Sunday, March 21, 2010

Family Humor 006

Excerpt from Cairo’s YM conversation with his beloved:

Athena: Gusto ko yung sa highschool musical, ikaw ni Troy, ako si Gabriella.

Cairo: Ayoko nun, gusto ko ako si Robbie, ikaw si Gwen. Yung sa Kung tayo’s magkakalayo.

Athena: ***Cluesless***. Hindi nanonood ng teleserye.



Laughtrip. Kumi kimerald ang anak ko, manang-mana sa tatay.

Nagtago ako para mabasa lang yan. After nun, tinatawag ko ng Troy or Bolton (Zac Efron as Troy Bolton sa Highschool Musical) si Cairo. Nagulat cya at nagalit kasi nag cheat daw ako, binasa ko daw ym conversation nila. Hindi daw cya may pakana nun kundi si Athena.

Inis na inis at asar na asar si Cairo. Tawa naman ako ng tawa.

Nung tinawag kong Robbie, ngumiti ng pagkatamis tamis. Mas gusto talaga nya ang Kimerald.

9 comments:

anteros' dominion said...

ang sweet niyo namang magtatay...

Chingoy said...

natawa ako dito ng sobra!

at nag-level up na from pagbibigay ng gift si poging Cairo!
ngayon, pa-ym ym pa! naks! nung panahon ko, sulat lang... ngayon, YM na!

LOLO Dom! hahahaa

engel said...

may gusto sana akong sabihin. saka na lang. ;)

kulit ng anak mo dom. :)

ahmer said...

Gusto ko makita ang ngiting pagkatamis tamis : D

carlotta1924 said...

hehe nakakatuwa naman kayo :D

domjullian said...

@ Anteros, mapang-asar lang talaga ako

@ Chingoy, wag ganun ayoko pa maging lolo.nyahahaha

@ Engel, kala ko naman kung ano sasabihin mo.:P

@ Ahmer, cge one time

@ Carlotta, kulit moment yan.

kuri said...

sana ganyan din kami ka-close ni red kahit may beloved na rin cya.

domjullian said...

@ Kuri, di ko alam pano pero sana ganyan din kayo. siguro konting luwag lang sa anak, wag masyado maging strict and syempre time to bond and grow together

Zai Zai said...

kakatuwa si airo, parang grown up na :)