Definitely not me.
Si Kris Aquino sa kanyang twitter. Hindi talaga niya kayang mawala sa limelight kahit saan. Gusto niya parating pinag uusapan at hindi pwedeng hindi niya banggitin ang family nya lalo na sila « ate «. I don’t think bagay siya sa Pilipinas win na win kasi isa cyang sosyalera at di cya makarelate minsan sa mga usapang jologs nina Pokwang at mga guests at mga contestants. Mukha tuloy cyang tanga pag di nya nagegets yung mga jokes o ni ta take nya literally yung mga sinasabi ng mga guests at contestants.
Usapang showbiz na rin lang lulubos lubusin ko na din.
Di na ako natutuwa kay Santino. Di na cya nakakatuwa sa Noah. Ewan ko pero parang trying hard cya sa pag acting sa Noah. Buti pa si Momay at si Andro, ang cu cute.
Alam kaya ni Mariel na hanggang apat ang pwedeng maging asawa ng isang Muslim? At mahal na mahal na siya in just a span of less than three months?
Hindi talaga nabibili ng pera ang class at natural na pagiging sosyal. Alam nyo kung sino ang tinutukoy ko kung nanood kayo ng Rated K last Sunday.
And please lang Willie, wala ka ng silbi sa showbiz.
Ano ang latest sa buhay ko? Wala. Pero kay Rosaleee meron. “Freshwoman” cya ngayun sa isang pamantasan na walking distance lang samen. Feel na feel nya ang pagiging estudyante, talagang aral kung aral ang ginagawa nya. Basa ng basa ng libro, ewan ko lang kung naiintindihan nya. Sabagay, pag may hindi siya maintindihan, nagtatanong naman cya. Good sign, willing talaga cyang matuto.. Ang course nya dapat ay BS in Hospitality Management pero BS in Information Technology ang kinuha niya na suggestion ko.
Bakit hindi Hospitality Management ang kinuha nya? Takot daw siya sa hospital.
Wag kayong mag alala, sinisikap kong turuan si Rosaleee sa mga bagay na dapat nyang matutunan kahit malapit na akong atakihin sa puso sa mga pinagsasasabi nya.Sa hapon ang pasok niya dahil yun ang pinaka convenient saming lahat. Maayos naman, mabait naman daw ang mga classmates nya at professors. Mukhang makakatapos naman kasi magaganda naman yung results ng tests and exams napinapakita nya saken.
Grade 6 na ang anak ko. Konti panahon na lang pwede na mag asawa. Wala akong update sa lovelife ng anak ko. After ng bakasyon hindi na cya nag kwento tungkol kay Athena. Di ko alam kung wala na sila o focus muna sa studies ang anak ko.
Badminton at running ang pinagkakaabalahan ko ngayun aisde from daddy duties, work and school kaya ako busy. Kasama na rin ang pag oorganize ng kung ano anong activities gaya ng reunions dahil malapit na ang pasko. May timbangan kami sa bahay. Pag nagtitimbang ako weekly, 155 lbs ako, hindi ako pumayat pero pag nagtitimbang ako sa Megamall, nasa 150 lbs ako. Ewan ko kung anong timbangan ang sinungaling. Basta alam ko pumayat ako.
I'm helping out our clan sa pag oorganize ng reunion. Nakakatuwa kasi may mga kamag anak pala akong sikat na personalities tsaka nalaman ko rin yung history ng family namin.
I'm helping out our clan sa pag oorganize ng reunion. Nakakatuwa kasi may mga kamag anak pala akong sikat na personalities tsaka nalaman ko rin yung history ng family namin.
I won’t be really back. Nag update lang ako sa buhay ko kasi nga sobrang busy ako. Sobrang busy.
Bakit ba talaga ako busy? Alam ni Gibo ang sagot.

