It’s always nice to spend the weekend with family. Kahit marami at magulo, walang makakatalo sa saya na dulot ng pamilya. Spent the long weekend at the family hacienda resthouse in Tarlac then drove all the way to Bolinao, Pangasinan for some bitch beach life. I miss Cairo tuloy, pero ok lang kasi enjoy naman daw cya with his prodigal mom. Dahil nag eenjoy cya, sinabi ko na lang na sa prodigal mommy na lang nya cya tumira. Nainis, ayaw nya. Ibig sabihin mas love ako ng anak ko kesa sa prodigal mommy nya.Hehehe. Anyway, I’m looking forward to spending another fun-filled time with family and my son, next time.
Bakit ganun? Nakakaiyak mag perform si Jovit Baldivino ng Pilipinas Got Talent. Hindi naman nakakaiyak yung kanta nya pero yung way ng pagkanta nya iba. Alam mong kumakanta cya hindi para manalo, kumakanta cya dahil yun ang gusto ng puso nya. Ang sarap makakita ng tao na determined abutin ang pangarap nya no matter what.
Smitten na naman ako sa old songs after Jason Mraz. Ewan ko ba kung bakit old songs ang hilig kong pakinggan. Siguro dahil nakakarelax cya or dahil old songs palagi ang pinapatugtog ng parents ko sa bahay lalo na pag weekends. Basta meron something sa old songs na gusto ko. LSS ko ngayun si Petulah Clark lalo na yung kanta nya na “Downtown” which reminds me of downtown Pasig.
Nostalgic ang pagbalik ng Gimik sa TV. I spent teenage college days watching these teen themed flicks( TGIS and later Gimik). Feeling pa nga namin dati (ng mga tropa ko dito sa subdivision bahay) e mala gimik/tgis din ang dating namin. The gimik casts who used to battle teenage life problems are now back to face the ups and downs of adult life. The teens we loved now face a much tougher and more serious phase in their lives.
Akala ko ako lang ang nakapuna ng mga bloopers sa Tanging Yaman. Napuna din pala ni Gillboard (may bayad ang advert, ok?). Si Rosaleee kasi fan ng Tanging Yaman kaya minsan napapanood ko. Kung gusto mong matawa, recommended ang Tanging Yaman sa dami ng mga nakakagagong eksena. Sana isipin/reviewhin muna mabuti ng director/writers yung mga eksena bago nila ipapalabas kasi nagrereflect sa kanila yung kalidad ng programa na meron sila.
Back to reality again, kailangang mag doble trabaho para pang school ni Cairo and my two World Vision sponsored kids. Medyo malaki din ang gastos kaya dapat paghandaan. Nga pala, kung naghahanap kayo ng “non-traditional” school para sa anak/pamangkin/kakilala nyo gusto ko sana i-recommen ang school ni Cairo. Free advertisement po ito, promise. Check nyo lang dito. Kung may gusto kayong malaman personally about the school or may tanong kayo, I can answer some.
Election na next week. Gordon-Roxas pa din ako, sa UP mock polls sila rin ang nanalo. Sa senatoriables, based sa nakita kong sample ballot ay parang hindi ko mapupuno yung lahat ng slots. Parang 95% e mga patapon at nanggugulo lang. So circus. When will this stop? Hayyy. Vote wisely and intelligently. Baka hindi na kayanin ng Pilipinas ang isa pang walang kwentang gobyerno.
10 comments:
sobra mo akong pinapahanga kuya dom sa mga nabasa ko rito
manila waldorf school si cairo (tambling hanggang sulu)...mahal nga siya!
anyways, siguro after electiosn, mapapagburn kita ng kopya ng hinihingi mo..ayoko po na isend through email. gusto ko ipadala sa iyo as dvd. :)
May 100 old songs ako sa collection ko. Hehehe.
nakalimutan ko... di ka pala heredero, haciendero ka nga pala... hahaha
meron pa sana ako sasabihin... pero saka na lang.. lam mo na yun... hehehehe
ang kapal magpabayad!!! di mo nga ako binili ng keychain galing NY!!! oo di mawawala bitterness ko dun! =P
huli na lang... sino kaya sating dalawa ang senti?! gimik? old songs? downtown? tong post na to parang summarized version nung usapan natin nung isang araw ah!!! hehehe
old songs ba kamo? gaano ka-old ang trip mo? may alam ako from 1916. http://www.firstworldwar.com/audio/ifyouweretheonlygirl.htm
medyo may scratches nga lang yang tunog kasi luma nga :D
wow vacation time ka pala papa dom. sayang wala si cairo. natawa ako sa part na natuwa kang mas pinili ka nya dahilsa pag reverse psychology mo hehe :)
anyways, sana si Jovit Baldivino ang manalo ano. I think he deserves it. emote din ako pag kumakanta sya. di ko lang type ang make up nya nung last performance sya. silver ata ang kulay :)
gimik.... yan ang pinaka-peborit ko alongside tabing ilog (ayoko ng TGIS)
haciendero ka pala... TARLAC pa... hmmm
it's AQUINO-BINAY for me... nasabi ko na rin... ehhehe
@ Anteros, meron lang dahilan bakit dyan cya sa school na yan.
@ Mugen, penge!
@ Gill,tange ako eversince yan na hilig ko, nde lang sumesenti
@ Carlotta, yeee! Thanks sa link.
@ Daddy's boy lang talaga yun. No choice cya dahil ako nagpalaki sa kanya.
@ Chinggoy, nde ako haciendero, joke lang yun.wag maniwala. ayoko kay Binay, ewan ko basta nabu bwisit ako pag nakikita ko pagmumukha nya
napapa ohh ako dun ah.. hehe
maghapon nga lang akong nasa ofis miss ko na rin ang red ko. lalo na cguro pag ilang araw na nawalan ang anak mo sau.
naluluha rin ako pag nagpeperform si jovit.nakakatindig ng balahibo.
masarap kantahin ang old lovesong pag nagvivideoke habang nag-iinuman.
may gimik pala ulet? fave ko dun ung character ni mylene dizon. ay hindi pala si mylene dizon pala hindi ung character nya.
di ako nanonood ng tanging yaman.
ang mahal ng school ni cairo pang anak ng mga haciendero gaya mo.
im thinking of changing my vote from the yellow team to green team. marami lang realization lately. pero for sure binay ang vice ko.
@ Kuri, medyo mahal nga cya pero worth every single money naman cya kasi makikita mo talaga yung growth and change ng bata.
Post a Comment