Cairo: Dad, si Winnie the pooh babagsak yung sa spelling kasi nakalagay sa lalagyan nya ng noney e "hunny"
Domjullian: *tingin lang kay Cairo*
Cairo: Ganun talaga siguro no dad...pag walang salawal
Domjullian: Laugh out loud
Monday, November 28, 2011
Thursday, November 24, 2011
Recipe: Home Made Easy Beef Burger
Sobrang dali lang nito gawin. Good for busy person like me.
Ingredients:
Minced beef
Oyster Sauce
Paprika
Chopped Onion
Sliced canned button mushroom
Sliced onion
Egg
Mayo
Cheese
Mustard
Burger buns
Oil
Procedure:
1. I-mix lang ang 1/2 kg ng beef, 1/2 cup of oyster sauce (or more, depende sa panlasa nyo), 1 tbsp paprika, 1 egg at chopped onion. Let it stand for atleast 30 minutes. Make sure na yung beef walang masyado liquid (blood).
2. I-caramelize ang mushroom at sliced onion sa oil. I-set aside.
3. I-sear ang beef sa little amount of oil. 5 to 7 minutes each side or depende sa gusto nyo pagkaluto.
4. I-assemble ang burger. Lagyan ng mayo ang burger bun, ilagay ang beef burger patty, lagyan ng cheese, caramelized onion and mushroom at mustard.
5. I-serve while hot.
Happy eating!!!
Wednesday, November 16, 2011
Recipe: Steamed Fish with Ginger Soy Sauce
Ingredients:
Fish fillet
Light Soy Sauce
Minced Garlic
Brown Sugar
Ginger powder
Salt
Pepper
Water
Olive Oil
Procedure:
1. Lagyan ng salt, pepper and giner powder ang fish at hayaan for atleast 30 minutes. I-steam for 10 to 15 minutes.
2. I-brown ang garlic sa olive oil. I-set aside.
3. I-mix ang 1/4 cup of light soy sauce, 3/4 cup water, 1/2 tbsp of ginger power, 2 tbsp brown sugar at 1/2 tsp pepper. I-simmer for 3 to 5 minutes. Tikman at i-adjust ang lasa.
4. I-assemble ang fish sa serving plate, lagyan ng sauce at i-top ang garlic sa ibabaw.
Happy eating!!!
PS: Hindi ako masyadong busy. Promise mahirap pagsabay-sabayin ang daddy duties, kickass lovelife, hellish work and other stuff.
Thursday, October 20, 2011
Family Humor 010
Kuya talking to my niece: Bakit ka nagpakulot? Lalo ka masasaktan kapag sinabunutan ka ng mommy (my eldest sister) mo. Joke!
Monday, October 17, 2011
Recipe: Poached Salmon
Ingredients:
Pink Salmon
White Wine
Lemon
Water
Salt
Pepper
Dill
Onion
Procedure:
1. Sa cooking pot, maglagay ng 2 cups of water, 1 cup of white wine, dill, lemon at onion. Timplahan using salt.
2. I-poach ang salmon for 5-7 minutes.
3. Lagyan ng black pepper sa ibabaw bago i-serve.
Happy Eating!!!
Thursday, October 6, 2011
Recipe: Chicken Cordon Bleu
Medyo nagkamali ako ng cheese na nilagay. Gumamit ako ng cream cheese instead na swiss cheese kaya natunaw yung cheese pero masarap pa din naman.
Ingredients:
Chicken breast
Sweet Ham
Cheese (Swiss cheese or any hard cheese)
Japanese breadcrumbs
Salt
Pepper
Dried basil leaves
Lemon
Liquid Seasoning
Egg
Milk
Oil
Flour
Procedure:
1. Hiwain sa gitna ang chicken breast. Lagyan ng cling wrap (or any plastic) sa ibabaw ng chicken at i-flaten ito sa pamamagitang ng meat mallet or rolling pin.
2. I-marinate ang na flaten na chicken sa liquid seasoning (1/2 cup), lemon (1/4 cup), salt, pepper and basil for atleast 1 hour.
3. Ilatag ang chicken. Lagyan ng ham at cheese sa ibabaw. I-roll ng maayos at lagyan ng toothpick para hindi bumukas. Make sure na walang nakalabas na ham or cheese.
4. I-prepare ang breading. Maglagay ng flour sa isang lalagyan, beaten egg na may konting milk at japanese breadcrumbs na tinimplahan ng konting salt and pepper.
5. I-roll muna sa flour, then sa beaten egg at bread crumbs tapos i-prito until golden brown.
6. Antayin muna ng 5 minutes bago hiwain sa nais na size at shape.
Happy eating!!!!
