Saturday, August 30, 2008

Joke Time



Para naman medyo gumaan ang paki ramdam natin...mabulunan sana mag comment ng corny...joke!


Prospective Employer to Applicant: ' So why did you leave your previous job?'

Applicant: ' The company relocated and they did not tell me where!'


Misis: Darling, ano ang tawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?

Mister: Guni-guni!


Nanay: Ano 'tong malaking zero sa test paper mo?

Anak: Hindi po 'yan zero, 'Nay. Naubusan lang ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang 'yan, 'Nay, promise!


Kapag may kaaway ka, tandaan mo....dito lang ako... dito lang talaga ako...tapos dyan ka lang, wag kang pupunta dito! Baka madamay ako.


Juan:Birthday ng asawa ko...

Pedro:Ano regalo mo?

Juan:Tinanong ko kung ano gusto niya.

Pedro:Ano naman sinabi?

Juan: Kahit ano basta may DIAMOND.

Pedro: Ano binigay mo?

Juan: Baraha.

Wednesday, August 27, 2008

Actress Zorayda Sanchez is dead


One of the better comediennes I know. I used to see her sa may Crossing (Mandaluyong). Plain looking and very down to earth. She didn’t want to be recognized. Nag je jeep lang cya going somewhere.

I must commend her sa pagapapalaki nya sa anak nya who is now a medical student at UP (UP, really rocks!). She singlehandedly raised her child well while doing some writing, acting and teaching jobs. I wish I’ve known her personally.

My condolences to her family. She’s in a better place now.

****
Reports reaching abs-cbnNEWS.com say that veteran comedian, actress and writer Zorayda Sanchez has passed away.


One report said that Sanchez had been suffering from breast cancer for some time. Her wake is reportedly being held in Angono, Rizal.


Sanchez became a popular comic icon in the 1980s when she became a mainstay in the TV gag show "Goin' Bananas" which starred actors Christopher de Leon, Johnny Delgado, Jay Ilagan, Edgar Mortiz and Al Tantay.


Sanchez along with another comedian, Whitney Tyson, became household names as the gags emphasized their unconventional looks--Sanchez for her facial features and Tyson for her dark skin.


Sanchez was also a writer, stage actress and university professor. She also starred in several movies, mostly comedies, including the iconic "Bagets" movie where she played a teacher.


Her film credits include: "Feel na feel" (1990); "Hotdog" (1990); Tiyanak (1988); Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting (1988); "Bakit kinagat ni Adan ang mansanas ni Eba" (1988); Ready, Aim, Fire (1987); Takot ako eh! (1987); Working Girls 2 (1987); and Bagets (1984).

Source: abs-cbnNEWS.com

Tuesday, August 26, 2008

Recipe: Chicken with Sweet Soy Sesame Sauce


Ok.Imbento ko lang tong recipe na to. I have the original recipe but I lost it. Nabili ko na yung mga ingredients kaya wala ng urungan, do or die. Sayang yung mga binili ko kung mauuwi lang sa walang kamatayan na Adobo yung chicken. Pacham lang tong luto na to kaya tantya tantya lang mga ingredients


Ingredients:

Chicken, about half a kilo (good for 2 persons)
Soy Sauce, about half a cup
Worcestershire sauce, about 2 tablespoon (be careful about this kasi strong ang flavor nya, you may reduce the quantity to 1 tablespoon kung hindi nyo type)
Oyster sauce, about 1 tablespoon
Garlic powder, about 1 teaspoon
Brown sugar, ¼ to ½ a cup (depende sa panlasa nyo)
Sesame seeds
Sesame oil
Cornstarch
for thickening the sauce
Mixed veggies (optional lang, pampacute). I used brocolli, carrots, green peas, corn and baguio beans

Procedure:

Fry chicken until golden brown. While frying the chicken, mix the sauces – Soy sauce, worcestershire, oyster and brown sugar. Basta dapat kalabasan nya medyo matamis, kaya nga sweet soy sesame sauce. Pag iba kinalabasan, itapon nyo na. Mag fried chicken na lang kayo.Hehehe. Set aside the sauce.

