Thursday, July 30, 2009

Boredom 001

Walang magawa kaya napag tripan ko mag photofunia. Suggestion ng isang kaibigan na adik na adik sa internet. Di ako makarelate sa farm something sa facebook kasi wala akong facebook. Ang kulit may farming farming pa nalalaman, ako naman tawa ng tawa kasi tuwang tuwa sila kaka harvest ng kung ano anong gulay at prutas. Buti sana kung totoong pera makukuha mo kaso being virtual, virtual money din ang kikitain mo. Magkakaron ka ng virtual properties. Fourt hours lang kailangan mo para maka harvest ka ng 10 ektaryang grapes. Astig. Kung ganun totoo sana yan. Kahit dumugo ang mata ko kaka facebook, ok lang. Virtual insanity.Di ako pwede sa ganyan kasi time consuming at wala nga akong facebook.


Sa school naman, nakuha ko na yung long exam ko kay RD (RD by the way is the great Randy David, no less!), lo and behold, 1.5 ang grade ko.Yipeeeee! 1.75 ako sa objective exam at 1.25 ako sa essay. Ibig sabihin, konting pagsisikap na lang e magka wavelength na kami ng utak ni RD. Tas eto pa, reaction nya sa reaction paper ko about SONA - hindi ko daw gusto ang politics at alam nyang hindi ko pinanood yung SONA kasi walang ka SONA-SONA ang laman ng reaction paper ko, negative, pero bumawi sa huli kasi he saw daw the points I made. OK na yan kesa sa reaction nya sa reaction paper ng katabi ko - pwede pang mag drop!


Eto na ang aking first public appearance sa blog:


Ayan ha edited pati katawan ko kasi kita utong ko. Para rated PG padin.


Mata pa lang ulam na.Hehehehe!

6 comments:

Chimmie said...

anu ba yun. nakatakep naman. hihihi. galeng ng gawa mu.

kuri said...

uy, dami pala natin similarities ano, i'm sure gwapong gwapo ka din gaya ko! next tym ano naman kaya papakita mo?

may facebook ako pero di ko trip ang virtual games dun.

congrats, sa mataas na grade parekoy!

Zai Zai said...

waw congrats sa 1.5! nag pay off ang pag review nyo ni cairo. at sana next time mas revealing ang pic mo. kahit ilong, tapos next time bibig naman. edit ko na lang at pagdikit dikitin para makita ko na ang kagwapuhan mo dom. :)

domjullian said...

@Chimmie, onti onti lang para may thrill.Hehehe.Baka kasi mabigla kayo pag nakita nyo ko.

@Kuri, uu dami nga. Cge kunwari gwapo din ako para may additional similarity.

@Zai, di ko din ineexpect yun pero gusto ko flat 1.0.Hehehe. Di pa kasi ako ready maging artista kaya ayoko muna magpakita. Baka di nyo kayanin.Hehehe

Zai Zai said...

naku handang handa na ako para sayo dom. resident ako ng fans club mo. hehe

domjullian said...

@Zai, kaw kukunin ko manager.Hehehe