Thursday, July 17, 2008

My Favorite Pinoy Food (Ikalawang Lamon!)


Ang pagpapatuloy…

Kung taga Pasig ka, malamang familiar ka sa ibang mga kainan na babanggitin ko kasi. Tatak Pasig tong mga food na to na miss na miss ko na rin. Hindi ko alam kung anong uunahin kong kainin pag uwi ko. Free advertisement na rin to para sa kanila.

Ado’s Pancit sa may Bambang (see picture of pancit serving above). They make the best pancit bihon syempre. Tsaka yung famous loming gawi nila. Bambang actually hosts small time businesses of “short order pancit”. Ang nagpapasarap is yung chicharon na hindi ko alam pano nila ginagawa.


Alex’s Lugaw. Alex’s Lugawan serves the best lugaw and tokwa’t baboy still. Sa may San Nicolas yan. I frequent the place lalo na sa hapon para mag merienda.


Tapsilog sa Palatiw. The famous Tapsi sa Palatiw. Sarap ng mga “silog” menus nila. May free pang sabaw. May branches na sila sa Antipolo(?) and Maybunga aside from the original one sa Palatiw.

Dati meron ako kinakainan dun sa may PCC. Jester name nung fastfood kaso wala na cya ngayun. Sarap ng breaded porkchop dun na may kasamang coleslaw.

Yung puto at laksa kay manang na nagtitinda dun sa may kapasigan sa gilid ng mercury drug store. Sobrang sarap ng inutak!

The famous dimasalang bakery sa Kapasigan. The best braso de Mercedes and pambonete. Sama na rin yung macaroons and pineapple upsidedown cake.

Syempre, my favorite, the Cristobal sisters. Ka Priscilla sa umaga with her yummy sopas and champorado. Ka Lily sa tanghali at hapon with her lugaw, palabok and lumpiang sariwa and pritong lumpiang toge. Tas sa gabi naman cooked food from Ka Jovet. Mouth watering ulams.

Yung barbeque sa kapasigan. Tsaka yung sauce nila na sarap na sarap din ako.

The street food sa may simbahan. Mani, kornik, chicharong balat ng manok, kwek-kwek, itlog pugo, squid balls, kikiam.

Dirty ice cream sa Sumilang! Yum!



Eto naman yung mga fastfood na madalas kong kinakainan:

Bago ako umalis ng Pinas, laman ako lagi ng Cavana, yung sa megamall. Ewan ko parang na love at first sight ako dun sa fastfood nay un. Hindi naman ako nagkamali kasi sasarap ng food nila tsaka yun lemongrass juice nila. Meron din silang juice na kulay light blue (oha!) nakalimutan ko na name.

Yung authentic La Paz Batchoy dun sa food court ng megamall. Ilonggo Grill ata yun, nakalimutan ko na.

Razon’s para sa best halo-halo and pancit luglog. Ang kinakainan ko yung nasa may Ortigas Avenue.Ewan ko kung buhay pa yun ngayon.

Yellow Cab. Syempre Charlie Chan (ka ano ano kaya nya si Mang Jackie Chan?) Pasta!

El Polo Loco chicken, tortilla bread and Spanish rice.

Sbarro’s Zitti and Stuffed Pizza. Great big servings.

Ang walang kamatayan ng burger at palabok ng jollibee na favorite din ni coldman at ng lola ko. Syempre value meal number one-ang paborito ng lahat!

Kenny Roger’s famous chicken, cheese macaroni and buttered mushroom. Staple food ng mga UPeeps pag get together.Hehehe

Ang famous UP fastfood – Rodic’s Tapsi, BBQ at munggo ng beachouse. Chocolate Kiss. Mang Jimmy’s, Aristocart at kung ano ano pang available sa UP.

Dinuguan at Puto ng Goldilocks. Tsaka yung fresh lumpiang ubod.

Ang congee ng chowking, bola-bola and asado siopao, siomai at pancit canton.

Yung Chinese resto sa basement ng mega, building Ba. Nakalimutan ko na name (memory gap). Basta masarap braised beef nila tsaka fried rice.

Ang big breakfast ng McDo, French fries, sundae, hush brown, longganisa meal at ang pancake with super daming syrup.

