Tuesday, August 10, 2010

Guess who's back?

Definitely not me.

Si Kris Aquino sa kanyang twitter. Hindi talaga niya kayang mawala sa limelight kahit saan. Gusto niya parating pinag uusapan at hindi pwedeng hindi niya banggitin ang family nya lalo na sila « ate «. I don’t think bagay siya sa Pilipinas win na win kasi isa cyang sosyalera at di cya makarelate minsan sa mga usapang jologs nina Pokwang at mga guests at mga contestants. Mukha tuloy cyang tanga pag di nya nagegets yung mga jokes o ni ta take nya literally yung mga sinasabi ng mga guests at contestants.

Usapang showbiz na rin lang lulubos lubusin ko na din.

Di na ako natutuwa kay Santino. Di na cya nakakatuwa sa Noah. Ewan ko pero parang trying hard cya sa pag acting sa Noah. Buti pa si Momay at si Andro, ang cu cute.

Alam kaya ni Mariel na hanggang apat ang pwedeng maging asawa ng isang Muslim? At mahal na mahal na siya in just a span of less than three months?

Hindi talaga nabibili ng pera ang class at natural na pagiging sosyal. Alam nyo kung sino ang tinutukoy ko kung nanood kayo ng Rated K last Sunday.

And please lang Willie, wala ka ng silbi sa showbiz.


Ano ang latest sa buhay ko? Wala. Pero kay Rosaleee meron. “Freshwoman” cya ngayun sa isang pamantasan na walking distance lang samen. Feel na feel nya ang pagiging estudyante, talagang aral kung aral ang ginagawa nya. Basa ng basa ng libro, ewan ko lang kung naiintindihan nya. Sabagay, pag may hindi siya maintindihan, nagtatanong naman cya. Good sign, willing talaga cyang matuto.. Ang course nya dapat ay BS in Hospitality Management pero BS in Information Technology ang kinuha niya na suggestion ko.

Bakit hindi Hospitality Management ang kinuha nya? Takot daw siya sa hospital.

Wag kayong mag alala, sinisikap kong turuan si Rosaleee sa mga bagay na dapat nyang matutunan kahit malapit na akong atakihin sa puso sa mga pinagsasasabi nya.Sa hapon ang pasok niya dahil yun ang pinaka convenient saming lahat. Maayos naman, mabait naman daw ang mga classmates nya at professors. Mukhang makakatapos naman kasi magaganda naman yung results ng tests and exams napinapakita nya saken.

Grade 6 na ang anak ko. Konti panahon na lang pwede na mag asawa. Wala akong update sa lovelife ng anak ko. After ng bakasyon hindi na cya nag kwento tungkol kay Athena. Di ko alam kung wala na sila o focus muna sa studies ang anak ko.

Badminton at running ang pinagkakaabalahan ko ngayun aisde from daddy duties, work and school kaya ako busy. Kasama na rin ang pag oorganize ng kung ano anong activities gaya ng reunions dahil malapit na ang pasko. May timbangan kami sa bahay. Pag nagtitimbang ako weekly, 155 lbs ako, hindi ako pumayat pero pag nagtitimbang ako sa Megamall, nasa 150 lbs ako. Ewan ko kung anong timbangan ang sinungaling. Basta alam ko pumayat ako.


I'm helping out our clan sa pag oorganize ng reunion. Nakakatuwa kasi may mga kamag anak pala akong sikat na personalities tsaka nalaman ko rin yung history ng family namin.

I won’t be really back. Nag update lang ako sa buhay ko kasi nga sobrang busy ako. Sobrang busy.

Bakit ba talaga ako busy? Alam ni Gibo ang sagot.

12 comments:

gibo said...

KUYA DOOOOOOOOOOOOM!!!

namiss na kita!!!

para ka lang SNN, updated sa showbiz happening. hahaha

sikreto ba natin kung bakit ka busy, o sabihin ko pag may nagtanong? hehehe

anteros' dominion said...

welcome back po.

di na kita nakakakuwentuhan. :(

roanne said...

welcome back!!! =)

carlotta1924 said...

oi! glad to hear from you! busyng-busy ka nga sa buhay ah. :) ingatzky and enjoy! :)

kuri said...

nice to hear from you again pare. mabuti naman ayos ang lahat. daming naka miss sau kaya malamang aapaw ng comment ang post mo na to.

congrats na rin kay rosaleeee. pakisabi gudlak at namimiss na cya ni daddy kuri.heheh.

P.S.

salamat sa showbiz updates ha, napapag iwanan na kasi ako pagdating dyan.

regards kay cairo, nakikinikinita ko malapit kn maging lolo.hehe. :D

aajao said...

gibo, bakit busy si Dom? LOL.

uhmm... nakakatuwa ang update. halatang maraming nasa isip na madaling itinype sa keyboard at i-publish sa blog.

ingat na lang po. :)

Chingoy said...

aba naman! musta naman ang DOM!

at talagang kasama sa return of the comeback ang rosaleeeeeeeeeeee...

hehehehe

gibo said...

@kuya jon: sige itetext ko sa'yo. hehehe

wv: latest -> sakto hahaha

kuri said...

@jon: magkatext sau ni gibo. forward mo naman sakin.hehehe.

Zai Zai said...

papa dom! thanks sa update ha. natuwa naman ako at bukod sa personal updates ay may showbiz bits pa. I feel the same towards most of your sentiments lalo na kay santino at kayang pagioging trying hard cute with the big eyes sa Noah. O sya, have fun and stay safe :) Regards kay Cairo at Rosaleeee :)

BNP said...

4 days to go 'til the next cycle of Hall of Fame! hurry,

invite your friends now to vote for your blog and get a

chance to be one of the "sikat" at BNP's Hall of Fame!

:)

WAIT said...

hello dom : )
visiting back...
- ahmer