Monday, October 3, 2011
Domjullian Recommends 003: Breyers Ice Cream
Bakit:
1. All natural ang ingredients, meaning healthy.
2. Walang sugar.
3. Super sarap, promise mas masarap sa Ben and Jerry's. Hahaha.
4. Hindi madali matunaw.
Medyo mahal nga lang ulit pero worth it naman.
Saturday, October 1, 2011
Recipe: Quick and Easy Pandan Flavored Gelatin
Ingredients:
Mr. Gulaman pandan flavor
Evaporated Milk
Sugar
Water
Pineapple
Procedure:
1. Tunawin maige sa room temperature na water ( 5 cups of water per sachet) ang Mr. Gulaman pandan flavor at sugar (depende sa gusto nyong tamis).
2. I-assemble ang lalagyan ng gelatin. Lagyan ng pineapple bits. Set aside.
3. I-simmer sa low heat ang tinunaw na Mr. Gulaman.
4. Pag nag boil na. Ilagay ang milk ( 2 to 3 cups). Haluin habang inilalagay pa konti konti para hindi mag buo yung milk.
5. Isalin sa mold at palamigin bago ilagay sa ref.
Happy eating!!!
Wednesday, September 28, 2011
Recipe: Steamed Dory with Soy Ginger Sauce
Ingredients:
Cream dory fillet
Soy Sauce
Oyster Sauce
Lemon
Dill
Ginger
Ginger powder
Pineapple Juice
Brown sugar
Salt
Pepper
Garlic powder
1. Lagyan ng salt, pepper and lemon ang fish fillet. Hayaan for atleast 30 minutes.
2. Mag slice ng ginger into strips. Set aside.
3. I-prepare ang sauce. Pagsamahin ang 1/4 cup of soy sauce, 1 and 1/2 tbsp. of oyster sauce, 2 tbsp. brown sugar, 1/2 tsp. pepper, 1/2 cup of pineapple juice, 1 tsp. ginger powder and 1 tsp. garlic powder. Haluin maige.
4. I-simmer ang sauce for 7-10 minutes. Depende sa thickness na gusto. Tikman at i-adjust and lasa. Set aside.
5. Lagyan ng dill ang ibabaw ng fish at ginger strips. I-steam for 10 minutes.
6. Ilagay ang sauce sa ibabaw ng fish or i-serve separately.
Happy eating!!!
Monday, September 26, 2011
Multa Pacis 002
Do not compare yung mga buwaya sa mga politikong kurakot kasi ang crocodiles pag busog na sila, busog na sila, hindi sila matakaw, hindi sila greedy. They eat what they need and they can go on for months without eating. Hindi sila katulad ng mga kurakot. –Mika Ortega, Storyline-
Thursday, September 22, 2011
Recipe: Easy Chicken Teriyaki
Ingredients:
Boneless chicken breast
Store bought instant Teriyaki Sauce
Grated ginger
Garlic Powder
Brown sugar
Chopped mushroom
Chopped carrots
Chopped bellpepper
Butter
Toasted sesame seeds
Procedure:
1. I-marinate ang chicken (cut into bite size pieces) sa 1 cup ng teriyaki sauce, grated ginger (2 tbsp), 1/2 cup of brown sugar, 1 tbsp garlic powder for atleast an hour.
2. I-drain ang chicken (set aside the marinade) tapos i-pan fry sa butter for around 5 mins.
3. Ilagay ang pinag babadan ng chicken, you cann add more teriyaki sauce kung gusto nyo mas maraming sabaw.
4. Ilagay mushroom, carrots and bellpepper.
5. I-top ng sesame seeds.
Happy eating!!!
Saturday, September 17, 2011
Recipe: Domjullian's Pancit Bihon
Eto ang kauna-unahan na successful na pancit bihon ko kaya imaginin nyo na lang yung mga hindi successful kung ano pa ang hitsura.
Ingredients:
Bihon
Chicken
Chicken Liver
Cabbage
Carrots
Baguio Beans
Liquid Seasoning (Mama Sita ang ginamit ko)
Oyster Sauce
Minced Garlic
Minced Onion
Lemon
Garlic powder
Salt
Pepper
Fish Sauce
Oil
Water
Chicken Cube
Procedure:
1. Pakuluan ang chicken sa water hanggang maging tender. Itabi ang pinagpakuluan. Palamigin ang chicken at himayin into pieces.
2. I-marinate ang chicken liver sa lemon, pepper at garlic powder for atleast 30 minutes. I prito hanggang maluto (ginawa kong tostado yung sakin). Hiwain according sa nais na size and shape. I-set aside.
