Para sa akin generally OK naman ang 2010 first automated election. Albeit maraming glitches, naayos naman kahit papaano. Kung baga hindi kasing palpak ng inaasahan ng marami ang nangyari kahit alam natin na konti na lang ay aatakihin na sa puso sa kaba ang mga taga Comelec at Smartmatic. Pero hindi pa rin sila lusot dahil for sure, may magrerequest ng audit sa performance nila lalo na ang Smartmatic na sa tingin ko ay malulugi sa dami ng aberyang nangyari.
Dito sa amin, the usual ang reklamo. Mga di tinatanggap na balota, vote buying, wala sa listahan na pangalan, etc. Nakakainis din naman yung mga tao dahil masyado sila hyper pag may nangyaring aberya sa kanila. Pinagbubuntungan ng galit yung mga kawawang teachers na wala naman kinalaman. Yung kapitbahay namin na teacher ang nanay e nagspeech sa precint para ipagtanggol ang nanay nya kasi konti na lang e magugulpi na nanay nya ng mga dukha. Hayyy! Maraming tao pa rin ang salat sa common courtesy at respeto. Kudos sa lahat ng teachers at volunteers ng election para sa kanilang sakripisyo at dedication towards a peaceful election and hopefully, a new, better and well defined government. I lab you all!!!
Sa precint kung saan ako bumoto ayus naman. Almost 1 hour din ako pumila kahit maaga akong dumating sa precint ko. Para lang kaming may family reunion sa dami ng mga kamag anak ko na nandoon. Nagrequest din ako na sa daliri sa paa na lang ilagay yung ink kasi ang pangit tignan, request not granted pero sabi kontian lang ang lagay dahil hindi naman ako mag fa flying voter. Muntik na rin akong mag-amok dahil hindi ko sinasadyang makita yung balota ng katabi ko. Kitang-kita ko na binoto nya si Jajajajamby. Ang sarap lang kutusan ni ate kasi di naman cya mukhang tumatanggap ng 500 pesos at isang kilong bigas. Sabagay, seeing the unofficial results ng election ay makikita natin na ubod pa rin ng dami ang mga tatanga tangang tao. As of this writing, 8 million plus ang boto ni Estrada, 8 million plus ang mga kinulang sa tamang pag iisip. Imagine, kung di tumakbo si Ngoyngoy, lo and behold! Hello Erap ulit ang Pilipinas. Kanina pa pag gising ko sabi agad ng daddy ko na panalo si GMA at si Pacman. WTF x 10 to the 20th power!
Nakaka awa din yung ibang lugar na dumanas pa rin ng karahasan sa botohan lalo na sa Mindanao area. I pity the candidates na gagawin ang lahat para lang manalo at magkamal ng kapangyarihan. Shame on you! Buhay pa kayo, nakasanla na ang mga kaluluwa nyo kay taning.
I voted for Gordon and Mar. Kahit hindi mananalo si Gordon ok lang sa akin. Alam ko na balang araw ay hindi ko sisisihin ang sarili ko dahil hindi ko ibinoto yung sa tingin ko ay tama at nararapat na kandidato. Masaya ako dahil alam kong I made the right decision. Kesa naman sa iba dyan na nagpabayad o hindi bumoto for no valid reason kahit registered naman. Bawal mag-react, ok?
Iba-iba rin ang binoto ng mga tao sa bahay, pero mostly pro-Ngoyngoy sila (may ugating dahilan kung bakit pero hindi ko pwedeng sabihin dito, top secret). Ako at yung isang kuya ko lang ang bumoto kay Gordon. Sa VP lang kami nagkapare-parehas. Most ng mga senador na binoto ko ay nasa top 12. Nakalimutan ko na actually kung sino mga binoto ko dahil wala akong listahan, on the spot ang pagpili ko. Natatandaan ko lang ay sina Revilla, Defensor, Drilon, Enrile, Hontiveros, Osmena, Cayetano. The rest second choice lang. Nilagay ko lang sila para hindi sayang yung slots.
