are and embrace our identity willingly, we will not only reach our destinations, we will also become better persons living better lives in this challenging world. It is then that we will become proud of what we are and where we come from and in everything we do.


Then, we just might be able to carry the Philippine “flag” with pride and fervor in our hearts as we run in this amazing race called life.


Betheena C. Dizon, 23, is a third year student at the San Beda College of Law.

Thursday, June 5, 2008

Blogging and bloggers


Wala akong ginawa these past few days (weeks na ata) kundi mag blog hopping. Nakaka aliw kasi yung blogs ng ibang mga bloggers. Nakaka tuwang magsulat yung iba at yung mga topics na sinusulat nila na minsan di mo naiisip na may magtatangka palang magsulat tungkol sa isang bagay na tingin natin ay non-sense. Tignan mo nga naman what modern technology can do to these people. Nailabas nila kahit papano ang kung ano man artsy-side meron ang mga bloggers and thankfully nababasa ito ng ibang mga taong walang magawa sa buhay at sa office na katulad ko.

Puno na nga ang favorites corner ng internet browser ko sa dami ng naka save na blogsites. Sinesave ko yung mga interesanteng blogsites tsaka ko babasahin pag may freetime (hehehe, lagi naman akong may freetime). Nakaka sabik kasi mga stories kaya mga ¾ oras ko sa office nauubos lang sa pagbabasa ng mga blogs. Kaya tuloy kanina medyo nasa warpath na naman yung boss ko na laging basa ang kili-kili (ewlkkkkk!), kung ano anong non-sense ang hinahanap, tinatanong at pinapagawa sakin, kasi nahuhuli nya ko na wala akong ginagawa. Wala naman kasi masyadong work lately kaya ok lang. Pag meron naman talagang busy-busyhan ako (depensahan bad aw ang sarili).

Anyway, going back to the topic. Natutuwa nga ako kasi kagaya ng mga ibang bloggers, nakakapagsulat din ako kahit papano. Nalalabas ko rin yung writer side ko. Kanina nga tawa ako ng tawa kasi may naaaliw na chatmate sa blog ko. Fan ko daw sya kahit wala naman akong balak magtayo ng fans club. Passion ko magsulat kahit noon. Sa dami ng mga sinulat ko natapon na yung iba kasi nga sobrang dami ko ng naipong papel sa bahay (fyi, di pa uso ang internet nung nagkainteres ako sa pagsusulat kaya no choice kundi isulat sa papel). Kaya salamat sa internet, computer, MS word at sa nakaisip ng blogging.

Walang pattern ang pag susulat ko. Wala rin akong style. Hindi rin ako sumusunod sa subject-verb agreement o kung ano mang pattern meron. Basta kung ano tumatakbo sa isip ko, derecho agad sa pagsusulat, derecho type sa keyboard. Hindi rin ako araw-araw nagsusulat. Pag nasa mood lang ako magsulat na bihirang mangyari. Kaya minsan, copied from other sources lang nilalagay ko sa blog ko pero ayus naman kasi interesante din yung mga paksang sinusulat nila at ina acknowledge ko rin naman kung sino sumulat. Syempre, bawal plagiarism.

Parang teleserye din ang blogging. Madalas na sinusubaybayan ng mga mambabasa. Araw-araw chine check yung mga updates ng blogger. Isa pa lang naman yung araw-araw kong chine check na blog kasi aliw na aliw ako sa klase ng sense of humor meron cya (oo, ikaw yung kasi sa blog mo lang naman ako nag co comment-uhuyyyyyyy!). Pero marami pa rin may potentials na pinag uukulan ko na rin ng time basahin (oo kahit mahuli ako ng boss ko ok lang basta mabasa ko blogs nyo!). Interesante rin yung mga kwento nila kung bakit sila nag bo blog.

Sari-sari, kanya-kanyang style at heading ng blog. May simple, may nakakatawa, lahat meron depende sa kakayahan ng isang blogger. Yung iba makulay, yung iba payak lang. Yung iba puno ng pictures, yung iba walang time kaya 1980s pa nung last na in-update. Maganda din kasi pwede mong I explore yung blogs ng iba dahil sa links. Sa sobrang dami nga ng mga links kulang siguro 20 years para mabasa ko lahat ng blogs.

Mental blocked na ko. Tsaka yung boss ko na nasa conference room e naririnig ko na palabas kaya tatapusin ko na to. Baka mahuli ako!

Sunday, June 1, 2008

Usapang Math


Ayoko ng Math!

Malamang maraming mag a agree sa akin dito.

Ewan ko ba. Eversince nagkalaman ang utak ko at natuto ako, ayoko na sa Math. Hindi ako naging interesado sa subject na to. Nahihilo ako pag nakakakita ako ng maraming numbers. Brain freeze pa. Ayos lang sana yung subject kaso kung sino pa yung mga mababagsik at nakakatakot na teachers, yun pa nagtuturo ng mga Math subjects sa school. Ni minsan hindi ko pinangarap na maging Best in Math sa school.

