Theme song ng MELASON!
Friday, January 29, 2010
Wednesday, January 27, 2010
Domjullian's Playlist 019: Vienna by Billy Joel
This song fits me perfectly, so me.
Billy Joel's one of my favorites.
Billy Joel's one of my favorites.
Sunday, January 24, 2010
Recipe: Domjullian & Cairo's Hotdog Omelette
Cairo did the egg beating.He's a professional egg beater.
3 to 4 large eggs
Hotdog
Salt
Pepper
Butter
Cheese
Procedure:
1. Beat ang eggs at lagyan ng salt and pepper. Set aside.
2. I-heat ang non stick pan hanggang mag smoke, lower the fire at lagyan ng 1 to 1 ½ tbsp of butter.
3. I-stir fry ang hotdog for 2 minutes at i-drain sa paper towel.
4. Sa natirang butter, ilagay ang beaten egg tapos ilagay sa ½ face ng egg yung hotdog and grated cheese.
5. I-flip yung ½ side ng egg sa side na may hotdog and cheese at lutuin hanggang mag brown ng konti tapos baliktarin para yung kabilang side naman maluto.
6. Serve with banana ketchup and toast or rice.
PS: Importante na non-stick, medyo makapal at mainit na mainit ang pan na gagamitin para hindi dumikit at masira ang egg pag ni flip. Pwedeng i-substitute ang ham or bacon or vegetables kung vegetarian instead of hotdogs.
Happy Eating!
Friday, January 22, 2010
Recipe: Bicol Expresssssssssssss
Ingredients:
Pork belly
Ready made (bottled) Shrimp Paste
Thick coconut milk
Thin coconut milk
Onion
Garlic
Ginger
Lots of siling labuyo
Pepper
Oil
Procedure:
1. Igisa ang sibuyas, bawang at ginger (konti lang).
2. Sunod na ilagay ang pork at i-stirfry for 5 minutes or until mag brown ng konti.
3. Lagyan ng 1 to 1 & ½ tbsp of shrimp paste. Stir fry ulit for 2 minutes.
4. Lagyan ng 1 to 2 cups ng thin coconut milk para lumambot ang pork. Simmer for around 10-15 minutes or hanggang malambot na si porky at nag evaporate na ang coconut milk.
5. Lagyan ng ½ cup of thick coconut milk at timplahan using pepper.
6. Simmer hanggang maging thick na yung consistency ng liquid at ilagay ang super daming sili.
Happy Eating!
PS: Congrats to my nephew, Manu, for passing the coveted UPCAT & ACET!
Wednesday, January 20, 2010
Monday, January 18, 2010
Saturday, January 16, 2010
Mixed Nuts 007
Ang hirap gawing excuse ng pagiging busy para mag sulat. Masyado ng over used sa akin ang “busy ako!” kaya di ako nakakapag sulat kasi kahit anong busy ko naman, nagkaka time pa rin naman ako para mag blog other than the recipes at song lists ko. Salamat na rin kasi nagiging panakip butas ko sila pag hindi gumagawa ang utak ko na mukhang nasarapan sa holiday break at nasa extend holiday mood pa rin hanggang ngayon. Ipina page ko na sa megamall para bumalik, dun ko ata naiwan kasi dun ako madalas last holiday.
Been to a lot of reunions noong nakaraang holiday, pati reunion with ex alagang hayop ata pinuntahan ko. Ewan ko kung bakit, pero di ko pinapalampas ang mga ganitong event. Seeing old folks and friends make me happy. Kahit minsan, may di magandang experience ka sa kanila. Ubos man ang pera, masaya naman dahil na rekindle at na reconnect yung old connections sa amin.
Nakagawa din naman ako ng konting kabutihan, long overdue na to actually pero itinaon ko talaga last Christmas yung pag do donate ko ng kung ano ano para sa mga less fortunate brothers and sisters natin. At finally, natuloy na rin yung pag sponsor ko sa World Vision (thanks Kris Aquino para sa encouragement). Isang boy at isang girl ang ni sponsoran ko. Eto ang regalo ko kay Bro sa kanyang mga blessings sa akin at sa family ko. Eto ang mga kids na ni sponsoran ko (inalis ko name). Sana makatapos sila ng pag aaral kasi naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Promise pipilitin ko matapos yung sponsorship ko sa kanila.
Maganda ang pasok ng 2010 sakin. Daming potential clients. Naka 5 proposals na kami as of this writing at 3 on-going projects. Sana kahit isa lang e may mag confirm kasi naubos pera ko last holiday.Hehehe.
Back to the neglected studies as well, malapit na ako maka catch up sa mga pending school works. Na inspire ako kasi nakita ko si angel kahapon, maganda pa rin. Sana mapansin nya naman ang ka gwapuhan ko, kaso hindi ako gwapo kaya malamang di nya ako mapapansin.
