Thursday, March 15, 2012

Domjullian's Top 10 Feeling Moments

1. Yung feeling na taeng tae ka na at nagmamadali ka makapunta ng CR tapos isang mahaba at malakas na utot lang pala. Sakit sa tyan mode.


2. Yung feeling na tuwang tuwa at ganado ka mag present sa clients dahil lahat sila nakatingin at nagagalingan sayo only to find out na bukas pala zipper ng slacks mo. Hello world mode.


3. Yung feeling na aatras ka sa parking lot todo apak sa gas, yun pala hindi mo nalagay sa reverse ang kambyo. Salpok sa pader. Sorry my boknay mode.


4. Yung feeling na nananaginip ka na umiihi tapos maya maya makakaramdam ka ng mainit at basa sa kama mo. Ewww mode.


5. Yung feeling na excited ka makita at isang dating kakila at ka close tapos wala lang sa kanya dahil tingin nya sa iyo ay mere acquaintance na lang. What ever happened to friendship mode.


6. Yung feeling na uutot ka at akala mo walang tunog yun pala meron. Sa gitna pa ng klase yun. Lamunin na ako ng lupa sa hiya mode.


7. Yung feeling na may naalala ka tapos after 1 minute nakalimutan mo na kung ano yun at inis na inis ka dahil di mo maalala. Memory gap mode.


8. Yung feeling na excited ka pumunta sa ibang bansa dahil first time mo pumunta doon tapos naiwan mo pala ang passport mo. Tanga mode.


9. Yung feeling na natapos mo yung mas mahirap pa sa calculus na excel computations na ginagawa mo all by yourself tapos biglang nag hang at hindi naka auto recovery/save yung file mo. Suicide mode.


10. Yung feeling na sarap na sarap ka sa panonood ng porn tapos pag lingon mo nasa likod mo pala anak mo. Takip mata mode.

9 comments:

gillboard said...

feeling ko, nangyari sayo yung number 10.

kelangan mo pa ba manuod nun?

itsMePeriod said...

kuya dom!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!this made my day

chingoy, the great chef wannabe said...

musta na? kasalan mode? :p

Andy said...

10. Yung feeling na sarap na sarap ka sa panonood ng porn tapos pag lingon mo nasa likod mo pala anak mo. Takip mata mode. - LAGOT! haha!

domjullian said...

Gibo, lahat yan nangyari saken.

itsMe, wow! how have you been?

Chingoy, wag ka mag alala, ibabalita ko yan. sooner

Andy, lagot talaga

el toro bumingo said...

Katuwa naman ung list mo hehe

kuri pogi said...

feeling ko lahat ng nabanggit mo dito ay based on your experiences.

kuri pogi said...

based on experiences nga pala. di ako nagbabasa ng previous comments. tangamuch mode.

Ahmer said...

yung no.10 nangyari sa akin yan. pero mama ko nasa likod. hahaha.

at namiss ko dito =)