Sunday, October 4, 2009

Mixed Nuts 005

Ondoy aftermath: Baha pa rin sa amin till now, pero wala na sa loob ng bahay, sa labas, nasa binti pa. Nakakapagod maglinis ng bahay pero ok lang kasi feeling ko nabawasan ang timbang ko.Hahaha.Asa pa.

Mataas pa rin ang tubig sa cityhall up to palengke kaya naging instant palengke ang harap ng simbahan. Pabor sa amin kasi walking distance na lang kami sa improvised palengke.

Safe na yung highschool buddy ko from Vista Verde in Cainta. Lagpas tao ang baha sa bahay nila, buti na lang at may 2nd floor sila at roof top. Hindi nakaligtas si Tutay, ang kanyang car.

Bought some groceries na i-dodonate sa mga nasalanta ng bagyo. Highschool buddy asked me kung wala daw ba cyang relief goods since nasalanta din cya. I’ll be checking out some friends and relatives in Pinagbuhatan later to see if they’re OK.

Kung malungkot lahat, si Cairo masaya kasi first time nya naka lusong sa baha at gusto pa mag swimming.


No, no, no…facebook at friendster, di nyo pa ko maaakit. Twitter…medyo malapit na, sana pilitin ako ni Bianca Gonzales mag twitter (I read her twits!).


Food…some more recipes coming up: bulalo, sweet and sour pork etc….yum!


Miss: I miss school (see you soon UP & MWS). I miss my UP crush, angel.Hahaha.


Work: Overloaded na. Enough rest, kailangan ng kumita dahil mag papasko na! More projects please.


Wrath: Ang problema sa ibang tao mapag samantala at ganid. Ang daming nanakawan na mga bahay. May kalamidad na andami pa ring masasamang loob. Yung ibang tao na nag evacuate sa schools, sinira ang mga classrooms at ninakaw pa mga libro.Tsk, tsk, tsk. Yung ibang politicians naman, kailangan ba talaga may picture at dedication nyo pa ang mga relief goods?

May mga taong sadyang hindi nag iisip…parang epidemya, bilis makahawa.

5 comments:

engel said...

twitter, i don't think i'll ever sign up sa twitter. matagal na and marami nang nagiinvite sakin dun, but i don't think maaattract ako dun. even if bianca gonzales invites me. =P

good to hear na wala ng tubig sa house ninyo.

Rio said...

sign up na sa plurk=D

kakatuwa naman si cairo..naalalala ko tuloy nung bata pa ako na tuwang tuwa din ako kapag nakakalusong sa baha..napakasimple talaga ng kaligayahan ng mga bata...=D

aabanagan ko mga recipes mo ha=D

wanderingcommuter said...

so far, wala akong kilalang hindi tumulong sa nakaraang bagyo... bayanihan in its finest...

wait said...

life is full of surprises..

domjullian said...

@ Engel, medyo medyo pa lang naman.

@ Rio, excited si Cairo ulit kasi mag gagawa kami ng improvise tulay.

@ Wandering Commuter, ummm. salamat sa pagbisita.

@ Wait, bat alang food adventure lately?hehe