Saturday, November 27, 2010
Domjullian's Playlist 032: Radio Romance
Isa sa mga naging parte ng buhay kabataan ko. Eto lagi pinapakinggan ko:
1. pag nag aaral ako sa gabi. pantanggal stress para madaling maintindihan ang pinag aaralan at nirereview.
2. may overnight group study with classmates. pamparelax dahil sa never ending arguments.
3. emo mode. sumesenti pag gabi.
4. dahil di pa sikat noon ang wrock na naging favorite ko after mawala nyan.
Thursday, November 25, 2010
Of Archbishop Cruz and jueteng
Not a fan of the man pero noong pinananood ko yung Che-che Lazaro Presents: Mga Anak ng Jueteng, I saw the point he was trying to make. I find him funny, in fact, I guess, he finds himself funny too, sometimes laughing at himself with what he's saying. But surely, he got his point across. For me. Honest and clever, this priest.
Archbishop Cruz: According to Senator Pimentel (pertaining to Pampanga), that's the Vatican of jueteng and I agree, up to now. I think he had a prophetic vision. Lubao is the St. Peter's. (Laughs hard). Sorry ha.
Archbishop Cruz: Ako na ang nagsabi, ako pa rin ang magpapatunay? E ikaw? Anong gagawin mo? Binubwenas ka. Ilang milyon ang intelligence fund mo? Nasa iyo ang PNP, nasa inyo ang NBI, nasa iyo yung whatever ek-ek. Ano ka? Umalis ka na lang dyan, palit tayo. Lahat ng tubero, barbero, sorbetero, lahat alam kilala kung sino ang jueteng lord sa lugar nila, pero sila hindi nila kilala.
Che-che Lazaro: Bakit sa palagay nyo po hindi masugpo ang jueteng?
Archbishop Cruz: Pera. Judas started it all, my dear
Che-che Lazaro: 30 pieces of silver.
Archbishop Cruz: Yes mam. Then killed himself. But these people, that's the last thing they will do. (burst into laughter).
Archbishop Cruz: And don't tell me jueteng does not kill.
Che-che Lazaro: It does?
Archbishop Cruz: It does. The moment, for example you did not make intrega, you're done. You are a collector?, you're gone. And the moment you violate the norm of territory, you're gone.
Archbishop Cruz: Just because you cannot stop it, you legalize it. What's next? You'll legalize drugs? You'll legalize prostitution? Just because you cannot leak it, you say it's according to the law. Oh c'mon, nakakahiya naman yon.
Tuesday, November 23, 2010
Saturday, November 20, 2010
Been there
My Lakbayan grade is B-!
How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!
Created by Eugene Villar.
Tuesday, November 16, 2010
Family Humor 008
Scene: sa isang toy store, tinawagan ni Rosaleee ang nanay niya using her mobile (take note, tinawagan, mayaman!, super lakas ng boses, dinig hanggang samen.
Rosaleee: Mama, meron na bang tau-tauhan na laruan si Francis (her nephew)?
Paused for a while, listening to her mom.
Rosaleee: Tau-tauhan! Yung Daffy Duck, Donald Duck?! Ganun!
Cairo: Dad, tao ba si Daffy duck?
Domjullian: &5*)&%!# mo! Tau-tauhan daffy duck, donald duck? tao ba yon? ha? ha? ha?
Rosalee: Ano ba dapat? Sponge bob?
Sarap lang iwan.
Sunday, November 14, 2010
Recipe: Brocolli and Bacon Soup
Ingredients:
Brocolli
Bacon
½ cup of cheddar cheese
2 cups of fresh milk
Parmesan Cheese (optional)
Butter
Salt
Pepper
Garlic
Onion
Cornstarch dissolved in cold water
Procedure:
1. I-caramelize yung onion using the butter. Mahinang apoy lang para hindi masunog yung onion. Isunod na ilagay yung garlic.
2. Ilagay yung bacon at igisa for 2 minutes.
3. Ilagay ang milk, cheddar cheese at konting parmesan cheese.
4. I-boil sa mahinang apoy. Pagkulo, ilagay ang broccoli at lutuin hanggang malambot.
5. I-mash ang broccoli at timplahan gamit ang salt (kung di pa maalat) at pepper.
6. Ilagay ang cornstarch para maging malapot at pakuluan for another 3 minutes.
7. I-serve with sprinkled parmesan cheese and your favorite cracker or roll.
PS: Congrats Pacman! There can be no arguing, you are the boxing king! I will like you more if you will not run for higher position next year, really!
