Monday, July 6, 2009

OPLAN STAR GAZING PARTNER CUM WIFE TO BE

Nag star gazing ako mag isa last Friday sa UP. Inaantay ko yung isang friend ko because we decided to meet up (for a partey!) sa UP since malapit lang cya dun. Habang hihintay ko cya ayun. Sumlampak ako sa damuhan at nanood ng mga bituin, walang falling star, sayang, mag wi wish pa naman sana ako.


Sarap ng feeling, tagal ko na kasi hindi nagagawa mag star gazing at mag relax. Mga star lang iniisip mo.


Nagmuni-muni din ako ng bagay-bagay sa buhay ko. Ang tanda ko na pala. Next year, wala na ako sa kalendaryo. Marami pa akong mga bagay na gustong gawin di lang pansarili kundi sa anak ko. Marami na rin naman akong na accomplish sa buhay. Marami rin nagawang mali, nalait na tao at kung ano ano pang kabulastugan pero pa minsan minsan ay nakatatawag pansin sa pag gawa ng mabubuting bagay.


Habang iniisip ko ang mga bagay-bagay, napansin ko di lang ako nag iisa. Dami rin pala nag star gazing, ang kaibahan ko nga lang sa kanila, mag-isa lang ako, sila may mga partner, may mga kayakap habang nagaabang kung tatamaan ba sila ng falling star o hindi.

Ang su sweet nila. Sarap din panaoorin kasi yung iba medyo kinakarir ang pagiging sweet at umaadvance kay babae. Kilitian na nauuwi sa halikan na nauuwi dun sa biglang liko. Naisip ko, nakaka inggit sila. Masarap ata may ka kwentuhan at kayakap ka habang ng star gazing. Parang na mi miss ko na magkaroon ng lablayp at sa tingin ko handa na ako sumabak ulit sa isang relasyon (whew!).


Nabanggit ko dati na may kras ako pero nauwi din sa wala. Nag-AWOL cya at hindi ko na nakita hanggang ngayun kahit parati pa rin ako nag go grocery kung saan kami madalas magkita. Ang ending, nabigo na naman ako. Well, dahil sa katangahan…stalker ang dating ko. Di nya ako kilala at di rin ako nagpakilala sa kanya kahit ilang beses na nagtama ang aming mga mata. Torpe mode. Imagine sa tanda kong ito na to torpe pa ako. Bwiset!


Nag-isip isip ako na kailangan ko na humanap ng makakasama mag star gazing na di lang kaibigan syempre, yung romantic at sana e maihahatid ko na rin sa simbahan bilang maybahay.

Kaya ngayun, isa sa mga ka karirin ko ang paghahanap sa star gazing partner ko. Let’s call it OPLAN STAR GAZING PARTNER CUM WIFE TO BE.

Ayus yan kasi sisiguraduhin ko na hindi lang hanggang star gazing partners ang magiging title naming kundi husband and wife.Weeeee!


At sana magustuhan cya ni Cairo at magustuhan din nya si Cairo. Ako na lang walang asawa sa amin magkakapatid and I'm not getting any younger.Sigh!

So, let’s start the ball rolling....wish me luck!




In youth the days are short and the years are long; in old age the years are short and the days long.

Nikita Ivanovich Panin

No comments: