Wednesday, July 15, 2009

Recipe: Burger Steak

Kanina naisipan kong mag luto ng burger steak kasi nagsasawa si Cairo sa hamon, turkey, roast beef, morcon at kung ano ano pang pagkain namin mayayaman.Hahaha. Tamang tama kasi nag panic buying ako ng burger sa grocery na pwede ng pambaon nya hanggang next year. Tsaka umuwi kasi cya ng maaga galing sa paglalaro (maaga meaning hindi ko pa cya sinusugod at sinisigawan sa kalsada kung san cya naglalaro, nagkusa na umuwi).


Pag natikman nyo ako, este yung niluto ko, mapapanis ang burger steak ng jollibee sa sarap. Tignan nyo naman malapit na magkakaroon na ng rival ang burger steak ng jollibee. Di pa ko masyadong nag effort dyan kasi nanonood ako ng TV habang nagluluto:



Eto ang recipe para dyan:


Ingredients:

Burger patties (store bought)
Cream of mushroom powder (dissolve in 1/2 cup of liquid from button mushroom)
Knorr Liquid Seasoning
Canned button mushroom (sliced)
1/2 cup of Liquid from the canned button mushroom
Butter
Garlic powder & pepper
Bellpepper
Flour for thickening


Procedure:

Fry or grill the burger. Para sa mayayaman, i fry sa non stick pan para hindi na lalagyan ng oil kasi 50% ng burger e fat or i grill para mas sosyal. Sa mahihirap, mag tiis kayo sa sanrekwang fat galing sa burger. Set aside.


Igisa ang button mushroom sa butter tas ilagay ang dissolved cream of mushroom powder. Pag kumulo na, timplahan na using the liquid seasoning, pepper and garlic powder tapos i-thicken according sa gusto mong consistency. pakuluin ulit sa mahinang apoy. Pagkulo, ilagay na yung bellpepper. Yun na yun. Pwede na i top sa burger. Lamon na!


Eto ang kinalabasan after namin kumain ni Cairo:



Oha, simu't sarap. Lamang lang kami ng konti sa mga patay gutom. Kulang na lang himurin namin lahat. Halatang nagsisinungaling lang ako dun sa sinabi kong panay hamonado at morcon kinakain namin at mayaman kami.Hahaha!

8 comments:

kuri said...

cigurado k masarap to ha? paborito ko ang burger steak ng jollibee. :p~

domjullian said...

oo pramis! tatalunin nyan burger steak ng jollibee

Zai Zai said...

sarap mo naman....magluto! mukha ngang taob ang jollibee sa burger steak mo. kung ako kumain nya, pati plato nakain ko siguro. nag dedeliver ka ba? :)

domjullian said...

Hehehe. Pag ikaw nag order, free of charge ng delivery.Ako pag may dedeliver.hehehe

Zai Zai said...

o, asan na ang burger steak na inorder ko? tumawag na ako sa 1-dom-jullian ah. hehe :)

domjullian said...

Zai, mali ka ng tinawagan, its 1-hot-daddy-domjullian. Hehehehe

Jollibee Philippine said...

Well, that burger steak looks so delicious, feels like I'm craving for my favorite Jollibee burger steak. Wish I can also taste it for myself Anyway, I'm been looking for topics as interesting as this. Looking forward to your next post.



-megan-

domjullian said...

Thanks Megan!