Sunday, June 19, 2011

Recipe: Domjullian's Honey Chicken

Pinagluto ko ang daddy ko ng honey chicken

Nasarapan ang daddy ko sa honey chicken sa isang chinese resto na kinainan namin last month. Dahil fathers day ngayun, ginaya ko yung luto at eto ang isa sa mga inihanda ko para sa daddy ko.


Ingredients:

1 kg chicken breast fillet
250 grams honey
3/4 cup grape vinegar (originally rice wine vinegar ito, pero dahil wala kaming rice wine vinegar, ito ang substitute, pwede din ang apple cider vinegar)
Salt
Pepper
Cornstarch
Minced ginger
Minced garlic
Garlic powder
Onion
Eggs
Butter
Cold Water
Oil
Sesame seeds


Procedure:

1. I-marinate ang chicken breast fillet na hiniwa into bite sizes sa salt, pepper and garlic powder for atleast an hour or overnight para malasa ang chicken.
2. I-prepare ang batter. Mag mix ng 2 cups ng cornstarch, 1/2 cup ng cold water, 2 eggs, salt and pepper. Haluin maige hanggang matunaw ang cornstarch. Use less water kung gusto nyo ng mas thick na batter
3. Ilagay ang marinated chicken at hayaan for atleast 30 minutes para ma absorb ang batter.
4. Iprito ang chicken until golden brown at i-drain sa paper towel. Set aside.
5. Sa sauce, mag tunaw ng butter sa sauce pan. Igisa ang 3 tbsp. garlic, 1 medium size chopped onion and 2 tbsp. ginger.
6. Ilagay ang honey at grape vinegar. Hayaan mag simmer for atleast 3 minutes. Wag haluin.
7. Mag tunaw ng 1 to 2 tbsp ng cornstarch sa malamig na tubig at ihalo sa sauce para mag thicken. Mas maraming cornstrach mas thick.
8. I-adjust ang lasa using salt and pepper.
9. Ilagay ang chicken at haluin para ma coat ang chicken ng sauce. Budburan ng sesame seeds sa ibabaw at ihain.


Happy eating!!!


Happy fathers day sa lahat ng mga tatays! Sa daddy ko, sa mga kuyas ko, titos, pinsans, dead lolos, friends, kay kuya Jon Magat, Chinggoy at Kuri!!!

2 comments:

chingoy, the great chef wannabe said...

huwaw, hapi daddy's day din sa iyo kaibigan! :D

carlotta1924 said...

happy fathers' day dom! :D

siempre sarap na naman ng niluto! :)