Ibang level na ata ang addiction ko sa PBB Double Up lalo na kina MELASON. Mukha akong tanga minsan kasi tumatawa at kinikilig ako sa kanila pag sila ang topic. Natutuwa ako kay pareng Jason na laging naka sapatos at medyas kahit parating tulog. Si Melai kahit na o OAyan yung iba e nakaka aliw pa rin yung gestures nya. Nag mellow down na din si Mariel, di na cya kasing bitch ng dati kasi wala na ang kanyang twin bitch sister na si Yuri, natuwa ako dun sa task nya na magturo kasi sobrang patient nya sa mga kids, ibang iba sa ugali nya dati sa house B. Nalungkot ang nung na evict si Rica kasi nagbigay spark din naman cya sa bahay. Si pareng Johan medyo yumayabang. Si papa Tibs, well, naiintindihan ko yung predicaments nya, pero syempre, may kanya kanyang utak at pag uugali ang mga housemates na hindi natin madidiktahan. Si Cathy and Hermes, wala lang, kahit andun sila o wala, ok lang. PBB wil survive. Kath(hot mommy!) and Paul Jake (konyong down to earth!) along with MELASON ang bet ko for big 4 as of now. Salamat at wala na si Big Utol, walang ka kwenta kwenta.
Mag kapamilya teleserye naman tayo. Buti naman at lumaki na ang tyan ni Tilde sa May Bukas Pa. Ang tagal na nyang buntis pero nung isang araw lang lumaki ang tyan nya kaso sobrang bilis naman kasi from 2 or 3 months big na tyan nya noong isang araw e lumobo sa 5 to 6 months, bilis ng phasing. Sobrang lakas ng instinct ni mayor Enrique )na until now bitin pa rin ang polo barong nya) at pina DNA nya si Santino para malaman kung anak nya o hindi. Nakakatuwa din mga pinapa galing ni Santino, kasi in a span of two seconds after ipag pray over sila ni Santino e gumaling na kahit walang proof.
Sa DMII (Dahil may isang ikaw), bilis gumaling ni Miguel at nawala agad ang down syndrome nya. Parang pinagaling lang ni Santino. Akala ko nga nung mamatay si Ella at si Red e biglang lilitaw si Santino para buhayin sila. Last day na nila ngayun.
Buti natapos na ang katorse at si Jojo ang nakatuluyan ni Nene at hindi si Gabby. Yung anak nila, in a span of one year, nag iba ang mukha. Presidente at CEO na rin si Jojo, not so true to life. Pinalitan ng Tanging yaman na sila rin ang mga bida. Bilis din ng phasing kasi from dukha nung monday e presidente na kahapon si Rowell Santiago. Sablay sila sa lindol na tumagal ata ng 5 minutes, kamusta naman ang ganung katagal na lindol.
Kainis kasi suspended ang showtime dahil kay Osang. Once a bitch always a bitch. Buti may Banana Split pa.
Sympathy and prayers nga pala sa mga nasalanta ng lindol sa Haiti.
Next time na lang ulit.
Labels:
christmas,
family,
nothingness,
self story telling,
showbiz,
UP
Thursday, January 14, 2010
Recipe: Kangkong with Garlic and Oyster Sauce
Ingredients:
Kangkong
Garlic
Oyster Sauce
Pepper
Water
Oil
Shrimp Paste
Procedure:
1. Igisa ang garlic sa oil until mag brown, alisin ang ½ ng garlic at i-set aside for topping.
2. Sa natirang garlic, maglagay ng 2 tbsp of oyster sauce at 1 tbsp of water. Simmer of 1 minute.
3. Ilagay na ang kangkong at timplahan according to taste.
4. I-serve, lagyan ng garlic at bagoong as toppings.
Happy Eating!
Tuesday, January 12, 2010
Recipe: Dom's Easy Chicken Caldereta
Ingredients:
Chicken pieces
Potatoes, cubed
Carrots, cubed
Bellpepper, cubed
Tomato Sauce
Pepper
Fish Sauce
Onion
Garlic
Water
Oil
Procedure:
1. Igisa ang sibuyas at bawang for 2 minutes, tapos ilagay ang chicken.I-stirfry for 5-7 minutes hanggang mag brown ng konting yung chicken.
2. Lagyan ng tomato sauce, around ¾ cup at 1 cup of water. Simmer for 3-5 minutes.
3. Ilagay ang potatoes and carrots hanggang lumambot tapos timplahan using fish sauce and pepper.
4. Ilagay ang bellpepper pag medyo malambot na ang mga gulay. Simmer for another 2 minutes. I-serve.
Happy Eating!