Kung merong isang taong pinakamasaya sa amin, yun ay si Rosaleee. Aside from pagrampa nya sa school kung saan kami bumoto, nag watcher ang hitad. Sayang din ang 2,500 na bayad sa kanya na may bonus pa dahil nanalo ang mayor na pinag watcheran nya. Kung ano ano pang freebies ang nakuha nya gaya ng food (adobo at chopseuy na may kanin at banana tsaka juice, sandwich na may palamang egg salad), libreng t-shirt, pamaypay, etc. Naaliw din cya sa mga kalalakihang naglabas masok sa precint na binabantayan nya. Pansamantalang nawaglit sa isipan nya ang kanyang newest crush – si Bret ng PBB Teen Clash na galit sa bangs! Sulit naman daw kahit hindi nya napanood ang walang kamatayang malapit ng mamatay na Tanging Yaman.
Domjullian: Sinong binoto mo?
Rosaleee: Si Gordon at si Benay
Domjullian: Ako Gordon-Roxas
Rosaleee: Ha? Si Roxas din dapat ako pero wala dun sa balota ang pangalan nya koya.
Domjullian: Tanga, pwede ba yon.
Rosaleee: Hindi ko nakita. Wala talaga.
Domjullian: Manuel Roxas cya! Ano ba yan bingi ka na bulag ka pa.
Rosaleee: Ha? Ano koya?
Domjullian: Wala. Sino binoto mo sa mga senators?
Rosaleee: Si Estrada, si Miriam, si Jun Lozada. Di ko binoto si Bong wala naman nagawa yun.
Domjullian: Tanga mo talaga bakit mo binoto si Jun Lozada???
Rosaleee: Magaling kaya yun, cya yung sa ZPE (sepe-e) diba?
Domjullian: Hindi kapangalan nya lang yun. Tanga-tanga mo talaga. Tsaka ZTE yun hindi ZPE.
Rosaleee: Malay ko ba e magkapangalan sila. Wala naman kasing pecture. Sa susunod di ko na iboboto.
Domjullian: Libre mo ko tutal dami mong pera.
Rosaleee: Koya pambaon ko to sa pasukan.
Domjullian: Walking distance lang ang school kailangan mo ng baon?
Rosaleee: Cge na nga. Pero logaw lang, dun sa Alex.
Domjullian: Cge! Lugaw yon hindi LOGAW! Sumasakit ang bangs ko sayo!
*Tinitigan ako ni Rosaleee. Akala ko katapusan ko na!
Rosaleee: Koya wala ka namang bangs!
Weird talaga tong si Rosaleee pero atleast nagiisip cya, di lang basta bumoto. Good thing e nagshare cya ng blessing pero dapat lang kasi ako nagpasok sa kanya bilang watcher. Hehehe.
I used to be a Namfrel volunteer pero not this election kasi nakisabay ang trabaho. Gustuhin ko man ay may obligasyon akong dapat tapusin para sa mga kliyente ko, otherwise walang pantuition ang anak ko na miss na miss ko na at malapit ng umuwi.Yehey! May iba pa namang pagkakataon at panahon.
Sa ngayon nasa 69% na ang pumapasok na boto sa buong Pilipinas. Sana lang maging transparent ang Comelec at ipakita yung breakdown ng mga votes per place or what ever is convenient sa kanila. May point din kahit papano si Erap sa reklamo nya kahit feeling ko dapat masaya na cya sa dami ng botong nakuha nya. Kakapalan na ng mukha kung magrereklamo cya ng pandaraya. By this time siguro, ngumangalngal na si Manny Villar sa sure defeat nya at sa dami ng nawalang pera sa kanya. Hindi na ako magugulat kung mag rereklamo cyang election fraud along with Legarda o kung sabay sila mag suicide. Partly blame Willie Revillame, may kinalaman cya sa pag bagsak mo dahil sa pinagsasasabi at pinaggagagawa nya. Partly lang ha.
Bantayan pa rin natin ang bilangan ng boto sa election hanggang matapos at maki-isa sa pamahalaan ng bagong mamumuno para sa mas magandang Pilipinas.
Yet another history.