PS: Congrats Pacman! There can be no arguing, you are the boxing king! I will like you more if you will not run for higher position next year, really!
Tuesday, November 9, 2010
Recipe: Egg Noodles with Longganisa
Experiment ko lang ito pero masarap ang kinalabasan.
Ingredients:
Skinless Longganisa, cut into small pieces
Dry flat egg noodles about ½ cm width, cooked according to package direction
½ cup of oyster sauce
Fresh milk
Brocolli
Roasted peanuts
Roasted peanuts
Garlic
Onion
Salt
Pepper
Water
Procedure:
1. Pakuluan ang longganisa at hayaan na maluto sa sariling mantika.
2. Pag luto na ang longganisa, igisa ang onion and garlic for 2 minutes.
3. Lagyan ng ¼ cup to ½ cup of fresh milk. Depende sa gusto nyong dryness.
4. Ilagay ang cooked egg noodles at timplahan gamit ang oyster sauce, salt and pepper.
5. Hayaang mag evaporate yung liquid. Ilagay ang broccoli at roasted peanuts at i-stir fry for 3 minutes.
6. I-serve ng mainit.
Sunday, November 7, 2010
Thursday, November 4, 2010
The highschool bestfriend
Una ko siyang nakilala noong first year highschool kami, transferee siya. Classmates kami pero hindi ko siya gaanong pinapansin, magkaiba kami ng circle of friends.
Third year highschool, naging kaklase ko ulit siya. Hindi ko matandaan paano nagsimula ang pagkakaibigan namin pero masaya ako dahil hindi ko inakala na hindi pala siya yung taong inakala ko dati na mayabang ay down to earth pala at kwela. Nagkaroon kami ng instant connection.
He was the student council vice president and a consistent class officer. Meron siyang “masa” appeal, may charm sa mga kapwa estudyante na wala ako.
Naging tamabayan ko ang bahay nila dahil malapit lang sa school. Doon ko din nalaman lahat ng tungkol sa kanya. Parehas na high ranking officials sa PNP ang magulang niya. Apat silang magkakapatid, bunso siya at unico hijo.
Naging partner in crime kami sa panliligaw at pambobola sa mga chickas. May pagkachickboy si bestfriend, meron siyang record na pinanghahawakan pagdating sa mga babae, ako ay record holder sa pagiging torpe.
Andoon siya noong una akong nabasted ng nililigawan ko, sinama niya ako sa kanila dahil wala ako sa wisyo sa sobrang kalasingan. Takbuhan din niya ako sa di mabilang na heartbreaks niya.
Kinukunsinte ko siya pagdating sa kalokohan. Ako ang nagtatakip sa kanya sa parents niya kapag kailangan, walang reklamo.
Adopted son ako sa bahay nila at siya sa amin. Kasama ako sa pangaral nila tito at tita kapag sinesermunan siya.
He went to UST for college, sa ibang school naman ako pero hindi doon natapos ang pagkakaibigan namin. Parati pa rin akong nasa kanila kapag may mga okasyon. Hindi nila ako nalilimutang imbitahin, ako din sa kanya.
Ako pa rin ang takbuhan niya tuwing kailangan niya ng excuses, pinagtatakpan ko pa rin siya even after highschool. Drinking buddy sa lahat ng problema.
Mahilig kaming kumain at mag gala. Dyan kami magkasundo. Buddy-buddy kami sa mga fiesta o kahit anong kainan man yan.
Nasa 3rd year college kami noong bumalik ulit ang sakit nya. For the longest time, akala ko completely healed na siya, nagkamali ako. Pero I felt no emotion dahil alam kong gagaling ulit siya. Hindi yun ang first time niya, immune na siya dahil simula ng magkaisip siya, taglay na niya yung sakit na yon.
Mas tumibay ang samahan namin dalawa. Most of the time, nandoon ako para sa kanya para suportahan siya. Ako ang number one fan niya noong sumali siya ng battle of the bands. Gitarista siya.