Pag luto na yung manok, bring the sauce to boil sa isang sauce pan. Mga 2 to 3 minutes. Tas ilagay yung garlic powder, then the cornstarch mixed with little water to thicken the sauce. Tas after nun ilagay yung sesame seeds and the chicken tas drizzzle with sesame oil.

Serve it with the pampacute mixed veggies kung gusto nyo tsaka rice.

Trivia: Pag pawisin ang kamay mo, wag kang kakain ng brocolli or konting serving lang. Nabasa ko lang somewhere.


Enjoy!

Monday, August 25, 2008

Bring back the 90s







Thank God it’s Sabado VS Gimik

TGIS: Bobby Andrews, Angelu de Leon, Rica Peralejo, Onemig Bondoc, Raven Villanueva, Red Sternberg, Ciara Sotto & Michael Flores.

Gimik: Judy Ann Santos, Rico Yan, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Deither Ocampo, G Toengi, Mylene Dizon, Bojo Molina, Diego Castro & Patrick Garcia.

TGIS & Gimik were both youth oriented and themed shows. Mga 1990s cya pinalabas, I was in college then majoring already.

It’s all about barkada and friendship and all the fancy and complicated things involved in growing up. Teenage hormones personified. Young love, puppy love, youth problems and vices, tambay, awayan, kulitan. Here’s a group of people trying to solve the complex youth problems on their own.

Mas nagustuhan ko nung una yung TGIS and nauna ang TGIS sa pagpapalabas. Aliw ako sa Peachy-Wacks tandem aka Pancake-Cookie love affair. Ayoko kasi nung una kay Juday. Ok sana yung initial casts except Juday. Parang there’s something baduy in it. Juday kasi is fresh from the Mara Clara days that time tas biglang nilagay sa ganun show. Role pa ni Juday e mayaman. Sanay akong mahirap ang role nya kaya nabaduyan ako. Dati yun ha. I so so love Juday now.

I switched to Gimik nung nawala na si Juday (she’s bound to do another teleserye that time ata kaya she was pulled out). Tsaka medyo na OA yan na ko kina Wacks and Peachy. Growing na rin kasi yung casts ng Gimik nun, Marvin and Jolina added and some younger artistas like Kaye Abad.

I love the concept; it made me appreciate my barkada more. We even saw ourselves sa kanila.

Saturday, August 23, 2008

Thought for the day

When women talk, men should listen. Especially if the woman is your mom.

Wednesday, August 20, 2008

When in Doubt, Masturbate...



Warning: If you’re below 13. Please don’t attempt to read. Portions in here contain some lessons you shouldn’t know by now. Go back after a year or two, to be safe. I don’t want to see your parents nagging me here.


There are a lot of really good reasons why.Here’s some:

For married guys especially, instead of committing adultery, this is safer. Saves you from being kicked out of the house in the wee hours of the night. For guys in relationship, this will keep you faithful (Semper Fidelis!). Its also guilt free.



For health reasons, we can never tell if a person carries sexually transmitted diseases by staring at her boobs or her butt. It will also prevent you from spreading it!


No costs involve. You don’t have to go the motel or pay a prostitute or buy some flavored condom. You don’t have to go out of the house either; bathroom is just a few steps away.Hahaha.
Its chismis safe, you can never go wrong. Hahaha! Keeps the neighbors’ eyes away and mouths shut.


Effective way of family planning without having to withdraw or use contraceptives.Aw!



Well, girls can also do the same (suggestion lang at bawal ma offend). Instead of fooling around, this actually might help for both parties.

I think psychologists/psychiatrists would agree on me about this but definitely not the church people. I don’t care about them anyway.

There are still so many reasons I can think of but I need to end this up. The bathroom is enticing me.HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Tuesday, August 19, 2008

Joey de Leon and Pokwang



Pag si Joey de Leon ang tumitira ok lang, pag siya ang natitira hindi ok.

Sign of a good man ba yun? I don’t think so. Not even a sign of a morally upright person.

He is not goodlooking as well, mukha rin cyang aswang.

Atleast si Pokwang aminado cya dun, si Joey hindi. Wala ata silang salamin sa bahay o hindi cya tumitingin sa salamin. Natatakot sa sariling reflection.Ayus!
We can always tell kung may laman ang utak ng isang tao with the way he talks.Really.
Key word: Respect!

Sunday, August 17, 2008

Ang Inlove na Pinoy!


