Saturday, October 31, 2009

Daddy Leroy!



Mga May next year magiging ganap na daddy na si Leroy, finally!

Nakabuo din after months ng pag gawa.Hehehe.

Ang pang 22nd na apo nina mommy and daddy.

Cairo is excited too, may baby sibling na daw cya. Nakalimutan nyang ako ng tatay nya at hindi si Leroy.

Mabuhay ang mga Atenista!

Friday, October 30, 2009

Recipe: Domjullian's Ginataang Manok





Ingredients:


Chicken
Gata
Malunggay Leaves
Sili
Patis
Ginger
Pepper
Onion
Garlic



Procedure:

1. I-gisa ang garlic, onion and ginger. Isunod ang chicken at I stir-fry for around 10 minutes or hanggang mag medyo brown yung color ng chicken.

2. Lagyan ng 1 cup of water at palambutin yung chicken or until mag evaporate yung water.

3. Ilagay pangalawang piga ng coconut at timplahan using patis and pepper. Hintayin mag evaporate to half.

4. Tas ilagay yung unang piga or the kakang gata. Simmer for mga 5 minutes or until thick na yung sauce.

5. Ilagay yung malunggay leaves and sili.



Happy Eating!

Wednesday, October 28, 2009

Recipe: Domjullian's Chicken Lumpiang Shanghai


Gawa ko yung malaki, gawa ni Rosaleeee yung maliit


Ingredients:

Minced Chicken
Carrots
Celery
Onion
Oyster Sauce
Black pepper powder
Water Chestnut
Cornstarch
Salt
Egg
Lumpia Wrapper

Procedure:

1. Chop lang yung carrots, celcery, water chestnut and onion.

2. I-mix sa minced chicken tas lagyan ng 1 tbsp ng oyster sauce, egg (1: ½ kilo), salt, pepper and cornstarch para hindi masyadong basa yung mixture.

3. Mag taste test muna. Mag fry ng konti para malaman kung matabang or maalat para ma adjust yung lasa.

4. Pag ok ng yung lasa, i-roll na sa lumpia wrapper at i-seal using cornstarch-water mixture.

5. I-serve with ketchup or sweet and sour sauce.

Happy Eating!

Monday, October 26, 2009

if you call me

if you call me Daddy, you're either Dad or Mom or Cairo.
if you call me Dad or Deeeeeeee, you’re Cairo.
if you call me Yan-yan, you’re one of my siblings.
if you call me Yan, you’re one of my lifelong friends.
if you call me Ian, you’re one of my neighbors.
if you call me Anak, you’re my lola (dad’s mom)
if you call me Raphael Jr., you’re my lola (mom’s mom)
if you call me Balat, you’re one of my childhood enemies or Leroy (hehe).
if you call me Sid, you're a classmate/batchmate from LSGH.
if you call me Dominic, you're a relative from my mother side.
if you call me Jullian, you're a relative from my father side.
if you call me Domjullian, you're my blogmate.
if you call me Dom, you're a classmate from UP.
if you call me Belat Balat, you're definitely Kerwin.
if you call me Bok-bok, you’re definitely Annie.
if you call me DJ, you’re a certified member of the A-boys of LSGH.
if you call me Koya Dumenec, you’re so Rosaleeeeee.
if you call me Mr.*Surname* , you're probably my prof in UP.
if you call me Mr. Library, you’re the girl from the UP Main Lib.
if you call me Psst! Lika nga dito, you can run as fast as you can, I’ll kill you with all my heart!
if you call me Baby or Sweetheart, you don’t exist yet in my world.Hahaha!
if you call me Hudas ka! Hayop ka!, you’re one of my exes.Hahahaha!
if you call me John Lloyd Cruz, that means you really are an honest person! =D

Sunday, October 25, 2009

Recipe: Domjullian's Mix Veggies Stir Fry




Dahil ang daddy ko ay semi-vegetarian, nag request cya ng veggie recipe syempre.

Ingredients:


Cabbage
Carrots
Brocolli
Cauli Flower
Chicharo
Baguio Beans
Young Corn
Chicken
Pork Liver
Onion
Bellpepper
White pepper powder
Garlic
Patis
Cornstarch
Garlic
Oil
Chicken stock



Procedure:

1. Hiwain lahat ng ingredients into bite size pieces.

2. Magpainit ng mantika sa wok at I stir fry ang chicken, pork liver then the garlic. I-brown at antayin lumabas yung juices ng chicken.

