Sunday, March 7, 2010

Highschool Nostalgia

Eto mga uso when I was in highschool.


1. Branded goods - Giordano’s classics shirt, long backs, back pack and socks. Guess shirts, pants and socks.

2. Shoes – Kung Fu, Bla bla, Topsiders, loafers and espadrilles na binili sa Virra Mall or Mendrez.

3. Drakar Nior perfume.

4. Ray ban way farer shades.

5. Swatch watches and swatch guards.

6. Mahabang bangs sa mga lalake.

7. Gagamba fever, pagandahan pa ng cases.

8. Baston pants.

9. Depeche Mode Haircut - Flat top na may gel sa gilid.

10. Leather braided belts.

11. Friendship bracelets.

12. Dance Craze: Strutt (Ricky Liboro and co.), Funk ala MJ (Rodney Soriano), Breakdance (Lahat ata ginawa to...uso pa rin until now) and New Wave.

13. Straight cut jeans na tinutupi yung dulo palabas ng sobrang kapal with matching leather shoes na walang medyas.

14. Rubber shoes – Mighty kid and tretorn. Adidas (samba) pag member ka ng RK group.

15. Gadgets - Nintendo family computer and pager/beeper!

16 comments:

subterfuge said...

wahahahaha! tang'na (pardon my cursing) natawa talaga ko dito..hahaha shet! part ba ako ng era na to? waaaaaah ayoko!!! sooooo baduy!

domjullian said...

@ Subterfuge, early 90s ako nag highschool, so kung ganyan years ka din nag highschool, almost same age tayo.

salamat sa pagdaan

anteros' dominion said...

grade one ako nuong 1991 kaya nakakarelate ako dito

siyet, kinikilig pa rin ako pag nakakaamoy ng drakkar..pati polo ralph lauren na kulay green ang bottle pati fahrenheit.

(biglang tunog ng tamis ng unang halik version ni tina paner)

engel said...

di ako makarelate sa karamihan ng uso noong high school ka. pre-school pa lang yata ako nyan. =D

Anonymous said...

napangiti naman ako sa post mong ito.
panatalon na nakatupi ang dulo at naka tretorn? may pic akong ganito na tinago ko na sa baul.

-rio

carlotta1924 said...

patay na patay ako sa swatch at mighty kid nun lols. at langya, pager. ako lang sa barkada ko wala nun noon =))

Chingoy said...

meron akong tretorn noon, at dahil nakakahiyang suotin ang bago, dudumihan ko muna hahahaha!!!

domjullian said...

@ Anteros, very classic ang amoy ng drakkar pero during those times wala akong pambili ng drakkar nior so I often end with its poor counter part - Charmis body spray.

@ Engel, loko-loko, for sure may malay tao ka na nung time na yun.

@ Rio, hehe. Sa babae white trets ang uso na ubod ng dumi. Mas madumi mas ok. Sa lalaki hit yung trets na blue.

@ Carlotta, wala din akong pager.nakiki page lang din ako.hehehe.

@ Chingoy, oo tama kailangan mukhang balasubas ang trets. Uso kasi nun pag bago e tatapakan ng mga friends kaya I settle for the blue one, pang PE.

anteros' dominion said...

mabango naman po yung charmis ah..at gosh, drakkar ang pabango ng crush ko dati.ayiiii

teka po, bakit nawala yung post about inasal?

kuri said...

di ako nakasabay sa uso nung manahon na yan. shy and timid pako at hindi marunong pumorma.

domjullian said...

@ Anteros, namali lang ng post, coming soon pa yun

@ Kuri, nakiki uso lang din ako pero among the baduys din ako nonn.

aajao said...

ako rin wala ng mga yan. baduy ako pumorma eh :(

subterfuge said...

hahahaha!

kung early 90s ka, mas matanda ka sakin ng konti :p

hindi ako maxadong conscious sa fashion nung HS but one thing is for sure, im a die hard eraserheads fan! sikat ang bars na mayrics at club dredd..

if my memory serves me right uso din sina chico at delamar at sikat ang rx 93.1 that time. si jo d'mango para sa mga cheezy/emo kids

ahh i remember nausuhan din ako ng mga pop swatches (i think i had 4 that time) and yeah pager hahaha! i had a red motorola pager back then! hahaha!

ano bang mga usong kanta nun?hmm

domjullian said...

@ Aajao, lahat naman baduy.no exemption.

@ Subterfuge, maaga ako pumasok sa school (palusot), kaya maaga ako nag highschool (I was only 14 when I graduated in HS)

Usong kanta, hmmm, menudo sa foreign, tsaka mga locals like smokey mountain, eheads ofcourse.pauso mga banda nun.

Zai Zai said...

haha bat ganon nakakarelate ako? magka age ata tayo papa dom :)

domjullian said...

@ Zai, baka may muwang ka na nyan.