The cheesy and mushy lines direct from a loving pinoy’s heart. In one way or another, I’m sure makakarelate kayo dito, because I did. Feel free to listen to what your heart says. Baduy but its classic. Who knows may bumenta sa inyo or sa minamahal nyo.


Tanga daw ako kapag pinakawalan pa kita. Gago ako kapag sinaktan kita. Baliw daw ako kapag pinagpalit kita. E sira-ulo pala sila! Paano ko gagawin yun? Akin ka ba?

Isang araw, may magtatapat sayo. Sasabihin niya, "Alam mo, mahal kita." At kapag dumating yung araw na yun na magtapat sha sayo, promise mo sa akin na di mo ako pagtatawanan ha?

Kung noon pa sinabi ko na, sana kasama na kita. Kung noon pa sinabi ko na, sana tayo na talaga. Ngayon alam mo gusto kita, pwede pa ba? Hindi na siguro dahil sabi mo, "Noon sana…"

Diba ang hirap kapag nami-miss mo yung isang tao, gusto mo shang makasama pero wala kang magawa? Yung tipong gusto mong sabihin kung gaano sha kahalaga sayo pero maiisip mo na lang bigla, "Pwede pa kaya?"

Masakit masaktan at alam mo yun. Pero bakit ganon? Habang tumatagal, kapag naiisip kita, lahat nag-iiba. Ayos lang na humanap ka ng iba. Wag mo lang sasabihin sa akin na mas mahal mo sha.

Dati masaya kahit malungkot mag-isa. Sumaya ako ng dumating ka, pero iniwan mo ko. Mas masaya pala yun, malungkot na nag-iisa kaysa malungkot ako na iniisip ka.

Kapag namatay ako, isa lang ang hiling ko, sana nandoon ka at umiiyak. Pero wag na lang siguro. Bakit? Nandoon ka nga at umiiyak, kasama at kayakap mo naman sha.

Nung dumating ka sa buhay ko, akala ko ikaw na. Kaya iningatan at minahal kita ng sobra. Nawala ka pa rin. Akala ko bigay ka na sa akin ng Diyos. Di pala. Pahiram ka lang pala niya.

Sinabi ko sa sarili ko, lilimutin na kita. Pinilit ko, masakit. Ginawa ko, mahirap. Anong gagawin ko? Tumakbo? Magtago? Saan? Maliit lang mundo ko. Umiikot lang sayo.

Minsan nakakasawa kapag lagi shang nandiyan. Minsan nakakasakal kapag lagi shang concerned. Minsan nagsasawa at nasasakal ka na sa kanya. Pero paano kapag minsan wala na sha? Magiging masaya ka ba?

Bakit ka ganyan? Minahal kita pero mahal mo sha. Mahal mo sha pero ginago ka niya. Sana pala, ginago na rin kita. Baka sakaling mahalin mo rin ako diba?

Alam mo kahit hindi ka akin, ayoko pa ring mawala ka, kasi mahal kita. Kaya nga minsan natatakot ako kapag may kasama kang iba. Pakiramdam ko kasi parang napaka-imposibleng di ka rin nila mahalin.

Sabi nila di natin alam kung kailan tayo mamamatay pero sabi ko, ako alam ko kung kailan ako mawawala sa mundong ito. Kapag wala na ang mahal ko sa buhay ko.

Di ko alam kung kailan mo ako kayang mahalin. Baka di ko mahintay, baka di ko maabutan. Pero ngayong minamahal kita, isa lang lagi ang tanong ko, mahirap ba talaga kong mahalin?

Bakit ba napakasakit magmahal? Dahil ba nagpapakatanga ka na nga't lahat, wala pa rin? Nagpapakagago ka na nga, ganon pa rin? Nagpapakamartyr ka na nga, di ka pa rin pinapansin? O yung nasasaktan ka na nga pero mahal mo pa rin?

I often wonder why things didn't work for the both of us. Patience? Super haba! Time? Di nagkulang! Trust? Oo naman! Love? Sobra-sobra! Pero teka, was there a both of us o ako lang?

If you find someone else, just go on and be happy. You don't need to think about me and worry. You'll never hear anything from me. I'll never say anything. I'll just whisper to myself, "Ang sakit!"