Mas maraming kalakohan pa. Kahit skinhead na siya, nalagas ang kilay at namanas ang katawan dahil sa gamot, hindi siya tumigil sa buhay. Pinagpatuloy ang nakagawian. Rock en roll pa din.
April 1995, we celebrated his last official birthday sa ospital. Nag overnight ako kasama ng family niya, hindi kami nag-usap. Hindi ko kayang tanggapin kung ano man ang sasabihin niya sa akin ng masaya gaya ng gusto niya. Hindi ako umiyak, hindi rin siya umiyak, infact I never saw him cry kahit isang beses. Pero alam ko nahihirapan siya.Umuwi ako kinabukasan, hindi ko na siya hinintay magising, hindi ako nagpaalam sa kanya dahil alam kong hindi pa naman yon ang huli naming pagkikita.
June of 1995, tinawagan niya ako, may post birthday celebration siya. Sinabay sa birthday nung isang ate niya. Pumunta ako, masaya siya. Malayo sa imahe na nakita ko sa ospital nung nag overnight ako. Naka bonnet na para itago ang kayang skinhead.
Naging busy ako sa school pagkatapos noon, yun ang huli naming pagkikita na buhay pa siya. Nagtatawagan lang kami sa telepono para magbalitaan. The last time na tumawag ako sa kanila, si tita ang naka-usap ko, wala ng energy si bestfriend para hawakan ang telepono. Sinabi kong dadalaw ako sa November 2 sa kanya pero last minute change, bumagyo noon kaya di ako nakalabas ng bahay.
November 4, 1995 ala-sais ng umaga. Ginising ako ng mommy ko dahil may tawag sa telepono. Yung tropa namin na teacher namin sa Filipino noong highschool. Sinagot ko ang tawag kahit ayaw ko dahil sobrang aga pa at inaantok pa ako. I then heard the bad news. Around 3 am that day, he passed away.
Cool pa ako noon, I went back to sleep dahil sa sobrang antok. Akala ko naginip lang ako so tinawagan ko ulit si teacher para mag confirm. Totoo nga, hindi ako nananaginip.
Wala na si bestfriend, wala yung taong kasama kong tumawa, manlait at kumain sa mga jologs na kainan (rich kid si bestfriend). Wala na yung taong nakakaintindi sa akin at nakaka-usap ko ng matino at seryoso. Naguilty ako dahil hindi ako nakadalaw sa kanya noong araw na sinabi kong dadalaw ako. I could have said my final goodbye. Sobrang sakit.
Others may find it weird pero eversince mamatay siya for the past 15 years, parati ko siyang dinadalaw sa sementeryo tuwing birthday niya, death anniversary at pasko. Wala pa akong na miss since then (kasi baka ako ang dalawin nya pag nakalimot ako). That’s the least that I can do to thank him for the awesome friendship.
Its been 15 years since he died of leukemia. He will remain as one of my bestfriends till life after death.
See you in heaven!
Tuesday, November 2, 2010
Recipe: Lomi ala Dom
Ingredients:
Dry flat egg noodles about ½ cm thick
Pork cut into cubes
Chicken liver, boiled then cut into cubes
¼ cup light soy sauce
Carrots cut into strips or sticks
Cabbage shredded
¼ cup shrimp, peeled and devained
Garlic, minced
Onion, minced
Cornstarch dissolved in cold water
2 eggs, beaten
Pork broth around 3 cups
Salt
Pepper
Oil
Procedure:
1. Pakuluan lang yung pork hanggang malambot na, mag reserve ng 3 to 4 cups of broth.
2. Mag-gisa ng onion and garlic for around 2 minutes sa oil, ilagay ang pork and liver at igisa for another 3 minutes.
3. Ilagay ang broth at hayaang kumulo. Pagka kulo, ilagay ang noodles at hayaan na maluto.
4. Ilagay ang soy sauce at timplahin according sa panlasa gamit ang asin at pepper. Ilagay ang shrimps, carrots at cabbage.
5. Ilagay ang cornstarch para maging malapot yung sabaw at isunod ang beaten eggs.
6. Hanguin at i-serve after kumulo.
Subscribe to:
Posts (Atom)