Mushroom burger sa tagaytay o yung sa may Quezon Avenue!

KFC’s frech fries, still the best!

Yung sizzling sa mga food courts ng mall.

Loming batangas dun sa isang carinderia sa may Sto. Tomas Batangas.

Empanada, okoy at tupig ng Vigan! Sama mo na yung favorite ko na ilocano style dinuguan, igado at bagnet. Ayoko ng longganisang vigan-maalat. Mas masarap pa rin yung longganisa sa palengke na kulay red na matataba tas puros taba ang laman-kolesterol!

Eat all you can sa kamayan at dad’s. Last na kumain ako parang three weeks ata akong hindi makatayo sa sobrang kabusugan-kasibaan kase!

China Bowl ba yun? Yung sa may megastrip ng megamall? Basta yung Chinese menu nila.

Iba talaga sa Pinas. Lahat meron. Lahat swak sa panlasang pinoy!

PS: No foods were harmed during the making of this blog.

10 comments:

Anonymous said...

i was surfing on anything that would give me info on jester (sa may pcc) and came across your blog. i remember their fried chicken kasi, na may mainit na gravy na hinahaluan namin ng banana ketchup. SARAP. favorite din namin ang chicken burger na may coleslaw -- na pinapaliguan din namin ng banana ketchup. thanks to you, naalala ko na rin ang breaded pork chop, na inoorder ko naman kapag sawa na ako sa fried chicken (na "portion" pa nga ang tawag nung aleng nasa counter). sayang at wala nang jester na babalikan sa pasig.
miss ko na rin ang pagkaing pinoy. ang sarap ng ado's pancit na nasa picture, lalo na ang chicharon at breaded shrimps on top!

Unknown said...

ay kainis na miss ko tuloy lahat ng binaggit mo. lalo na yun inutak, lugaw sa alex at sori di ko pa kei kumain sa jester nun dahil bagets na bagets pa ko dat tym. sarado na sha ngayun.. haizz.. love ur blog!!!!

ROBERT IMBAO said...

This is very heartwarming. Family namin ang may-ari ng dating Jester Hamburgers, at Montibello Bakeshop dati (more than 13 years ago na yun I think). And we cherish the memories of having a town restaurant na kinakainan ng maraming tao almost every day, most of them students of PCC and CBC, and elderly people who loved the beef mami, and halo-halo. I was just curious if anyone ever wrote anything about Jester, and I'm glad there were two relevant matches, and a few comments about it. Too bad we had to close it. Ang hirap din i-manage kasi ng food business. Thank you for remembering and blogging about it, kahit small mention lang. Best regards. -- ROBERT IMBAO

Anonymous said...

hello, im also from Pasig but presently based overseas.

I have a thread in PaCland about Pasiguenos...just want to ask if I can repost your materials there...

best regards

domjullian said...

saan po?

domjullian said...

saan po?

Anonymous said...

about pasig elementary pa ako noong ginagawa pa tunnel sa lumang ilog sa harap na sampaguita bakery, naalala ko din ang tailoring na estacios, roqs, at la jolla. pati kainan na cristys at threesisters , pati sine elma dating fox , sine victoria at pag gusto momanood ng bold punta ka sine leleng, naalala ko din hector sta ana pati danny asiang teacher ko sa kumbent si miss hose , miss ruiz yung pilay at ang baklang si mr cloma. nasaan na kaya kaklase ko sa pcc sina nathaniel jaurigue at yung iyakin na si raul yadao. by the way paki post dito kung paano ginagawa ang putot laksa, naalala ko tuloy sina aling aring sa lugaw nya at aling mary sa pancit lang lang pati sina aling maring at katabi nya na si aling tacing hay buhay .... parang life ito lang muna at mabuhay ang pasguenos pati nga pala luis gonzales at rod navarro

Unknown said...

Hello SIR Robert Imbao. Isa po ako na naging suki ng Jester noon. Pwede po bang pa share ng recipe para maluto uli namin sa bahay.

Anonymous said...

What's your fb? Great to know mga kapwa taga Pasig😊

Anonymous said...

Jester tabi ng PCC tuwing lunch dyan kami kumakain. Tawag pa nun s chicken meal nila is kiddie portion.