3. Igisa ang onion at garlic sa oil. Ilagay ang chicken at chicken liver. Igisa for 3 minutes.
4. Lagyan ng 2 tbsp of fish sauce, 1/4 cup of water, 1/2 cup of oyster sauce at 1/4 cup of liquid seasoning.
5. I-adjust ang lasa using salt and pepper.
5. Ilagay ang carrots then baguio beans at huli ang cabbage.
6. Hayaan for 2 minutes. Wag i-over cook ang gulay. I-set aside
7. Pakuluan ang pinag lagaan ng chicken. Lagyan ng 1 chicken cube.
8. Lagyan ng 1/2 cup ng oyster sauce at 1/2 cup of liquid seasoning.
9. Timplahan at i -adjust ang lasa using salt and pepper.
10. Ilagay ang bihon at haluin hanggang maluto.
11. Pagsamahin ang bihon at gulay. Pwede din i-top na lang sa bihon ang gulay.
Happy eating!!!
Wednesday, September 14, 2011
Recipe: Pork Spareribs and steamed Tofu with Black Beans
Ingredients:
Pork Spareribs
Tofu
Black Beans
Oyster Sauce
Ginger
Minced Garlic
Chopped Onions
Salt
Pepper
Sugar
Oil
Water
Procedure:
1. I-steam ang tofu for around 5 minutes tapos i-cut according sa nais nyong size and shape.
2. Igisa ang onion, garlic at ginger sa konting oil. Isunod ang black beans.
3. Ilagay and pork at water. Pakuluan hanggang maging tender yung pork.
4. Lagyan ng 3/4 cup ng oyster sauce at timplahan using salt, pepper and sugar.
5. Huling ilagay ang steamed tofu at i-simmer for 2 minutes.
Happy eating!!!
Sunday, September 11, 2011
Recipe: Peanut butter Pudding
Ingredients:
Old bread cut into pieces
Milk (evap or fresh)
Sugar
Cinnamon powder
Peanut butter
Eggs
Butter
Procedure:
1. Pag samahin lahat ng ingredients sa isang bowl. Around 5 cups of bread, 4 cups of milk, 1 and 1/2 cups of sugar, 1 tsp cinnamon powder, 1 and 1/2 cups of peanut butter, 3 small eggs, 1 cup melted butter.
2. Haluin maige hanggang madurog ang bread at maging liquidy yung texture ng mixture.
3. Ilagay sa lalagyan.
4. I-steam or i-bake hanggang maluto. Paano malalaman kung luto na? Mag insert ng toothpick sa middle part ng pudding. Kapag walang sumama na pudding, luto na yun. Pag meron pa, hindi pa syempre.
Happy eating!
PS: Happy grandparents day sa mga lolo at lola!!!
Sunday, September 4, 2011
Recipe: Pan Fried Pink Salmon with Yellow Rice
Ingredients:
Pink Salmon
Lemon
Minced Garlic
Salt
Pepper
Jasmine Rice
Star Margarine Garlic Flavor (newest endorsement ito!)
Olive Oil
Procedure:
1. I-marinate ang salmon sa lemon. Lagyan ng salt and pepper at hayaan mag marinate sa loob ng ref for atleast an hour.
2. I-brown ang garlic sa olive oil. I-set aside.
3. I-melt ng konti ang star margarine garlic flavor sa pan at ilagay ang rice. Haluin hanggang ma fully coat lahat ng rice.
4. I-pan fry ang salmon. 2 to 3 minutes each side or depende sa nais nyong luto.
5. Ilagay ang salmon sa ibabaw ng yellow rice at i-top ng garlic.
Happy eating!!!
Wednesday, August 31, 2011
Domjullian Recommends 002: Ben and Jerry's Caramel Chew-chew Ice Cream
Bakit:
1. Very smooth yung texture nya.
2. Super creamy at flavor packed.
3. Hindi masyadong matamis.
Medyo mahal nga lang. Hehehe.
Sunday, August 28, 2011
Recipe: Corned Beef Pasta with Sausages and Corn Kernels
Ingredients:
500 grams pasta cooked according to package direction
1 can of purefoods chunky corned beef
1 can vienna sausage
1 cup corn kernels
3 cups spaghetti sauce ( I used Delmonte Filipino style)
1 small onion minced
5 pieces garlic minced
a pinch of basil
2 tbsp sugar
1/2 tsp salt
1 tsp pepper
2 cups milk ( I used fresh milk)
1/2 cup water
Butter
Procedure:
1. Igisa ang onion at garlic sa butter for 2 to 3 minutes.
2. Ilagay ang spaghetti sauce at hayaan mag simmer for 3 minutes.
3. Ilagay ang corned beef at water. I-simmer ulit for 3 minutes.
4. Ilagay ang milk, sausage at corn kernels.
5. Ilagay ang pangtimpla: salt, pepper, basil at sugar. I adjust ang lasa according sa panlasa nyo.
6. I-simmer for another 3 minutes or hanggang makuha ang consistency na hinahanap nyo sa sauce.
Happy eating!!!
