Friday, July 3, 2009

Family Humor 001

My left eyelid’s been twitching for the past few days so I called up kuya #3 (a doctor) to ask what’s happening with my eyelid.


Domjullian: Kuya yung eyelid ko tumitibok-tibok.

Kuya #3: Huh? Panong tumitibok?

Domjullian: Ewan ko. Nag tu-twitch cya involuntarily. Ano yun?

Kuya #3: Ewan ko baka stress ka lang. Kasi andaming mong ginagawa. Lagi ka pang nakaharap sa computer kaya ayan. Blah…blah…blah…(Dami pa nyang sinabing kung ano ano a hindi ko na pinakinggan.Nag tanong lang ako, sinermunan pa ko).

Domjullian: Ano gagawin ko?

Kuya #3: Tatanong ko kay Alden (yung friend/classmate nya sa Med school na optometrist). Lagyan mo muna ng hot compress at ipatingin mo na yan.

Domjullian: Ah ok! Cge pautang ng pera pang patingin.

Kuya #3: Gago! (sabay bagsak ng telepono).


After 10 seconds, tinawagan ko ulit si Kuya #3


Domjullian: Ba’t mo ko binagsakan ng telepono? Para nangungutang lang.

Kuya #3: E kasi...(toot*toot*toot*).

Binagsakan ko din cya ng telepono para quits.


After an hour... nag sumbong si kuya #3 sa mommy ko

Mommy: Bat ka nangungutang sa kuya mo? Wala ka ng pera? Blah…blah…blah(naglitanya din cya, di ko na narinig yung ibang sinabi nya kasi nag co concentrate ako panonood ng Tayong Dalawa with my son).


Domjullian: Jino joke ko lang cya. Nag ti twitch yung eyelid ko, what do you think?

Mommy: (A doctor too) Lagi ka kasing nasa computer pag wala, nanonood ka ng TV…blah…blah…blah…litanya marathon ulit. Tas sa huli...inunahan mo pa ko mangutang sa kuya mo di tuloy ako naka hirit.

Domjullian: ***kunot noo***

Son: ***Kunwari nanonood pero napakatalas ng tenga nun aka chismosong bubwit***


After my mom left.


Son: Wala ka ng pera?

Domjullian: Meron, jino joke ko lang si tito. Sumbungero yung tito mong yun.

Son: May pera ako galing kay mommy, pautangin na lang kita. Pero may tubo. ***devil smile***

Domjullian: *Major headache*, malapit na masiraan ng ulo

2 comments:

Zai Zai said...

hehe sana di matuloy ang pagkasira ng ulo mo. mahirap ata na masira ang ulo with matching twitch sa mata :)

domjullian said...

Pwede na masira ulo ko kasi wala na yung eyelid twitch ko.Hindi na ako mukhang cursor sa computer na kurap ng kurap.