3. Lagyan ng chicken stock at timplahin using patis or salt and pepper.

4. Thicken the sauce using cornstarch.

5. Ilagay ang mga gulay. Unahin yung pinaka matagal maluto.

6. I-stir fry hanggang maging half cooked yung veggies.

7. Serve.

Happy Eating!

Wednesday, October 21, 2009

Mixed Nuts 006

Ang hirap mag aral, mag trabaho at mag perform ng family duties all at the same time. Been uber busy sa school kaka aral para sa final exams (as of this writing 2 exams down, two more to go and an almost finished research paper that needs an awful lot of editing dahil parang walang sense mga isinulat ko) plus some other stress inducing activities.




Nakaka stress grabe!



Speaking of stress. Napanood ko si Assunta (Eunice) sa Lovers in Paris. Dialogue nya:



Eunice: Nakaka stress as in capital S-T-R-E-S!

Eunice’s friend: “S”, Sis, double s ang stress!

Eunice: Ok, ok. Capital S-S-T-R-E-S!



Nagulantang lahat ng tao sa bahay sa lakas ng tawa ko. Akala nila sinapian ako ng masamang espiritu.



Ang part time na trabaho, ayun trabaho pa din at part time pa din. Trabaho dumagsa naman kayo! Magpapasko na, kawawa naman ang mga inaanak ko!



Spare the Filipino people, bagyong Ramil. Baka di na umubra ang salitang “resilience” sa mga pinoy!

Sunday, October 18, 2009

Recipe: Domjullian and Cairo's Egg Surprise


Ingredients:

Lean ground pork
Carrots
Dried basil
Celery
Onion
Black pepper powder
Cornstarch
Paprika
Salt
Eggs
Breadcrumbs


Procedure:

1. Ilaga ang mga itlog. Tip: para hindi mag crack yung eggs habang nilalaga, lagyan ng salt. Palamigin tapos balatan.

2. Combine ground pork, chopped carrots, celery (optional), basil (optional, too), chopped onion, pepper, paprika, salt, cornstarch (1 tbsp) and eggs ( for ½ kilo of ground pork, 2 eggs will do). I-refrigerate for 30 minutes to an hour.

3. Balutin lang yung egg ng ground pork mixture at i-form into ball. Wag masyadong makapal kasi baka mahilaw yung pork sa loob pag niluto.

4. I-roll sa breadcrumbs tapos i-deep fry. I-drain sa paper towel after.

5. Hiwain sa gitna para ma surprise ang mga kakain sa egg, kaya nga egg surprise.

6. Serve with ketchup.


Happy eating!

Wednesday, October 14, 2009

Recipe: Domjullian's Sweet and Sour Pork


Ingredients:

Porkloin meat (mas ok to kasi walang gaanong taba, para sa mga maarte)
Egg
Cornstarch
White pepper powder
Paprika
Dried basil
Bellpepper
Pineapple tidbits (itabi ang syrup)
Apple Cider Vinegar or kahit white vinegar
Sesame oil
Banana ketchup
Oyster sauce
Sugar
Carrots
Onion
Oil for deep frying

Procedure:

1. Gawin muna ang batter. I-mix ang egg, cornstarch, pepper powder, paprika (1/4 tsp or less), dried basil (1/4 tsp or less; optional lang to). Mix lang hanggang matunaw ang cornstarch. Pwedeng flour pero mas crispy kasi pag ni fry using cornstarch (sabi ni Ms. Heny Sison).

2. I-cut yung pork into serving pieces or bite size tapos i-marinate using the batter. Mga 1 hour will do.

3. I deep fry by batches yung pork tapos i-drain sa paper towel.

4. Gawin naman ngayun yung sweet and sour sauce. Mix lang ang ketchup, oyster sauce (konti lang), sugar, pineapple syrup, cornstarch at apple cider vinegar.

5. Simmer lang hanggang lumapot yung sauce. Lagyan ng konting drops ng sesame oil at pepper powder at i-adjust yung lasa.

6. Ilagay ang flower shaped carrots, pineapple tidbits, quartered onion at bellpepper.

7. Combine lang with the deep fried porkloin and i-serve.

Happy Eating!