Sunday, January 10, 2010
Recipe: Fish Sarciado ala Dom
Ingredients:
Galunggong
Tomatoes
Onion
Garlic
Sugar
Salt
Pepper
Water
Oil
Procedure:
1. Fry lang the galunggong until crispy tapos i-drain sa paper towel.Set aside.
2. Sa isang pan, igisa ang sibuyas, bawang at tomatoes (around 5 medium pieces). Lutuin hanggang maging mushy.
3. Lagyan ng ½ cup of water, tapos timplahan according to taste. Ang lasa ng sarciado ay maalat-alat na manamis namis.
4. Simmer for 5-10 minutes tapos palamigin.
5. I-process sa food processor or blender para ma puree.
6. I-serve with the galunggong.
Happy eating!
Friday, January 8, 2010
Recipe: Easy Ham Sandwich
Midnight snack?
Ingredients:
Tasty Bread
Sweet Ham
Cheese
Lettuce
Cucumber
Mayonaise
Softened Butter
Procedure:
1. I-fry yung sweet ham or i-microwave lang for around 2 minutes, medium heat. Set aside.
2. Pahiran ng butter yung tasty bread at I toast until crispy or mag brown.
3. Lagyan ng mayo yung tasty, tapos, ilagay yung ham and cheese.
4. Lagyan ng lettuce and cucumber sa ibabaw at i-serve.
Happy Eating!
Wednesday, January 6, 2010
Recipe: Pork Asado
Ingredients:
Pork Tenderloin
Oyster Sauce
Hoisin Sauce
Soy Sauce
Sugar
Cornstarch
Pepper
Star Anise
Oil
Water
Procedure:
1. Slice lang yung tenderloin into serving pieces.
2. Sa isang pan, i-mix ang ½ cup of soy sauce, ¼ cup of oyster sauce, 2-3 pieces of star anise, 1 tbsp pepper and 1 cup of water. Simmer lang yung porkloin until tender or ma reduce yung liquid into ½ cup.
3. Salain yung pinagpakuluan ng pork at i-reserve.
4. Drain yung tenderloin and then i-fry until mag brown yung side. I-drain sa paper towel.
5. Sa sauce pan, ilagay yung 1 cup ng pinagpakuluan ng pork, 2 tbsp of hoisin sauce and bring to boil.
6. Timplahan according to taste using sugar and pepper. Manamis namis na maalat alat dapat ang lasa. Tapos i-thicken using cornstarch.
7. Ilagay yung porkloin or i-serve separately with the sauce.
Happy Eating!
Monday, January 4, 2010
Recipe: Creamy Macaroni Soup
Ingredients:
Macaroni Pasta
Evaporated Milk
Cream of Mushroom Soup
Chicken
Chicken Liver
Potatoes
Knorr Chicken Cubes (sponsor please)
Pepper
Water
Onion
Garlic
Butter
Fish Sauce
Procedure:
1. I-boil ang chicken and liver separately until tender. Reserve the chicken stock.
2. Himayin ang chicken into pieces tapos hiwain adin yung liver. Mag gayat ng onion and garlic. Hiwain ang potatoes into small cubes.
3. Igisa sa butter ang onion tapos isunod ang garlic. Isunod ang chicken, liver and macaroni pasta.
4. Ilagay ang chicken stock, for ½ kilo of macaroni, use around 1 litre of chicken stock. Depende yung tubig sa gusto nyong creaminess ng soup nyo, I like mine thick kaya less water nilalagay ko.
5. Ilagay ang chicken cubes and cream of mushroom. Timplahan using fish sauce and pepper.
6. I-simmer for 5-7 minutes tapos ilagay ang cubed potatoes. Simmer Hanggang maluto ang potatoes and macaroni.
7. Lastly, ilagay ang milk at i-adjust ang lasa according to taste.
Happy Eating!
Sunday, January 3, 2010
A new beginning
End of holiday fever now.
Oras na para harapin ulit ang trabaho (para mabayaran ang mga utang na nalikha ng nagdaang holidays).
Oras na para balikan ang neglected schooling. Submit every single project at sana hindi mahalatang rushed ang pagkakagawa dahil konting panahon na lang ang nalalabi. Ayan kasi, kung ano ano inuuna.Hehehe.
Oras na para bumalik sa pag e ehersisyo. May katawan kasing lumobo sa non-stop na pag kain. Parang every four hours ata kumakain ako dahil ayokong masayang yung mga pagkain at mapanis lang. Good excuse, diba?
Oras na para tapusin itong post na ito at bumalik sa realidad ng buhay. Umayos ka na Dom!
Friday, January 1, 2010
Welcome 2010
Be Safe
Ingat sa pagpapaputok
At bawal magpaputok sa iba!
Here's to a better 2010 for all of us!
Happy New Year!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)