Napanood ko yung latest episode ng I-witness entitled “Isang Paid, Isang Tuka”, reported by Jay Taruc.
Kwento ng isang pamilya na umaasa lang sa pagkuha ng lamang dagat na tinatawag na “paid”. Nakaka awa yung bata kasi ramdam at alam nya yung bigat ng problema ng pamilya nila. Sobrang dishearting to see a child crying dahil sa pagka awa sa magulang nya and na forced cya to stop schooling and work so she could help her family.
Instead na naglalaro cya, nagtitinda cya nung laman dagat, masakit pa nun, nakakatanggap pa cya ng mga tukso sa ibang kapwa bata. I found courage in her nung sinabi nya na pinapabayaan na lang niya yung mga nanunukso sa kanila.Yung pag endure ng hirap at panunukso para kumita ng pera is so noble.
The family wanted to go back to Arayat, Pampanga kung saan talaga sila nakatira. They moved barely 4 months ago sa Bataan para magbakasakali. Para humanap ng mas mabuting pamumuhay. Nakikitira lang sila dun sa kapatid ni misis. Walang nakitang trabaho kaya nauwi sila sa pagkuha ng paid sa kalapit dagat para kahit papano ay kumita at hind imaging pabigat.
Dahil nga walang perang pamasahe pabalik ng Pampanga, I-witness helped them go back. They wanted to go back to pampanga since life is easier there and they wouldn’t have to be pabigat to anybody.Akala ko mas magandang bumalik nga sila sa Pampanga.
Nakatira sila sa bundok.Nanlumo ako when I saw their house. Sobrang dilapidated, parang bahay-bahayang gawa lang ng mga bata. Walang ding-ding, walang sahig, isang maliit na dampa lang na ni ulan hindi sila kayang ipagsanggalang.Kailangan pa nilang makitulog sa ibang bahay kapag umuulan.
Yung panganay nilang anak ay medyo blessed. Sa lola nila sya nakatira at nakakapag aral cya. Bukod tanging cya lang ang nakakapag aral sa mga anak ng mag asawa. Sabi nga ng nanay nung bata, ayaw na ayaw pumunta nung panganay na anak dun sa bundok dahil sa sitwasyon nila. Syempre nga naman, mas mahirap ang buhay sa bundok and I guess natatakot cyan a once na pumunta cya dun andun yung possibility na hindi na cya makabalik sa lola nya at mahinto din sa pag aaral and be forced as well do work at an early age.
Napa isip ako, sobrang simple lang ng gusto nilang buhay, unlike us na sobrang naimpluwensiyahan na ng makabagong pamumuhay. All they want is a home and food to eat. Simple things to survive.Ang bigat din ng pakiramdam kasi alam ko yung sitwasyon nila pero wala akong magawa.
Life is really unfair, but then I cannot question God for the kind of life we all have because I know there’s a purpose for that. I can only pray that someday, somehow, the sun will shine fairly to them, I hope.
3 comments:
view publisher site replica bags china hop over to this site dolabuy replica hop over to here dolabuy ysl
more replica designer bags look at here now Hermes Dolabuy view website Dolabuy Balenciaga
w6t64w9x25 o6e29t5p09 c1d79w5j23 a6v23v9m33 o6b24r1s45 j6w48r3e59
Post a Comment