Sometimes I feel bad, I feel sad and even feel mad. But when I realize that I have you in my life, wala lang! I just smile and say, "Grabe, ang sarap mabuhay."

Never say wala kang kwenta, kasi para sa akin, special ka. Never say I don't care, kasi I'm always wondering if you're ok. And never say di kita naalala, kasi sa mga oras na 'to, iniisip kita.

I really want to be close to you. Close enough that in time, I'll just look into your eyes and without saying anything, you know I'm saying something like: "Dito ka lang, ayokong mawala ka."

When you feel tired and down and there's no one you can turn to, turn to God. But I know he'll just tell you, "Bakit ka sa akin lumalapit? Kaya ko nga binigay sayo si __________."

Bakit kung kailan gusto mong sabihin, kung kailan gusto mo nang iparamdam at ipakita na mahal na mahal mo sha, tsaka sha aalis at sasabihing, "Sorry ayoko na. May iba na ako."

Nanaginip ako kagabi, naluha nga ako kasi sabi sa panaginip ko di mo raw ako mahal. Tapos nagising ako at natawa. Naalala ko kahit nga pala sa totoong buhay, di mo pa rin naman pala ako mahal.

Minsan may nagtanong sa akin, "Nagmahal ka na ba?" Sabi ko, "Shempre naman, maraming beses." Nagtanong ulit sha, "Nasaktan ka na ba?" Naisip kita tapos sabi ko, "Oo, sobra."

Sabi ko nung umalis ka, "Matibay ako." Sinabi ko din, "Ok lang yun! Paki ko ba?" Pero isa lang ang problema ko, sabi kasi ng puso ko, "Uy gago! Kahit anong gawin mo, talagang mahal mo yun!"

Sometimes I wonder what might have been if we're not together. I might be just alone, but free to be with anyone. No rules, no do's and don'ts. But you know what? Mas gugustuhin kong maraming hirap basta nandiyan ka.

Nakakapagod noh? Lalo na kapag ginawa mo ang lahat para sa taong mahal mo, pero di ka pa rin niya mahal. Pero mas nakakapagod kung di ka na nga niya mahal, e sinasaktan ka pa niya.

Bakit ang tao…kapag love mo, iiwan ka. Kapag naman iniwan mo, mamahalin ka. Kapag love mo shang talaga, may love namang iba. Bakit ganon ang tao? Ang gulo noh?

Mas masarap ang umasa na isang araw, mamahalin ka rin ng mahal mo. Dahil sa bawat pagkakataon na nalalaman mong may mahal shang iba at di ikaw, diba sagad hanggang buto ang sakit?

Masama ang loob mo ng naging sila. Pakiramdam mo niloko ka niya. Wala ka namang karapatan diba? Sa totoo lang kasalanan mo lahat kasi torpe ka! Itanong mo sa sarili mo, "Nasabi ko ba sa kanya?"

Ano ba 'to? Ikaw na naman iniisip ko! Kaya ang hirap makatulog sa gabi e! Di kita makalimutan. Pero nakakatulog din ako. Alam mo kung paano? Sinasabi ko, "Tanga! May mahal na yun! Tulog ka na!"

Sabi ko noon, buti na lang di ko sinabi sayo na mahal din kita at least lumayo ka man, I still have my pride with me. Pero mali pala ako. Sana pala inamin ko na sayo ang tunay kong nararamdaman. Baka sakali hanggang ngayon mahal mo pa ako at nandito ka sa piling ko.

Gusto kita, alam mo ba? Hindi? Tanga! Miss kita, pansin mo? Hindi? Tanga! Love kita, halata ba? Hindi? Tanga! May mahal ka kasing iba. Ay! Ako pala tanga!

Kahit ano palang gawin ko, baliwala na, kasi nandiyan na sha. Kahit ano palang sabihin ko, walang kwenta, kasi meron ka nang iba. Pero alam mo, kahit ganon kasakit, nandito pa rin ako para patunayang dapat ako ang pinili mo.

Diba masakit kapag inagawan ka? Diba masakit kapag niloko ka? Diba masakit kapag pinaasa ka? Pero mas masakit kung umiwas sha kahit na ramdam na ramdam mong mahal ninyo ang isa't isa.