Laging lowest grade ko ang Math. Consistent yun from elementary hanggang highschool except nung 4th year dahil medyo disente at mayabang ang grades ko sa Math pero hindi pa rin kasing taas ng mga adik sa Math na mga kaklase ko. Magaling kasi yung teacher ko kahit mabagsik. Na a appreciate nya yung potentials ng mga trying hard to like Math students na kagaya ko at naiintindihan nya yung predicaments ng mga estudyanteng kagaya ko na willing matuto. Medyo naging madali ang last Math ko sa highschool.

Medyo nahirapan din ako sa UPCAT. Yung pinaka ayaw ko pa na Math topic (Trigo) ang karamihan ng questions sa UPCAT during my time. Pero dahil nag aral naman ako kahit papano, may nasagot din naman ako. Pinag handaan ko din ang ACET dahil alam kong mas mahirap yun kesa UPCAT. Review to the max ako kahit wala naman talagang pumapasok sa utak ko maliban sa mga basic formula ng Math na kahit grade one e alam. Muntik na kong mag cartwheel palibot ng LSGH nung nalaman ko na nakapasa ako sa 2 sa pinakamahirap na entrance exam sa college. Ang resulta? Lowest grade ko ang Math sa UPCAT, sa ACET hindi.

Parehong Math related course ang kinuha ko sa UP at Ateneo. Matigas ang mukha ko nun kasi alam naman ng lahat ng classmates ko na weakness ko ang Math pero sige pa rin. Pano ko malalaman kung hanggang saan ang kakayanan ko sa Math kung hindi ko susubukan. BS IE sa UP at Mgt. Eng’g sa ADMU. Okei sa course. Take note, 2nd choice na nilagay ko sa UP ay Chem Eng’g. Hanep sa confidence, buti na lang pumasa ako.

Acid test ang college sa akin. First year, first sem, Math 17. Dapat mag ma Math 11 and 14 ako. Kaso ang papangit ng sched. Walang nagmeet sa ibang scheds ko kaya no choice, Math 17 talaga. Oo, ngayun ko lang aaminin, dito ako naiyak habang nag e exam. Buti na lang walang naka kita sakin. Sobrang hirap talaga. Pero paid off naman kasi pumasa ako sa subject at isa sa mga highest. Pwedeng pwede na!

Yung mga sumnod na Math – 53,54,55. Ayus naman! Mayabang ang mga grades ko. I even got 1.0 sa Math 55 galing kay Mam Polly Sy. Pero halos kalahati ng klase sa Math 55 naka 1.0.Hehehe. Math 53, sobrang saya. Magaling yung prof ko kahit bagito pa lang sa pagtuturo. Hindi ko inakala na magugustuhan ko ang mga derivatives at laws of derivatives. Math 54, fast phase ang turo.Bahala ka kung hindi ka maka catch-up. Wala naman nakaka zero sa exam nya. Lowest lagi 1 for effort. Generally, ayus ang pure math subjects ko. Nakita ko ang magandang side ng Math. Pero di ko pa rin cya gusto.

Nahirahapan ako sa Engineering Series subjects at iba pang Math & Science combined subjects. Halos isumpa ko yung profs ko sa ES 11 and 12. Sila nagbigay sakin ng pinaka mababang grade ko sa lahat ng subjects ko. Lalo na yung sa ES 12 na kauna unahang exam ko sa UP na bumagsak ako. At sa kanya lang ako nakakuha ng exam score na 34 and ¾ / 100. Ultimo tuldok at comma may point sa exam nya. Patay ka pag nakalimot ka kahit isang tuldok lang. malaki rin nagastos ko sa ilang beses nyang exam dahil kada photocopy ng exam P1. Pinakamababa nyang exam pages ay 3, minimum of P3 ginastos ko sa kanya kada exam samantalang P0.25 lang ang photocopy nun. ES 11 naman medyo malamya yung prof. Mas maganda pa minsan matulog sa sunken kasi ganun din naman, makakatulog ka rin sa klase nya. Sama na rin dyan yung ES 13, 15 and 31. Wala akong maalala sa mga subjects na to pero ayus din kasi nakapasa naman ako.

May exemption naman sa ES series. The best ang ES 21. Kahit terror yung prof. natuto ako at andami kong natutunan. Napansin ko lang na pag magaling yung prof. ok ako sa Math, meaning masipag ako mag aral at nakaka tawag pansin din ang mga exams at grades ko.

Oo naka graduate ako (with flying colors). Pero hanggang ngayun hindi ko pa rin gusto ang Math gaya ng hindi ko pagkagusto sa ampalaya at kinchay!