Saturday, January 16, 2010

Mixed Nuts 007

Ang hirap gawing excuse ng pagiging busy para mag sulat. Masyado ng over used sa akin ang “busy ako!” kaya di ako nakakapag sulat kasi kahit anong busy ko naman, nagkaka time pa rin naman ako para mag blog other than the recipes at song lists ko. Salamat na rin kasi nagiging panakip butas ko sila pag hindi gumagawa ang utak ko na mukhang nasarapan sa holiday break at nasa extend holiday mood pa rin hanggang ngayon. Ipina page ko na sa megamall para bumalik, dun ko ata naiwan kasi dun ako madalas last holiday.


Been to a lot of reunions noong nakaraang holiday, pati reunion with ex alagang hayop ata pinuntahan ko. Ewan ko kung bakit, pero di ko pinapalampas ang mga ganitong event. Seeing old folks and friends make me happy. Kahit minsan, may di magandang experience ka sa kanila. Ubos man ang pera, masaya naman dahil na rekindle at na reconnect yung old connections sa amin.


Nakagawa din naman ako ng konting kabutihan, long overdue na to actually pero itinaon ko talaga last Christmas yung pag do donate ko ng kung ano ano para sa mga less fortunate brothers and sisters natin. At finally, natuloy na rin yung pag sponsor ko sa World Vision (thanks Kris Aquino para sa encouragement). Isang boy at isang girl ang ni sponsoran ko. Eto ang regalo ko kay Bro sa kanyang mga blessings sa akin at sa family ko. Eto ang mga kids na ni sponsoran ko (inalis ko name). Sana makatapos sila ng pag aaral kasi naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Promise pipilitin ko matapos yung sponsorship ko sa kanila.




Maganda ang pasok ng 2010 sakin. Daming potential clients. Naka 5 proposals na kami as of this writing at 3 on-going projects. Sana kahit isa lang e may mag confirm kasi naubos pera ko last holiday.Hehehe.


Back to the neglected studies as well, malapit na ako maka catch up sa mga pending school works. Na inspire ako kasi nakita ko si angel kahapon, maganda pa rin. Sana mapansin nya naman ang ka gwapuhan ko, kaso hindi ako gwapo kaya malamang di nya ako mapapansin.


Ibang level na ata ang addiction ko sa PBB Double Up lalo na kina MELASON. Mukha akong tanga minsan kasi tumatawa at kinikilig ako sa kanila pag sila ang topic. Natutuwa ako kay pareng Jason na laging naka sapatos at medyas kahit parating tulog. Si Melai kahit na o OAyan yung iba e nakaka aliw pa rin yung gestures nya. Nag mellow down na din si Mariel, di na cya kasing bitch ng dati kasi wala na ang kanyang twin bitch sister na si Yuri, natuwa ako dun sa task nya na magturo kasi sobrang patient nya sa mga kids, ibang iba sa ugali nya dati sa house B. Nalungkot ang nung na evict si Rica kasi nagbigay spark din naman cya sa bahay. Si pareng Johan medyo yumayabang. Si papa Tibs, well, naiintindihan ko yung predicaments nya, pero syempre, may kanya kanyang utak at pag uugali ang mga housemates na hindi natin madidiktahan. Si Cathy and Hermes, wala lang, kahit andun sila o wala, ok lang. PBB wil survive. Kath(hot mommy!) and Paul Jake (konyong down to earth!) along with MELASON ang bet ko for big 4 as of now. Salamat at wala na si Big Utol, walang ka kwenta kwenta.


Mag kapamilya teleserye naman tayo. Buti naman at lumaki na ang tyan ni Tilde sa May Bukas Pa. Ang tagal na nyang buntis pero nung isang araw lang lumaki ang tyan nya kaso sobrang bilis naman kasi from 2 or 3 months big na tyan nya noong isang araw e lumobo sa 5 to 6 months, bilis ng phasing. Sobrang lakas ng instinct ni mayor Enrique )na until now bitin pa rin ang polo barong nya) at pina DNA nya si Santino para malaman kung anak nya o hindi. Nakakatuwa din mga pinapa galing ni Santino, kasi in a span of two seconds after ipag pray over sila ni Santino e gumaling na kahit walang proof.


Sa DMII (Dahil may isang ikaw), bilis gumaling ni Miguel at nawala agad ang down syndrome nya. Parang pinagaling lang ni Santino. Akala ko nga nung mamatay si Ella at si Red e biglang lilitaw si Santino para buhayin sila. Last day na nila ngayun.


Buti natapos na ang katorse at si Jojo ang nakatuluyan ni Nene at hindi si Gabby. Yung anak nila, in a span of one year, nag iba ang mukha. Presidente at CEO na rin si Jojo, not so true to life. Pinalitan ng Tanging yaman na sila rin ang mga bida. Bilis din ng phasing kasi from dukha nung monday e presidente na kahapon si Rowell Santiago. Sablay sila sa lindol na tumagal ata ng 5 minutes, kamusta naman ang ganung katagal na lindol.


Kainis kasi suspended ang showtime dahil kay Osang. Once a bitch always a bitch. Buti may Banana Split pa.


Sympathy and prayers nga pala sa mga nasalanta ng lindol sa Haiti.

Next time na lang ulit.

6 comments:

engel said...

at talagang tinututukan mo ang mga kapamilya shows ha! =D

Paambon ka naman dyan ng blessings mo. =)

wv: bless

ahmer said...

wow congrats! happy weekend!

chingoy, the great chef wannabe said...

mabuhay ang kapamilya! painom ka naman jan!

ZaiZai said...

happy that 2010 seems good for you dom! and good for sa pag sponsor ng kids. any chnace may opening pa to sponsor me?! kidding :)

abangan mo ang rubi ha. favorite ko ung original nun :)

domjullian said...

@ Engel, oo kapamilya ako solid.hehe. Di lang mabon, papa bagyo ako ng blessings in due time.

@ Ahmer, happy weekend indeed!

@ Chingoy, cge, gin bulag?

@ Zai, good naman every year.lagi naman may blessings, big and small pero trying time talaga last year so I'm hoping 2010 will be better.

Anonymous said...

natuloy din sa wakas ang balak mong mag sponsor ng mga kids. pagpapalain ka lalo ni BRO.

wala akong napapanood na show ngaun sa dos. kapuso kc ang mga biyenan ko. :( pero nakakanood ako ng showtime pag sabado. sana bumalik na sila. namimiss ko n c vice ganda.

congrats at naging maganda ang 2009 sau. share mo naman saming mga online friends mo. :)