I saw you one day, you were crying. I came up to you and asked why tears fell on your face. You said, "Walang nagmamahal sa akin." Ump! Inumbagan nga kita! I said, "Anong tawag mo sa akin?"

Bakit ganon? Alam mong mali pero di mo magawang itama. Alam mong bawal pero andyan ka pa rin. Nakadapa ka na ayaw mo pa ring bumangon. Kailan nga ba magiging tama ang mali sa pag-ibig?

· Alam mo, mahal kita. Gulat ko noh? Matagal na yun. Manhid mo kasi e! Ay, di pala! Busy ka lang sa kanya. Ok lang, I understand. Friend mo naman ako e, friend mo lang.

I don't want to see you happy for a moment, but always. I never want to see you crying even for just a second. But if it's the only way to ease the pain in your heart, wag ka pa rin iiyak, ako na lang.

Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, matututo kang pakawalan sha. Kung sayo, sayo. Kung hindi, hindi. E paano ko iisiping pakawalan ka? E ikaw nga yung dahilan kung bakit ako nagmamahal.

Kahit anong tindi ko magdasal, isa lang akong sirang nangangarap sayo. Alam ko na di mo ko mahal at di ka magiging akin. Isa kang panaginip na di ko maabot kasi lahat ng pinapangarap mo, kahit kailan, di magiging ako.

Akala ko kaibigan ka lang talaga. Hindi ko napansin unti-unti na akong napamahal sayo. Tanga ko! E may mahal ka namang iba! Hindi bale, habang buhay na lang akong magpapakatanga.

Sunday, August 10, 2008

Friendship, the Green Archer way!

Nagsimula ang lahat sa eskwela
Nagsama-sama'ng labing-dal'wa
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi maawat sa isa't isa
Madalas ang istambay sa cafeteria
Isang barkada na kay saya
Laging may hawak-hawak na gitara
Konting udyok lamang kakanta na
Kay simple lamang ng buhay noon
Walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung
Saan na napunta ang panahon
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon?
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon?
Sa unang ligaw kayo'y magkasama
Magkasagwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
O kay sarap ng samahang barkada
Nagkawatakan na sa kolehiyo
Kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita
Pagkakaibiga'y hindi nawala
At kung saan na napadpad ang ilan
Sa dating eskwela meron ding naiwan
Meron pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka-miss ang dating samahan
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na nga ba'ng barkada ngayon?
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na nga ba'ng barkada ngayon?
Ilang taon din ang nakalipas
Bawat isa sa ami'y tatay na
Nagsusumikap upang yumaman
At guminhawa'ng kinabukasan
Paminsan-minsan kami'y nagkikita
Mga naiwan at natira
At gaya noong araw namin sa eskwela
'Pag magkasama'y nagwawala
Napakahirap malimutan
Ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang kung ilang taon
Magkabarkada pa rin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan
Magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan
Magkabarkada pa rin ngayon
****
Says it all guys!
Dedicated to the LSGH boys: Edgar Allan, Cris Herbert, Ferdinand Rhyan, Edwin Rommel, Amiel Noli, Gerald Jay, Jeoffrey, Rouel, Noel, Marco Antonio and Aldrin - I terribly miss the Friday Night Gathering, the talks, the never-ending laughs & drinks, the serious moments, the good old days at syempre ang bawat isa sa inyo. Cheers to the 17 years of friendship, the green archer way!

Tuesday, August 5, 2008

Philippine All Stars Wins Gold in 2008 World Hip Hop Championships


Philippine All Stars bested more than 1,000 dancers from 33 countries by winning the title in the 2008 World Hip-Hop Championship in Las Vegas, Nevada Sunday, August 3, 2008.


Three judges gave the Philippine All Stars an aggregate score of 8.94. A large part of the score (5.35) was earned by way of the group’s infusion of artistic steps in their choreography.


And to that, competition judge and multi-Gramy awardee MC Hammer said: “The Filipino artists…they continue to evolve in a global basis. They take art and dance seriously.I am very proud of the level that the Philippines over all have developed into.”


Judge Shane Sparks of the hit tv show So You Think You Can Dance also had high praises for the group.


Source: Starmometer.com


Video Link: http://www.youtube.com/watch?v=xNRR9rdIcag (semi-final round)