Tuesday, August 16, 2011
Domjullian's Playlist 040: Pilipinas Tara Na!!! version 1
for the love of country, tara na byahe tayo!!!
PS: Congrats the Philippine Dragon Boat Team!!! You guys rock!!! Never mind those low life bitches collectively called PSC.
Sunday, August 14, 2011
Recipe: Kangkong with Garlic & Oyster Sauce
Ingredients:
1 bundle of kangkong
1 garlic head, minced
3/4 cup oyster sauce
Pepper
Sugar
Salt
Olive Oil
Water
Procedure:
1. I-brown sa isang pan ang garlic gamit ang olive oil. Hanguin at i-set aside.
2. Sa parehong pan, ilagay ang oyster sauce, lagyan ng konting water (mga 1 & 1/2 tbsp).
3. Ilagay ang kangkong at igisa for 2 minutes. Timplahan ng salt, pepper and sugar.
4. Ilagay ang garlic on top bago i-serve.
Happy eating!!!
Friday, August 12, 2011
Recipe: Squid Rice Pilaf
Medyo naparami yung sauce ng aking ginataang squid nung last na luto ko, kaya naman instead na itapon, gumawa na lang ako ng rice pilaf out of the squid sauce.
Ingredients:
1 cup Jasmine Rice
2 cups of the left over/excess ginataang pusit sauce
1/2 cup coconut cream
Salt
Pepper
Minced Garlic
Minced Onion
Butter
Left over squid cut into pieces
Procedure:
1. Igisa sa butter ang onion and garlic for 2 to 3 minutes.
2. Ilagay ang half ng left over squid. Yung other half pang garnish.
3. Ilagay ang raw rice at igisa for 3 minutes.
4. Ilagay ang coconut cream at left over ginataan sauce.
5. Timplahan using salt and pepper.
6. I-simmer sa low fire until maluto ang rice.Dapat dry at medyo buhaghag ang consistency ng rice.
5. I-top with the remaining squid.
Happy eating!!!
Tuesday, August 9, 2011
Domjullian Recommends 001: Century Tuna's Boneless Bangus
eto na siya nung naluto
Bakit:
1. Hassle free. Bibilhin mo lang at iluluto. Wala ka ng ibang gagawin.
2. Tamang-tama ang timpla.
3. Boneless. Ayoko talaga maghanap ng tinik sa isda.
4. Mura.
5. Good for the health.
Sunday, August 7, 2011
Recipe: Ginataang Pusit
Ingredients:
Squid
Coconut cream
Sugar
Basil, optional
Thyme, optional
Salt
Pepper
Onion
Ginger
Garlic
Butter
Cayenne powder
Procedure:
1. Igisa sa butter and onion, garlic, and ginger.
2. Ilagay ang squid at igisa for 3 minutes.
3. Ilagay ang coconut cream at i-simmer for 15 minutes or until tender.
4. Timplahan using basil and thyme (put a pinch or two for each), cayenne powder (or silie, pampa anghang), salt and pepper.
5. Ihain with steamed rice.
Happy eating!!!
Tuesday, August 2, 2011
Recipe: Pork and Tofu
Ingredients:
Pork sliced into bite size pieces
Tofu cubed
Soy Sauce
Vinegar
Sugar
Salt
Pepper
Garlic Powder
Ginger powder
Garlic
Chopped onion
Onion rings
Water
Oil
Procedure:
1. Ilagay sa pot ang 3 cups of water, salt, pepper and garlic powder. Pakuluan ang pork for 10 minutes. I-drain at i-set aside.
2. Iprito ang tofu sa oil hanggang maluto. I-drain sa paper towel. Isunod na i-prito ang pork. I-drain din sa paper towel.
3. Para sa sauce, mag mix ng 1/2 cup ng soy sauce, 1/4 cup vinegar, 1 and 1/2 tbsp sugar, 1/4 tsp pepper, 1/2 tsp ginger powder, 1 small minced onion at 2 pieces minced garlic. Haluin mabuti, tikman at i-adjust ang lasa.
4. Paghaluin ang pork at tofu at i-served kasama ang sauce. Lagyan ng onion rings sa ibabaw for decoration.
Happy eating!!!