Sunday, October 11, 2009

Recipe: Domjullian's Bulalo


Ingredients:

Beef shanks and bone marrow
1 tbsp of rice
Onion
Garlic
Black Peppercorns
Fish Sauce or Salt
Pechay


Procedure:

Ilagay lahat ng ingredients except pechay and fish sauce.

Pakuluan lang hanggang lumabot ang beef or I pressure cooker para mas mabilis.

Pag malambot na, timplahan ng patis or salt.

Ilagay ang pechay at i-serve. Pwede din lagyan ng iba pang veggies.


Happy Eating!



PS: Congrats sa Ateneo for a back to back championship! Leroy’s sooo happy being Atenista.

Wednesday, October 7, 2009

Sunday, October 4, 2009

Mixed Nuts 005

Ondoy aftermath: Baha pa rin sa amin till now, pero wala na sa loob ng bahay, sa labas, nasa binti pa. Nakakapagod maglinis ng bahay pero ok lang kasi feeling ko nabawasan ang timbang ko.Hahaha.Asa pa.

Mataas pa rin ang tubig sa cityhall up to palengke kaya naging instant palengke ang harap ng simbahan. Pabor sa amin kasi walking distance na lang kami sa improvised palengke.

Safe na yung highschool buddy ko from Vista Verde in Cainta. Lagpas tao ang baha sa bahay nila, buti na lang at may 2nd floor sila at roof top. Hindi nakaligtas si Tutay, ang kanyang car.

Bought some groceries na i-dodonate sa mga nasalanta ng bagyo. Highschool buddy asked me kung wala daw ba cyang relief goods since nasalanta din cya. I’ll be checking out some friends and relatives in Pinagbuhatan later to see if they’re OK.

Kung malungkot lahat, si Cairo masaya kasi first time nya naka lusong sa baha at gusto pa mag swimming.


No, no, no…facebook at friendster, di nyo pa ko maaakit. Twitter…medyo malapit na, sana pilitin ako ni Bianca Gonzales mag twitter (I read her twits!).


Food…some more recipes coming up: bulalo, sweet and sour pork etc….yum!


Miss: I miss school (see you soon UP & MWS). I miss my UP crush, angel.Hahaha.


Work: Overloaded na. Enough rest, kailangan ng kumita dahil mag papasko na! More projects please.


Wrath: Ang problema sa ibang tao mapag samantala at ganid. Ang daming nanakawan na mga bahay. May kalamidad na andami pa ring masasamang loob. Yung ibang tao na nag evacuate sa schools, sinira ang mga classrooms at ninakaw pa mga libro.Tsk, tsk, tsk. Yung ibang politicians naman, kailangan ba talaga may picture at dedication nyo pa ang mga relief goods?

May mga taong sadyang hindi nag iisip…parang epidemya, bilis makahawa.

Friday, October 2, 2009

Recipe: Cairo's Nilunod na Lumpiang Sariwa


Wag nyong laitin yung picture kasi hindi ako ang gumawa nya, si Cairo (yes, we have one thing in common - we both lack creativity). Masarap naman cya kahit nilunod ni Cairo sa sauce ang lumpia.


Ingredients:

Filling:
Ground Pork
Tofu (fried and cubed)
Singkamas
Kamote
Toge
Carrots
Cabbage
Baguio Beans
Soy Sauce
Fish Sauce
Sugar
Pepper
Onion
Garlic

Wrapper – click here for recipe.

Sauce:
Soy Sauce
Sugar
Pepper
Cornstarch

Garnish:
Lettuce (Romaine variety)
Chopped peanuts
Minced Garlic



Procedure:

1. Prepare and cook the wrapper. Set aside.
2. Igisa lang ang onion and garlic. Tapos isunod ang ground pork and soy sauce.
3. Ilagay ang mga gulay according sa tagal maluto. Eto order ng pag lagay ko – kamote, singkamas, carrots, baguio beans, toge and cabbage.
4. Ilagay and tofu at timplahan. Set aside.
5. Prepare the sauce. Paghaluin lang lahat at lutuin hanggang malapot na yung sauce. Dapat medyo matamis lasa nya.


Assembly:

1. Kumuha ng isang wrapper at ilatag.
2. Lagyan ng lettuce at ng vegetable filling. I-roll.
3. I arrange sa plate at lagyan ng sauce. I garnish with peanuts and garlic.