Monday, August 3, 2009

Ten-ten de Sarapen

1. Noong 8 years old ako, nahulog ako sa bubungan ng isang bahay at bumagsak sa baha na panay lumot, butete, putik, ihi (ko at ng mga iba pang bata), basura at kung ano ano pa, pati ata tae meron. Ngumawa ako sa sobrang kahihiyan at dahil panay lumot at putik ako.

2. Sa UP Lagoon nabuo si Cairo.Ewan ko basta sa loob ng UP campus.Hahahaha.

3. Valedictorian ako nung highschool sa isang exclusive at conyo school sa may Mandaluyong, hindi siya parte ng San Juan - fyi dun sa tangang reporter sa TV.Magna Cum Laude naman ako sa UP, di lang halata kasi alam nating lahat na bobo ako sa Math.

4. Takot ako sa gagamba. Pero nung bata ako hindi naman, ewan ko bakit nung lumaki ako, natakot na ako. Pero paborito ko si Spiderman.

5. Nagkaron ako ng almost affair sa isang prof. ko sa UP, naudlot lang kasi nakilala ko ang (prodigal) mommy ng anak ko. Five years older than me lang si prof. Trivia: Mahilig ako sa mas matanda sa akin, pero di naman sing tanda ni Aling Dionisia.

6. Nagka TV commercial nako kaso, extra lang. Tipong daliri ko lang nakita sa TV.

7. Umutot ako ng malakas habang nag le lecture yung Science teacher ko nung 1st year highschool ako.Nag wish ako ng mga time na yun na magunaw na ang mundo at lamunin ako ng lupa.

8. Dalawang beses ako nabalian ng buto nung bata at kailangang i-simento. Una dahil sa paglalaro ng luksong tinik, pangalawa, dahil sa pagtalon sa puno dahil akala ko sinaniban ako ng espirito ni superman.

9. Noong tinuli ako, di masakit dahil may anesthesia kaya ang ginawa ko pag uwi ng bahay, nagtatakbo ng nagtatakbo na parang wala lang. Kinagabihan dinugo ako at kailangang lagyan ng napkin (oo, modess pa tatak ng napkin) para maabsorb yung excessive blood flow ni peterpan. Kamuntik na bumaha ng dugo sa bahay namin ayun pala natanggal yung tahi ni peterpan kakatakbo at kakalaro ko. Sinugod ako sa hospital para tahiin ulit si peterpan, $^*(**&%$%^*)*% na!!!!. Sobrang sakit nung pangalawang tahi.

10. Dalawang beses na naudlot ang tangka kong pagpapakasal. Pang maala-ala mo kaya ang istorya ng lovelife ko kaya eto single pa din hanggang ngayun.



Dalawa dyan e kathang isip ko lang. Hulaan nyo kung ano. May kisss pag nahulaan ng tama.Hehehe. Hula na!.Hehehe.

13 comments:

kuri said...

try lang pare...tingin ko, gawagawa mo lang ang kwento sa

#4-hindi naman kasi nakakatkaot ang gagamba. at
#9-nung tinuli kc ako, hindi tinahi titi ko. hindi ko rin kinailangan magsuot ng palda nun.

tama ba?

domjullian said...

@Kuri, mali parehas.Hindi din ako nagpalda.

Chimmie said...

hula den. #1 at #5?? hihi

domjullian said...

@Chimmie, mali din. meaning totoong nangyari sakin yung #1 & #5

carlotta said...

try lang din. 2 at 6?

domjullian said...

@Carlotta, wow nahulaan mo yung isa, yung isa mali.

kuri said...

tama ung isang answer ni carlota, tingin ko ung #2 un.

ung isang gawagawang kwento ung #10.

final answer: 2,10

sagwa pakingan!

domjullian said...

@Kuri, cge na nga. tama yung #2. Pootek, kahit malibog ako di naman ako nag pupublic show, tapos for free view pa, swerte naman nila.May galang naman ako sa babae, di lang halata at maybahay naman kami para dun gawin.Hehehe. Mali ka pa rin dun sa isa. Konti na lang choices, makakatama ka din!Hehehe

kuri said...

3 choices nalang natitira. pag nagkamali pako d2 ewan ko na.

ung isang gawagawang kwento ay ung...

#8???

tama na ba pre?

Anonymous said...

makikihula na din ako ha..
2 at 8??

pwede bang pasaload nalang ang papremyo?? lols

-rio

domjullian said...

@Kuri, galing! 2 at 8 nga!

@Rio, nice! galing! ano number mo papasaload kita 5 pesos.hehehe

Zai Zai said...

hehe nabasa ko na ang mga comment bago ako sumagot. pero 2 at 7 ang sagot ko dapat. isa tama! dapat may kiss pa rin. ung number 5, nabasa ko sa previous mong post :)

domjullian said...

@Zai, Hehehe. Sobrang nakakahiya man e totoong nautot ako noon.Madali lang nakalimutan ng mga ka klase ko kasi may mas worst pa na nangyari dyan pero hindi na sa akin. Yung #8, nangyari talaga yan pero sa pinsan ko. Eto na kiss. Tsup! Hehehe