Sunday, July 31, 2011
Why I Love Manila
Nabasa ko sa Philstar. At gagayahin ko
Top 5 reasons why I love Manila:
1. Its an urban jungle. There's always an adventure waiting to be discovered. Everyday is a journey worth taking.
2. Food, food, food. You can never go hungry here. There's always a food stall near where you are. Mura na masarap pa!
3. Mass transportation. Tricycle, pedicab, padyak, kuliglig, MRT, LRT, FX, taxi and the world famous jeepney. So many options when you wanted to go anywhere and everywhere.
4. Night life. Albeit, I'm not really into it. Literal na gising ang Manila 24 hours a day, seven days a week, non-stop!
5. The people. The variety and vitality of people living here. Mix of idealism and realism.
Labels:
nothingness,
philstar,
pinoy culture,
pinoy food,
pinoy pride,
pinoys,
proud pinoy
Wednesday, July 27, 2011
Recipe: Pork Pininyahan
Ingredients:
1/2 kg Pork Spareribs
1/2 cup Pineapple cut into pieces
1 cup Pineapple Juice Concentrate
1 cup Potatoes
1 cup Evaporated Milk
Minced Onion
Minced Garlic
Bellpepper cut into cubes
Fish Sauce
Sugar
Pepper
Butter
Water
Procedure:
1. Igisa ang onion and garlic sa butter for 2 to 3 minutes.
2. Ilagay ang pork at igisa for another 3 minutes.
3. Lagyan ng 2 to 3 cups of water at hayaan mag simmer hanggang maging tender na yung pork or mag evaporate yung water.
4. Ilagay ang pineapple juice, pineapple at potatoes.
5. Timplahin using fish sauce, pepper and sugar.
6. Ilagay ang bellpepper at ihalo ang milk. Alisin sa apoy bago ilagay ang milk para hindi mag curdle.
7. I-adjust ang lasa at i-serve with rice.
Nagluto pala for the first time ang aking sis-in-law (wife ni Leroy) yesterday. Basta sabi nya may experiment siya. Creamy chicken with mushroom ang pangalan. Masarap naman kahit overloaded ang ang sauce. Hindi ko alam paano nya ginawa. basta eto cya.
Leroy: menudo? o adobo? hmm..teka may greenpeas eh...ah....ding dong...:)
Monday, July 25, 2011
Wednesday, July 13, 2011
World Vision Kids
Si Kuya Gilbert, Grade 4 na!
Parehas kami ng weakness - Math
Si Ate Althea
Her last year's report card, wala pa ako natatanggap na bagong report card
Gusto nya maging doctor, sana nga mapatapos ko cya.
Sunday, July 10, 2011
Recipe: Menudillo ala Pobre
Ingredients:
Minced Pork
2 medium size potato
1 medium size carrots
1 small pouch tomato sauce
Minced garlic
Minced onion
Bellpepper
Soy sauce
Salt
Pepper
Fish Sauce
Sugar
Water
Oil
Optional: green peas; quail eggs
Procedure:
1. Igisa ang onion at garlic sa oil for 3 minutes.
2. Ilagay ang pork at igisa for 5 to 10 minutes.
3. Lagyan ng 1/4 cup ng soy sauce at 1/2 tbsp of black pepper.
4. Ilagay ang 1 and 1/2 cups of water, carrots at potatoes na hiniwa into small cubes. Hayaan for 2 minutes.
5. Ilagay ang tomato sauce, 1/4 cup of fish sauce, 1 tbsp salt at 1 and 1/2 tbsp sugar.
6. Ilagay ang cubed bellpepper at hayaan mag simmer for 3 minutes. Ihain with rice.
Happy eating!!!
Thursday, July 7, 2011
Recipe: Pork Tonkatsu
Ingredients:
Pork Tonkatsu:
Pork chops
Panko breadcrumbs
Cornstarch
Egg
Salt
Pepper
Oil
Tonkatsu Sauce:
1 cup ketchup
3 tbsp Worcestershire sauce
1/2 tbsp sugar
garlic powder
1 tbsp mustard
pepper
1 tbsp butter
Procedure:
1. Lagyan ng salt and pepper and pork chops tapos hayaan for 30 minutes to an hour.
2. I-prepare muna ang sauce, i-mix lang ang lahat ng ingredients at i-simmer sa low fire for 2 to 3 minutes. Set aside
3. I-prepare ang breading, 1 plate for cornstach, 1 plate for beaten egg and 1 plate for breacrumbs.
4. I-coat ang porkchop una sa cornstarch, tapos sa beaten egg at huli sa breacrumbs.
5. I-deep fry until golden brown.
6. Ihain kasama ang sauce at rice.
Happy eating!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)